The Cold Mask And The Four El...

De elyon0423

107K 4.3K 799

***Self-published under Dark Tavern Self Publishing*** Elyon Yu. Iyan ang bagong pangalan ni Jomelyn Hernande... Mais

PROLOGUE
1: WINTER TOWN
2: FIRST DAY OF SCHOOL
3: MASTER HAGIZA
4: NICOLE
5: THE SIBLINGS
6: SNOWY OWL: The Messenger
7: SUSPICIOUS RIVALS (1)
8: SUSPICIOUS RIVALS (2)
9: ANGEL OF MUSIC
10: CAMERA
11: BILL RESTAURANT
12: PRACTICE (1)
13: PRACTICE (2)
14: VIDEO COVER
15: BLACK NINJAS
16: WILD PIG
17: RUNE
18: GIRLS FIGHT SCENE
19: P.E
20: OUTSIDE WINTER TOWN
21: WATER FALLS
22: EXAMS (1)
23: EXAMS (2)
24: RESULT
25: EMOTION BEHIND THE MASK
26: EARTH QUAKE
27: TRAINING: DAGGER
28: VENTURE'S MARK
29: SOMEONE'S DEATH
30: NEGATIVE THOUGHTS
31: BUTTERFLY
32: DEEP CONCENTRATION
33: FLED AWAY
34: PHOEBE
35: FIRST SNOW FALL
36: DESIRE
37: RIGHT AND WRONG
38: HUNGRY
39: THE PAST (1)
40: THE PAST (2)
41: BACK TO SCHOOL
42: STRANGERS (1)
43: STRANGERS (2)
44: STRANGERS (3)
45: STRANGERS (4)
46: KYZHEN
47: VISIT
48: MATCH (WARM-UP)
49: MATCH (The Dragon and Lantern 1)
50: MATCH (The Dragon and Lantern 2)
51: MATCH (The Dragon and Lantern 3)
52: MATCH (The Crystal Arrow 1)
53: MATCH (The Crystal Arrow 2)
54: MATCH (The Crystal Arrow 3)
55: MATCH (THE REVELATION 1)
56: MATCH (THE REVELATION 2)
57: MATCH (THE REVELATION 3)
58: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 1)
60: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 3)
61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)
62: MATCH (The Annoying Majestic Creature 2)
63: MATCH (The Annoying Majestic Creature 3)
Announcement
64: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 1)
Announcement 2
Announcement 3
65: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 2)
66: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 3)
67: MATCH (The Santelmo and The Golden Hair 4)
68: MATCH (The True Artist 1)
69: MATCH (The True Artist 2)
70: MATCH (The True Artist 3)
71: THE CHOSEN
72: THE RETURN
73: WHITE CHRISTMAS
74: THE CELEBRATION
AUTHOR'S NOTE (Please read)
EPILOGUE
Magandang Balita para sa mambabasa at manunulat
For Writers

59: MATCH (The Scythe and Green Fireflies 2)

802 39 9
De elyon0423

"Anong mangyayari kapag nasa illusion na ang biktima?"

"Hindi niya mamamalayan na umaatake na pala ang kalaban. Ilang minuto lang ang tinatagal ng illusion kaya bago pa malaman ito ng kalaban dapat nakagawa na siya ng atake." Muling paliwanag ni Dick.

"Kung ganoon bakit kay Akihiro lang umiipekto ang illusion? May paraan ba para hindi tumingin sa blade?"

"Dahil si Akihiro lang ang focus ng weapon ni Nathaniel. Ang liwanag nito ay katulad ng buwan. Kaakit-akit sa mata ng sino mang target nito kaya hindi mo basta-basta maiiwasang hindi tumingin doon."

Napatango na lang ako sa sinabi nito at muling tumingin sa dalawang nasa sentro. "Kung ang lahat ay may kakaibang kakayahan, ano naman kaya ay ang kay Akihiro?"

Tumingin ako kay Carlisle na chilax lang ang panonood sa dalawa. Hindi ko siya makitaan ng pag-aalala sa kaibigan. Dahan-dahang tumayo si Akihiro at sakto naman ang paggamit ni Nathaniel sa kanyang karit. Muli nitong tiningnan ang blade pero sa pagkakataong iyon ay hinanda niya ang kanyang dalawang espada na parang inaasahan na niya ang susunod na atake ng kalaban.

Matapos ang ilang minuto ay sumugod si Nathaniel pero hindi kumikilos si Akihiro.

Muli siyang nagulat ng sumugod sa harapan nito pero nasalo ng kanyang sandata ang blade ni Nathaniel subalit napaatras siya dahil sa puwersang binigay ng kalaban.

Sunod-sunod ang atake ni Nathaniel pero todo ang effort ni Akihiro na salagin ang mga iyon.

