Si Anhiro ay nasa harap ng bahay ni Denstah. Nakasandal sa kanyang motor habang sinisipa ng kanyang sapatos ang lupa. Hawak niya pa rin ang kwintas, simula nang mawala si Mesaiyah ay hindi niya pa ito nabibitawan. Napatigil siya sa pagsipa ng lupa nang maisip niya ang kanyang lolo. Kailangan niyang makausap ang matanda ngayon kaya nagmadali siyang pumunta sa resort na kinalalagyan ng matanda gamit ang motor. When he finally arrived, tinawag niya agad ang kanyang lolo na ngayon ay naglalaro ng golf. Napatigil ang matanda sa paglalaro nang marinig ang boses ng apo. Bumukas ang kwarto kung saan naglalaro ang matanda, nagulat siya nang biglang lumuhod sa kanyang harapan ang apo.
"I will marry, Kosuri." wika niya habang nakaluhod. Natawa lang ang matanda sa kanyang sinabi.
"In one condition." he added.
"Ano 'yun?" Tanong ng matanda.
"Ipahanap mo si Mesaiyah para sakin." natawa na naman ang matanda at ipinagpatuloy na ang paglalaro.
"Ha-ha-ha! Okay. As you said Anhiro. Ipapahanap ko si Mesaiyah para sayo. Tumayo kana diyan." Tumayo na si Anhiro. Hindi niya alam kung tama ang sinabi niya, hindi niya alam kung ito ang nararapat na gawin pero ang alam lang niya, ito lang ang paraan para makita niya si Mesaiyah.
"Haaay! Iba na talaga nagagawa ng pagmamahal. Parehas kayo ng iyong ina." Dagdag ng matanda pero nanatili siyang tahimik.
"Nagmakaawa ang ina mo sakin. Lumuhod din siya dahil sa isang lalaki dahil muntikan ko ng ipapatay ang iyong ama. Sinungaling ang ama mo bago pa niya pakasalan si Hana ay may nauna na itong asawa." Napatingin siya sa kanyang lolo. Hindi niya alam na may unang asawa pa pala ang kanyang ama kaya nagulat siya sa nalaman.
"At dahil sa pagmamahal ng iyong ina sa iyong ama. Isinuko niya ang lahat. Lahat ng ibinigay ko sa kanya ay isinuko niya para sa iyong ama. She said, she can't live without him at dahil sa takot akong mawalan ng anak, pinatawad ko ang iyong ama. I gave him a second chance at ayun, pinatunayan niya ang kanyang sarili sakin tapos nagpunta sila dito, sa Pilipinas at nag ampon ng anak. Siya si Anthea."
"Anong pangalan ng unang asawa ni dad?" Tanong ni Anhiro.
"Mesaiyah. Her name is Mesaiyah." Matapos niyang itanong yon' ay iniwan na niya ang kanyang lolo. Saglit siyang napatigil sa pintuan.
Bakit kapangalan siya ni Mesaiyah? Tanong niya sa kanyang sarili.
Napapikit nalang siya ng mata at lumakad na. Nagpunta siya muli sa lugar kung saan natagpuan niya ang kwintas ni mesaiyah. Nagmasid siya at kanyang napansin ang daan sa likod ng abandunadong bahay. Lumakad siya papunta dito at kalsada na ang matatagpuan pagkalabas at sigurado siyang dito sila dumaan para tumakas.
Naupo siya sa gilid ng kalsada, namimiss na niya si Mesaiyah. Kinuha niya ang cellphone ni Mesaiyah sa kanyang bulsa, tiningnan niya ang mga pictures nito. Dadalhin niya pa ito sa paris para makita ang eiffel tower, pangarap niyang dalhin ang minamahal niya dito pero ngayong wala si Mesaiyah at hindi niya alam kung nasaan, hindi niya alam kung matutupad pa ang pangarap. Gustong-gusto na niyang marinig ang boses nito, gusto na niyang makita ang mukha nito, gusto niya muling mahalikan ang labi nito at gusto na niyang mayakap ito at mahawakan ang kamay. He is wondering kung nasaan talaga si Mesaiyah pero malakas ang kutob niyang buhay pa ang kanyang hinahanap. Pero kailangan niya munang malaman kung sino ang unang asawa ng daddy niya.
A week later, walang pa ring pagbabago. Malungkot pa rin ang lahat, sa tuwing may dumadalaw na kaibigan kay Terra ay nagdadala ito ng mga bulaklak at prutas samantalang si Kerk. Hindi niya talaga iniwan si Terra kahit na malapit na silang umuwi sa Japan.
"Bro! Magpapaiwan ka talaga? Hihintayin mo talaga siyang magising? Paano kung matanda na kayo parehas tapos dun palang siya nagising. Hindi na kayo magkakaanak niyan." Sabi ni Razec, hindi alam ni Kerk kung nang-aasar ang kaibigan o ayaw lang nitong maiwan siya dito para hintayin ang mahal niyang 50-50 ang possibility na magising.
