Halos hindi maipinta ang mukha ni Sagi sa nakikita nya ngayon. Paano kasi, nakahiga na sa kama nya si Lilian. Nagsisimula na naman syang mainis sa babae, hindi porque medyo okay na sya sa mga sinasabi nito sa kanya tungkol daw sa pagiging Meister nya ay pwede na itong umasta ng ganito. Aba! Eh parang wala pang tatlong oras mula ng magkausap at magkaintindihan sila.
"Ano bang ibig sabihin nito? Anong ginagawa mo sa kama ko?!"
"Matutulog na ako, hindi ba halata? Sagittarius, simula ng magkita tayo sa lawa ay konektado na tayo sa isa't isa. Ako bilang keeper at ikaw bilang Meister ng tinatago kong kapangyarihan." napataas ang kilay ni Sagi, hindi nya kasi makuha ang punto ni Lilian, ang layo kasi ng sinasabi nito sa tanong nya.
"At parte ng misyon kong protektahan ka. Kung kaya para maisakatuparan ko iyon ay kailangang nandoon ako sa kung saan ka man naroroon kaya naman dito na ako maninirahan kasama nyo ni Leo. At dahil sa konektado tayo sa isa't isa...ang mga bagay na sa iyo ay akin din! Kaya, dito ako matutulog sa kwarto mo" nakangiti at pa-sweet na dugtong ni Lilian.
"Ano?! Grabeng abuso naman ata yan! Akala ko ba babantayan mo lang ako? Wala sa usapan na dito ka titira at mas lalong hindi ka pwedeng matulog sa kwarto ko!"
"Hindi ako abusado ah, parang pabor mo na lang iyon sa akin o kaya ay bayad sa pagbabantay ko sa iyo. Nabanggit ko na, so nakapag-usapan na natin. Ibig sabihin usapan na natin ito hehe"
"Plano mo pa akong utakan ah! Hindi pwede! Hala, alis dyan! Matutulog na ako" lumapit si Sagi sa higaan at pilit na hinihila ang kumot na nakabalot kay Lilian.
"WAAAAAHHH!! Ang sama mo talaga,Sagittarius! Wala ka man lang bang habag sa isang binibining katulad ko?" sumilip pa mula sa kumot na nakatakip sa kanya ang kanyang napaka-inosenteng mukha. Kaya lang masyado atang manhid si Sagi dahil walang epekto sa kanya.
Sa totoo lang ay medyo nagulat sya sa nakita. Kaya lang, sira na sa kanya si Lilian. Kahit na napakaganda at inosente ng mukha ng babae ay kakaiba naman ang ugali at paraan ng pagsasalita nito. Hindi nga nya akalain na sa mukhang iyon ng babae ay ganun ang attitude nito, iba kasi ang inaasahan nya, yun bang may malambing at malumanay na boses tulad ng narinig nya noon sa kanyang panaginip.
"Tama na yan Sagi. Hayaan mo muna si Lilian na matulog dyan sa kama mo ngayong gabi. Heto oh, nilabas ko yung comforter. Dun ka na muna sa sala matulog." pigil ni Leo kay Sagi ng pumasok sya sa silid.
"HA?!"
"Sige na" hinatak na nito si Sagi palabas. "Good night na sayo Lilian." lumabas na sila ni Sagi at isinara na din nya ang pinto.
"Uwaaaah! Thank you Leo. Ikaw na talaga ang savior ko *^*" pahabol na sabi ni Lilian.
"Leo?! Talagang patitirahin natin ang babaeng yun dito?" tanong agad ni Sagi sa pinsan pagkalabas nila ng kanyang kwarto
"Oo, diba nga, kailangan ka nyang protektahan sa mga kalaban at tutulungan ka pa nyang kontrolin yung kapngyarihang ipapasa nya sa'yo."
"Naniniwala ka talaga ah." =___="
"Alam mo Sagi nararamdaman kong may kakaiba talaga kay Lilian. Kasi naman ngayon ka lang nagkaganyan sa isang babae. Alam mo yun? Napakabait at gentle mo kaya sa mga babae sa kanya lang hindi."
"Paanong hindi ako magkakaganun eh parang may sapi ang isang yun. Ang amo ng mukha at talagang maganda kaso pag nagsalita eh parang laging galit at seryoso."
"Kung magiging nice ka lang sa kanya malamang baka makita mo rin na hindi lang mukha ang maganda sa kanya."
"Oo na, sige na. Matutulog na ko. Matulog ka na din" taboy nya sa pinsan at nilatag na nya ang comforter sa sahig.
