Schedule for my updates in Wattpad is Monday to Wednesday because of my schedule for may BLEPT review from Thursday to Sunday. I am begging you as of this moment that please don't hurry me on my updates because I can't do it daily. I have to work hard in my BLEPT review dahil nakasalalay doon ang maipasa ang exam ko at makuha ang lisensya ko bilang isang professional secondary school teacher so please bear with me guys just for three months (since sa September na ang exam). I have bigger things to do aside from wattpad so I hope you'll understand me. Pardon me for this update if it's short and spoil. I'll keep it up to you next time.
And guys, I am inviting you to join our group and we're hiring for official roleplayers of 18RLOTE Characters. We're still lacking operators and roleplayers. For more information, you can go to this link and join: https://www.facebook.com/groups/212636939196907/
Anyway, Chapter 109 is up. Enjoy reading. ♥
110TH ROSE || The Warmth that Filled the Spaces
- MICHELLE SUMASTRE -
Agad akong napaupo sa aking higaan. Hindi ako makatulog nang maayos dahil sumasagi sa isip ko ang nangyaring eksena sa pagitan namin ni Luke nung hapong nakipag-away s'ya sa amin.
"You don't know what I fucking feel, Michelle. You don't know what I fucking feel seeing you hugging someone else. You don't know what I fucking feel. So don't fucking judge me for being like this just because of you."
Nahikulamos ko ang aking kamay sa aking mukha at bumuntong-hininga. Wala na talaga akong ideya sa mga nangyayari. Bakit ba kasi kailangang mangyari iyon?
Hindi ako handa. Hindi ko naihanda ang sarili ko.
Para akong isang suspect na nagtatago sa mga pulis kapag magtatagpo ang landas naming dalawa ni Luke. Alam ko namang wala akong kasalanan sa kanya at hindi dapat ako umaktong ganito pero kasi, nadadala ako ng hiya at kaba kaya hindi ko man lang s'ya matitigan.
Bumuntong-hininga ako. Sa totoo lang, gusto ko talagang kausapin si Luke para linawin ang bawat panig namin dahil sa nangyari pero hindi ko alam kung paano ko s'ya kakausapin lalo pa't hindi lang ako ang umiiwas sa kanya—pati s'ya, iniiwasan ako.
Hay, buhay parang life.
"Let's go to the refectory! Ugh, I'm starving. I wanna eat strawberry shortcake," napanguso naman si Quia.
"Quia, that's a bad diet. Too much sweets will lead you to diabetes and too much carbs and calories will get you fat. That's gross," para pang kinilabutan si Chantal sa sinabi n'ya.
"But it's just one serve of strawberry shortcake. That's not too much!" protesta ni Quia.
"Yeah, right. It's just one serve but it has too many sugar on it," Chantal crossed her arms. "If you keep on eating too much calories and sweets, you will become our DUFF."
"What's DUFF?" Quia frowned.
"D-U-F-F. Designated Ugly Fat Friend," Chantal snickered.
Agad naman s'yang pinanlakihan ng mga mata ni Quia at hinampas ang kanyang braso. "You're so mean! I'm not fat! Can't you see, I'm slim? And I'm not ugly!" sinapo ni Quia ang kanyang mukha. "I'm so beautiful, you know?!"
Panay lang ang tawa ni Chantal at hinampas na naman s'ya ni Quia. "Ouch! Okay, fine let's go to the refectory."
"Mauna na kayo doon. Dadaan muna ako sa locker room tas pupuntahan ko agad kayo doon," bahagya akong ngumiti sa kanila habang hawak ko parin ang notebook ko.
"Okay. I'll order your meal then. Basta, sumunod ka agad, okay?" ani Quia.
Tumango naman ako bilang tugon. Agad namang inilingkis ni Chantal ang kanyang braso kay Quia at pabiro naman s'yang tinulak nito pero parang linta kung makakapit s'ya kay Quia kaya natawa na lamang si Quia at agad silang lumabas ng classroom.
Napailing na lamang ako at bahagyang ngumiti. Lumabas na rin ako ng classroom at nagtungo sa locker room.
Napatigil ako sa paglalakad at napasinghap nang marahas nung namataan ko si Luke na nakaupo sa mesa kung saan kumakain ngayon sina Quia at Chantal. Naroon din sina Errol, Nolan, Price at Raven. Oo nga pala, nakalimutan ko na kasama pala namin silang kumain.
