Lady of the Blue Moon Lake

De msrenasong

136K 4.1K 498

Sagittarius Heartfelt, typical na tipo ng estudyante. Mabait, Masayahin, may pagka mainitin ang ulo, likas na... Mai multe

Lady of the Blue Moon Lake
Chapter 1. The Lady
Chapter 2: Hallucinations
Chapter 3: Unknown Visitor
Chapter 4: Lilian
Chapter 5: How do I call this day?
Chapter 6: Just a Simple Day
Chapter 7: Glimpse of What's Within
Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness
Chapter 9: Bleak
Chapter 10: Unexpexted visitor
Chapter 12: Comfortable
Chapter 13: Home
Chapter 14: His Decision
Chapter 15: Last Normal(?) Day
LOTBML Facts
Chapter 16: Timothy von Flavel
Chapter 17: Sad Flower
Chapter 18: Red moon. Little Miss Lilian
Special Chapter: LOTBML and Elements Crossover
Special Chapter: Crossover Part II
Chapter 19: The Vows, New Water Meister
Chapter 20: Lilian's First Day of School
Chapter 21: Lilian the Popular
Chapter 22: Memory from the Heart
Chapter 23: Someone from the Past
Chapter 24: Remembering Someone
Chapter 25: Sagi's Weird Feelings
Chapter 26: Sagi's First Fight
Chapter 27: Lover
Chapter 28: Getting Close
Chapter 29: Cashmere
Chapter 30: Fallen Angel
Chapter 31: The Awakening of the Fire
Chapter 32: Being a Meister
Chapter 33: Incantations
Chapter 34: Angelica, The Guardian Spirit
Chapter 35: Water and Earth
Chapter 36: Fight to Pursue
A Valentine Special
Chapter 37: Fight to Pursue (Part 2)
Chapter 38: Explaining things
Chapter 39: The Wind Element's Meister
Chapter 40: Start of being a chosen
Chapter 41: The Suffering of the Meister
Chapter 42: Vacation in Sequoia
Chapter 43: Vacation in Sequoia II
Chapter 44: Fire's Compromise and Water's Catastrophe
Chapter 45: Back to School
Chapter 46: Enemies
Chapter 47: Who's the Enemy?
Chapter 48: Suspicions
Chapter 49: Truth Revealed
Chapter 50: Silhouette of a God
Chapter 51: Silhoutte of a God 2
Chapter 52: Pain
Chapter 53: Distance
Chapter 54: New Water Goddess
Chapter 56: Loyalty
CHAPTER 57: Giulia's Side
Chapter 58: GIULIA'S GRIEF
Chapter 59: Catleya
Chapter 60: Full Moon
LOTBML 2ND ARC
2nd Arc: Chapter 2

Chapter 11: A Warm Greetings

2.2K 66 3
De msrenasong

Mula sa malayo ay makikita ang isang babae na masusing nagmamatyag sa ikinikilos at mga ginagawa ni Sagi. Hindi ito lingid sa kaalaman ni Sagi maging kay Lilian. Bukod pa sa nararamdaman nya paminsan-minsan na may nakatingin/nakasunod sa kanya (maliban kay Lilian) ay hindi nya alam na mayroon pa palang isa.

"Hmmmm. Mukhang hindi pa nga tuluyang nauunawan ng bagong meister na iyon ang kanyang tungkulin. Nakakalungkot naman at nahihirapan ang dyosa ng tubig sa kanya. Ano kayang magandang gawin upang malinawan ang kanyang isipan?"- malungkot na wika ng babaeng nakilala ni Sagi sa pangalang Lyn.

------------

Byernes at P.E class ngayon ng section nila Sagi. Nagpunta na ang mga estudyante sa kanilang mga locker rooms para magpalit ng P.E uniform.

Pagkahubad ni Sagi ng kanyang polo ay napansin nyang hindi nya suot ang kwintas na binigay sa kanya ni Lilian. Hinubad nya pala iyon ng naligo sya kanina at nalimutan nyang suotin ulit.

"Tsk! Hindi naman siguro yun magagalit. Ngayon ko lang naman iyon hindi sinuot eh."- isip-isip ni Sagi.

"Sagi, bilisan mo na dyan. Tinatawag na daw tayo ni Sir."-sita sa kanya ni Jin.

"Oo, eto na nga eh." nagmadali na syang magbihis at sumunod sa gymnasium kung saan naroon ang kanyang mga kaklase.

