Time After Time

By RoseTanPHR

155K 6.5K 496

The year was 1988. Sixteen year-old Olivia passed out on the night of the prom. When she came to, it was yea... More

Untitled Part 1
Untitled Part 2
Untitled Part 3
Untitled Part 4
Untitled Part 5
Untitled Part 6
Untitled Part 7
Untitled Part 8
Untitled Part 9
Untitled Part 10
Untitled Part 11
Untitled Part 12
Untitled Part 13
Untitled Part 14
Untitled Part 15
Untitled Part 16
Untitled Part 17
Untitled Part 18
Untitled Part 19
Untitled Part 20
Untitled Part 21
Untitled Part 22
Untitled Part 23
Untitled Part 24
Untitled Part 25
Untitled Part 27
Untitled Part 28
Untitled Part 29
Untitled Part 30
Untitled Part 31
Untitled Part 32
Untitled Part 33
Untitled Part 34
Untitled Part 35
Untitled Part 36
Untitled Part 38
Untitled Part 39
Untitled Part 40
Untitled Part 41
Untitled Part 42
Untitled Part 43
Untitled Part 44
Untitled Part 45
Untitled Part 46
Untitled Part 47
Untitled Part 48
Untitled Part 49
Untitled Part 50
BOOK THREE
Untitled Part 52
Untitled Part 53
Untitled Part 54
Untitled Part 55
Untitled Part 56
Untitled Part 57
Untitled Part 58
Untitled Part 59
Untitled Part 60
Untitled Part 61
Untitled Part 62
Untitled Part 63
Untitled Part 64
Untitled Part 65
Untitled Part 66
Untitled Part 67
Untitled Part 68
Untitled Part 69
Untitled Part 70
Untitled Part 71
Untitled Part 72
Untitled Part 73
Untitled Part 74
Untitled Part 75
Untitled Part 76
Untitled Part 77
Untitled Part 78
Untitled Part 79
Untitled Part 80
Untitled Part 81
Untitled Part 82
Untitled Part 83
Untitled Part 84
Untitled Part 85
Untitled Part 86
Untitled Part 87
Untitled Part 88
Untitled Part 89
Untitled Part 90
Untitled Part 91
Untitled Part 92
Untitled Part 93
Untitled Part 94
Untitled Part 95
Untitled Part 96
Untitled Part 97
Untitled Part 98
Untitled Part 99
Untitled Part 100
Untitled Part 101
Last Part

Untitled Part 37

1.4K 59 3
By RoseTanPHR


NINONG--"

Sumenyas ng 'sandali' ang ninong niya at nagpaalam sa kausap sa cell phone, "Tatawag uli ako mamaya. Salamat, pare. Pasensya na rin sa abala." Ipinatong nito sa workshop table ang cell phone, hinarap si Micky, "Ano'ng ginawa mo?"

"Hindi ko naman sinadyang sunugin, Ninong." Sagot niya.

"Micky, paano kung may napahamak? Gusto mo bang makulong?"

"Sinabi mo na ba sa mga pulis?"

"Hindi ko na kailangang sabihin, Micky. Malalaman na rin nila. Sinilip ko ang nangyari kaninang umaga. Nandoon pa ang mga bumbero at mga pulis, iniimbestigahan nila ang sanhi. May nakita silang kwintas--"

"Aw, shit." Kinapa agad ni Mitch ang leeg. Wala siyang suot na kwintas.

"Shit talaga. Malagkit na malagkit na shit. It's just a matter of time, Micky. Malalaman at malalaman nila kung kanino ang kwintas na 'yon." Naupo sa bench na kahoy ang ninong niya, "Hindi ko alam kung paano ito, Micky. Kahit pagalitan kita, kahit mamatay ako kasesermon sa 'yo, walang magbabago, eh. Nangyari na. Ginawa mo na.

"Ang mahirap tanggapin, responsibiidad kita. Ako ang pangalawa mong ama. Nangako ako sa mama mo na gagabay sa 'yo. Pero kung ikaw mismo ang sisira sa kinabukasan mo--"

Tingin ni Micky ay tumanda ng sampung taon ang kanyang ninong. Parang sa isang iglap, dumami ang putting buhok. Noong huli silang magkita, mangilan-ngilan lang iyon. Nasa lahi daw talaga ng mga ito ang maagang pagputi ng buhok, pero ngayon...

"Wag mong sisihin ang sarili mo, Ninong. Desisyon ko 'yun." Sabi niya.

"Paano ka nga?" Hinampas nito ang dalawang kamay ang mesa. "Ano'ng mangyayari sa 'yo kung idedemanda ka ng school, Micky? Naiisip mo ba 'yon?"

Hindi siya makasagot. Sa unang pagkakataon simula kahapon, naisip niya ang kalabisan ng ginawa. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang takot. Ayaw niyang makulong kahit sa hindi totoong kulungan. Doon daw sa youth center dinadala ang mga juvenile.