Pero hindi ko parin kayang harapin si Luke ngayon! Hays!
Tumalikod na ako para umalis ng refectory ngunit bumungad naman sa akin ang nakangiting si Riel.
"Hey, class pres. Where are you going?"
"U-Umm... ano, umm, babalik sana ako ng classroom. Na-naiwan ko kasi ang baunan ko sa classroom. He-he-he," Oo na ang waley ng alibi ko. Pero wala na akong maisip eh! Gusto ko nang makaalis dito!
"Nevermind your lunch box, class pres," ngumiti naman nang malapad si Riel at pinakita sa akin ang hawak n'yang lunch box. "I cooked adobo for you earlier so let's eat this instead."
"H-Ha? P-Pero—"
"Let's go!" parang batang bumubungisngis si Riel sa likod ko habang marahan n'ya akong tinutulak palapit sa table nina Luke. "Hey!"
Napalingon naman sila sa aming dalawa ni Riel. "Hey."
"What took you so long, Mich?" Chantal pouted beside her brother who was silently looking at us—at me. "Lumamig tuloy ang pagkain mo."
Napalunok ako at panay ang iwas ng mga mata ko sa mga mata ni Luke pero alam ko at nararamdaman ko parin ang titig n'ya sa akin.
"'Wag n'yo munang tanungin si Class pres dahil gutom na s'ya. Paupuin n'yo nga muna s'ya," ngumiti naman nang malapad si Riel sa akin at pinaupo ako sa tabi ni Quia—bale s'ya ang nasa kaliwa ko at sina Quia, Raven at Price naman ang nasa kanan ko. Kamalas-malasan pa at nasa tapat ko si Luke na tahimik na kumakain.
Napakagat ako ng ibabang labi ko. Napaka-wrong timing ng paghaharap naming ito.
Agad namang nilagay ni Riel sa harap ko ang nakabukas nang baunan na may lamang adobong manok na niluto n'ya.
"Ano nga ulit 'yan?" tanong ni Errol.
"Wow, adobo! Pahingi!" akmang kukuha na si Nolan sa baunan pero pinalo ni Riel ang kamay n'ya. "Aw! Hey!"
"Be a gentleman, Nolan. Ladies' first."
Napanguso naman si Nolan sa sinabi ni Riel.
Kumuha ng kaunting karneng manok si Riel mula sa baunan at hinarap sa akin. "Taste it, Class pres."
"O-Okay," akmang isusubo ko na ang tinidor nung biglang may humila ng kamay ni Riel palayo sa mukha ko.
"It's good," kalmadong untag ni Luke matapos n'yang kainin 'yung karne ng manok sa tinidor ni Riel.
"Hey, Hemmings! That's not for you! That's for Class pres! Geez," Riel hissed.
"She has her fucking hands, Riel. You don't have to feed her," Luke tsked.
"Not again, kuya. You have to pay in the cussing jar again!"
Natahimik naman sila nung bigla akong tumayo mula sa aking kinauupuan. "Umm... magbabanyo muna ako."
Hindi ko na inantay na may sabihin pa sila dahil agad akong umalis doon at lumabas ng refectory.
Mabilis ang naging paglalakad ko palabas ng building namin para pumunta sa garden para lumanghap ng sariwang hangin at makalayo sa kanila—sa kanya dahil pakiramdam ko ay nasasakal ako sa loob ng refectory. Saktong pagkalabas ko ng building ay may marahas na humila at pumihit sa akin paharap. Napasinghap agad ako nung makita ko ang blangkong mukha ni Luke.
"As far as I know, we don't have a fucking restroom outside the building," aniya.
Nagbaba ako ng tingin para iwasan ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.
Narinig ko naman ang kanyang pagbuntong-hininga. "We need to talk."
"Why are you avoiding me?" tanong n'ya sa akin habang nakaduko ang parin ang ulo ko habang nakaupo sa tabi n'ya. Nasa glass house kami dahil walang masyadong tao rito. Dito ko piniling makipag-usap sa kanya dahil walang masyadong dumadayo rito kaya walang makakarinig sa aming dalawa. "You don't have the fucking fault. So, why are you avoiding me?"