Naging maayos at normal naman ang takbo ng buong araw ni Sagi sa eskwelahan.

*bell rings*

"Yes! Uwian na din!" masayang sabi ni Bonn.

"Hay naku, Bonn, uwian lang talaga ang hinihintay mo pagpasok ng eskwela."-dismayadong wika ni Nicka.

"Haha medyo."-Bonn

"At inamin mo talaga ah."-napapailing na sabi ni Jin.

"Kahit kailan talaga itong si Bonn."-Ansha.

"Leo, sasama ka sa amin sa downtown di'ba?" sabi ni Andree ng lumapit sya sa magpinsan.

"Oo, may dadaanan lang ako dun sandali. Gusto mo bang sumama sa amin Sagi?"

"Oo nga Sagi, sama ka. Panuorin nyo kahit sandali lang yung praktis namin."-Andree

"Ha? A..ano kasi...medyo wala ako sa mood gumala ngayon eh."

Sa totoo lang ay kanina pa sya hindi komportable ng malaman nyanghindi nya suot ang kwintas na binigay ni Lilian kaya gusto nyang makauwi agad.

"Sige na Sagi. Wag kang KJ. Friday naman so okay lang di'ba?"-Bonn

"Pasensya na pero pass muna ko. Gusto kong makauwi agad eh." sabi ni Sagi habang inaayos ang kanyang mga gamit.

Napansin naman ng mga kaibigan ni Sagi na wala nga itong interes gumala kaya hindi na nila ito mapipilit pa.

"Ganun? Sige hindi ka na namin kukulitin. Basta next time sumama ka ah."-Andree

"Oo. Bawi ako next time."-Sagi

-----------

Sabay sabay na lumabas ng eskwelahan ang magkakaibigan. Pagdating nila sa main street ay dun na sila naghiwa-hiwalay ng daan.

"Ba-bye Sagi!"-Bonn & Andree

"Sige Sagi kita na lang tayo sa bahay. Uuwi din ako kaagad."

"Uhm. Ingat kayo."-Sagi

Habang naglalakad ay nakaramdam ng kakaiba si Sagi. Lalong hindi naging komportable ang pakiramdam nya. Naiisip tuloy nyang napaparanoid na sya dahil hindi nya suot ang kwintas. Hinayaan na lang nya ang pakiramdam at patuloy na naglakad.

Tatawid na sana sya ng kabilang kalsada ng makaramdam sya na parang may nagmamatyag sa kanya. Imbes na tumawid ng kalsada ay umiba sya ng daan. Alam nyang hindi na iyon sa pagiging paranoid nya. May sumusunod na talaga sa kanya. Hindi naman nya magawang lumingon dahil baka makahalata ito na alam nyang sinusundan sya nito. Naisip nyang iligaw ang sumusunod sa kanya sa pagdaan sa iba't ibang kalsada at pasikot-sikot na daan ngunit patuloy pa rin ito sa pagsunod sa kanya.

"Tsk! Sino ba itong sumusunod na 'to?!"

Sa huli ay naisip na nyang tumakbo para makatakas sa sumusunod sa kanya. Naiinis na sya dahil kahit anong gawin kya ay nasusundan pa din sya nito. Hanggang sa hindi na napansin ni Sagi na napad-pad na sya sa isang construction site.

"Ha?! Kainis, bakit ngayon ko lang napansin na parang ako ang nililigaw dito?!"

Nagpalinga-linga si Sagi sa paligid para makita kung sino ang taong sumusunod sa kanya. Walang ibang naroon maliban sa kanya ngunit nandoon pa rin ang kakaibang pakiramdam nya.

"Sino yan?! Alam kong sinusundan mo ako! Magpakita ka sa akin!"

"Kamusta...bata?" nagulat naman sya ng makarinig ng boses sa kanyang likuran. Agad syang napalingon at kusang umatras ang kanyang mga paa pagkakita sa taong nagsalita.

Isa itong matipunong lalaki na kung titignan ay nasa mid-30's ang edad. Nakasuot pa ito ng kakaibang damit.

"Sino po kayo? Bakit nyo ako sinusundan?" bahagyang mataas ang tonong tanong ni Sagi sa lalaki.

"Sa ngayon ay wala pa. ngunit maaari rin namang wag ko na iyong hinatayin pa."

