Lady of the Blue Moon Lake

By msrenasong

136K 4.1K 498

Sagittarius Heartfelt, typical na tipo ng estudyante. Mabait, Masayahin, may pagka mainitin ang ulo, likas na... More

Lady of the Blue Moon Lake
Chapter 1. The Lady
Chapter 2: Hallucinations
Chapter 3: Unknown Visitor
Chapter 4: Lilian
Chapter 5: How do I call this day?
Chapter 6: Just a Simple Day
Chapter 7: Glimpse of What's Within
Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness
Chapter 9: Bleak
Chapter 11: A Warm Greetings
Chapter 12: Comfortable
Chapter 13: Home
Chapter 14: His Decision
Chapter 15: Last Normal(?) Day
LOTBML Facts
Chapter 16: Timothy von Flavel
Chapter 17: Sad Flower
Chapter 18: Red moon. Little Miss Lilian
Special Chapter: LOTBML and Elements Crossover
Special Chapter: Crossover Part II
Chapter 19: The Vows, New Water Meister
Chapter 20: Lilian's First Day of School
Chapter 21: Lilian the Popular
Chapter 22: Memory from the Heart
Chapter 23: Someone from the Past
Chapter 24: Remembering Someone
Chapter 25: Sagi's Weird Feelings
Chapter 26: Sagi's First Fight
Chapter 27: Lover
Chapter 28: Getting Close
Chapter 29: Cashmere
Chapter 30: Fallen Angel
Chapter 31: The Awakening of the Fire
Chapter 32: Being a Meister
Chapter 33: Incantations
Chapter 34: Angelica, The Guardian Spirit
Chapter 35: Water and Earth
Chapter 36: Fight to Pursue
A Valentine Special
Chapter 37: Fight to Pursue (Part 2)
Chapter 38: Explaining things
Chapter 39: The Wind Element's Meister
Chapter 40: Start of being a chosen
Chapter 41: The Suffering of the Meister
Chapter 42: Vacation in Sequoia
Chapter 43: Vacation in Sequoia II
Chapter 44: Fire's Compromise and Water's Catastrophe
Chapter 45: Back to School
Chapter 46: Enemies
Chapter 47: Who's the Enemy?
Chapter 48: Suspicions
Chapter 49: Truth Revealed
Chapter 50: Silhouette of a God
Chapter 51: Silhoutte of a God 2
Chapter 52: Pain
Chapter 53: Distance
Chapter 54: New Water Goddess
Chapter 56: Loyalty
CHAPTER 57: Giulia's Side
Chapter 58: GIULIA'S GRIEF
Chapter 59: Catleya
Chapter 60: Full Moon
LOTBML 2ND ARC
2nd Arc: Chapter 2

Chapter 10: Unexpexted visitor

2.2K 67 27
By msrenasong

Sa isang airport...

Makikita ang pagdating ng isang babae mula sa ibang bansa. Isa syang balik-bayan at kapansin pansin na malaki ang pagkakahawig nya kay Leo.

----------

Dahil sabado ngayon ay bumabawi sina Sagi at Leo sa mga gawaing bahay. Kahit kasi sinabi na ni Lilian na sya na ang bahala dito ay gusto pa rin ng dalawa na tumulong. Ang sagwa naman siguro kung hindi nila tutulungan ang babae kapag may oras naman sila. Parang lumalabas tuloy na inaalila nila ang babae.

Nagsasampay na si Leo ng mga nilabhan nyang uniporme nila ni Sagi. Siya ang naglaba samantalang si Sagi naman ang namalengke. Syempre kasama ni Sagi si Lilian, may misyon ang babae eh.

"Kung sasama ka lang rin naman pala sa akin ay sana ikaw na lang ang namalengke."yamot na sabi ni Sagi.

"Wag ka ngang ganyan Sagittarius! Akala ko ba gusto nyo muna akong magpahinga sa mga gawaing bahay, eh bakit gusto mo na ako ang mamalengke?"- nakasimangot na sabi ni Lilian habang kumakain ng ice cream.

"Yun na nga! Pahinga mo ngayon! Tapos sumama ka naman. Dapat nagpapahinga ka sa bahay at nanonood lang ng T.V."

"Well, pahinga sa gawaing bahay at hindi sa pagbabantay sa'yo."

