Lady of the Blue Moon Lake

By msrenasong

136K 4.2K 498

Sagittarius Heartfelt, typical na tipo ng estudyante. Mabait, Masayahin, may pagka mainitin ang ulo, likas na... More

Lady of the Blue Moon Lake
Chapter 1. The Lady
Chapter 2: Hallucinations
Chapter 3: Unknown Visitor
Chapter 4: Lilian
Chapter 5: How do I call this day?
Chapter 6: Just a Simple Day
Chapter 7: Glimpse of What's Within
Chapter 9: Bleak
Chapter 10: Unexpexted visitor
Chapter 11: A Warm Greetings
Chapter 12: Comfortable
Chapter 13: Home
Chapter 14: His Decision
Chapter 15: Last Normal(?) Day
LOTBML Facts
Chapter 16: Timothy von Flavel
Chapter 17: Sad Flower
Chapter 18: Red moon. Little Miss Lilian
Special Chapter: LOTBML and Elements Crossover
Special Chapter: Crossover Part II
Chapter 19: The Vows, New Water Meister
Chapter 20: Lilian's First Day of School
Chapter 21: Lilian the Popular
Chapter 22: Memory from the Heart
Chapter 23: Someone from the Past
Chapter 24: Remembering Someone
Chapter 25: Sagi's Weird Feelings
Chapter 26: Sagi's First Fight
Chapter 27: Lover
Chapter 28: Getting Close
Chapter 29: Cashmere
Chapter 30: Fallen Angel
Chapter 31: The Awakening of the Fire
Chapter 32: Being a Meister
Chapter 33: Incantations
Chapter 34: Angelica, The Guardian Spirit
Chapter 35: Water and Earth
Chapter 36: Fight to Pursue
A Valentine Special
Chapter 37: Fight to Pursue (Part 2)
Chapter 38: Explaining things
Chapter 39: The Wind Element's Meister
Chapter 40: Start of being a chosen
Chapter 41: The Suffering of the Meister
Chapter 42: Vacation in Sequoia
Chapter 43: Vacation in Sequoia II
Chapter 44: Fire's Compromise and Water's Catastrophe
Chapter 45: Back to School
Chapter 46: Enemies
Chapter 47: Who's the Enemy?
Chapter 48: Suspicions
Chapter 49: Truth Revealed
Chapter 50: Silhouette of a God
Chapter 51: Silhoutte of a God 2
Chapter 52: Pain
Chapter 53: Distance
Chapter 54: New Water Goddess
Chapter 56: Loyalty
CHAPTER 57: Giulia's Side
Chapter 58: GIULIA'S GRIEF
Chapter 59: Catleya
Chapter 60: Full Moon
LOTBML 2ND ARC
2nd Arc: Chapter 2

Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness

2.9K 84 6
By msrenasong

Ilang araw na ang lumipas mula nang tumira si Lilian sa bahay ng magpinsan.

Sa ngayon ay wala namang kakaibang pangyayare sa pang-araw araw na buhay nila. Wala ding nararamdamang kakaiba si Sagi sa katawan nya. Kung meron man ay hindi nya alam, maaring hindi nya napapansin o Hindi pinapansin.

Papasok na sa eskwela ang magpinsan. Malapit na sila sa Alstreim Academy ng biglang huminto si Sagi sa paglalakad.

"Huh?"-Sagi. Nagpalinga-linga ito sa paligid na tila may hinahanap.

"Bakit Sagi? May nakalimutan ka ba sa bahay?" tanong ni Leo kay Sagi. Kanina pa talaga nya napapansin na lingon ng lingon si Sagi at tila hindi mapakali.

"Huh? Ah...wala naman. Hehe pasensya na may iniisip lang. Halika na." nagpatuloy na silang dalawa sa paglalakad. Sa huling beses ay nilingon ni Sagi ang paligid. Pakiramdam nya kasi ay may nagmamasid at sumusunod sa kanila.

-----------------

Physics class na nila ngayon at tahimik na nakikinig ang klase nila Sagi sa kanilang guro. Hindi naman sinasadyang mapalingon ni Sagi sa bintana. Isang anino ng babae ang nakita nyang naka-upo sa malaking puno na malapit sa building nila. Hindi nya maklaro kung sino ang babae dahil nahaharangan ang mukha nito ng sanga ng puno. Nagulat na lang sya ng tumayo ang babae sa sanga at ngumiti pa ito sa kanya bago tumalon pababa ng puno. Dahil doon ay hindi sinasadyang mapatayo si Sagi.