Hindi lang naman ako ang umiiwas eh. Pati rin kaya ikaw. Anang isip ko. Gusto kong sabihin iyon sa kanya pero pinili ko nalang na manahimik at hindi sagutin ang tanong n'ya. Nakakahiya kaya sabihin na... alam mo na, hinalikan n'ya ako kaya ako umiiwas sa kanya tapos dahil narin sa sinabi n'ya sa akin kaya hindi ko alam kung paano s'ya kakausapin—
"I'm sorry."
Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Ha?"
Sumulyap muna s'ya sa akin bago tumingin sa kawalan. "I'm sorry for saying such things to you. I'm sorry for being rude to you and for hurting Xiu Min. I'm sorry."
Bahagya naman akong ngumiti. "Ako rin naman eh. May kasalanan din ako sa'yo kaya... sorry din."
"Good thing you know that you have half a fault of what happened," sinamaan ko agad s'ya ng tingin at ginawaran naman n'ya ako ng tipid na ngiti. "But there are two things that I don't wanna say my apologies."
Kumurap ako. "Ha? Ano naman iyon?"
Ngumiti lang s'ya sa akin at tinapik ang ulo ko. "Sa akin nalang iyon."
"Grabe ka. Nagtatago ka na ng sikreto sa akin ah? Tsk. Unfair," bahagya naman akong ngumuso at nahikulamos n'ya ang kanyang kamay sa aking mukha. "Aray!"
"Tara na nga, kumain na tayo. Masarap 'yung adobong manok na niluto ni Riel baka wala na tayong maabutan no'n dahil inubos na ni Nolan," bahagya naman s'yang tumawa. Tumayo na rin s'ya at naunang maglakad sa akin.
"Luke..."
Lumingon naman s'ya sa akin. "Hmm?"
"Ngayon ko lang napansin. Mas magandang pakinggan ang pananagalog mo kesa sa pag-i-english at pagmumura mo," ani ko.
He suddenly smirked. "Nagulat ka? Mas gwapo ako kapag nagtatagalog. Easyhan mo baka mainlove ka."
Isang pilit na ngiti ang iginawad ko sa kanya habang naglalakad ako palapit sa kanya. Walang kung anu-ano ay agad ko s'yang binatukan at kumaripas ng takbo. "Feelingero!"
"Damn it hurts, Muchelle! Fuck it!" tawa lang ako nang tawa habang naghahabulan kami pabalik ng refectory.
Ang sarap ng feeling na nagkabati kaming dalawa at naging maayos na ang lahat sa pagitan naming dalawa.
"I don't wanna say sorry for kissing you and for loving you, Michelle Sumastre."
Naging maayos naman ang buong araw na klase namin. Nagkabati na kami ni Luke at humingi na rin ng sorry si Luke kay Xiu Min. Buti nalang at mabait si Xiu Min at napatawad n'ya si Luke. Nangako naman si Luke sa kanya na tutulong na s'ya sa kanya sa thesis at hindi na ito aasa sa kanya. Gano'n ang mga nangyari sa araw na iyon at sobra akong natutuwa dahil do'n.
Ay hindi pala as in natutuwa. May problema kasi ata ang lalaking nakaupo sa likuran ko.
"Huy, Tric. Okay ka lang? Namumutla ka ata?" tanong ko sa kanya nung pinasa ko sa kanya ang answer sheet namin para sa long quiz namin ngayon. Namumutla kasi s'ya na para bang nakakain s'ya ng isang kilong maasim na mangga o kaya nakainom ng isang baso ng suka dahil sa sobrang putla n'ya? Gano'n ang itsura n'ya.
"Yes, I'm okay. Don't mind me. Jetlag lang ito," sagot n'ya.
"Sigurado ka?" paniniguro ko sabay bigay sa kanya ng answer sheet. Kakagaling na naman ata n'ya sa Korea at dumiretso na s'ya rito. "Okay, sabi mo eh."
Nung maipasa at nakuha ko na ang sarili kong answer sheet ay agad ko nang sinagutan ang long quiz namin. Nasa item number 15 na ako nung biglang tumunog ang upuan sa likod ko.
"Yes, Mr. Baek?" tanong ng guro namin sa kanya.
"Can I go to the restroom, madame?" tanong din n'ya.
"You may."
Unti-unting umangat ang tingin ko nung maramdaman ko sa gilid ko si Tric na naglalakad. Sinundan ko s'ya ng tingin nung naglalakad na s'ya papunta sa pintuan at lumabas na ng aming classroom.
