Time After Time

By RoseTanPHR

155K 6.5K 496

The year was 1988. Sixteen year-old Olivia passed out on the night of the prom. When she came to, it was yea... More

Untitled Part 1
Untitled Part 2
Untitled Part 3
Untitled Part 4
Untitled Part 5
Untitled Part 6
Untitled Part 7
Untitled Part 8
Untitled Part 9
Untitled Part 10
Untitled Part 11
Untitled Part 12
Untitled Part 13
Untitled Part 14
Untitled Part 15
Untitled Part 16
Untitled Part 17
Untitled Part 18
Untitled Part 19
Untitled Part 20
Untitled Part 21
Untitled Part 22
Untitled Part 23
Untitled Part 24
Untitled Part 25
Untitled Part 27
Untitled Part 28
Untitled Part 29
Untitled Part 30
Untitled Part 31
Untitled Part 32
Untitled Part 33
Untitled Part 34
Untitled Part 35
Untitled Part 36
Untitled Part 37
Untitled Part 38
Untitled Part 39
Untitled Part 40
Untitled Part 41
Untitled Part 42
Untitled Part 43
Untitled Part 44
Untitled Part 45
Untitled Part 46
Untitled Part 48
Untitled Part 49
Untitled Part 50
BOOK THREE
Untitled Part 52
Untitled Part 53
Untitled Part 54
Untitled Part 55
Untitled Part 56
Untitled Part 57
Untitled Part 58
Untitled Part 59
Untitled Part 60
Untitled Part 61
Untitled Part 62
Untitled Part 63
Untitled Part 64
Untitled Part 65
Untitled Part 66
Untitled Part 67
Untitled Part 68
Untitled Part 69
Untitled Part 70
Untitled Part 71
Untitled Part 72
Untitled Part 73
Untitled Part 74
Untitled Part 75
Untitled Part 76
Untitled Part 77
Untitled Part 78
Untitled Part 79
Untitled Part 80
Untitled Part 81
Untitled Part 82
Untitled Part 83
Untitled Part 84
Untitled Part 85
Untitled Part 86
Untitled Part 87
Untitled Part 88
Untitled Part 89
Untitled Part 90
Untitled Part 91
Untitled Part 92
Untitled Part 93
Untitled Part 94
Untitled Part 95
Untitled Part 96
Untitled Part 97
Untitled Part 98
Untitled Part 99
Untitled Part 100
Untitled Part 101
Last Part

Untitled Part 47

1.5K 111 20
By RoseTanPHR


NAKAYUKO at nakatingin sa mga graba si Micky. Kainitan ng araw. Nagre-reflect ang sinag sa mga bato. Kumapit sa braso niya si Olivia.

"Pinuntahan ako ng ninong kagabi." Sabi niya. "Aayusin na daw nila nung abogado ang pagsuko ko. Menor de edad naman daw ako, hindi ako isasama sa mga ordinaryong kriminal."

"M-Mabuti na siguro 'yon, Micky. Hindi ka naman pababayaan ni Sir Rius at Tito Ante."
"Hindi na tayo magkikita."

"Dadalawin kita maski saan ka pa nila ikulong."

"Hindi 'yun." Aniya. "Parang naintindihan na raw ng ninong kung ano ang nangyari sa reactor. Nagka-power surge dahil sa mga kidlat, nung nabuhay, umabot sa one point twenty-one 'yung gigawatt ng electric power.

"May sinabi pa s'ya tungkol sa position at momentum...hindi ko naintindihan, hindi kasi ako nakikinig sa physics. Basta, parang...pag malaki ang energy, konte ang time na kailangan para gumalaw. Mas mabilis. Parang kotse. Kaso ang nangyari sa 'yo, imbes na sa kalsada ka umandar, sa time. Dahil dun sa overload ng power. Kung hindi pa daw naubos ang power, baka mas malayo pa ang narating mo na future. Nagkataon na sa year na 'to naubos 'yung power. In short, kung mare-replicate n'ya 'yon, may chance kang makabalik sa pinanggalingan mo. Kayang-kaya naman ni Ninong ayusin 'yon. Hindi na tayo magkikita."