Napailing na lang si Sagi. Wala talaga syang magagawa para tigilan ng babae kahit sandali lang ginagawa nitong pagbabantay sa kanya.

Nagliligpit naman na si Leo ng mga ginamit nya sa paglalaba ng tumunog ang doorbell. Naisip nya na baka dumating na ang dalawa ngunit nagtaka naman sya dahil bakit nagdoorbell pa ang mga ito.

"Oh, Sagi ang bilis nyo n--"

"Hi, Leo!"

"A-Ate Eneri?!"

---------------

Halos malapit na ring matapos sila Sagi sa pamamalengke. Pupunta na lang sila sa isang meat shop na sinasabi ni Leo na magaganda daw ang panindang karne. Sa paglalakad nila Sagi ay may nadaanan sila isang boutique. Napahinto naman si Lilian dahil sa nakita nyang magandand damit na nakadisplay sa boutique.

"Woooooow. Ang ganda naamn ng damit na iyon." bulong ni Lilian at lumapit sa salamin na bintana ng boutique.

"Hmm? Hoy, ano bang ginagawa mo diyan?" tanong ni Sagi kay Lilian ng mapansin nyang huminto ang babae sa paglalakad.

"Tignan mo itong damit Sagittarius. Ang ganda di'ba? Tingin mo ay bagay iyon sa akin?" hindi pa din nya inaalis ang tingin sa damit.

Lumapit naman sa kanya si Sagi at tinignan ang damit na tinutukoy ni Lilian. Napakunot naman ang noo nya ng makita ito.

"Sagittarius, pumasok muna tayo sandali sa loob. Gusto ko sanang sukatin at tignan kung bagay sa akin." excited na sabi ni Lilian.

"Bakit pa eh hindi naman natin yan bibilhin. Halika na may pupuntahan pa tayo."

"Pwede namang subukan lang eh. Sige na. Please." *^*

"Kung tinatanung mo kung bagay sayo yan ay sinasabi ko na sayo na OO. Maganda ka at tingin ko kahit anong suotin mo babagay sa'yo." bagot na sabi ni Sagi ngunit nagsasabi naman sya ng totoo.

"Aba, Sagittarius. Pinupuri mo ba ako?" tanong ni Lilian ng may nakakalokong ngiti.

"Ewan ko sa'yo. Aalis na nga ako. Mabuti pang ako na lang mag-isa." sabi ni Sagi at naglakad na.

"Hep! Hep! Teka. Sige na! Sandali lang naman eh." at sinundan nya si Sagi.

"AYAW!"

"Kung inaakala mo na makakatakas ka sa akin ay nagkakamali ka. Hala! Samahan mo ako doon sa boutique!" giit ni Lilian at hinila sa kwelyo nya si Sagi papunta ng boutique.

"Hoy! Ano bang ginagawa mo?! Masisira ang damit ko nyan eh!"

-----------------

"Naku, Miss, bagay na bagay sa iyo. Napakaganda mong tignan diyan sa damit." sabi ng saleslady pagkalabas ni Lilian ng fitting room. Nakaupo naman si Sagi sa isang couch malapit lang sa kanila.

"Tignan mo Sagittarius oh. Bagay daw sa akin hehe." natutuwang sabi ni Lilian habang tinitignan ang sariling repleksyon sa salamin.

"Oo nga. Sinabi ko na kanina di'ba? Halika na, may bibilhin pa tayo." hindi man lang tinignan ni Sagi si Lilian at agad na tumayo sa couch.

"Taka Sir, hindi nyo po ba ito bibilhin para sa girlfriend ninyo?" tanong ng saleslady.

"Girlfriend? Kailan pa ako nagkaroon ng girlfriend?" nakakunot noong tanong ni Sagi.

"Ah. Hindi po ba kayo mag-girlfriend at boyfriend?"-Saleslady

"Hehe hindi po." sagot ni Lilian sa saleslady at saka lumapit kay Sagi.

"Sagittarius...baka naman...pwede?" pakiusap ni Lilian kay Sagi with matching pa-cute and puppy eyes.

"Oh?! Anong tingin yan? Akala mo effective yan? Ha! Tigilan mo ako Lilian. Aalis na ako." at umalis na nga si Sagi.

"EH?! SAGITTARIUS?!" nakapout at napapadyag pang sigaw ni Lilian.

