Lady of the Blue Moon Lake

By msrenasong

136K 4.1K 498

Sagittarius Heartfelt, typical na tipo ng estudyante. Mabait, Masayahin, may pagka mainitin ang ulo, likas na... More

Lady of the Blue Moon Lake
Chapter 1. The Lady
Chapter 2: Hallucinations
Chapter 3: Unknown Visitor
Chapter 4: Lilian
Chapter 5: How do I call this day?
Chapter 6: Just a Simple Day
Chapter 7: Glimpse of What's Within
Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness
Chapter 9: Bleak
Chapter 10: Unexpexted visitor
Chapter 11: A Warm Greetings
Chapter 12: Comfortable
Chapter 13: Home
Chapter 14: His Decision
Chapter 15: Last Normal(?) Day
LOTBML Facts
Chapter 16: Timothy von Flavel
Chapter 17: Sad Flower
Chapter 18: Red moon. Little Miss Lilian
Special Chapter: Crossover Part II
Chapter 19: The Vows, New Water Meister
Chapter 20: Lilian's First Day of School
Chapter 21: Lilian the Popular
Chapter 22: Memory from the Heart
Chapter 23: Someone from the Past
Chapter 24: Remembering Someone
Chapter 25: Sagi's Weird Feelings
Chapter 26: Sagi's First Fight
Chapter 27: Lover
Chapter 28: Getting Close
Chapter 29: Cashmere
Chapter 30: Fallen Angel
Chapter 31: The Awakening of the Fire
Chapter 32: Being a Meister
Chapter 33: Incantations
Chapter 34: Angelica, The Guardian Spirit
Chapter 35: Water and Earth
Chapter 36: Fight to Pursue
A Valentine Special
Chapter 37: Fight to Pursue (Part 2)
Chapter 38: Explaining things
Chapter 39: The Wind Element's Meister
Chapter 40: Start of being a chosen
Chapter 41: The Suffering of the Meister
Chapter 42: Vacation in Sequoia
Chapter 43: Vacation in Sequoia II
Chapter 44: Fire's Compromise and Water's Catastrophe
Chapter 45: Back to School
Chapter 46: Enemies
Chapter 47: Who's the Enemy?
Chapter 48: Suspicions
Chapter 49: Truth Revealed
Chapter 50: Silhouette of a God
Chapter 51: Silhoutte of a God 2
Chapter 52: Pain
Chapter 53: Distance
Chapter 54: New Water Goddess
Chapter 56: Loyalty
CHAPTER 57: Giulia's Side
Chapter 58: GIULIA'S GRIEF
Chapter 59: Catleya
Chapter 60: Full Moon
LOTBML 2ND ARC
2nd Arc: Chapter 2

Special Chapter: LOTBML and Elements Crossover

1.9K 48 8
By msrenasong

Hello po mga Meisters!

Ito na po yung 2-chapter special ng LOTBML. Sana po ay magustuhan ninyo :)

Ngayon pa lang po ay sinasabi ko na sa inyo na ang mga mangyayari sa chapter na ito ay walang magiging epekto sa takbo ng kwento ng LOTBML.

Ang chapter na ito ay dala lang ng aking malikot na imahinasyon at damdaming di maunawaan XD

Medyo advance din ang mga pangyayari dito ng LOTBML. Yay! Reading time!

……………..

Sa isang liblib na lugar ng siyudad na kung tawagin ay Zen, nakatayo ang isang dojo, nakatira at nagsasanay ang mga natatanging bata, sila ang mga hinirang. Ang mga napili upang labanan ang kasamaan at iligatas ang mundo sa tiyak na kapahamakan. Ang mga taong ito ay nagtataglay ng iba't ibang kapangyarihan ng mga elemento. Ang Hangin na hawak ng binatilyong si Sky, Apoy na pagmamay-ari ng dalagang si Flaire, Lupa naman ang ipinagkatiwala sa binatilyong si Rocky at Tubig naman ang napunta sa mayuming dalagang si Mizuri.

---------------

"Magandang umaga po, Lolo, Mang Merkyuryo." magalang na bati ni Mizuri sa dalawang matandang lalaki na nakaupo sa may gilid ng dojo.

"Ikaw pala, Mizuri. Magandang umaga din." nakangiting tugon naman ng kanyang lolo.

