She Married The Stranger [Boo...

Von yoursjulieann

1.9M 33.5K 977

"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na nai... Mehr

She Married The Stranger
Chapter 1 Introduction
Chapter 2 Who are they?
Chapter 3 Gold digger parents
Chapter 4 Last time together
Chapter 5 Her Sacrifices
Chapter 6 Her Bestfriend's Letter
Chapter 7 The Shatsune Family
Chapter 8 A days With Them
Chapter 9 One Thing I Can do
Chapter 10 Sorry
Chapter 11 Bitter Ends In Better
Chapter 12 Just Stay
Chapter 13 If I Give You A Chance
Chapter 14 When you Look Me In The Eyes
Chapter 15 I want You To Be My Girlfriend
Chapter 16 Ten Million Pesos
Chapter 18 One Year Contract With Kerk
Chapter 19 Back To School
Chapter 20 His Kiss
Chapter 21 His crazy Handsome Friends
Chapter 22 Forgotten Memories
Chapter 23 The Concerned Husband
chapter 24 We Begin Again Part 1
Chapter 25 We Begin Again Part 2
Chapter 26 We Begin Again Part 3
Chapter 27 Tokyo, Japan
Chapter 28 Five Lotus Flower Tattoo
Chapter 29 The Telephone Call
Chapter 30 What-He-Wants-He-Gets
Chapter 31 The Husband's Gift
Chapter 32 Her Boyfriend's Command
Chapter 33 Move On Starts With Acceptance
Chapter 34 The Truth
Chapter 35 Stay(I Missed You)
Chapter 36 Sa Gilid Ng Mga Mata
Chapter 37 Mahal Pa Din Kita Kosuri
Chapter 38 The Cold Stranger
Chapter 39 Her New Friends
Chapter 40 The Effort He Exert
Chapter 41 Daughter's Revenge
Chapter 42 Take His Command
Chapter 43 Undefined Food
Chapter 44 She Need Help Not To Fall
Chapter 45 Bubble Butt
Chapter 46 Three Of Us
Chapter 47 Hopeless Past
Chapter 48 kerk's advice
Chapter 49 Boyfriend For Rent
Chapter 50 Hard To Say I'm sorry
Chapter 51 Sweetest Night
Chapter 52 Hide and Seek
Chapter 53 Lagi Kana Lang Nasa Isip Ko!
Chapter 54 The Lunch Break
Chapter 55 Nagseselos Nga Ba?
Chapter 56 Dahil...KAILANGAN
Chapter 57 Who's That Girl
Chapter 59 Infinite As In Walang Hanggan?
Chapter 60 Her Favor
Chapter 61 My Heart
Chapter 62 Inlove. It can't be.
Chapter 63 Panakip-butas
Chapter 64 Her Secret
Chapter 65 Your Words Felt Like A Knife
Chapter 66 Bestfriend's Point of View
Chapter 67 Dati
Chapter 68 Her Beautiful Nightmare
Chapter 69 What's that SMILE?
Chapter 70 The Responsible Parents
Chapter 70.5 I Don't Want To Exert More Effort
Chapter 71 Magkalimutan Na Tayo (The broken bestfriend)
Chapter 72 Your Guardian Angel
Chapter 73 The Battle Between Kosuri and Princess Anthea
Chapter 74 Kosuri Win
Chapter 75 THE OTHER SIDE OF THE DOOR
Chapter 76 Come Back To Me
Chapter 77 Her Confess
Chapter 78 Two Options
Chapter 79 Makakagraduate Siya
Chapter 80 The Night Part 1
Chapter 80 The Night Part 2
Chapter 81 Stay with him or leave?
Chapter 82 True Love
Chapter 83 Wedding
Chapter 84 Treacherous
Chapter 86 How Great is Your Love
Chapter 87 She Is Missing
Chapter 88 Her Mother
Chapter 89 Promises Are Meant To Be Broken
Chapter 90 You Should Kill Her
Chapter 91 She Is Your Sister
Chapter 92 Ease The Pain
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Author's note
Author Again :))
Question
Book 2
Author
AUTHOR'S ANNOUNCEMENT