----------

"Hindi ko inaasahan ang pagdating nyo ate. Kailan pa pala kayo nakauwi ng bansa?" tanong ni Leo habang nilapag sa center table ng sala ang meryendang inihanda para sa kanilang bisita.

"Ngayon lang. Hehe sorry kung hindi ako nagsabi ah."

"Ayos lang naman po ate. Sigurado akong nakapagod kayo sa byahe."

"Naku hindi naman, ayos lang ako. Si Sagi nga pala?"

"Ah! Si Sagi, namalengke sya ngayon. (Oo nga pala, hindi pwedeng makita ni ate si Lilian) Teka lang po sandali ate ah, lalabas lang ako. Kumain lang po kayo dyan."

"Ahm..okay."

Pagkalabas ni Leo ng bahay ay agad nyang di-nial ang numero ng pinsan. Hindi naman nagtagal at sinagot din nito ang kanyang tawag.

"Oh, Leo. Bakit? May ipapabili ka pa ba?"

"Wala naman. Kaya lang kasi may problema eh. Pauwi na ba kayo ni Lilian?"

"Problema? Ah...pauwi na rin kami."

"Dumating kasi si Ate Eneri ngayon. Hindi nya pwedeng makita si Lilian."

"Si ate Eneri?! Umuwi?! Eh, problema nga iyan!"

"Bakit Sagi? Ano bang nangyayari? Sino ba yung ate Eneri na yun?" hindi na napigilan ni Lilian na sumabat dahil sa kakaibang reaksyon ni Sagi sa pakikipag-usap kay Leo.

"Mamaya ko na lang ipapaliwanag. Basta wag ka na munang umuwi sa bahay ah."

"Ha?! Bakit naman?!"

"Basta! Wag ka na munang makulit Lian okay? Sige na uuwi na ako." at nagmamadaling tumakbo si Sagi.

"Hoy teka! Ano kaya yun? AT LILIAN ANG PANGALAN KO HINDI LIAN!"

-----------

"Kamusta ate! Welcome back!" bati ni Sagi sa kanilang bisita.

"Hehe thank you. Ang tagal ko talagang nawala, ang laki ng iginwapo nyo eh."-Eneri

"Haha ang honest nyo po talaga ate."-Sagi

"Teka nga pala ate. Walang nabanggit sa akin si mama na uuwi kayo ngayon?"-Leo

"Hehe hindi ko kasi sinabi na uuwi ako ngayon. Maging kina mama. Wala lang, para surprise."

"Okay lang ba yun ate?"

"Oo naman. Sya nga pala, pwede bang dito muna ako ng ilang araw? May mga aayusin pa kasi akong mga papeles bago ko dalawin sila tita at umuwi ng probinsya."

"Siguradong matutuwa si mama kapag pumunta ka doon sa amin ate. Baka nga samahan ka pa nya pauwi ng probinsya."-Leo

"Mukhang ganun nga ang mangyayari."

"Pssst. Leo." pabulong na tawag ni Sagi sa pinsan.

"Hmmm?"

"Dito sya tutuloy, paano si Lian? Tsaka yung mga gamit nya doon sa kwarto?"

"Oo nga pala. Nasaan na ba sya ngayon?"

"Hindi ko alam dun."

"Bakit may problema ba?" napansin kasi ni Eneri na nagbubulungan ang dalawa.

"Ah...hehe wala naman ate. Naisip lang namin na ayusin ang magiging kwarto mo."

"Nakakahiya naman . Pwede naman na dito na lang ako sa sofa."

"Hindi pwede ate, bisita ka namin eh. Atsaka maayos naman yung kwarto. Tumuloy din kasi dito sila ate Rica nito lang nakaraan kaya naka-ayos na yung kwarto. Di'ba Sagi?"

"Hehe oo ate. Konting linis lang ang gagawin namin."

"Talaga? Maraming salamat"

---------------

Kinagabihan...

Natutulog na ngayon sa kwarto ni Lilian si Eneri. Itinago muna ni Sagi ang mga gamit ni Lilian sa kwarto niya.

"Haaaaaay...kinabahan ako dun ah."-tila nabunutan ng tinik na sabi ni Leo.

"Ako man din. Nasaan na kaya si Lian ngayon?"-Sagi

"Natutuwa ako na hindi na "babae" ang tawag mo kay Lilian. Kaya lang mali naman, Lilian ang pangalan nya hindi Lian."