"Nakahanda na po pala ang agahan. Halina po kayo at sabay-sabay na po tayong kumain."

 

"Uhm, mabuti pa nga. Tayo na." sabi naman ni Mang Merkyuryo at tumayo na.

Sa silid kainan naman ng mga oras ding iyon...

 

"Sigurado ba kayong makakain ito?" medyo awkward na tanong ni Rockie habang tinitignan ang sunog na pagkain na nakahanda sa lamesa.

"Sino ba ang nagluto nyan?! Eh kahit siguro aso hindi yan kakainin eh." reklamo naman ni Aaron.

"Anong sinabi mo...Lumen?!" nakayuko at nanggigigil na tanong ni Flaire. Nakakatakot din ang lumalabas na aura mula dito.

"Eh?! I-ikaw ba ang nagluto n-nito Flaire?" kinakabahang tanong ni Rockie.

"Inay ko po! Lagot!" kinakabahang bulong ni Aaron sa sarili.

"KUNG MAY PROBLEMA KA DIYAN SA LUTO KO AY WAG KANG KUMAIN! SINO BANG PUMIPILIT SAYO? AT ISA PA, BAKIT DITO KA NAG-AAGAHAN HA? MERON KA NAMANG SARILING BAHAY!" halos mag-apoy ang mga mata ni Flaire sa sobrang inis. Nanginginig naman sa takot sina Rockie at Aaron.

"Sandali lang, Flaire. Kumalma ka lang muna hehe. Pagpasensyahan mo na lang sana iyang si Aaron. Sorry din kung nakaabala kami ah, inaya kasi kami nila Sensei na dito mag-agahan eh." pigil naman ni Sky kay Flaire.

"Ha? Naku, sorry Sky. Hindi ko alam eh. Pasensya ka na talaga. Kung alam ko lang sana na dito ka mag-aagahan ay pinagbutihan ko pa sana ang pagluluto." bigla namang naging maamong tupa ang kanina'y nagliliyab na sa galit na si Flaire.

"Pinagbutihan pa sana? Itong luto nya ay pinagbutihan na nya?" bulong ni Aaron na punong-puno ng pagkadismaya sa mukha. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Flaire ang mga sinabing iyon ni Aaron kaya tiningnan nya ito ng masama at hinablot pa ang damit nito.

"May sinasabi ka ba dyan, Lumen?!"

 

"Ah, hehe. W-wala naman." sagot ni Aaron at tinaas pa ang mga kamay na simbolo ng pagsuko.

"Ayos lang naman Flaire. Pinaghirapan mong lutuin ang mga pagkain na ito kaya kakainin namin itong lahat. Salamat ha."

 

"waaaahh...napakabait talaga ni Sky. Lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya." sandaling naglakbay sa mundo ng pantasya itong si Flaire.

" Ang mabuti pa ay umayos na tayo. Papunta na dito sila Sensei."

 

Maya-maya pa nga ay dumating na sina Mizuki at ang dalawa pang matanda.

Nakakapagtaka at hindi pa nauupo ang matatanda at nanatiling nakatayo sa gilid ng hapagkainan. Hindi rin mabasa ang kakaibang reaksyon sa kanilang mga mukha. Nakasimangot naman sina Aaron at Rockie at medyo alanganing magsimulang kumain. Sina Mizuki at Sky naman ay puno ng pagtataka sa mga mukha. Hindi nila alam kung ano bang nangyayari sa mga matanda pati na din kina Rockie at Aaron. Si Flaire naman ay tahimik lang na nakayuko at kulang na lang ay matunaw sa init ang hawak nyang kutsara.

"Ah...eh..hehe teka...sino ang nagluto ng pagkain?" napapakamot ulong tanong ng lolo ni Mizuri.

"Sigurado ba kayong pagkain yan?" tanong naman ni Mang Merkyuryo at tinignan ng maigi ang pagkaing nakahain sa lamesa.

Bigla na lamang nabalot ng awkward na aura ang buong silid kainan. Lalong yumuko si Flaire ng nanginginig ang mga balikat. Sina Aaron at Rockie naman ay lalong sumama ang timpla ng mukha.

"Eh?" nasabi na lang ni Sky at alanganing ngumiti.