"But....we have time, Micky. For as long as there is time...hanggang umaandar ang orasan, naniniwala ako--"

May babaing lumapit sa kanila, staff sa resort base sa uniform, "Excuse me."

"Po?" Sagot ni Olivia.

"H-Hinahanap n'yo daw si Aling Yolly."

"Sana." Sagot ni Micky. "Kaso, sabi sa front desk, wala na daw s'ya." As in, namatay na. Kaya naroroon sila sa labas ng resort entrance, nag-aabang ng masasakyang jeep pabalik sa palengke ng bayan.

"Sino kayo? Bakit n'yo hinahanap ang nanay?" Tanong ng babae. Nasa bente pataas ang edad, katamtaman ang pangangatawan.

"Nanay?" Si Olivia.

"Lola ko s'ya, ang Nanay Yolly. S'ya ang nagpalaki sa akin at sa mga kapatid ko. S'ya rin nagpaaral sa 'kin. Ako ang manager dito ngayon. Emily...Ems na lang."

"Ma'am Ems, nice to meet you po. Ako po si Micky, ito naman po si Olivia." Nakipagkamay sila sa babae.

"Hindi naman po kami kilala ng lola n'yo. Hindi rin po namin s'ya talaga kilala, n-naikwento lang ng sister ko na nakausap n'ya one time si Aling Yolly. Gusto sana namin tanungin tungkol doon, kaso--"

"Condolence pala, Ma'am Ems. Kailan pa ba nawala si Aling Yolly?"

"Recently lang. Ano ang itatanong n'yo sa nanay?"

Nagkatinginan sina Micky at Olivia.

Si Mick yang nagpaliwanag, "Mama ko ang napatay dito noon...1995."

Napamulagat si Ma'am Ems, "N-Naririnig ko nga 'yun kay Nanay. Simula nung bata pa 'ko, kinukwento na n'ya."

Tumango si Olivia, "Naikwento n'ya rin sa kapatid ko na nag-check in dito last October. Parang base kasi sa kwento ng sister ko, malapit si ALing Yolly sa mama ni Micky. Gusto lang namin sanang marinig mismo kay Aling Yolly, baka sakaling malinawan kami sa nangyari sa mama ni Micky."

Tumango ang babae, "Naiintindihan ko naman ang pakiramdam ng ganyan." Sabi nito kay Micky. "Yung lahat, naniniwala na aksidente ang nangyari pero ikaw , alam mong hindi."

"What do you mean?" Tanong ni Olivia.

"Nahulog sa hagdan ang nanay. Aksidente raw sabi ng mga pulis. Kasi nga naman, matanda na s'ya, sixty-five." Umiling ito, "Pero malakas pa ang nanay. Hindi 'yun basta-basta mahuhulog."

"Saan s'ya nahulog? Sa inyo?" Tanong naman ni Micky.

"Sa hagdan nung lumang ospital sa bayan. Isa pa 'yung nakakapagtaka. Kung bakit nandun si nanay. Sabi baka daw mangungutang, me lending office kasi dun...ahm, pasok muna ulit siguro kayo? Mainit dito, doon tayo sa lobby."

Maliit lang naman ang Valencia's kung ikukumpara sa ibang resorts. Pero paborito iyon sa kanila na pagdausan ng mga reception ng binyag, kasal. Pati na rin mga debut at team building seminars ng mga local na companies.

Ang lobby ay nakaharap na sa main swimming pool. Mayroon pang dalawa sa likuran, accessible sa pamamagitan ng footbridge na matatanaw buhat sa lobby. Sinilbihan muna sila ni Ma'am Ems ng iced tea at mammon bago ito naupo sa tabi nila.

"Bakit hindi ka naniniwala na naaksidente ang lola mo?" Tanong agad ni Olivia. Tinikman naman ni Micky ang iced tea.

"Kasi nga, malakas pa 'yon. Walang sakit. Walang rayuma. Maliit nga lang si lola at medyo payat kaya napapagkamalang mahina. Pero ganun talaga ang katawan nun kasi hindi s'ya kumakain ng madami."

