Lady of the Blue Moon Lake

Par msrenasong

136K 4.1K 498

Sagittarius Heartfelt, typical na tipo ng estudyante. Mabait, Masayahin, may pagka mainitin ang ulo, likas na... Plus

Lady of the Blue Moon Lake
Chapter 1. The Lady
Chapter 3: Unknown Visitor
Chapter 4: Lilian
Chapter 5: How do I call this day?
Chapter 6: Just a Simple Day
Chapter 7: Glimpse of What's Within
Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness
Chapter 9: Bleak
Chapter 10: Unexpexted visitor
Chapter 11: A Warm Greetings
Chapter 12: Comfortable
Chapter 13: Home
Chapter 14: His Decision
Chapter 15: Last Normal(?) Day
LOTBML Facts
Chapter 16: Timothy von Flavel
Chapter 17: Sad Flower
Chapter 18: Red moon. Little Miss Lilian
Special Chapter: LOTBML and Elements Crossover
Special Chapter: Crossover Part II
Chapter 19: The Vows, New Water Meister
Chapter 20: Lilian's First Day of School
Chapter 21: Lilian the Popular
Chapter 22: Memory from the Heart
Chapter 23: Someone from the Past
Chapter 24: Remembering Someone
Chapter 25: Sagi's Weird Feelings
Chapter 26: Sagi's First Fight
Chapter 27: Lover
Chapter 28: Getting Close
Chapter 29: Cashmere
Chapter 30: Fallen Angel
Chapter 31: The Awakening of the Fire
Chapter 32: Being a Meister
Chapter 33: Incantations
Chapter 34: Angelica, The Guardian Spirit
Chapter 35: Water and Earth
Chapter 36: Fight to Pursue
A Valentine Special
Chapter 37: Fight to Pursue (Part 2)
Chapter 38: Explaining things
Chapter 39: The Wind Element's Meister
Chapter 40: Start of being a chosen
Chapter 41: The Suffering of the Meister
Chapter 42: Vacation in Sequoia
Chapter 43: Vacation in Sequoia II
Chapter 44: Fire's Compromise and Water's Catastrophe
Chapter 45: Back to School
Chapter 46: Enemies
Chapter 47: Who's the Enemy?
Chapter 48: Suspicions
Chapter 49: Truth Revealed
Chapter 50: Silhouette of a God
Chapter 51: Silhoutte of a God 2
Chapter 52: Pain
Chapter 53: Distance
Chapter 54: New Water Goddess
Chapter 56: Loyalty
CHAPTER 57: Giulia's Side
Chapter 58: GIULIA'S GRIEF
Chapter 59: Catleya
Chapter 60: Full Moon
LOTBML 2ND ARC
2nd Arc: Chapter 2

Chapter 2: Hallucinations

6.5K 175 5
Par msrenasong

Sa mga oras na ito ay nag-e-exam na ang klase nila Sagi at Leo. Bakas sa mukha ng mga estudyante ang kaba dahil ito ang kanilang unang pagsusulit , ngunit may mangilan ngilan na halatang confident din.

Kahit na naka-focus sa pagsasagot si Sagi ay paminsan minsang pumapasok sa kanyang isip ang babaeng nakita sa lawa. Gayunpaman, pinilit nyang alisin at wag nang alalahanin pa ang babaeng iyon sapagkat wala namang magandang idudulot ang bagay na iyon sa kanya tulad kanina na muntik pa silang malate dahil napuyat sya sa kakaisip sa nangyari dun sa lawa.

Alas nuwebe y media ay natapos na nilang kunin ang dalawa nilang exam kaya binigyan sila ng isang oras na break bago ang susunod pang exam.

"Sabay sabay na tayong kumain nila Sagi, Jin" aya ni Leo kina Jin.

"Sige. Tayo na"

Sabay sabay silang pumunta sa cafiteria at bumili ng pagkain. Pagkatapos ay napagdesisyunan nilang sa rooftop na lang ng eskwelahan kumain at nang makapag-pahangin na rin.