"Ha?" takang tanong ni Mizuri ng may inosenteng mukha.

---------------

"Ehem. Ehem." basag ni Mang Merkyuryo sa katahimikan.

Lahat sila ngayon ay mga mukhang ewan na nakatayo sa kaninang malinis at maayos na silid kainan. Ngayon kasi ay halos sunog na ito. Mabuti na lang talaga at naagapan nila Mizuri, Sky at Rockie ang apoy na nagmula kay Flaire. Gamit ang kanilang nga kapangyarihan ay inapula nila ang mabilis na pagliyab ng apoy sa buong silid.

"P-Pasensya na po talaga kayo, Mang Merkyuryo." puno ng kalungkutan na hingi ng paumanhin ni Flaire.

"Ayos lang hija. Pasensya na din kung na-offend kita." awkward na sabi ng matanda.

Matapos makakain ng agahan, (na niluto na ni Mizuri) ay napagpasyahan ng dalawang matanda na mamili ng mga bagong gamit para sa aayusing silid kainan. Naiwan naman ang mga bata sa dojo para ayusin ang muntik ng matupok na silid at mag-ensayo na din pagkatapos.

"Haaay...ano ba naman itong trabaho natin?! Mas gusto ko pang mag-ensayo kaagad eh."-Aaron

"Mamaya na natin yun gawin. Ayusin na muna natin itong dining para may makainan na ulit tayo ng maayos mamaya."-Rockie

"Sorry talaga, Sky. Isa akong disaster. Hindi na nga ako nakapagluto ng maayos ay nagawa ko pang sunugin itong dining area." mangiyak-ngiyak na sabi ni Flaire.

"Ah...hehe, wag ka ng malungkot Flaire. Hindi mo naman yun sinasadya eh."

 

"S-Sky..." napatingin naman si Flaire kay Sky na puno ng paghanga ang mga mata.

"Simulan na nating maglinis." nakangiting sabi ni Sky.

Napagdesisyunan na nga nilang pagtulungang ayusin at linisin ang dining area. Wala namang nagawa si Aaron kundi ang tumulong din kahit ayaw niya.

Habang naglilinis ay may nakitang maliit na kahon si Rockie sa isa sa mga kabinet sa dining area. Base sa itsura ng kahon ay lumang luma na ito. Puno ng mga alikabok at kinakalawang na ang mga bakal na bisagra at desenyo ng kahon.

"Ano kaya ito? Sa tagal ko na dito sa dojo ay ngayon ko lang ito nakita ah." sabi ni Rockie at nilabas ang kahon at dinala sa labas ng bahay upang linisin at tignan ang laman nito.

"Oy, ano yang kahon na yan Rockie?" tanong ni Aaron at nilapitan si Rockie.

"Hindi ko nga alam eh."

 

"Uwaaaah! Baka isa yang treasure chest?!"

 

"Treasure chest? Hindi sa tingin ko." at pinagpagan ni Rockie ang kahon.

"Hoy, kayong dalawa! Naglilinis kaya tayo dito. Bakit nakatayo lang kayo diyan?" puna ni Sky kina Rockie at Aaron.

"Mamaya na yan Sky! Tignan mo muna ito."-Aaron

"Huh?" nilapitan naman ni Sky ang dalawa.

"Ano yan? Ang weird naman ng kahon na iyan."wika ni Sky ng makita ang kahon. Nasabi nya iyon dahil sa mga weird na carvings na nakaukit sa kahon ng maalis na ang alikabok dito.

"Tignan mo yun Flaire oh, mukhang may nakitang kakaibang kahon sina Rockie." sabi ni Mizuri kay Flaire ng mapansin ang tatlong lalaki na nakatayo sa labas ng dojo.

 

"Huh? Oo nga 'no. Halika tignan natin."-Flaire

Matapos malinisan ang kahon ay sinubukan nila itong buksan. Ngunit kahit anong gawin nila ay hindi mabuksan ang kahon. Lahat na ng pwedeng gawin at gamiting pambukas ay nasubukan na nila subalit bigo pa rin silang mabuksan ang kahon.

"Tsk! Ang tigas naman ng kahon na iyan!" reklamo ni Aaron.