Nagkamali ng tansya si Akihiro at tinamaan ang braso niya kaya muli na naman itong nagkaroon ng sugat. Hindi pa man siya gaanong nakaka-react, binaliktad ni Nathaniel ang kanyang karit at tinusok ang sikmura ni Akihiro. "Arggg." Tumalsik ang laway nito, tanda na matindi ang atakeng iyon sa kanya. Nabitawan din niya ang dalawa niyang sandata at napaluhod siya sa sahig habang sapo ang kanyang tiyan na tinamaan ng atake.

"Pasensya ka na pero dahil mayaman ka rin kaya damay ka sa galit ko."

Habol na nito ang kanyang hininga ngunit nagawa pa rin niyang tingnan si Nathaniel.

"Ha!" Muli itong sumugod kahit na hindi pa nakakabuwelo si Akihiro. Nang tuluyan itong nakalapit sa kanya ay bigla itong gumulong at kinuha ang kanyang sandata na nasa sahig hindi kalayuan sa kanya. Iwinasiwas nito iyon dahilan ng pag-iba ng direksyon ng karit ni Nathaniel. Dahil open na ang katawan nito kaya binigyan niya ito ng matinding sipa. "Arg." Napaluhod din ang kalaban niya sa sahig.

"Hindi lahat ng mayayaman ay dapat mong kamuhian. Hindi kami pare-pareho ng kinalakihan, nang kultura at nang paniniwala." Sabi ni Akihiro habang pinupulot pa niya ang isa pa niyang sandata.

Mabilis lang nakabawi si Nathaniel kaya binigyan niya ito ng nakakalokong ngisi. "Tsk." Muli silang naghanda sa pakikipaglaban.

"Wala akong pakialam kung magkakaiba kayo. Hanggat maalwa ang buhay ninyo iisa lang ang tingin ko sa inyo." Muling ginamit ni Nathaniel ang kanyang teknik. "Habang nakakakain kayo ng masarap sa lamesa, nakakapagsuot ng mamahaling damit, nakakapag-aral sa magagandang eskuwelahan, hanggat hindi ninyo nararanasan ang kumalam ang inyong sikmura wala kayong pinagka-iba sa hambog na iyon!"

"Ganoon na ba talaga kalala ang pagkamuhi niya sa atin?" Tanong ni Dick sa akin.

"What a pathetic loser." Komento ni Nicole.

"Ha-ha-ha. Gusto ko siya. Sana makalaban ko siya next time." Sinamaan ko nang tingin si Troy. "Opsss!" Tinakpan niya ang bibig niya pero halata pa rin sa mukha niya na naaaliw siya.

"Naiintindihan ko siya." Wala sa hulo kong pagsasalita.

"Mauunawaan mo ang tao kung nasa kalagayan ka nito o naranasan mo ang naranasan nito." Makahulugan ang tingin ni Dick sa akin pero iniwas ko na lang ang tingin sa kanya.

Siguro balang araw sasabihin ko sa kanila ang buhay na kinagisnan ko noon.

Akihiro Yamada

Muling dumilim sa aking paligid, ganoon din unti-unting nawawala sa paningin ko si Nathaniel at tanging ang liwanag lamang ng kanyang karit na animoy waning crescent moon ang hitsura ang nakikita ko.

Pinapakiramdaman ko ang paligid ko dahil alam kong nasa illusion lang ako. Minuto lang ay nakaramdam ako sa itaas kaya agad kong isinangga ang aking espada sa kanyang karit pero bigla siyang nawala sa itaas. "Anong... Ah!!!" Gulat ako nang makita ko siya sa harapan ko at mabilis niyang iwinasiwas ang karit nito kaya agad akong umatras pero tinamaan pa rin nito ang mukha ko. Kitang-kita ko ang dugong kumawala sa aking pisngi. Kasabay ng pagbagsak ko sa malamig na lupa ang sakit ng nararamdaman ko sa aking pisngi na tinamaan nito. Masakit din ang sugat ko sa likod lalo na ng dumikit ito sa malamig at maruming sahig.

"Tsk. Nakakainis!" Ani nito.

Mabuti na lamang at daplis lang ang nangyari, kung hindi baka wala na akong mukha ngayon. Agad akong bumangon dahil muli na naman siyang susugod. "Ah!" Sinanggala ko ang aking espada. Nakita kong open ang ibaba niya kaya sinipa ko ang dalawa niyang paa. Nawalan siya ng balanse, pero umikot naman siya sa ere at muling sumugod kaya agad akong bumangon at umalis sa puwesto ko. Tinamaan nito ang sahig pero agad din akong sumugod bago pa siya makalingon sa akin. Sinipa ko siya kaya siya tumalsik ng bahagya. Agad kong kinuha ang isa sa twin sword ko at binato sa kanya. Hindi iyon tumama dahil pinansanggala niya ang karit.