"Tssss...ganun din yun"

"Anong ganun din yun?!" bigla na lang pumasok ng bahay si Lilian na ikinagulat ng dalawa. Naupo na din sya sa sofa sa tapat ng dalawa. 

"AY PUTO'T BIBINGKA! Bakit bigla ka na lang sumusulpot?!"

"Nagulat din ako dun Lilian ah."-napahawak pa sa dib-dib na sabi ni Leo

"Sorry. Kanina pa ako dun sa labas 'no. Sino ba kasi ang ate Eneri na yun?"

"Pinsan ko sya sa side ng aking mama. Sorry nga pala kung hindi hindi ka muna namin pinauwi ah. Hehe pati na din pala yung kwarto mo, pinagamit namin kay ate."-Leo

"Naiintindihan ko naman. Wag nyo na iyong isipin."

"So paano na yan ngayon? Ilang araw pa si ate dito. Saan ka tutuloy?"-Sagi

"Hmmmm. Wala namang problema dun. Hindi na lang ako magpapakita sa kanya. Dun na lang din muna ako sa kwarto mo matutulog Sagi. Share na lang muna kayo ni Leo o kaya dito ka sa sala matulog."

"Ano?! Hindi naman pwede yun. Mamaya nyan magtaka si ate sa ganoong set-up at mag-isip pa ng kung ano sa amin ni Leo."

"Eh anong gusto mong mangyari sa akin?"

"Uhmmmm...baka naman pwedeng bumalik ka muna sa lawa hehe."

"Gusto mo talagang mawala ako sa landas mo ah." naniningkit ang matang tanong ni Lilian.

"Hehe hindi naman. Kahit ilang araw lang ay tigilan mo muna ako."

Tinitigan naman ng masama ni Lilian si Sagi. Samantalang nagkibit balikat lang ang huli.

"Ano nang gagawin natin?"Leo

"Haaaay! Ayaw mo talagang sundan at bantayan kita Sagittarius 'no?!" bumuntong hininga pa ito bago magsalita ulit "Kung ganun ay hindi na kita kukulitin!" tumayo na ito at tumalikod sa dalawa.

"Eh? Teka sandali Lilian. Wag ka namang magtampo."

Tiningnan naman ni Leo si Sagi na nagsasabing kumilos ka naman.

"Hindi naman ako nagtatampo eh."

(Wala na talaga akong magagawa sa katigasan ng ulo ni Sagittarius.)"Kung ayaw mong sundan kita ay isuot mo itong kwintas na ito." inilabas nya ang isang kwintas na may asul na batong pendant.

"Ano naman ito?" tanong ni Sagi ng kinuha ang kwintas kay Lilian.

"Ang kwintas na yan ay may bato na galing mismo sa lawa. Kapag suot mo yan, madali ko lang malalaman kung nasaan ka at mapupuntahan kita kaagad sakaling magkaroon ng problema. Hindi pa kasi natin nagagawa ang 'pagkakasundo' kaya hindi ganoon kalakas ang bond nating dalawa kaya nahihirapan akong hanapin ka kapag magkalayo tayong dalawa."

"Para pala iyang isang transmitter."-Leo

"Oo ganun na nga. Lagi mo iyang susuotin maliwanag ba?"

"Oo basta ba wag mo na akong susundan eh."

"Sagi!" saway ni Leo sa pinsan.

"Tatahimik na." isinuot na ni Sagi ang kwintas.

"Bagay naman pala sa'yo eh."-Leo

"Sige na. Aalis na ako." at bigla na lang naglaho si Lilian.

"Nagtatampo ata talaga sya. Ikaw naman kasi Sagi eh!"

---------------

Pumasok na sina Leo at Sagi sa eskwelahan. Maya-maya rin ay umalis na rin ng bahay si Eneri para asikasuhin ang mga papeles nya. Samantalang nandoon naman si Lilian sa lawa.

"Nakakabagot naman."

Naglalaro ng tubig si Lilian sa lawa para hindi naman sya mabagot. Maya-maya pa ay napansin nya sa kanyang repleksyon sa lawa na hindi pala nya suot ang ribbon na panali nya sa kanyang buhok.