"Dahil siguro sa sobrang luma kaya mahirap na syang buksan."-Mizuri

"Siguro nga."-Sky

Samantala, isang babae naman ang tahimik na nagmamatyag sa kanila. Ang babaeng ito ay si Kathandra, ang babaeng may hawak sa kapangyarihan ng kidlat.

"Ano bang ginagawa nila dun sa kahon?" takang tanong ni Kathandra habang sinisilip ang ginagawa ng lima.

"Hintayin na lang natin sila Sensei. Tiyak na alam niya kung paano yan buksan."-Rockie

"Mabuti pa nga." hindi naman sinasadyang sabay na binuhat nila Sky at Rocky ang kahon mula sa lupa.

"Ang galing naman ng nagcarve ng design nitong kahon, napakasopistikado." sabi ni Mizuri at sinipat ng kanyang mga daliri ang mga nakaukit sa kahon. Ganun din ang ginawa ni Flaire.

Sa ganoong ayos na hawak ng apat na hinirang ang kahon ay bigla na lamang itong umilaw. Namangha sila sa kanilang nasaksihan. Napakaganda ng liwanag na nilalabas ng kahon.

"Anong nangyayari? Bakit bigla na lang lumiwanag yang kahon?" manghang tanong ni Aaron.

"Wooow! Ang ganda." Mizuri

 

"Hindi ko din alam. Wala akong ideya."-Sky

Bigla na lamang bumukas ang kahon kaya nabitawan iyon nila Sky at Rockie. Paglapag ng kahon sa lupa ay mas lalo itong nagliwanag at may malakas na pwersang bigla na lamang lumabas sa kahon.

"Teka? Ano yung liwanag na iyon?" napatayo naman si Kathandra mula sa pagkakaupo sa kanyang pinagtataguan.

"Ano ito?! Bakit parang may humihila sa akin?"-Flaire

"Sa akin din!"-Mizuri

"Tsk! Ahhhh...ano itong pwersa na ito?"-Aaron

"Wag kayong magpapadala sa pwersa na humahatak sa atin."-Sky

"Ahhhh! Kumapit kayo."-Rockie. Sa tulong ng kanyang kapangyarihan ay tinibayan nya ang kapit ng kanilang mga paa sa lupa.

"Waaahhh! Masyadong malakas yung pwersa."-Flaire

"Hindi ko na kaya."-Mizuri

"Kumapit ka, Mizuri!"-Rockie at inabot ang kamay ni Mizuri

"Rockie! Wag mo akong bibitawan!" natatakot na sabi ni Mizuri habang mahigpit na nakakapit sa braso ni Rockie

"Ahhhh! Grrrrrr...bakit lalong lumalakas yung pwersa?! Aaahhhh!" hindi na kinaya ni Rocky ang pwersa kahit na ginamit na nya ang kapangyarihan nya.

"Mizuri! Rockie!" sigaw ni Flaire at pilit na hinihila palayo sa paghigop ng kahon ang dalawa nyang kaibigan.

"MIZURI?! ROCKIE?!" -sigaw ni Aaron ng tuluyan ng mahigop papasok ng kahon sina Rockie at Mizuri.

"Kainis! Nahihirapan akong gamitin ang kapangyarihan ko."-Sky.

"Hi-Hindi ko na din k-kaya. Aaahhhh!" bago pa man tuluyang mahigop ng kahon si Flaire ay nahawakan pa sya ni Aaron. Pilit naman silang Hinihila ngayon ni Sky na nakahawak sa kamay ni Aaron.

"GGGGGAAAAHHHHHH!! S-SORRY...HINDI KO NA DIN...KAYAAAAAAAA."

 

"HA?! Sky-senpai!" napatakbo mula sa kanyang kinatatayuan si Kathandra upang tulungan sina Sky na unti unti nang hinihigop ng pwersa ng kahon.

"AAAAAHHHHHH!!!!"

 

"HINDI! SKY-SENPAI!!!"

 

"Huh?!" bago tuluyang mahigop ay narinig pa ni Sky ang pagtawag sa kanya ng isang babae.

--------------

Samantala...

Sa Alstreim, Isang oras bago maganap ang pagkawala nila Sky.

 

"Hahay! Buti talaga pinayagan ako ni Lian na sumama sayo ngayon , Leo." tuwang tuwa na sabi ni Sagi at inangat pa ang kanyang dalawang kamay.