Tumahimik rin si Ninong Rius. Nag-iisip. Pareho silang napatunganga muna sa cell phone nito bago ma-realize na tumutunog iyon.

"Pare?" Sagot ng ninong niya sa caller. Nakinig ito. "Salamat, pare. Salamat." Na-excite ang anyo nito. "Sige, sige, on the way na ako." Tumayo ito at ibinulsa ang cell phone, "Dito ka muna sa shop, Micky. Mag-uusap pa tayo magbalik ko, kukunin ko lang ang jeep--"

"Jeep?"

"'Yung bigla na lang lumitaw sa basketball court kagabi. Walang nakakita kung dumaan 'yon sa gate o ano. Walang pumapansin kagabi dahil sa sunog sila lahat nakatutok. Kanina, nagtataka sila kung kanino ang jeep na 'yon.

"Tiningnan ko kanina, ayaw nilang ibigay sa 'kin, obviously. Kaya tinawagan ko ang may-ari kung pwede nilang i-claim. Ang problema kasi sa jeep na 'yon, wala namang rehistro dahil panahon pa ng gera. Pero may mga lumang pictures naman sila na kasama ang jeep na 'yon."

"Kanino 'yung jeep, Ninong?"

Bumuntonghininga ang ninong niya, "Sa mga Manson."

"Manson...as in..." Itinuro ni Micky ang sarili.

"Kapatid ng papa mo ang kausap ko." Tango ni Ninong Rius. "Ipinahiram sa akin ng pamangkin nila noon ang jeep. Kaibigan ko si Corey."

"Corey...'yun rin ang tinatawag ni Olivia kagabi bago s'ya nag-collapse, tapos nung magkamalay, wala nang maalala."

Napatigil si Ninong Rius, "Sigurado ka? Binanggit ni Olivia si Corey?"

"Sigurado ako kasi...nagtataka ako, Ninong. Alam ko kaagad na hindi Cory as in Aquino ang pangalang 'yun. Alam ko ang spelling. Alam ko na lalaki 'yun."

Nangunot ang noo ni Ninong Rius, "Hindi mo na ba naaalala? Pamilyar ka sa pangalang 'yon dahil nung maliit ka pa, lagi mong sinasabi na Corey ang pangalan mo. Nagkakatinginan na lang kami ng mama mo. Wala na si Corey eh. Namatay s'ya nung gabi rin na nawala si Olivia."

Napanganga muna si Micky bago nasabi ang nasa isip, "Sinasapian ako nung Corey noon?"

"Hidni naman ako naniniwala sa mga sapi na 'yan. Tsaka, tumigil ka naman sa pagsasabing si Corey ka eventually. Kutob namin ng mama mo noon, naririnig mo lang kami pag nagkukuwentuhan tungkol kay Corey. Nami-miss namin s'ya, nanghihinayang kami...kaya siguro naisip mo, gusto mong maging si Corey. Narinig mo sa amin na mabait s'ya, totong kaibigan, masayahin..."

Siguro nga, sa loob-loob ni Micky. Saka na niya iisipin ang iba pang bagay na bumabagabag sa kanya.

"Ninong, possible nga kayang si Olivia 'yung kaibigan n'yong nawala noon?" Sinabi niya na nagpunta sila ni Olivia sa bahay ng mga ito at tinanggap ng ama ang babae. Dinala sa ospital, doon daw muna magpapalipas ng gabi.

"Wala akong maisip na ibang eksplanasyon kung sino s'ya. At kasabay n'yang lumitaw ang jeep at reactor na ginawa ko noon. Nawala rin 'yun, ni anino hindi namin makita. Ang inisip na lang ng lahat, pinaandar ni Olivia at siguro daw, nahulog sa bangin, lumubog na sa dagat."

"Pero biglang...nandito na...Ninong, nag-time travel si Olivia?"

"Kaya gusto kong makita ang jeep. I need to know what went wrong that night."

"Naka-imbento ka ng time machine, Ninong."

"Imposible." Bulong nito at lumabas na.

Pero imposible nga ba? Paano pa nila ipaliliwanag ang biglang pagsulpot ni Olivia at ng jeep na iyon?

Iginala ni Micky ang paningin sa buong workshop. Nasa likod iyon ng bahay ng ninong niya. Puno iyon ng mga parts ng computer, sasakyan at kung anu-ano pang appliance. Mahilig magbutingting ang ninong Rius niya, ma-uwido sa makina at computer, baka nga nakagawa ng time machine?

Napamata siya sa binaklas na CPU sa ibabaw ng mesa.

Kung totoong nakagawa ng time machine ang ninong niya, iyon ang pag-asa niya para hindi mahuli ng mga pulis at makulong.

Pero...

Natutop niya ang noo.

Parang imposible naman, eh.

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...