Nagtaka naman si Sagi sa sinabi ng lalaki. Ang talinhaga kasi nito, hindi nya makuha kung ano ba talagang gustong sabihin ng lalaki.

"Hindi ko po kayo maintindihan."

"Hindi mo na kailangan pang intindihin bata. Mawawala ka na rin naman eh." pagtapos bitawan ng lalaki ang mga salitang iyon ay hinugot nya mula sa kanyang likod ang isang mahaba at malaking espada.

"Eh?! Teka...ano bang nangyayari? Papatayin nya ba ako? Psycho ata ito eh. Mukha syang matandang otaku sa itsura nya!" yan ang mga bagay na tumatakbo sa isip ni Sagi sa mga oras na ito.

Ngumiti ang lalaki at agad na sinugod si Sagi. Mabuti na lang at naiwasan nya ito. Mukhang mabigat at malakas ang atakeng iyon na binitawan ng lalaki sapagkat bumaon sa lupa ang dulo ng espada nito.

"HAAA! TEKA LANG PO.WALA NAMAN PO AKONG ATRASO SA INYO AH. NI HINDI KO NGA PO KAYO KILALA EH!!" sigaw ni Sagi sa lalaki.

Ngunit tila walang narinig ang lalaki at muli syang sinugod. Mabuti na lang at may alam sya sa mga self defense at ilang martial arts, nagagawa nyang makaiwas sa mga atake ng lalaki.

Patuloy sa pag-atake ang lalaki at patuloy din naman sya sa pagtakbo at pag-iwas dito hanggang sa ma-trap na sya nito. Wala na syang ibang mapupuntahan. Nakita nya ang mga bakal na nakatambak sa gilid ng ginagawang gusali. Mukhang kailangan na nyang labanan ang lalaki.

Bago pa man tuluyang makalapit sa kanya ang lalaki ay kinuha na nya ang bakal na tubo sa kanyang gilid at humanda sa gagawing pag-atake ng lalaki.

Hindi naman natinag ang lalaki sa ginawa ni Sagi, sa halip ay lalo pang lumawak ang ngiti nito.

"Ipakita mo ang kaya mong gawin."- isip isip ng lalaki

Tumakbo palapit si Sagi sa lalaki para magbigay ng counter attack. Subalit wala ata ang swerte at pagkakataon kay Sagi dahil nagawang hiwain ng espada ng lalaki ang bakal na gamit nya.

"A-ang talim ng espada nya."

Sa sobrang pagkamangha ay di napansin ni Sagi ang kamaong palapit sa kanya. Binigyan sya ng isang suntok sa sikmura ng lalaki na nagpatalsik sa kanya.

"Aaack! *cough* *cough* hah...hah... Ang s-sakit. Papatayin talaga nya ako ah."

"Nakakalungkot naman. Mukhang hindi na ata ganoon kagaling maghanap ng bagong meister ang council ah." maangas na sabi ng lalaki.

"Alam nya..ang tungkol sa mga m-meister? Wag mong sabihing...isa sya sa mga kalaban na sinasabi ni Lian."

Samantala, nasa pagmamadali si Lilian sa pagtakbo pababa ng bundok mula sa lawa. Naramdaman nya ang presensya ng kalaban at ang kaba para kay Sagi.

"Hindi ko sya maramdaman. Nakakainis naman. Nasaan ka Sagittarius?!" sabi ni Lilian sa sarili habang mabilis na tumatakbo.

Nilibot na nya ang lahat ng lugar na malapit sa kanilang bahay at sa lugar kung saan maaring nandoon si Sagi. Naisipan na rin nyang pumunta sa eskwelahan ngunit hindi nya maramdaman ang presensya doon ng kanyang meister.

"Sagittarius nasaan ka ba? Sinabi ko na sayong isuot mo yung kwintas di'ba? Hindi kita gaanong maramdaman." labis na nag-aalala si Lilian kay Sagi habang patuloy nyang itong hinahanap.

Sa kanyang pagtakbo ay may nakita syang maliit na fountain sa tabi ng isang restaurant. Naisip nyang alamin ang kinalalagyan ni Sagi gamit ang tubig na mula rito.

"Oh, tubig na sumasailalaim sa aking kapangyarihan. Ipakita mo sa akin ngayon din ang kinalalagyan ng aking Meister."