"Oo nga eh. Makakapagpahinga ka na din muna sa pag-eensayo."

 

Mamimili ngayon ang magpinsan ng ilang mga gamit at suplay sa bahay. Naisipan na din nilang mamasyal muna bago umuwi ng bahay.

Nasa gitna ng paglalakad malapit sa central plaza ang magpinsan ng makaramdam ng hindi maganda si Sagi. Ramdam nya ang mga kakaibang presensya ng mga nilalang na biglang dumating sa kanilang lugar.

 

"Tsk! Wrong timing naman ang mga ito, oh!" inis na sabi ni Sagi.

"Bakit Sagi, may mga kalaban ba?" nag-aalalang tanong ni Leo.

"Uhm. Mauna ka na Leo. Pupuntahan ko lang ang mga istorbong ito. Grrrrr! Kainis naman eh!" sabi ni Sagi atsaka tumakbo palapit sa lugar kung saan nya nararamdaman ang mga kalaban.

"Mag-iingat ka Sagi!"

 

"Oo, wag kang mag-alala dahil susunod naman doon si Lian."

 

----------

"Nagkahiwalay lang kami sandali ni Sagittarius ay kumilos na sila! Ibang klase ah." nakakunot noong wika ni Lilian sa sarili habang tumatakbo papuntang central plaza.

"Badtrip kayong mga kolokoy kayo! Araw ng pahinga ko eh!" bungad ni Sagi sa mga kalaban na naabutan nya sa liblib na lugar malapit sa plaza.

Ang mga ito ay parang mga taong lupa na may mga halaman sa katawan. Ang iba naman ay mukhang mga nabuhay na puno.

"Gaaaaahhhhh!" hiyaw ng mga halimaw at dahan dahang naglakad palapit kay Sagi.

"Ang pangit naman ng mga ito. Para silang mga zombie." Itinaas ni Sagi ang kanyang kamay at ang tubig mula sa malapit na fountain ay lumapit sa kanya.

 

"Tapusin na natin ito kaagad." pumalibot sa mga kamay ni Sagi ang tubig.

Ang kaninang mababagal na halimaw ay bigla na lamang bumilis at pinalibutan si Sagi. Nagulat naman si Sagi dahil hindi nya inakalang mabibilis pala ang mga ito.

 

"Yay! Masyado ko ata silang minaliit. Pero sige, ayos lang." Inihanda ni Sagi ang sarili sa gagawing pag-atake ng mga kalaban.

 

"Gaaaaahhh!" sabay sabay na umatake ang mga halimaw. Nagpalabas sila ng matatalim na dahon at matutulis na bato mula sa kanilang mga katawan. Sinangga naman ng tubig ang mga pag-atakeng iyon.

" Ako naman." dahil hindi pa naman masyadong nakokontrol ni Sagi ang kanyang kapangyarihan ay limitado lang ang kaya nyang gawin sa tubig. Bagamat nagagawa nyang pasunurin ang tubig sa bawat kilos at utos nya.

Ikunumpas nya ang kanyang kamay at inatake ng tubig ang mga kalaban. Pagkatapos noon ay mabilis syang kumilos upang bigyan ng physical attack ang mga kalaban. Doon naman kasi sya mas mahusay dahil hindi pa nya nagagamit ng maayos ang kanyang kapangyarihan.

Habang nakikipaglaban si Sagi ay may lumabas na lagusan di kalayuan sa kanila at iniluwa nito sina Mizuri at Rockie.

 

"Ayos ka lang ba Mizuri?" tanong ni Rockie at dinaluhan nya si Mizuri.

"Oum. Ha? Tignan mo yun Rockie, oh!" napansin naman ni Mizuri ang nangyayaring laban sa harap lang nila.

"Huh? Ah! Ano ang mga yan?" manghang tanong ni Rockie ng makita ang mga kakaibang nilalang sa kanilang harapan.

Binigyan ni Sagi ng sunod sunod na suntok at sipa ang isang halimaw kaya naman tumilapon ito palapit kina Mizuri.

"Ahhh!" Mizuri

"EARTH WALL!" inilapag ni Rockie ang kanyang palad sa lupa at umangat ang ilang bahagi nito at nagsilbing harang upang hindi sila tamaan ng tumilapong halimaw.