"Kahit habang buhay pa siyang hindi magising, nasa tabi niya pa rin ako." Sagot ni Kerk.
"Asus, gumaganyan kana ha!"
"Ikaw? Hindi ka natatakot na iwan mo si Maysel. Hala ka kapag iniwan mo yun maraming papalit sa'yo."
"Nagpromise kami sa isa't-isa na wala kaming ibang mamahalin." Sagot ni Razec sabay umupo sa couch. Nakadikwatro habang ang magkabilang braso ay nakadipa at nakapatong sa sandalan.
"Promises are meant to be broken." Sagot naman ni Kerk. Natawa lang si Razec sa sinabi ng kaibigan, nahalata niyang simula nang maaksidente si Terra ay nagdadrama na ito.
"Alam kong promises are meant to be broken pero kaming dalawa ni Maysel ang magpapatunay na ang promises are NOT meant to be broken." Napangiwi lang si Kerk sa sagot ni Razec. Hindi ako naniniwalang kayo ang magpapatunay. Kalokohan! He thought to himself.
"Si prince? Okay lang na bumalik siya sa Japan?" Lately, hindi na updated si Kerk sa mga nangyayari dahil daig niya pa ang doctor kung mabantayan at maalagaan si Terra.
"Oo, tuloy na ang kasal nila ni Kosuri." Malungkot na sagot ni Razec.
"Ano? Pumayag si prince?"
"Oo, basta kapag nakita na niyang ayos lang si Mesaiyah, magpapakasal na siya dito. Naaawa nga ako kay prince. Siguro, talagang sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkawala ni Mesaiyah." napabuntong-hininga si Razec."
"Ayaw na niya sigurong masaktan pa muli si mesaiyah kaya magpapakasal na siya." Dagdag niya. Silang dalawa lang ang nasa kwarto, kanina kasama ni Razec si Maysel pero umalis din agad ito dahil may pupuntahan daw siya.
"Pare. Favor naman." Wika ni Kerk sabay lumapit siya sa kaibigan.
"Ano 'yun?"
"Pwede bang puntahan mo ang mga magulang ni Terra? Tingnan mo sila para sakin." Napairap nalang si Razec sa kaibigan. Wala naman siyang magagawa kundi gawin ang pabor nito.
"Oo, sige na. Wala rin naman akong magagawa eh."
"Thanks pare. I owe you one." Napairap lang ulit si Razec at umalis na sa hospital. Pinatunog niya muna ang kotse na nakapark bago pumasok at paandarin ito. 20 minutes later ay nakarating na siya sa bahay ng mga magulang ni Terra at pagdating niya dito ay may dalawang lalaking sinasaktan ang mag-asawa at may naka all white na babaeng nakatayo pero hindi niya mamukaan ito dahil sa laki ng sumbrero tumatabon sa mukha nito. Tumago siya sa gilid ng bahay habang pinapakinggan niya ang kanilang mga sinasabi.
"P-patawarin niyo na po kami. Nakuha niyo naman na si Mesaiyah. Wag niyo na kaming saktan." Wika ni Irene. Nakaluhod siya at nagmamakaawa.
"Naawa ka ba nung sinasaktan mo ang anak ko? Yes, I absolutely know na may utang ako sa'yo, utang sa pangangalaga sa anak ko pero akala ko magiging maayos ang buhay niya sa kamay niyo." ANAK KO? Is she pointing to mesaiyah? Tanong ni Razec sa kanyang sarili.
"You even gave my daughter to that guy because of money. Ha!"
Oo, si mesaiyah nga ang tinutukoy niya. Kung ganun, nasa kanya si Mesaiyah? Sht! Kailangan malaman ni Prince ito. Wika na naman niya sa kanyang sarili. Agad-agad siyang nagtatakbo papunta sa kotse niya at pinaharurut ito. Sa bahay ni Denstah siya nagdiretso dahil alam niyang dito si anhiro pansamantalang nakatira.
"Prince? Nasaan si prince?" Tanong ni Razec kay Anthea na ngayon ay nasa living room kasama si Denstah, nang dumating si Eazec ay naghahalikan ang dalawa. Nainis tuloy si Anthea.
"Walang katok, katok na talaga ngayon. Asar itong lalaki na'to! Bakit mo ba hinahanap ang kapatid ko? Nasa kwarto siya, umiiyak na naman." Nagtatakbo si Razec sa kwarto na sinasabi ni Anthea. Pinukpok niya ito ng sobrang lakas na akala mo ba may nakaaway itong si Razec.
"PRINCE!! ALAM KO NA KUNG NASAAN SI MESAIYAH! PRINCE, HOY! WAG KANA UMIYAK!!" lumabas si Anhiro sa kwarto. Umiiyak nga siya, pinunasan ni Anhiro ang kanyang luha.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Nasa magulang niya si Mesaiyah." Bumaba si Anhiro sa hagdan at nagdiretso sa living room.