Pagtapos nyang sabihin ang mga katagang iyon ay nagliwanag ng bahagya ang tubig at pinakita nito ang kinalalagyan ni Sagi. Nakita ni Lilian mula sa repleksyon ng tubig ang isang construction site. Pagkatapos ay pinakita nito sa kanya si Sagi na nakikipaglaban sa isang lalaki.

"SAGITTARIUS!!" nahihintakutang bulalas ni Lilian. Wala syang paki-alam kung may nakakita man sa kanya. Tumakbo na sya paalis para hanapin ang construction site. Alam nya kung saan ito sapagkat may mga poster sa paligid na nagsasabi ng isang itinatayong bagong mall.

"Pakiusap. Sana makaabot ako."

Hindi naman makapaniwala si Sagi sa kanyang nakikita ngayon. Biglang umangat ang ilang bahagi ng lupa at kumorteng mga tao.

"Hindi na talaga kalukohan lang ang mga ito. Tsk! Ano ng gagawin ko?"

Sa pagtaas ng kamay ng lalaki ay sabay sabay na kumilos ang mga taong lupa upang atakihin si Sagi.

Kahit na marami ang mga ito ay nagagawa naman ni Sagi na protektahan ang sarili. Buti na lang talaga at halos lahat na ata ng martial arts ay pinag-aralan nya noong elementary days nya.

*booogsh*

Isang suntok sa mukha ang tumama kay Sagi na nagpabagsak sa kanya. Tatlo na lang ang mga taong lupa na kalaban nya pero nahihirapan na rin sya dahil sa pagod.

"Nakakainis na talaga kayo ah!!" sigaw ni Sagi ng muli syang tumayo.

Napansin naman ng lalaki ang kakaibang kilos ng tubig sa mga container na nasa paligid. Mukhang nagrespond ang mga iyon sa pagsigaw ni Sagi. Natuwa naman ang lalaki dahil mukhang makikita na nya ang kakayahan ng panibagong meister.

"Sige lang. Ipakita mo na karapat-dapat ka nga sa kapangyarihan ng kalikasan."

Muling inatake ni Sagi ang mga taong lupa at ng matapos nya ang mga ito ay kumuha sya ulit ng isang mas makapal at matibay-tibay na bakal.

"Hindi ko gusto na sa ganitong bagay ako mamamatay." sabi ni Sagi at tumakbo palapit sa lalaki.

"Sa tingin mo ba ay u-ubra ang mahinang bakal na iyan sa aking espada?" pang-aasar na sabi ng lalaki at humanda na ring umatake.

Mabilis na tumakbo palapit si Sagi sa lalaki. Tila ba nawala ang lahat ng pagod at sakit sa kanyang katawan. Nagawa nyang iwasan ang atake ng lalaki at agad na bumwelo pailalim at inatake ang kamay ng lalaki na may hawak na espada.

"AAAH!!" sigaw ng lalaki matapos matamaan ng bakal ang kanyang kamay. Lumayo naman ng bahagya si Sagi.

"Wala naman akong planong kalabanin ang espada mo eh. Alam kong walang palag ang bakal na ito sa espada mo kaya ikaw na lang mismo ang aatakihin ko."

"Mautak ka rin pala, bata."

Biglang sumeryoso ang dati'y nakangiting mukha ng lalaki. Binitawan nito ang kanyang espada at sumugod kay Sagi.

Pakiramdam ni Sagi ay mas lalong bumilis ang lalaki. Nagalit ata sa ginawa nya kanina. Sa sobrang bilis ay hindi nya magawang maiwasan ang atake nito. Ang bigat din ng mga kamao nito kaya nakakaramdam na sya ng pagod at sakit ng katawan.

Sa muling pagkakataon ay napatalsik sya ng lalaki sa ginawa nitong pagsipa sa kanya. Hindi na nya magawa pang makatayo. Kinuha ng lalaki ang espada na inilapag nya kanina.

"Ngayon pa lang ay nararapat na kitang tapusin ng sa gayun ay hindi ka na tuluyang maging banta sa pangarap ng aming Mistress." sabi ng lalaki at umambang aatakihin syang muli ng espada nito. Wala ng ibang nagawa si Sagi kundi ang ipikit ang kanyang mga mata.

"Hindi ko hahayaang gawin mo yan."

Napadilat ng kanyang mga mata si Sagi ng marinig ang tinig na iyon. Nang itaas nya ang kanyang tingin ay nakita niya si Lilian na sinangga ang atake ng lalaki gamit ang isang spear na gawa sa yelo.