"Kaya pala parang may kakaiba sa akin eh. Hindi ko pala suot ang ribbon ko. Sa pagmamadali kong habulin si Sagittarius kahapon ay hindi ko na iyon nasuot. Alam ko na! Kukunin ko na lang iyon sa bahay. Siguro naman ay wala na tao dun ngayon."

Nagpunta nga si Lilian sa bahay nila Sagi at tama nga sya na wala ng tao doon. Pumasok sya sa loob ng bahay at dumiretso sa kanyang kwarto. Pagtingin nya sa kanyang kabinet ay wala ang kanyang mga gamit dito.

Samantala ay malapit nang maka-uwi si Eneri sa bahay ng magpinsan. nakasakay sya ngayon sa isang taxi at inaayos ang hawak nyang mga papeles sa isang envelope.

"Hmmm. Mabuti pa ipagluto ko yung dalawa ng dinner mamaya. Tama! Ipapatikim ko sa kanila ang specialty ko bilang pasasalamat sa pagpapatuloy nila sa akin."-Eneri

--------

"Nasaan naman kaya nilagay ng dalawang iyon ang gamit ko?" tanong ni Lilian sa sarili pagtapos nyang tignan lahat ng pwedeng paglagyan ng gamit nya sa loob ng kwarto. Naisip naman nyang tignan kung nandoon ang gamit nya sa kwarto ni Sagi.

Lalabas na sana sya ng silid ng biglang bumukas ang pinto. Hindi pa naman nya inactivate ang kanyang kapangyarihan kaya nakikita sya ngayon ni Eneri.

"Ahm...Miss?"

"Hindi ito pwede." agad na ginamit ni Lilian ang kanyang kapangyarihan para hindi sya makita ni Eneri. Nagulat naman si Eneri dahil biglang naglaho sa kanyang harapan ang magandang babaeng kanina lang ay nasa loob ng kwarto.

-----------

"Nandito na kami."-sigaw ni Leo pagkapasok nila ng bahay.

"Kamusta ang araw nyo?"-Eneri

"Mabuti naman ate. Ikaw, kamusta ang lakad mo?"

"Okay naman, babalikan ko na lang ang mga iyon bukas at matatapos na din. Baka sa susunod na araw ay umalis na din ako."-Eneri

"Ayos lang naman ate kung magtatagal ka pa. Welcome ka naman dito sa amin eh."-Sagi

"Hehe salamat. Alam ko naman yun kaya lang gusto ko na ulit makita sila mama."-Eneri

"Kung sabagay."-Sagi

"Sya nga pala Leo, may multo ba dito sa bahay?"-kaswal na tanong ni Eneri.

"Multo?"-Leo

"??????"-Sagi

"Oo. May nakita kasi akong babae dun sa kwarto ko kanina."

"Si Lilian ata ang tinutukoy ni ate."- isip-isip ni Leo

"Tsk! Si Lian talaga!"-pabulong na sabi ni Sagi.

"Wala naman ate baka namamalikmata ka lang."- Leo

"Baka nga. Pero sana totoo sya hehe! At makita ko sya ulit. Napakaganda kasi nya eh!" excited at tuwang-tuwa na sabi ni Eneri.

"Si Lian nga iyon." =____= -Sagi

--------------

"Ba-bye ate! Ingat ka sa byahe mo ah. Ikamusta mo na lang ako kina mama pagdating mo sa amin."-Leo

Nasa bus station sila Sagi, Leo at Eneri. Naasikaso na kasi ni Eneri ang lahat ng kanyang papeles kaya naman napagdesisyunan na nyang umalis at dalawin ang mama ni Leo bago tuluyang umuwi ng probinsya.

"Uhm. Paano ba-bye na." kinuha na ni Eneri ang kanyang mga gamit na bit-bit ng dalawa.

"Sige ate. Ingat ka po. Ba-bye!"-Sagi

"Ba-bye." pahabol na sabi nito bago pumasok ng bus.

"Wala na si ate, ibig sabihin ay uuwi na sa atin Si Lilian." masayang sabi ni Leo.

"Oo nga. Tapos na'ng maliligayang araw ng katahimikan ng aking mundo." T...T

-------------

Maraming salamat sa pagbabasa.

Patuloy nyo po sanang subaybayan ang masalimuot na kwento ng buhay ni Sagi hahahaha XD kiddin'

Vote, Comment, spread the word LOTBML

Continue Reading

You'll Also Like

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...