Chapter 85 Madam Mesaiyah

14.8K 248 4
Von yoursjulieann

Mabilis na tumatakbo ang babae sa gilid ng highway. Maraming sasakyan ang nagdadaan, may mabagal ang takbo at meron ding mabilis, ang iba nama'y aporadong makarating agad sa patutunguhan. Nakasuot ng blue na jacket, puti ang pang ilalim na suot at naka jeans ito. Wala na ang isang pares ng kanyang sapatos, naiwan ito nang siya ay madapa. Kanina pa siya tumatakbo at hingal na hingal na siya, patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Kanina pa lumalabas sa mapuputla niyang labi ang pangalan ng kanyang kapatid. Kanina niya pa ito tinatawag...

"Ate terra. Ang ate ko. Ang ate ko. Asan siya?" Para siyang isang basag na tinig na walang ibang nakakarinig kundi siya lang. Isang napakahirap na tanong na walang ibang makasagot. Hindi niya rin alam kung anong nangyari sa kapatid, ang alam lang niya. Nasa hospital ito dahil sa babaeng tumawag sa kanya. Napahinto siya sa pagtakbo ng makita niya ang tumpok ng mga tao, may mga police at iniimbestigahan ito. Ang ibang tao naman ay gusto lang makiisyoso o makigulo. Pinunasan niya ang kanyang luha at nagtanong sa isang babae.

"A-ano pong nangyari diyan?" Nanginginig ang boses niya habang tinatanong ito.

"Nahimatay yung babae at aksidenteng may nakabangga sa kanya habang tumatawid sa kalsada."

"A-ahh. Sige po." Lalo siyang naiiyak. Bakit nahimatay ang ate ko? Sana ligtas siya. Wala siyang ibang magawa kundi ipanalangin na walang ibang mangyari sa kapatid. Muli siyang nagtatakbo papunta sa hospital na pinagdalhan ng kapatid samantalang ang walang kamalay-malay na Anhiro ay hindi napansin ang asawa na dumaan sa harap niya.

Galing siyang department store, ang totoo galing talaga siyang grocery store, siya ang namili ng mga sangkap na nakuha niyang recipe sa tv na lulutuin para sa dinner nila mamaya. Napadaan lang siya sa department store dahil may nakita siyang bubog na may eiffel tower sa loob at may mga kumikinang na stardust kapag aalugin mo. Snow globe kung tawagin. Naalala niya kasing pinalitan niya ang screen wallpaper ng cellphone niya ng eiffel tower dahil pangarap niyang makapunta dito at pangarap naman niyang dalhin siya dito. Kakapasok lang niya sa kotse nang dumaan sa harap niya si Mesaiyah, daplisang nagkabangga ang mga damit nila pero hindi nila napansin ang isa't-isa.

Nakarating na si Mesaiyah sa hospital, agad niyang tinanong ang kapatid niya at ito ay nasa emergency room ayon sa sinabi ng nurse. Sa gilid ng emergency room ay may tatlong upuan, may nakaupo na isang babae. Malaki ang puting sumbrero niya na suot na halos masakop na ang buo niyang mukha, mahaba ang kanyang buhok na may pagkakulay brown at kulot ang dulo, puti din ang suot na mahabang damit at sa postura ng babaeng nakaupo, hindi lang siya isang mayamang tao kundi isang maimpluwensyang tao. Sa gilid niya ay may dalawang lalaki na nakatayo, itim ang mga suot at may isa pang babaeng nakatayo, kinakausap siya.

"Call her again." isang napakalambing na boses ang inilabas sa bibig ng babae na bumalot sa buong hospital room.

"I called her every minute but she's not answering her phone." sagot ng babae na nakatayo. Natigil ang pag-uusap nila nang dumating si Mesaiyah sa pintuan ng emergency room. Pinupok-pok niya ang pintuan dahil hindi siya makapasok. Napaupo nalang siya sa isang gilid at doon umiyak.

Paano kung may mangyaring masama sa kapatid ko? Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Tanong niya sa sarili.

Lumapit ang babaeng nakatayo kanina na hawak ang cellphone ni Terra na siguro'y siya ang tumawag dito kaya nalaman niyang nasa hospital ang kanyang kapatid.