"Lian?"

"Aba...sa wakas ay dumating din ang dyosa ng tubig. Tulad ng dati ay napakaganda mo pa rin, Lilian." sabi ng lalaki at umatras ito palayo kay Lilian.

"Lumayo ka muna Sagittarius."

"Te-teka lang."

"Bilisan mo na lang at kumilos ka na!" natakot naman si Sagi sa seryosong tinig na iyon ni Lilian kaya tumabi na lang sya kahit ayaw nya.

"Hindi kita mapapatawad sa pagtatangka mo sa buhay ng aking Meister." seryosong sabi ni Lilian at sobrang bilis na lumapit sa lalaki. Sobrang bilis na halos hindi ito makita ni Sagi.

Napako na lang sa kanyang kinatatayuan si Sagi. Manghang-mangha sya sa kanyang nakikita. Kayang-kaya ni Lilian na makipag sabayan sa lalaki. Nakakabilib din na hindi nasisira ang armas nitong yelo ng espada ng lalaki.

Punong-puno na ng galos ang lalaki at bakas na rin ang panghihina nito. Si Lilian naman ay nananatiling maayos at kalmado bagamat may mga galos na rin ito, ngunit nakakatakot pa rin ang seryosong aura ni Lilian.

Itinaas ng lalaki ang kanyang espada at iwinasiwas ito na nagdulot ng napakalakas na pwersa ng hangin na palapit kay Lilian. Nagawa naman itong iwasan ni Lilian ngunit nadale ng malakas na hangin ang gilid na bahagi ng ginagawang gusali. Tila isang malaki at napakatalim na blade ang hangin na humiwa sa hindi pa buong gusali. Dahil doon ay gumuho ang parte ng gusali na tinamaan ng hangin. Nagkataon naman na doon nakatayo si Lilian sa mismong pagbabagsakan nito

"LIIIIAAAANN!!" sigaw ni Sagi at nagmamadaling tumakbo palapit kay Lilian.

"Huh?! Sagittarius wag kang lalapit!" sigaw ni Lilian sa tumatakbong si Sagi.

Bago pa man makalapit si Sagi ay nakita ni Lilian ang tangke ng tubig na malapit lang sa direksyon kung nasaan si Sagi. Kinontrol nya ang tubig na nandoon sa loob ng tangke.

Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na nya nagawa pang kontrolin ng maayos ang kanyang kapangyarihan. Nabutas ang tangke at mabilis at rumaragasa na lumabas ang tubig nito na syang nagtulak palayo kay Sagi. Mabuti na lang at tumama si Sagi sa mga sako ng buhangin kaya hindi sya gaanong nasaktan.

Natabunan naman si Lilian ng pagguho ng gusali.

"Ahhh...aray ko." daing ni Sagi matapos nyang tumama sa mga sako ng buhangin. Napatingin naman sya sa gumuhong parte ng gusali. "LIAN! LIAN!" sigaw niya.

Dali-dali syang tumakbo palapit dito habang tinatawag si Lilian.

Halos mawalan ng pag-asa si Sagi na buhay pa ang babae matapos nitong matabunan ng biglang lumabas mula sa guho si Lilian. Hindi ito nasaktan sapagkat bago pa man sya tuluyan mabagsakan ng pagguho ay nakagawa sya ng isang shield na gawa sa tubig. 

"LIAN!" masaya at nabunutan ng tinik na bulalas ni Sagi ng makitang ayos lang ang babae.

"Tsk! Masyado talagang matibay ang mga dyosa!" inis na sabi ng lalaki.

Pagtapos makaalis ni Lilian sa guho ay muli nyang inatake ang lalaki. Ngunit huli na sya dahil may isang itim na lagusan ang biglang sumulpot sa gilid nito at pumasok na roon ang lalaki.

"Palakasin mo ang batang iyan dyosa ng tubig." pahabol pang sabo ng lalaki bago tuluyang maglaho ang lagusan.

"Grrrr. Isa ka talagang duwag, Procyon!" sigaw ni Lilian.

Nang mawala ang lalaki ay agad na nilapitan ni Sagi si Lilian na nakaupo na ngayon sa lupa.

"Lian! Ayos ka l--"

"Ayos ka lang ba Sagittarius?!" punong puno ng pag-aalalang tanong ni Lilian. Ibang iba ang tono ng pagsasalita kumpara sa kanina lang na nakakatakot at seryoso.