"Phew! Magaling ang ginawa mo Rockie!" nakangiting sabi ni Mizuri.

"Ha? May mga bagong kalaban pa silang pinadala? Tsk! Sana makahabol pa ako kay Leo." bulong ni Sagi sa sarili matapos makita ang ginawa ni Rockie. Sumugod naman palapit si Sagi sa kanila ng ibaba na ni Rockie ang ginawa nyang harang.

"Masyado nyo na akong inaabala ah." sabi ni Sagi habang tumatakbo palapit sa dalawa.

"Ha? Nagagawa nya ding kontrolin ang tubig?" mas lalo naman nilang ikinagulat ng makita ang kakayahan ni Sagi.

"Diyan ka lang sa likod ko Mizuri. Akong bahala sa isang ito." sabi ni Rockie at humandang umatake.

Nang mga sandali ding iyon ay may lagusan ding lumabas sa central plaza. Mabuti na lang at walang masyadong tao sa paligid kaya walang nakapansin sa paglabas doon nila Sky, Flaire at Aaron.

"A-aray!" daing ni Flaire.

"Aaaackkk! A-ayos ka lang ba Flaire?" nahihirapang tanong ni Aaron. Nakaupo kasi sa kanyang katawan si Flaire.

"Heh?! Anong ginagawa mo dyan Aaron? Manyak ka talaga!" nagulat naman si Flaire na makita si Aaron at pinagsisipa nya ito

"Teka! Anong manyak?! Aray! Eh ikaw nga itong--ano ba?! nakadaghan sa akin eh! Aray ko naman!" daing ni Aaron habang sinisipa sya ni Flaire.

"A-ray ko~~" narinig naman nila si Sky na nakaupo di kalayuan sa kanila.

"Waaah! SKY?! Ayos ka lang ba?" tinigilan na ni Flaire ang pagsipa kay Aaron at nagmamadaling lumapit kay Sky.

"Oo. Kayo ba?" Sky

"Ayos lang kami." Flaire

"Ako...HINDI! Nadaghanan na nga, nasipa pa!" reklamo ni Aaron

"Hmp!" Flaire

"Teka...nasaan na nga pala sila Mizuri at Rockie?" tanong ni Sky at nilibot ang tingin sa paligid.

"Oo nga. Pero, nasaan na ba tayo?" Flaire

"Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay wala tayo sa Zen."Aaron

Nagulat naman sila ng makarinig ng ingay sa may malapit lang.

"Ano yun?"Sky

 

"Halina kayo, puntahan natin!" Aaron

"Eh?! Ano ang nararamdaman kong mga kapangyarihan?" napahinto sa kanyang pagtakbo si Lilian ng maramdaman ang presensya ng mga bagong dating.

"EARTH SHAKE!"-Rockie

"Huh?" nagulat si Sagi ng bahagyang yumanig ang lupa at nagcrack ang bahagi nito sa kanyang kinatatayuan. Mabuti na lamang at nagawa nyang makatalon kaagad kung hindi ay mahuhulog sya sa hukay na nilikha ng pagyanig ng lupa.

"WATER SPIKES!" sunod na atake ni Mizuri ng makalanding na si Sagi

"Papatayin ba talaga nila ako? Grabe naman!" nakasimangot na sabi ni Sagi ng maiwasan nya ang mga patusok na yelong nasa kinatatayuan nya.

"Tignan nyo, sila Mizuri!" bulalas ni Flaire.

"Sino yung lalaking kalaban nila? Bakit nagagawa nyang kontrolin ang tubig?" Aaron

"Tulungan natin sila!"Flaire

"Teka lang sandali!" pipigilan pa sana ni Sky sina Flaire at Aaron ngunit nakatakbo na ito palapit kina Mizuri.

"Mizuri! Rockie!" sigaw ni Aaron

"Aaron!" nakangiting wika ni Mizuri ng makita ang kanyang mga kaibigan. Sinamantala naman ni Sagi ang pagkakataon na iyon upang atakihin si Mizuri.

Itinaas ni Sagi ang kanyang kamay at mabilis na ibinaba. Sumunod naman ang tubig sa dereksyong ginawa ng kamay ni Sagi. Umangat ang tubig at pagkatapos ay mabilis na sumugod kay Mizuri na nagpatalsik sa babae.