Muli kong pinulot ang isa pang espada at sakto namang nakalapit na siya sa akin kaya parehas naming nadipensahan ang isat-isa.

Panay ang wasiwas naming dalawa sa aming sandata pero wala pa ring sumusuko at nakakalamang sa aming dalawa. Base sa kilos niya parang gusto na niya agad matapos ang laban dahil parang kanina pa siya nagmamadali.

Muli siyang lumayo sa akin at bubuwelo sana siyang muli para gawin ang illusion pero hindi ko siya papayagan.

Agad akong sumugod kaya medyo nataranta siya at muling dumipensa. Inatake ko siya sa itaas dahilan kung bakit mas open ang ibabang bahagi niya kaya agad ko siyang sinipa. "Arg." Daing nito.

Napayuko siya kaya agad kong tinuhod ang mukha niya. Napatumba siya sa sahig. Hindi ko na hinayaang makabawi siya kaya agad kong dinag-anan ang katawan niya at muli siyang sinuntok sa mukha. Naramdaman ko ang karit niya sa likuran ko kaya agad akong umalis sa katawan niya.

Mabilis siyang tumayo pero nagulat ako dahil hindi niya hawak ang karit niya. "Sa likod!" Sigaw ni Elyon.

Saktong paglingon ko. "Ah!" Namalayan ko na lang lumilipad na pala ang aking katawan, tumalsik na rin sa ibang bahagi ang aking dugo. Nahiwa nito ang aking dibdib hanggang sa aking tiyan.

kasabay ng pagsalo nito sa kanyang karit ang paglagapak ko sa sahig.

Saglit na namanhid ang aking katawan pero makalipas ang ilang minuto ay nagawa ko ring maramdaman ang hapdi ng panibagong sugat na natamo ko. Pinilit kong tumayo kahit parang ang bigat na ng pakiramdam ko.

"Ang tawag ko sa atakeng iyon ay waning boomerang."

"Kuya." Nagtataka ang itsura ni Ms. Dunstan.

"I don't know about that kind of attack or technique."

Napangisi si Nathaniel. "Bago ko lamang natutunan ang pamamaraang ito pero nakakatuwang mabilis ko lang natutunan ito."

"I'm impressed." Sabi ng kakambal ni Dick.

Asar! Ano nang gagawin ko? Wala pa naman akong kahit anong kakayahan hindi katulad sa kanila.

Muli na naman nitong gagamitin ang moon shadow niya kaya umatake na ako pero napahinto ako dahil hindi ako umabot. Ang bagal ko nang kumilos dahil sa mga sugat ko.

Pinakiramdaman ko ang paligid pero hirap na rin ako kaya hindi ko napansin na nasa kanan ko na pala siya. Nabitawan ko ang natitira kong sword dahil sa atake niya. Kaya daplis lang ang nagawa niya sa braso ko, kayalang. "Ah!" Tinusok niya ang aking dibdib ng karit niya.

"Akihiro!" Alam kong boses iyon ni Elyon pero hindi ko na siya magawang malingon.

"Mahina ka na." Sabi nito sa akin.

Hinawakan ko ang talim ng karit niya. "Ha!" Pinipilit kong tanggalin ang pagkakatusok niyon sa dibdib ko kahit na nasusugatan na rin ang palad ko.

Kita ko ang pagtataka sa expression ng mukha niya. "Hangal ka!" Nagawa kong maialis ang patalim sa dibdib ko pero sinuntok niya ako hanggang sa mapahiga ako sa lupa. "Papatayin kita!"

Akihiro-chan

Nakarinig ako ng hindi pamilyar na boses pero nang imulat ko ang aking mata ang mukha ni Nathaniel ang bumulaga sa akin kaya agad akong gumulong upang hindi matamaan ng atake niya. "At talagang may lakas ka pa para kumilos ah."

Pinilit ko pa ring lumaban pero parang nabibingi na ako at nanlalabo na ang paningin ko. Naramdaman ko na lang ang huling atake ni Nathaniel at tuluyan na ngang dumilim ang paningin ko.

"Akihiro-chan."

Nakakarinig na naman ako ng boses pero hindi ko malaman kung sino. Hindi naman ito boses ni Elyon.

"Akihiro-chan."

Sinubukan kong imulat ang aking mga mata at mumunting liwanag lamang ang nakikita ko na gumagalaw. Hotaru? (fireflies?) Bakit may hotaru rito at kulay green pa?

Daijodudesu ka? (Are you alright?)


Elyon Yu

Ilang minuto nang hindi kumikilos so Akihiro. Puno na ng dugo ang kanyang katawan pero alam kong buhay pa siya.