Habang naglalakad ay huminto si Sagi sa tapat ng clinic at nagpaalam sa mga kaibigan na matutulog na muna dahil inaantok pa talaga sya at hindi pa naman sya ganung gutom. Pumayag na lang ang mga kaibigan dahil halata sa mukha ni Sagi na inaantok nga ito.

"Kawawa naman si Sagi, kanina ilang beses ko syang nakitang humikab nung nag-e-exam tayo."- Andree

"Kasalanan mo ito Bonn eh. Dapat Kasi di mo inaya sila Sagi na pumunta ng lawa kagabi. Wala din naman tayong napala sa pagpunta natin dun."-Jin

"Malay ko bang mapupuyat pala sya. Tsaka wag nyo nang masyadong isipin si Sagi, kahit naman inaantok yun mapeperfect pa din nya ang exam. Running for vali diba?"-Bonn

Maya maya pa ay nakita nila ang kaklaseng si Ansha na tumatakbo palapit sa kanila.

"Oh, Ansha bakit tumatakbo ka?"-Leo

"Ahm...si Sagi...ano..diba kasama nyo sya kanina? Magpapaturo sana ako sa kanya sa isang topic natin sa physics na hindi ko masyadong maintindihan eh"-Ansha

"Ganun ba? Nasa clinic Kasi sya ngayon eh"-Leo

"Clinic?! Bakit may nangyari bang masama sa kanya?! May sakit ba sya?!"-halata sa boses nito ang pag-aalala

"Ang OA mo Ansha ah. Kapag nasa clinic may sakit agad, di ba pwedeng inaantok lang?"-Bonn. Nasiko tuloy sya ni Jin ng malakas...baliw kasi eh.

"Eh kasi naman nitong nakaraan pansin ko na medyo malamya sya kaya akala kong may sakit sya."

"Ah wag Kang mag-alala, okay Lang sya medyo inaantok lang sya kaya nandun sya sa clinic. Kaya lang kung pupuntahan mo sya dun ngayon ay malamang tulog na iyon."-Leo

"Ahmm...gusto mo Ansha ako na Lang ang magturo sayo?"-Andree

"Talaga Andree? Salamat ha."- Ansha. Medyo nagblush naman si Andree ng makita ang ngiti ni Ansha.

Samantala...mahimbing ng natutulog si Sagi sa clinic. Mabilis lang kasi syang makatulog kapag inaantok talaga sya. Pero syempre bago matulog ay sinet-up muna nya ang alarm ng phone nya. Di nagtagal ay naalimpungatan si Sagi ng makarinig ng boses na tumatawag sa kanya.

Sagittarius...

Sagittarius...

"Hmmmm"

Sagittarius....

Bahagya nyang iminulat ang mata para makita kung sino ang tumatawag sa kanya. Pamilyar ang tinig nito. Iyon din ang narinig nya sa kanyang panaginip. Hindi pa nya masyadong maaninag ang mukha nito dahil medyo malabo pa ang kanyang paningin.

Sagittarius...

Nang tuluyang makapag-adjust sa liwanag ang kanyang mata ay dun nya nakita ang magandang babaeng nakatingin sa kanya. Bahagya pa itong nakayuko upang pumantay sa lebel ng kanyang mukha. Tulad ng una nilang pagkikita ay napaka-amo pa rin ng mukha nito. Ang pagkakaiba lang ay nakangiti itong nakatingin sa kanya.

"Ikaw?... Sino...ka ba?" Inaantok pa nyang tanong

Sa halip na sumagot ang babae ay itinaas nito ang kanyang palad at hinaplos ang kanyang mukha. Dun na sya tuluyang nagising.

"Ha?! Ano yun? Panaginip...na naman?!"

Paggising nya ay wala na ang babae. Nagpalinga-linga pa sya sa paligid para makumpirma kung wala na nga ba ito.

"Gising ka na pala. Malapit ng magsimula ulit ang susunod na batch ng exam nyo ngayon." biglang sabi ng nurse ng mapansing gising na sya.