"Excuse me." sambit ng babae samantalang ang babaeng naka all white ay nanatiling nakaupo pa rin. Napatayo si Mesaiyah sabay punas ng luha sa kanyang pisngi.

"Ako ang tumawag sa'yo." hindi pa tapos magsalita ang babae ay agad niyang hinawakan ang balikat nito.

"Anong nangyari sa kapatid ko? Anong nangyari sa kanya? Sinong nakabangga sa kanya?"

"Si Madam ang nakabangga sa kanya pero kung sakaling may mangyari sa kanya..kami na ang sasagot. "

"ANO?" napataas ang boses niya.

"Paano kung mamatay ang kapatid ko? Masasagot niyo pa rin 'yun? Kaya niyo bang palitan ang buhay niya?"

"Hindi namin kasalanan. Nahimatay ang kapatid mo."

"Pero binanggaan niya pa rin?" Lumapit si Mesaiyah sa babaeng nakaupo.

"Kung may mangyari mang masama. Papatayin ko kayo." Walang emosyon na makikita sa babaeng nakaupo kundi ngumiti lang ito. Hindi niya alam kung tama ang sinabi niya pero alang-alang sa kapatid ay magagawa niya ang lahat. Agad na lumapit si Mesaiyah nang may doctor na lumabas mula sa emergency room.

"Anong nangyari sa kapatid ko?"

"Nakakalungkot man. Nalaglag ang dinadala ng kapatid mo."

"A-a?" Hindi siya makapagsalita dahil sa narinig.

"Malakas ang pagkakabagok ng ulo niya at maari siyang hindi magising ng 3-5 araw o maaaring mauwi sa pagkacomatose at habang buhay na siyang hindi magising." Pagpapatuloy ng doctor at umalis na. Naiiyak na naman siya..

Buntis ang ate ko? Gusto niyang ngumiti pero andun pa rin ang lungkot dahil nalaglag ang dinadala ng kanyang ate. May pamangkin na sana siya kaso nawala pa.

"Kami na ang sasagot sa gastusin niyo sa hospital." salita ng babae na kanina'y kinakausap siya.

"Alam niyo kung anong mas masakit? Nalaglag ang dinadala niya. KUNG HINDI NIYA SANA BINANGGAAN HINDI MAGKAKAGANITO!" Sigaw ni Mesaiyah habang tinuturo ang babaeng naka all white. Hindi niya malapitan ito dahil nakaharang ang dalawang lalaking bantay nito.

Tumayo na ang babae at nagsimula ng maglakad kasama ang dalawang niyang bantay at sumunod naman ang babaeng tagapagsalita nito. Naiwan si Mesaiyah sa gilid ng pintuan na umiiyak samantalang si Kerk na nagtatanong sa nurse ay napansin ang papadaan ang kanina'y kausap ni Mesaiyah. Saglitang nagtama ang mga mata ng naka all white na babae at Kerk. Sinundan niya ng tingin ito hanggang makalabas.

"Salamat po." Wika ni Kerk sa nurse bago magtatakbo papunta sa room na kinalalagyan ni Terra at nang makarating na ito. Naabutan niya si Mesaiyah na umiiyak sa gilid ng pintuan, tumigil siya sa harap nito na napansin naman ni Mesaiyah.

"Bakit mo pinabayaan ang ate ko?" Tanong niya.

"Nalaglag ang baby na dinadala niya. Bakit mo siya pinabayaan?" Napakapit sa kanyang ulo si Kerk.

"Dmn! Buntis pala siya. Hindi man lang niya sinabi." Napasipa siya sa pintuan at nanggigigil siya sa kanyang sarili halos gusto na niyang ihampas ang sarili sa pader dahil sa nangyari.

"Maaring habang buhay na siyang hindi magising dahil sa lakas ng pagkakabagok ng ulo." Habang sinasalaysay niya ang sinabi ng doctor ay patuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi.

Agad na pumasok si Kerk sa loob ng kwarto na kinalalagyan ni Terra. Napahawak nalang siya sa ulo nang makita niya itong nakahilata, maputla at walang malay. Niyakap niya ito mula sa kanyang pagkakahiga at dahil sa nangyari kay terra ay hindi niya mapigilang tumulo ang luha.