"Accidents happen." Sabi ni Micky, "No offense ha."

Tumango si Ma'am Ems, "'yan rin sabi nila. Tatanggapin ko naman kung hindi lang may hawak-hawak na butones si nanay nung makita s'ya ng mga tao dun sa ibaba ng hagdan. Parang...nadakot n'ya an butones ng damit nung tumulak sa kanya---naniniwala ako na tinulak talaga s'ya. Sabi naman ng mga pulis, pwedeng hawak na talaga ni nanay 'yung butones bago pa s'ya mahulog. Walang witness, walang signs of struggle."

"Ano'ng klaseng butones?"

"Sa blouse siguro or dress. Pwede ring cardigan. Malaki, eh. Parang piso tapos green s'ya. Plastic. Walang ganung damit ni nanay. Maski ako or mga kapatid ko." Tumingin ito kay Micky, "Kaya naiintindihan ko na naisip mong hanapin si nanay at magbakasakali. Pag walang gustong makinig sa 'yo, ikaw na talaga mismo ang gagawa ng paraan, di ba?"

Tumango si Micky, "Obvious naman na murder ang nangyari sa mama ko. Kaso...wala namang nangyari sa imbestigasyon. Kinalimutan na nila . Kung may lilitaw raw na bagong lead, dun pa lang uli sila mag-iimbestiga. Madami daw kasing dapat unahin, hindi puwedeng ubusin ang panahon at manpower sa isa lang kaso."

"Ang natatandaan ko lang na kwento ni nanay tungkol sa mama mo is kilala n'ya 'yun. Dating estudyante sa Filomena. Naging janitress si nanay dun. Tanda n'ya raw ang mama mo kasi--" medyo nag-alanganin si Man Ems, "halata daw n'ya na buntis noon. Kasi nga, hilot s'ya. Alam na alam n'ya ang babae pag buntis."

Hindi na nagsalita si Micky, hinayaan na lang niyang magpatuloy ang babae,

"Eventually, huminto nga raw ang mama mo, hindi na n'ya nakita. Until that day na nandito sa resort 'yung mama mo kasi may meeting dito 'yung taga-bangko. Magla-launch sila ng SME program that time, nag-invite sila ng mga resource person para tanungin anu-ano ang kailangan para effective 'yung service..ano gusto ng mga clients pagdating sa loans, mga ganun. Invited ang mama mo kasi kakilala n'ya 'yung taga-bangko."

"Ano'ng bangko?" Napadukwang pa si Olivia.

"AgriCom...wala na 'yun ngayon, ang alam ko, nabili na ng CTB."

Nadakot ni Olivia ang braso ni Micky, "That's where she works. Si Marife."

"Sino 'yun?" Si Ma'am Ems.

"S-Stepmother to be n'ya." Sagot ni Micky. "May nabanggit pa ba ang lola mo tungkol sa mama ko noong araw na 'yon?"

"Trini...Trini ang pangalan ng mama mo, di ba?"

Tumango si Micky.

"Sabi ng nanay, pagpasok daw n'ya sa kwarto, nakaupo ang mama mo sa kama , may hawak na picture, tinitingnan. Picture ng damit. Nagulat daw si nanay kasi tanda n'ya rin 'yung damit. Nakita na daw n'ya 'yun. Sa prom. Suot ng isang estudyante. May pinakita raw class picture ang mama mo kay nanay, tinuro ni nanay kung sino dun ang mga suot nung damit. Binilugan pa daw nila ng ballpen."


note: Alam nyo ga gaano kahirap sulatin 'to? HAHAHAHA

dami kong nalagas na buhok sa nobelang ito at ako mismo, hindi ko alam paano ko nabuo eventually. Amazing yung moments na, everything just feel into place. I live for those moments, talaga as a writer. 'yun ang 'high'. Addictive s'ya, kaya i can't stop writing.


hindi laging smooth at plakado ang buhay, pero as long as, nakakasulat ako ng kwento, feeling ko naaayos rin ang buhay ko...or at least, there's something in my life na kaya kong ayusin.


'gang sa muli!

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...