Wala na syang nagawa kundi ang bumangon. Kinansela na din nya ang alarm sa phone nya. Bago tuluyang umalis ng clinic ay hinawakan pa nya ang pisnging kanina ay hinaplos ng babae.

"Ang lamig naman."

-------------------------

Alas tres palang ng hapon ay pinauwi na sila. Bukas na lang daw ang exam para sa iba nilang subject. Dahil maaga pa naman ay naisipan muna nila Leo at Sagi na mag-grocery. paubos na din kasi ang suplay nila sa bahay tutal din naman at nakapagpadala na ng budget ang kanilang mga magulang.

Hindi naman maiwasan na mag-alala ni Leo para sa pinsan. Nang bumalik kasi ito kanina mula sa clinic ay hindi na nga ito inaantok pero tila naman wala sa sarili. nararamdaman nyang may kakaibang nangyayari sa pinsan pero hindi lang nito sinasabi sa kanya.

------------------------------

"Sagi, ano pa bang kulang natin sa bahay?"

"Hmmmm. Shampoo, toothpaste, sabon, dishwashing, blah blah blah...mukhang kumpleto na iyan. Dun naman tayo sa Meat section."

"Sige."

Naunang naglakad si Leo habang tulak tulak naman ni Sagi ang cart.

Pumipili na sila ng bibilhin ng mapansin ni Sagi ang pamilyar na anino ng isang babae.

"Teka! Sya yun ah!"

"Sagi, anong lulutuin natin mamaya for dinner?"

"Wait lang Leo ah, may nakita lang ako. babalik din ako agad" at tumakbo na nga sya paalis. Napakamot naman ng ulo nya si Leo, hindi man lang yata kasi narinig ng kausap ang tanong nya.

Patuloy sa pagtakbo si Sagi. Nagbabakasakaling maabutan pa nya ang babae. Di naman sya nabigo dahil nakita nya ito sa kabilang parte ng kalsada na naglalakad. Agad nyang tinawid ang kalsada ngunit naharangan naman sya ng iba pang dumadaan kaya nawala sa paningin nya ang babae. Pagdating nya sa pwesto kung saan nya huling nakita ang babae ay wala na ito. Naglakad pa sya hanggang sa marating nya ang central plaza.

"Arrrgggg!! Kainis! Nasaan na iyon? ang bilis naman nyang mawala" napahilamos pa sya sa mukha sa sobrang frustation.

"Haaayyyyyst! Bakit nga ba kasi hinabol ko pa iyon?! Nasisiraan ka na nga, Sagi. Ano bang paki mo sa babaeng iyon?! Masyado kang nagpapaapekto sa isang bagay na hindi ka naman sigurado!"

Nasisiraan na nga siguro sya, kinakausap ang sarili sa gitna ng plaza. Saka lang din nya napansin ang isang batang babaeng nakatingin at parang nawiwirduhan sa kanya. Malamang, sumisigaw sya mag-isa eh.

"Uhmmm. gusto mo ng kendi bata?" alok nya rito ng kending kinuha nya sa bulsa

"Baka!" tumakbo ang bata palayo sa kanya at di man lang kinuha ang kendi sa kamay nya.

"Akala ko ba mahilig sa kendi ang mga bata. TSK! tignan mo na Sagi! pati yung bata tinawag ka nang 'idiot' dahil sa kapraningan mo!"

"Dapat talaga kalimutan ko na iyon eh. Baka dala lang ito ng imahinasyon at stress. O kung di naman, baka isa lang din ang babaeng yun sa mga nagkakagusto sa akin at simpleng dumadamoves lang" sabi nya sarili with conviction.

"Naku patay!! Nasaan na ba ako? ang layo na ng narating ko ah. Iniwan ko pa si Leo dun sa Grocery store! Tsk!" nagmamadali na nga syang tumakbo pabalik sa Grocery store kung saan nya iniwan ang kanina pa naiinip sa paghihintay na si Leo.

---------------------------

Dedicated sayo Ansha.

Request granted :) salamat sa pagbabasa

Lovelots

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...