"Hindi sana ito nangyari kung hindi kita pinabayaan. Hihintayin kita hanggang sa magising ka. Magiging tunay pa kitang girlfriend, walang halong kasinungalingan." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Terra at hinahalikan ito habang nababasa ng kanyang maiinit na luha.

"Hindi na kita pababayaan. Hindi na ako aalis sa tabi mo." wika niya habang hinahalikan ang kamay na hawak niya.

Hindi pumapasok si Mesaiyah sa kwarto, hindi siya sanay at hindi niya kayang makita ang kapatid na ganun ang kalagayan niya kaya mas pinili niyang magtahan sa labas. Ilang oras din ang lumipas, gumagabi na at si Kerk ay nanatiling nasa tabi ni Terra habang si Mesaiyah ay nakasandal ang ulo sa pader at natutulog, bakas sa kanyang mga pisngi ang luha niya na kanina pang ayaw tumigil. Lumabas sandali si Kerk para tingnan si Mesaiyah at nagising naman ito nang lumabas siya.

"Umuwi kana muna. Ako nalang magbabantay sa kapatid mo." hindi sumagot si mesaiyah. Nakatingin lang siya ng diretso sa pader.

"Patawad." ang mga salitang ito nalang ang nasambit niya sa harap ng kapatid ng kanyang minamahal. Napapunas muli si Mesaiyah sa pisngi, napatayo siya.

"Hindi mo kasalanan. Ako ang may kasalanan. Maraming beses siyang tumawag sakin pero wala akong nasagot sa tawag ng ate ko." Napasinghot siya.

"Ano kayang sasabihin niya sa mga oras na 'yun?" Tanong ni Mesaiyah subalit walang ideya si Kerk.

"Ako ang may kagustuhang umalis na kami. Oo, aalis naman na talaga kami. Far away from reality at malayong-malayo sa inyo pero biglang dumating ang lolo ni Anhiro. Natakot ako." Isang mainit na yakap ang ibinigay ni Kerk kay Mesaiyah.

"Walang may kagustuhan ng nangyari. Babantayan ko ang ate mo hanggang sa magising siya." kumalas sa pagkakayakap si mesaiyah at pinunasan ng kamay ang magkabilang pisngi

"Punta muna ako sa labas. Magpapahangin lang." Sabi ni Mesaiyah at tumalikod na kay Kerk at nagsimula ng maglakad samantalang bumalik na muli si Kerk sa tabi Terra.

Si Anthea na kararating lang sa bahay ni Denstah ay agad na hinanap si Mesaiyah, ang kapatid naman niyang si Anhiro ay patuloy na nagluluto ng dinner nila.

"Nasaan si Mesaiyah?" Tanong nito sa kapatid.

"Nasa kwarto mo." Sagot ni Anhiro na agad nagtatakbo papunta sa kwarto na tinuturo ni anhiro pero pagkatingin niya ay wala. Bumalik ulit siya sa kusina para tanungin ang kapatid.

"Wala siya dun." wika nito.

"Baka nasa paligid lang ng bahay." sagot naman ni Anhiro.

"Alam mo bang naaksidente ang kapatid niya?" Napatigil siya sa ginagawa dahil sa narinig.

"At ang kaibigan mo na umagaw sa girlfriend mo dati ang nagsabi."

"Yokuda maishte." bulong ni Anhiro habang sinasabi ang pangalan ng traydor na kaibigan.

"Wala si Mesaiyah." diin ni Anthea para matauhan ang kapatid. Hinubad na nito ang apron na suot, nilibot niya ang buong bahay at wala nga ang asawa. Kinuha naman niya ang cellphone para tawagan ito.

*calling..

The number you have dial is cannot be reached. Please try again.

Bumalik siya sa kanyang ate. "Ano ba ang pinakamalapit na hospital dito?" Hindi naman saulo ni Anthea ang lugar na ito kaya wala siyang naisagot. Ginamit nalang niya ang cellphone para matukoy kung ano ang pinakamalapit na hospital.