"What is it Mr. Heartfelt, do you have any concern with the discussion?"

"Ah..ahm. Yes Sir. I am just a little bit confused about the process of radioactive decay."

"Yes Sir. It's a little bit confussing." dugtong naman ng isa pa nilang kaklase.

"Okay then, I'm going to repeat it again and I hope that it will get clearer to you this time."

"Thank you Sir."

Bago tuluyang maupo ay tiningnan muna ni Sagi ang puno. Samantalang napalingon naman sa kanya si Ansha na nakaupo sa unahan. Batid kasi nitong hindi naman dahil sa discussion ng guro ang dahilan ng pagtayo nito.

"Sagi..."

Samantala...

"Kung ganun ay ang batang yan pala ang bagong Water Meister?"

Wika ng hindi kilalang binibini. Napakaganda nito ngunit tila nababalot ng kakaibang aura ang kanyang pagkatao.

Prente itong naka-upo sa isang eleganteng upuan at nakatingin sa isang malaking salamin na nadedesenyuhan ng iba't ibang palamuting bato at ginto.

"Opo. Sya nga. Ang pangalan nya ay Sagittarius Heartfelt."

"Ang ganda naman ng kanyang pangalan. Bagay sa kanyang gwapong mukha. Sayang nga lang ahahaha."

"Kikilos na po ba ako?"

"Wag muna. Masyado ka namang atat Procyon. Gusto ko munang makilala ang batang ito at alamin kung anong meron sa kanya at sya ang napili bilang Water Meister."

"At isa pa. May ibang bagay pa akong dapat na higit pagtuunan ng pansin." ngumiti pa ito ng makahulugan. Mga ngiting may kakaibang binabalak.

------------

Nanunuod ngayon ng balita sa telebisyon ang tatlo. Kakatapos lang nilang maghapunan.

"Ano ba naman ang mga balita ngayon, wala ba silang maibabalita na magaan-gaan? Lahat na lang puro kaguluhan at patayan." malungkot at dismayadong tugon ni Sagi.

"Meroon namang magaan ah. Yung mga nakakatuwang video ng ice bucket challenge pati na din yung hindi daw pusa si Hello kitty." pabiro namang tugon ni Leo

"Sira, haha hindi naman yun ang ibig kong sabihin eh."

~~patuloy pa ding binabantayan ng PHILVOCS ang bulkan. Sa ngayon ay nananatili pa rin ito sa alert level 3...~~

Nagkukwentuhan ang magpinsan tungkol sa mga nakakatawang comment ng mga tao tungkol sa balitang hindi pusa si Hello kitty. Nagtatawanan pa sila ng mapansing tahimik at tila seryosong nakikinig sa balita si Lilian.

"Hmmm? Ano'ng nangyari sa'yo diyan?"-Sagi

"Lilian meron bang problema?"

"Ang kalikasan...nagpaparamdam na naman ito. Patunay na ang nangyayari ngayon dyan sa bulkan sa balita. Humihina na nga ang proteksyong nilagay namin sa kalikasan isang daang taon na ang nakalilipas. Patuloy tuloy ang pagkawala ng balanse ng mga nilalang at ng buhay sa daigdig." malungkot na wika ni Lilian. Para ngang sa sarili nya ito sinasabi at hindi sa dalawa.

"Ang kalikasan tuluyang nawawala ang balanse?"-Leo. Tumingin naman sya kay Sagi ngunit nakayuko lang ito.

"Sa oras na ang mga kalaban ay kumilos na. Siguradong pakikialam nila ang natural na estado ng bulkan. Maari nilang pabilisin o palalain ang kalagayan nito. Puputok ang bulkan at siguradong maraming mapipinsala."

"Ano? Kaya yung gawin ng mga kalaban ninyo?"

"Oo. May kakayahan din kasi silang kontrolin ang mga natural na elemento."

"Ang sama naman nila. Bakit nila ginagawa ang mga bagay na iyon?"

"Dahil gusto nilang baguhin ang daigdig."

"Baguhin? Hindi ko gusto ang naiisip ko tungkol doon. Sinasayang lang nila ang kapangyarihan nila kung gagamitin lang nila sa ganun dahil maraming buhay ang mapapahamak."

"Tama ka doon Leo. Kaya nga kami nandito para pigilan sila. Nitong nakaraan, napapadalas ang mga kalamidad na may kinalaman sa lupa. Sigurado akong malapit na ring magising dyosa ng lupa."