"Papatayin kita kapag ako pinagloloko mo Razec." Yun nalang ang nasabi ni Anhiro.
"Totoo ang sinasabi ko. Pumunta ako sa bahay ng mama at papa niya at narinig ko ang sinasabi nila. Diba nga sinasaktan si Mesaiyah ng kanyang mga magulang dati tapos ngayon, naghihiganti ang tunay na magulang ni Mesaiyah." napaupo sa couch si Anhiro.
"So natagpuan na ni Mesaiyah ang tunay niyang magulang? Buti pa siya. Ako, kaya kelan?" singit ni anthea. At napatingin lang si Anhiro sa kanya.
"Alam mo ba kung nasaang lugar?" Tanong ni Denstah at umiling-iling si Razec means hindi niya alam kung nasaan. Napabuntong hininga silang lahat.
"Oo, buhay si Mesaiyah pero hindi naman natin alam kung nasaan? Wala ding silbi." wika ni Anthea.
"Dapat hindi ka muna sumugod dito at pinaalam kung nakanino si Mesaiyah, masyado kang excited. Dapat sinundan mo sila para malaman natin kung nasaan siya." Dagdag naman ni Denstah. Napakamot nalang sa batok si Razec.
"Oo nga noh? Epic fail talaga ako. Hehehe." Tumayo si Anhiro sa couch at lumakad palabas ng bahay. Alam nilang pupunta sa dating bahay nila mesaiyah si Anhiro pero pinigilan siya ni Razec.
"Pero prince." napatigil ito sa paglalakad.
"All white ang babae. All white at mukhang hindi sila taga dito sa Pilipinas that just means, royal blood."
"Ano?" Nagtatanong ang kunot na noo ni Anthea.
"Hindi lang isang ordinaryong babae ang ina ni Mesaiyah, isa siyang royal blood at siya ang mortal enemy ng clan natin. Siya 'yung nasa white ng yin and yang."
"The hell. Are you serious? Dami mong nalalaman." Tanong ni Anthea at tumango naman si Razec.
"Paano kung malaman ni lolo ang tungkol sa ina ni Mesaiyah? Waah! Grabe ang tadhana! Pinapahirapan masyado ang kapatid ko." Dagdag nito habang hinihilot ang kanyang sintido.
"Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala." Nakaramdam na naman ng awa si Anthea sa kanyang kapatid. May pag-asa na sana kaso naging complicated na naman ang sitwasyon.
**
"Saan ka po nanggaling?" Tanong ni Mesaiyah sa ina na kadarating lang. Ibinaba niya ang sumbrero sa may sofa at nagdiretso sa anak na nakahiga pa rin.
"Sa mga magulang mo. Pinagbayad ko sila sa ginawa nila sa'yo. Wala silang karapatang saktan ka."
"Pero sila pa rin ang mga magulang ko. Sila ang nagpalaki sakin. Kahit na sinasaktan nila ako, may utang na loob pa rin ako sa kanila. Sana hindi niyo nalang ginawa 'yun." Wika ni Mesaiyah at tumalikod sa ina.
"I'm sorry. Gusto lang naman pagbayarin sila, sinaktan ka nila. Nag-aalala ako sa'yo."
"Wag niyo pong pangunahan ang buhay ko. Ikaw ang tunay kong ina pero hindi ikaw ang nakasama ko. Kasalanan mo kung bakit nangyari ito sakin. Lahat ng 'to." Natahimik ang ina ni Mesaiyah sa sinabi nito. Iniintindi nalang niya ang anak dahil totoo naman ang kanyang sinasabi. May sama pa rin ng loob sa kanya si Mesaiyah dahil sa pag aabanduna sa kanya noong bata pa siya at siya rin ang dahilan kung bakit nasa hospital ang kapatid niya ngayon.
"I bought you a wheel chair. Gamitin mo muna ito hanggang hindi pa gumagaling ang binti mo."
"Salamat." Sagot ni Mesaiyah.
"Asawa mo si Anhiro?" Tumango si Mesaiyah.
"Wag ka ng makikipagkita sa kanya, kailangan mo ng lumayo sa kanya. I don't like him for you. Kapag gumaling kana, may ipapakilala ako sa'yo." Hindi sumagot si Mesaiyah sa sinabi ng ina. Narinig niya ito pero hindi lang talaga siya nagresponse. Umalis na sa kwarto ang kanyang ina at naiwan siyang umiiyak. Naalala niya ang kwintas na binigay sa kanya ni Anhiro, kinapa niya ito sa dibdib pero wala siyang maramdamang kwintas. Pinunasan niya ang kanyang luha, I miss you! Bulong niya sa hangin. I miss you! Pag-uulit niya. Sana dumampi sa kanyang labi ang ibinulong ko. She said to herself.