"Eh?! Bakit ako ang tinatanong nya eh sya nga itong napuruhan?" nasabi ni Sagi sa kanyang sarili.

"Oo, ayos lang ako."

"Sigurado ka, walang masakit sa'yo?"

"Uhm..."

"Ikaw talaga! ANO BA SA TINGIN MO ANG PLANO MONG GAWIN KANINA? MAGPAPAKAMATAY KA BA? BAKIT MO NAMAN NAISIPAN NA LUMAPIT SA AKIN KANINA?" biglang nawala ang tono at itsura nitong nag-aalala. Bipolar ata si Lilian.

"Ah...gu-gusto lang naman kitang protektahan." halos pabulong na sabi ni Sagi.

"Protektahan? Sa katauyan mo ngayon ay wala kang kakayahang protektahan ako. Maging ang sarili mo." cold na tono na wika ni Lilian.

"Hindi mo ba naisip na plano talaga yun ni Procyon? Alam nyang maari mo akong iligtas na sya namang magdadala sayo sa matinding kapahamakan. Sa susunod ay wag kang pabigla-bigla! Yan ang magiging sanhi ng iyong kamatayan!"

"So-sorry." nakayukong sabi ni Sagi. Hindi nya rin magawang tumingin ng diretso sa babae. Para syang bata na pinapagalitan ng kanyang nanay.

"AT ISA PA PALA! BAKIT HINDI MO SUOT ANG KWINTAS NA BINIGAY KO SAYO?! Dahil tuloy doon ay hindi kita nahanap kaagad! Sinabi ko na sayo na lagi mo iyong susuotin diba? Mabuti na lang talaga at umabot ako! Kung hindi....nakuuuuu..!" nanggigigil na sabi ni Lilian.

"Te-teka lang. Simula ng ibigay mo iyon sa akin ay palagi ko iyong sinusuot. Nagkataon lang na nakalimutan ko iyong suotin ulit kanina. Tinanggal ko kasi yun nung naligo ako eh." pagtatanggol ni Sagi sa sarili.

"Hmmp! Mabuti na lang talaga at ligtas ka. Kinabahan ako ng sobra doon ah. Sigurado ka bang hindi ka napuruhan?" kalmado na si Lilian. Bipolar nga -____-

"Hindi naman. Medyo masakit lang ang katawan ko pero okay lang ako. At bakit ba ako ang tinatanung mo kung ayos lang eh ikaw nga itong nakipaglaban sa lalaki?"

"Natural lang na alalahanin kita. Parte iyon ng misyon ko. At wag mo na akong isipin dahil kaya kong protektahan ang sarili ko."

"Tssss. Yabang nito." bulong ni Sagi atsaka sya lumuhod patalikod kay Lilian.

"Oy! Sa-Sagittarius! Anong nangyari sa'yo? Akala ko ba okay ka lang eh baki--"ngunit pinutol na ni Sagi ang sasabihin nya.

"Okay nga lang ako. Ipapasan lang kita." bahagyang nakakunot noong sabi ni Sagi.

"Ha? Ipapasan?" nagtatakang tanong ni Lilian

"Oo. Hindi naman maganda kung pagtapos mo akong iligtas ay hahayaan na lang kitang maglakad. Napuruhan ka din dun sa laban ninyo ng lalaki kanina. Atsaka kapag nalaman ito ni Leo siguradong mapapagalitan ako nun. Sasabihin nun na hindi dapat kita hinayaan na kalabanin mag-isa yung lalaki kahit may kapangyarihan ka pa." =3=

"Eh basa ka kaya. Mababasa din ako."-sa totoo lang ay nagdadahilan lang sya.

"Sino kayang may gawa nito?"-bakas ang kaunting inis sa tono na sabi ni Sagi.

"Nakokontrol mo naman ang tubig di'ba? Bakit di mo na lang gawan ng paraan itong basa kong damit?"

"Hmmm. Okay." napangiti naman si Lilian sa mga sinabi ni Sagi, mukhang naiintindihan nito ang posibleng magawa ng kanyang kapangyarihan. Pagtapos nyang alisin ang tubig sa damit ni Sagi ay pumasan na sya sa likod nito.

-----------------

Maraming salamat po sa pagbabasa:)

Sana ay natuwa kayo sa chapter na ito.

Vote, comment and share the world LOTBML<3

Continuă lectura

O să-ți placă și

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...