"Ganoon ba iyon? Kung ganun kapag may mga kalamidad pala ay palatandaan ng pag-gising ng mga dyosa?"

"Uhm. Kung mapapansin ninyo, bago ako magising ay napapadalas ang pagkakaroon ng baha, malalakas na ulan at bagyo, pati na rin mga tsunami at iba pang mga kalamidad sa karagatan."

"Ahhh...eh ano naman ang palatandaan sa dyosa ng hangin at apoy?"

"Sa apoy ay may kinalaman sa araw. Maaring matinding init at tagtuyot. Maari ding mga kidlat at mga kakaibang pangyayari sa araw tulad ng mga malalakas na solar flare."

"Sa hangin naman ay mga tornado, hurricane, mga kakaibang dereksyon at lakas ng hangin."

"Nitong nakaraan ay may nauulat ding ganyan sa balita. Ibig sabihin ay magigising na din pala ang dyosa ng apoy at hangin."

"Haaaaay...magpapahinga na ako." tumayo na si Sagi at umakyat na papuntang kwarto nito.

-----------------

*tok* *tok*

"Sagi?"-Leo. Dahan dahan nyang binuksan ang pinto ng kwarto ng pinsan. Tama nga sya at hindi pa ito natutulog. Nakaupo kasi si Sagi sa may bintana ng kanyang kwarto.

"Pumasok na ako. Sagi..."

"Ewan ko Leo. Hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong unawain ang lahat. Naniniwala naman ako sa kanya kaya lang kapag napag-uusapan na yung pagiging isa kong Meister ay parang kusang nagsasara ang isip ko kaya hindi ko tuloy maprocess ng maayos. Ang hirap tanggapin na bigla na lang magugulo ang buhay ko nang dahil sa isang alamat."

"Pasensya ka na kung wala akong magawa para mapagaan ang kalooban mo ngayon."

"Ano ka ba? Ayos lang. Sige na, magpahinga ka na. Gabi na masyado matutulog na rin naman na ako maya maya."

"Sige..good night Sagi."

"Uhm. Night din."

------------

Nang sumunod na araw..

*yawn*-Sagi

"Oy! Sagi, Leo! Good morning"-Bonn. Tumakbo pa ito palapit sa magpinsan.

"Good morning."-Leo & Jin

"Morning."-Sagi

"Hindi nyo ata kasabay si Andree?"-Sagi

"Maaga kasi syang pumasok ngayon. Cleaner kasi sya eh."-Bonn

Habang naglalakad ay nadaanan nila ang school gardener at isa nilang guro na nag-uusap.

"Ito na ba yung mga bagong dating na pataba at seedlings?"

"Opo Manong Ben. Yan po yung gagamitin sa gagawing mini garden ng mga fourth year students."

"Ah...sige sige. "

"Good morning Manong Ben, Ms. Annisina."-Bonn &Sagi

"Good morning po."-Leo &Jinn

"Good morning din. Sakto ang dating nyo guys. Baka naman pwede nyong tulungan si manong Ben na dalhin tong mga sako sa garden?."

nagkatinginan muna ang apat bago sumagot. "Sige po."

----

"Haaaaaay. Ang sakit ng balikat ko."-Bonn

"Paanong hindi yan sasakit eh ang dami ng sakong nilagay mo jan sa wheel barrow."-Sagi

"Syempre para mabilis. Ang dami pa kaya ng naiwan."

"Wala ng naiwan! Dahil sa ang dami mong dala ay ang ang bagal mo tuloy. Nadala na namin lahat!"-Jinn

"Ha? Ganun ba? Ahahaha. Sorry."-Bonn

"Tssssss."- Jinn & Sagi

Bigla namang tumunog ang bell ng paaralan. Oras na ng klase at kailangan na nilang magmadali dahil malayo layo din ang garden sa building nila.

"Nagring na yung bell. Halina kayo." nauna na si Leo na tumakbo palabas ng garden.

"Maraming salamat mga bata."

"Walang anuman Manong Ben. Mauna na po kami."

Pahabol na sagot ni Bonn habang tumatakbo na silang apat.

Malapit na sa kanilang building ang apat nang mahagip ng paningin ni Sagi si Lilian. Nakaupo ito sa isa sa mga bench na nakalagay sa gilid ng school grounds.

"Eh?! Anong ginagawa mo dito?"

Ngunit ngumiti lang ito sa kanya. Lumabi pa ito na nagsasabing malilate na sya.