"Mabuti naman at susuko ka na." Ngumisi si Nathaniel at itinaas na nito ang kanyang karit upang tuluyan nang wakasan ang buhay ni Akihiro.

Hindi. Hindi ito maaari! "Huwag!" Tatakbo na sana ako sa sentro upang pigilan si Nathaniel ngunit niyakap ako mula sa likod ni Dick upang mapigilan ako.

"Bitawan mo ako!"

Humarang si Carlisle sa harapan ko at binigyan ako ng masamang tingin. "Huminahon ka hangal! Kapag lumapit ka tuluyang matatalo si Akihiro at madi-disqualified ka rito."

For the firt time narinig kong tinawag nito ang pangalan ng isa sa kaibigan niya at hindi ako sure kung talagang concern siya sa akin pero hindi nila ako mapipigilan. Wala na akong paki-alam sa labang ito. Ang mahalaga ay hindi mawala ang kaibigan namin.

Nakawala ako sa pagkakayakap ni Dick pero hinawakan ang magkabila kong balikat ni Carlisle. Nakita ko ang mga mata niya na madalas ikubli ng kanyang buhok ngunit kakaiba ang mga matang iyon. Parang hindi tuloy si Carlisle ang kaharap ko dahil tila nakiki-usap ang mga mata nito.

Magsasalita na sana ako ngunit naagaw ng atensyon ko ang fireflies na lumipad sa pagitan namin ni Carlisle. Mas lalo pa akong nagtaka dahil  green ang kulay nito.

Hindi naituloy ni Nathaniel ang binabalak niya dahil nagulat din siya sa pagsulpot ng mga green fireflies sa paligid.

Pinakawalan ni Carlisle ang balikat ko at napatingin na rin sa paligid. "Ano 'to?" Tanong ni Nathaniel. Pansamantala lang ang pagtingin nito sa mga insekto. "Tsk. Hoy! ano bang pakulo ito?" Tanong nito kay Mr. Bill pero maging ito ay wala ring idea sa mga iyon. "Buwisit." Bulong nito.

"Pamilyar sa akin ito. Nabasa ko na ito somewhere." Sabi ni Dick. "Hindi kaya?"

Lumipad sa harap ni Nathaniel ang mga fireflies at nagtipon-tipon, kaya naharangan nito ang katawan ni Akihiro na wala pa ring malay hanggang ngayon. "Umalis kayo!"

Hahampasin sana niya ito subalit bigla na lang itong sumabog sa kanyang harapan kaya tumalsik siya sa malayo. Napayuko rin kami dahil sa lakas ng impact nito.

Halos hindi na namin makita ang paligid dahil sa kapal ng usok pero matapos ang ilang minuto ay uni-unti naman itong nawala. Ang si Nathaniel ang una kong nakita na bagamat madungis at punit na ang ilang bahagi ng damit ay nagawa pa rin nitong makatayo dahil ilang galos lang naman ang kanyang natamo.

Napatingin naman kami sa direksyon ni Akihiro na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maaninag dahil sa usok.

Ilang minuto pa ang lumipas, hindi pa gaanong nawawala ang usok pero nakakita kami ng imahe ng tao habang pinalilibutan ito nang mga green fireflies.

Naglakad ito pasulong kaya mas lalong luminaw sa amin ang hitsura niya. Si Akihiro. Naroon pa din ang mga natamo niyang sugat subalit makikitaan mo na may nagbago sa kanya. Ang ilang fireflies ay pumunta sa twin swords at binuhat ito papunta kay Akihiro. Agad naman niyang kinuha ito at muling hinanda ang sarili.

"Kung ganoon nag-summon si Akihiro ng fireflies."

"Hindi." Tipid na sagot ni Carlisle. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko siya naintindihan sa sinabi niya.

"First time mo lang din ito nakita hindi ba Carlisle?" Sabi ni Dick pero hindi ito umimik. Ganoon pa man halatang wala nga siyang idea tungkol sa kakayahan ni Akihiro.




ITUTULOY...

Continue lendo

Você também vai gostar

287K 9K 62
This story is about a girl who grew up alone and know nothing about her true self. What if one day a mystery happen that will revile her identity? Wh...
10.3K 486 52
Ang mundong nababalot ng hiwaga ng kapangyarihan kung saan hindi lang kabutihan ang namamayani kundi pati na rin ang kasamaan..... Tunghayan ang jour...
90.7K 2K 79
The end is here. Right before Sora's eyes And in a heartbeat the light embraces her, giving her doom, giving her fear, giving her a drowning darkness...
708K 25.9K 70
EDITED "Usually, people think that I'm a strong person. But behind my strong aura they just don't know how much im in pain and almost damn broken."...