---------------
Kinabukasan...
"Good morning!! Rise and shine!!"
"Ughhh...ano ka ba? Ang ingay mo naman!" nagtalukbong ulit si Sagi ng kumot.
"Good morning" bumaba na din si Leo.
"Good morning Leo! Naghanda na ako ng breakfast. Si Sagi ayaw pang bumangon. Pakigising mo na lang para makakain na tayo."
"Sure!" tumakbo si Leo palapit sa natutulog na si Sagi atsaka ito dinag-anan
"Aaaackk!! LEO!! ANO BA?!"
-------------------
Sa hapagkainan...
"Ano bang nagawa kong mali at nagkakaganito ang mga pangyayari sa buhay ko? (~___~)"-Sagi
"Ang drama mo Sagittarius ah."-Lilian
"Haha ice lang yan Sagi. Sya nga pala, naisipan kong linisin natin ngayong araw yung isa pa nating bakanteng kwarto para may sarili na si Lilian."-Leo
"Talaga Leo? Maraming salamat ah."-Lilian
"Kailan ba natin yun huling nilinis? Last month pa ata. Siguradong maalikabok dun."-Sagi
"Ayos lang yan. Alikabok lang naman eh. Tsaka kumpleto naman yun sa gamit kaya wala na tayong magiging problema." sabi ni Leo kay Sagfi "Alam mo kasi Lilian tumira din dito ang mga pinsan naming babae kaya kumpleto at maayos pa ang mga gamit sa bahay na ito kahit medyo luma na." baling nya kay Lilian
"Teka...may mga damit pa palang naiwan sila ate Rica dito. Nandoon nakatago sa mga kahon sa bodega. Maayos pa naman ang mga yun, baka sakaling pwede mo pang magamit para di ka na manghiram ng mga damit ko."
"Wow! Marami talagang salamat. Nakakatuwa naman kayo, inaalala nyo rin ako."
-------------
Naglilinis na sila ngayon sa kwarto na katabi ng kay Leo. Maalikabok nga dahil matagal na ng huli nila itong nilinis.
Pagtapos magpag-pag at mag-walis ay nagmop naman sila at pinalitan ang wallpaper pati na din ang kurtina ng kwarto, yung bedsheet at pillowcases.
Samantala naglinis naman si Lilian sa first floor at naghanda naman ng meryenda para sa dalawa.Hindi na kasi siya pinatulong ni Leo sa paglilinis sa magiging kwarto nya.
"Ito oh, nagdala ako ng sandwich. Pahinga muna kayo sandali."
"Salamat Lilian."
"Salamat. Haaaay! Ang init!" reklamo ni Sagi at saka nagpunas ng pawis
"Wow! Nakakatuwa talaga, may sarili akong kwarto. Ang ganda din ng kulay ng wallpaper, light blue at royal puple. *o*"
"Si Sagi ang nakaisip nyan. Sabi mo daw kasi, ikaw ay isang water goddess kaya naisip nyang baka ganyang kulay ang gusto mo."
"Hehe totoo nga yun. Mahilig nga ako sa ganyang kulay"
"Hindi pa kami tapos dito, mabuti pa kunin mo na lang yung mga sinasabi kong damit dun sa cabinet sa bodega para malaman natin kung pwede mo pang magamit."-pagtataboy nya kay Lilian, medyo nahiya kasi sya sa sinabi ni Leo. Kailangan talaga sabihin na sya ang naka-isip? baka kung ano pa ang isipin ni Lilian.
"Okay sige."
----------------
Tapos na sila sa pag-aayos ng kwarto ni Lilian pati na rin sa lahat ng gawaing bahay. Nagpapahinga sa salas sila Sagi at Leo habang nanunuod ng tv. Nasa kwarto naman nya si Lilian, sinusukat ang mga damit na kinuha nya sa bodega. Maayos at mga bago pa naman ang mga iyon. Swerte naman at kasya ang ilan sa kanya. Kaso hindi pa nya ito pwedeng suotin dahil lalabhan pa niya ang mga iyon bukas.
Maya maya ay bumaba sya sa salas para magpaalam kay Sagi na manghihiram sya ulit ng pinagliitan nitong damit. Wala namang nagawa si Sagi kundi ang pumayag.
"Hmmmmm. Mukhang nagawa na ng dyosa ng tubig na mapalapit sa kanyang Meister ah. Aabangan ko ang mga susunod pang mangyayari sa dalawang ito."-Lyn