"Oy! Sagi! Bilisan mo na!"-Jin

"Ah..oo." bago magpatuloy sa paglalakad ay tiningnan nya muna ng masama ang babae.

------

"Okay guys. Please silently enter the library. As what I have told you a while ago, you are going to search about the life of Emily Dickinson and some of her poems and other writings."

"Yes Ma'am."

Tahimik na pumasok ng library ang kanilang section. Kanya kanya silang kuha ng libro at search sa mga computer na nandoon.

Nakakuha na si Sagi ng mga libro na gagamitin at naghahanap sya ng magandang pwesto. Lalapitan na sana nya si Leo ngunit naagaw naman ang kanyang pansin ng makita nya ulit si Lilian na nakaupo sa isa sa mga desk ng library. May libro pang nakabukas sa tabi nito.

"Nandito na naman sya? Ano bang ginagawa nya dito sa school?" napalakas ata ang pagkakasabi noon ni Sagi kaya nasita tuloy sya ng librarian.

------

"Anong itsura yan Sagi? Bakit nakabusangot ka dyan?" nasa classroom na sila ngayon at kakatapos lang ng lunchbreak.

"Eh kasi naman nandito yung babaeng yun! Ano naman kayang ginagawa nya dito?! Hindi mo ba sya napansin kanina?"

"Lilian ang pangalan nya Sagi." dismayadong wika ni Leo. Bakit ba kasi hindi magawang sabihin ng pinsan ang pangaln ng babae.

"Oo na. Lilian na kung Lilian."

"Baka naman binabantayan ka lang nya kaya sya nandito."

"Tsss. Nakakadistract sya."

--------

Nasa home economics kitchen ang klase nila Sagi. Gagawa kasi sila ng chiffon cake.

Nagsisimula na sila ngayon na magprepare ng nakita ni Sagi sa bintana ng silid na dumaan si Lilian.

"Ah...teka lang sandali Ansha ah. Nalimutan ko kasing kunin yung strainer at glucose dun sa materials room eh. Kukunin ko lang sandali."

"Sige, ako na muna'ng bahala dito."

Pagkalabas ni Sagi ay agad nyang hinanap si Lilian. Nang makita nya ang babae ay agad nya itong hinila sa may dulong parte ng 2nd floor kung saan nandoon din ang hagdan papuntang 3rd floor.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Binabantayan ka."

"Binabantayan? Eh palagi mo naman akong kasama sa bahay ah. Paano kung may makakita sayo dito? Siguradong magkakagulo."

Sa loob naman ng Home economics kitchen...

Nakita ni Ansha ang maliit na garapon ng glucose na natatakpan ng iba pang cooking materials. Nagpaalam sya agad sa guro na susundan si Sagi para hindi na madoble ang glucose.

"Hindi sapat na sa bahay lang kita mababantayan. Gumugugol ka ng 8 oras dito sa eskwelahan sa loob ng isang araw. Limang beses pa. Paano kung bigla na ka lang sugurin ng mga kalaban dito sa school ninyo? Eh di marami pang napahamak at yun ang malaking gulo. Isa pa! Kailangan ko ding i-monitor kung may pagbabago o kakaibang pangyayari sa'yo."

"Tsss. Oo na! Sige na! Wala naman akong panalo sa pakikipagtalo sa'yo eh."

"Tsaka hindi naman nila ako nakikita pati na rin ni Leo so wala kang dapat alalahanin."

"Nakakadistract ka kasi!"

"Sagi? Nasaan na kaya yun? " nakarinig naman si Ansha ng boses sa may dulo ng hallway kaya lumapit sya dito.

"Sagi, nandyan ka ba?" tanong nya bagamat hindi pa tuluyang nakakalapit sa dulo.

"Huh?! Si Ansha!!"

"Huh?"-Lilian

Sa takot ni Sagi na baka makita ni Ansha si Lilian ay nagpanic na sya. Nawala sa isip nyang hindi nga pala nito makikita ang babae tulad lang ng kakasabi nito. Sakto namang dumaan ang truck ng basura ng school sa gilid ng building. Wala ng nagawa si Sagi kundi itulak si Lilian papunta sa likod ng truck na puno ng basura.

"Ah...Ansha bakit?" nagpakita na sya kay Ansha.

"May kausap ka ba dito kanina Sagi?"

"Huh? Ka-kausap? Wala. Wala naman. Bakit ka nga pala sumunod?"