Miracle hospital. Sa Miracle hospital siya pupunta kung saan andito nga si Mesaiyah. Agad niyang kinuha ang kotse at nagdrive papunta sa Miracle hospital samantala.

Nakatingala ang babaeng nakabangga sa kapatid ni Mesaiyah sa mga maiitim na ulap at unti-unti ng naglalabasan ang mga bituin. Nasa harap siya ng kanyang napakalaking bahay, hindi na niya suot ang napakalaking niyang puting sumbrero at kitang-kita na ang kanyang kagandahan kagaya ng isang dyosa. Maraming mga nagbabantay sa palibot ng kanyang bahay para sa kanyang kaligtasan at habang nakatingala sa ulap isang patak ng tubig ang tumulo sa kanyang mata.

Nagpunta siya sa Pilipinas para hanapin ang iniwan niyang anak at pilit niyang inaalala ang bahay kung saan iniwan ito pero wala siyang matandaan kaya naghihintay nalang siya ng tawag sa inutusan niyang hanapin ang kanyang anak. Isang katulong ang lumabas ng bahay dala-dala ang telepono.

"Madam Mesaiyah. Para po sa inyo ang tawag." Nakatungo ang katulong habang inaabot ang telepono na agad naman kinuha ng kanyang amo. Pinunasan niya ng kamay ang pisngi para matuyo ang luha.

"Nakita mo na ang anak ko?" Tanong ng babaeng nagngangalang Mesaiyah. Ang boses niya ay may pagkasabik sa sagot ng tumawag.

"Hindi pa po pero nakita ko na ang asawa ni Anhiro na apo ni Shinsetsu." Malungkot siya dahil hindi tungkol sa anak ang hatid na balita pero napangiti pa rin siya.

"Good. Make it easy. Gawin niyo ang sinabi ko. Pahirapan niyo hangga't hindi dumadating ang asawa niya. Ha. Ito na ang hinihintay kong makabawi."

Napilitan akong iwan ang anak ko sa ibang tao dahil kay Hana. Siya ang ina ni Anhiro. Ngayon, ako naman...

"Opo. Nasa labas siya ng hospital at kumukuha lang po kami ng tyempong makuha siya. Mukhang magtatagumpay na tayo dito madam." napangiti lang ang amo nila at pinatay na ang telepono.

Nakaupo sa isang bench na nagkalat sa labas ng hospital si Mesaiyah, ang bawat upuan ay may katabing puno. Napasinghap siya ng malalim. Tinitingnan niya ang paa niyang walang isang sapatos, pinagbabangga niya ito at dinuduyan-duyan.

Kailangan kong puntahan si mama at papa. Kailangan nilang malaman ang nangyari kay ate Terra. Tumayo na siya sa bench at hindi pantay ang kanyang lakad. Pupunta siya sa bahay nila dati at ipapaalam sa mga magulang niya. Bawat tapak ng kanyang paa sa lupa ay naiiyak nalang siya.

"Miss." napatigil siya sa paglalakad. Ang boses na tumawag sa kanya ay nagmumula sa kanyang likod. Hindi siya tumalikod para harapin ang tumawag sa kanya kundi nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

"Miss." tawag ulit ng lalaking nakasumbrero na natatabunan ang mukha. Haharap na sana si Mesaiyah na saktong tinabunan ng lalaki ang bibig ni Mesaiyah ng panyo. Pilit niyang gustong makawala pero hindi niya kaya dahil masyadong malakas ang lalaki. May dumating na kotse at lumabas si Anhiro dito pero hindi niya makita ang asawa dahil nakasakay na sa van ang hinahanap niya. Pinupok-pok ni Mesaiyah ang bintana ng van, sumisigaw siya kahit alam niyang hindi siya maririnig ni anhiro. Nasa bibig niya pa rin ang panyo at maya-maya'y nawalan na siya ng malay.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

549K 6.5K 30
Si Chaerin ay isang Personal Assistant (simula noong forever na yata) ng 19-year-old super rich yet super spoiled brat chinito hottie na si Jirou. Be...
69.2K 2.7K 63
Simple Lang ang buhay ko magsuot ng simpleng damit pumasok sa trabaho at maging masaya para sa pamilya ko! pero paano kapag dumating na ang taong k...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...