"Ikaw?! Anong ginawa mo kay Mizuri? Magbabayad ka! HELL STORM!" galit na sabi ni Flaire at bigla na lang umulan ng apoy sa paligid.

"Teka! Bakit ang dami naman ata nila ngayon?!" gumawa ng shield gamit ang tubig si Sagi at binalot ang kanyang sarili upang hindi tamaan ng mga apoy.

"STILL!" wika ni Aaron at gamit ang kanyang manipulating powers ay nagawa nyang pahintuin sa pagkilos si Sagi.

"Hindi ako makagalaw?!"

 

"EARTH PUNCH!"

 

"Aaaahhh!" hiyaw ni Sagi ng tamaan sya ng malaking kamaong lupa na bigla na lang lumitaw sa harap nya.

"Sandali lang, guys." pigil ni Sky.

"Bwisit! Ang dami naman nila. Hindi ako dapat magpatalo sa kanila." pinilit ni Sagi na tumayo at sandaling nagconcentrate. Lumapit muli sa kanya ang tubig na natapon sa lupa at sa pagkakataong ito ay nagawa nya itong ihugis na isang espada.

"Nagawa ko din! Humanda kayo!"

 

"Wag Sagittarius!" sigaw ni Lilian na kararating lang.

"Huh?!" Sagi

"Hmmm?" Sky

"Sino naman ang isang ito?!" Flaire

"Lian?! Bakit?" takang tanong ni Sagi kay Lilian.

"Hindi mo sila pwedeng kalabanin."-Lilian

"Ano daw?"-Aaron

"Sino ba sila?"-Rockie at tinulungang makatayo si Mizuri.

"Ano? Bakit naman? Eh halos mapatay na nga nila ako eh!"-Sagi

"Sapagkat, nararamdaman ko sa kanila ang kapangyarihan ng kalikasan."

 

"Huh?"Sagi

"Kapangyarihan ng kalikasan. Alam mo ang tungkol doon?" takhang tanong ni Sky at naglakad palapit kay Lilian. Kaagad namang kumilos si Sagi palapit kay Lilian at hinarangan ang palapit na si Sky.

"Subukan mong lumapit." at tinutok nya ang hawak na espada kay Sky.

"Sagittarius!" saway ni Lilian

"Wala akong planong masama. Gusto ko lang malaman kung paano nya nalaman ang tungkol sa kapangyarihan namin."

 

"Hindi kayo tagarito, tama?" Lilian

"Ang totoo nyan ay wala kaming ideya sa kung nasaan ba kami ngayon."

 

"Hayaan nyo sana kaming magpakilala. Ang lalaking ito na muntik nyo ng saktan ng todo ay ang aking meister na si Sagittarius. Ako naman si Lilian, isang dyosa."

 

"Dyosa?"-Mizuri

"UWAAAHHH *^* isa nga syang dyosa! Dyosa ng kagandahan." –Aaron

"Tsk! Tumahimik ka nga diyan, Lumen!"-Flaire

"Dyosa?"-Sky

"Oo, ang dyosa ng tubig. At ang lalaking ito naman ay pinagkaloob ko ng kapangyarihan na kontrolin ang tubig."

 

"Kaya pala, pareho kaming dalawa."-Mizuri

"Naguguluhan ako."-Rockie

"Bakit hindi natin pag-usapan ng maayos ang lahat sa bahay?"-Lilian

"Sa bahay? Lian hindi naman natin kilala ang mga iyan eh! At isa pa, may usapan kami ni Leo di'ba?"

 

"Kaya nga natin dila kikilalanin diba? At wag mong sabihing mag-gagala ka pa, gagamutin ko pa yang mga pinsala mo."

 

"Tsk! Ano ba naman yan!"

 

Puno ng pagtataka at pagkamangha ngayon ang mukha ng lima na nakatingin kina Lilian at Sagi.

----------------------

hehe sana ay naiportray ko ng maayos ang mga character ng Elements sa inyo dito sa first part.

sa mga gustong makilala kung sino ba sila Sky ay iminumungkahi kong basahin ninyo ang Elements ng kaibigan kong si blusc0pe.

may next part pa po. thank you :) <3

Continue Reading

You'll Also Like

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...