"Nakita ko kasi na meron pala tayong glucose na dala. Natakpan lang ng ibang gamit. Sinundan na lang kita para hindi na madoble."

"Ah ganun ba, sige. Pero kukunin ko na lang yung strainer. Mauna ka ng bumalik."

"Okay"

"Tsk! Sorry talaga Lilian. Hindi ko sinasadyang maitulak ka sa truck ng basura."

----------

"Nandito na kami." sigaw ni Leo pagpasok ng bahay. Nagulat naman sya ng bumungad sa kanya ang nakakatakot at hindi maipintang mukha ni Lilian.

"Li-lian? Bakit? A-anong problema? Hehe bakit ganyang ang..." medyo awkward at kinakabahang tanong ni Leo kay Lilian. Hindi naman na nya naituloy ang sasabihin ng pumasok na rin ng bahay si Sagi.

"Nandito na kami." kaswal na sabi nito. Nagtaka naman sya dahil hindi pa umaalis sa pwesto nya si Leo kaya tiningnan nya ang nasa harap nito.

O___O

~____~ -Sagi

_ _ 3_ _

"Sagittarius..." dahan dahan ngunit madiing sabi ni Lilian. Tila binalot ng nakakakilabot na aura ang babae ng makita si Sagi.

" Uhmm...ba-kit?"

"ANONG BAKIT BAKIT KA DYAN?! WAG KANG MAGPAKA-INOSENTE DYAN!! BAKA MADAGUKAN KITA!!"

"Te-teka Lilian? Ano bang nangyayari? Pwedeng ku-kumalma ka muna sandali?" kinakabahan na pakiusap ni Leo ngunit tinignan lang sya ng nakakatakot ni Lilian.

"SA BUONG BUHAY KO NGAYON LANG AKO NAKARANAS NG GANUN! I FEEL SO HUMILIATED!!"

"Hi-hindi ko naman yun sinasadya eh. Maniwala ka. Nag-panic lang kasi talaga ako eh."

"Nag-panic? NAGPANIC?!! HINDI BA SINABI KO NA SAYO NA HINDI NAMAN NILA AKO NAKIKITA?"

"Oo, sinabi mo nga iyon kaya lang nagpanic na kasi ako at hindi nakapag-isip ng maayos. Sorry na talaga. Kasi naman bigla ka na lang sumusulpot sa school ng walang pasabi eh."

"Ipaliwanag mo nga sa akin kung anong nangyayari Sagi?"

"Nagkausap kasi kami kanina kaya lang biglang dumating si Ansha kaya sa takot ko na baka makita siya ni Ansha naitulak ko tuloy sya sa 2nd floo..."

"ANO?! TINULAK MO SYA MULA SECOND FLOOR PABABA?!"

"Teka lang...hindi naman sya bumagsak sa lupa eh. Naitulak ko sya pababa sa truck ng basura."

"TINULAK SA TRUCK?!! SAGI NAMAN NAG-IISIP KA BA?! PAANO KUNG NAGKAMALI KA NG TULAK EH DI NAHULOG SYA SA LUPA. O MAS MALALA BAKA NASAGASAAN PA SYA NG TRUCK!"

"Sorry na nga eh. Hindi ko talaga yun sinasadya. Hindi lang talaga ako nakapag-isip ng maayos kanina."

-----------

"Ang lupit nyo naman! Dito talaga ako sa labas matutulog?!" tanong ni Sagi sa dalawa na nakadungaw sa bintana ng kani-kanilang mga kwarto.

"Oo Sagi. Parusa mo yan sa ginawa mo sa isang binibini."

"Nagsorry naman na ako ah?"

"Apology unaccepted."- madiing sagot ni Lilian

"Grabe naman. Ang sama ng babaeng ito. Ang alam ko kami ang may-ari ng bahay ah." bulong ni Sagi.

"Nababasa ko ang naiisip mo Sagittarius!" at biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

"Waaaaah! Oo na, oo na! dito na ako matutulog! wag mo ng paulanin!"

Pinahinto naman agad ni Lilian ang ulan at isinara na ang bintana ng kanyang kwarto. Ganun din si Leo. Mukhang matutulog nga sa labas ng bahay ngayong gabi si Sagi.

"Last na hirit na lang! Pwedeng pahingi ng kumot?!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Na-edit din sa wakas hehe :D

Dedications? Pm lang or comment

vote na din. thank you*^*

violent reactions? suggestions? comment para alam ko ang inyong mga saloobin <3

Continue Reading

You'll Also Like

185K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...