"Is Tric okay? He looks like he's not in himself today?" tanong ni Chantal na nasa kanan ko.
Nagkibit-balikat naman si Quia sa harap ko habang ako naman ay nakatitig lang sa pintuang nilabasan ni Tric.
"Finish your work now."
Gaya ng nakasanayan, ako ang nagpaiwan sa classroom. Ginawa ko na kasi ang mga assignment ko para hindi ko na kailangang magpuyat para gawin ang mga iyon. Mabuti nalang kai at wala kaming GAT/PAT review ngayon.
Matapos kong ipasok ang mga notebook at libro ko sa bag ay ikinalwit ko na ang backpack ko sa aking likod nung mapansin ko ang suitcase ni Tric na nasa kanyang upuan. Oo nga pala, lumabas s'ya kanina nung nagki-quiz kami. Sabi n'ya ay magbabanyo lang daw s'ya pero hanggang sa natapos ang long quiz at ang klase namin ay hindi na s'ya nakabalik.
"Saan naman kaya nagsususuot ang Buang na Alien na 'yon? Nagawa pa n'yang mag-ditch ng klase. Tsk," agad kong binitbit ang suitcase n'ya at lumabas ng classroom para hanapin s'ya.
Pumunta agad ako sa SSG office sa pagbabakasakaling naroon s'ya ngunit laking pagtataka ko dahil sarado ang nasabing opisina. Nakakandado na rin ito.
Kumunot agad ang noo ko at tumingin sa paligid. Nakapagtataka. Saan kaya s'ya pumunta?
Kung saan-saan na ako napadpad—mula sa SSG Office, sa restroom, kahit saan ay wala akong nahagilap kahit ano'ng traces o anino man lang ni Tric. Dahil wala na akong mahanap na paraan para hanapin s'ya at naalala kong may load balance pa pala ako ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang numero n'ya habang naglalakad-lakad para hanapin s'ya. Imposible naman kasing umuwi s'ya na hindi dala ang suitcase n'ya dahil alam kong hindi lang mga notebook ang laman ng suitcase n'ya.
Sa totoo lang, pwede ko namang iwan etong suitcase n'ya sa classroom at umuwi nalang. Pero may parte sa akin na hindi kayang gawin 'yon dahil kinukutuban ako na may nangyaring kung ano.
'Wag naman sana.
"Bakit ayaw n'yang sumagot?" muli kong dinial ang numero n'ya habang naglalakad-lakad para hanapin s'ya. Nagriring ang cellphone n'ya at pa-lowbatt na rin ang cellphone ko ngunit wala paring sumasagot sa kabilang linya. "Utang na loob sumagot ka naman!"
Natigilan agad ako sa harap ng nakabukas at madilim na clinic nung makarinig ako ng ringtone. Unti-unti kong pinatay ang tawag at natahimik din ang loob ng clinic.
THE NURSE IS OUT. PLEASE GO TO THE OTHER CLINIC. THANK YOU.
Kahit kinakabahan akong pumasok sa madilim na clinic dahil pakiramdam ko ay creepy sa loob niyon dahil walang tao (maliban do'n sa narinig kong ringtone) ay sinikap ko paring tapangan ang sarili ko para makapasok sa clinic. Lumunok muna ako bago hawakan ang doorknob at dahan-dahang pumasok sa loob at wala sa sariling naisarado ko ang pintuan.
"Why did you close the door?" isang namamaos na boses ang narinig ko kasabay ng mabigat na paglalakad palapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nung maaninag ko ang isang puting tela na lumalapit palapit sa akin.
"AAAAAHHHHHHHHH!!! MULTO!!! TULONG!!!" marahas kong pinihit ang doorknob ng pintuan ngunit hindi ko ito mabuksan. Kinakain na ng takot ang buong sistema ko nung maramdaman kong lumapit na sa akin ang multo. "AAAAAAHHHHHHH!!! TULONG!!! TULUNGAN N'YO AKO!!! TRIC!!! TRIC MARION BAEK TULUNGAN MO AKO!!!!!!! AAAAAHHHHHHH!!!"
Marahas akong napasinghap nung maramdaman ko na bumalot na sa akin ang katawan ng multo at naramdaman ko ang mainit n'yang hininga sa aking leeg dahilan para kilabutan ako at malakas ko s'yang tinulak. "AAAAAAHHHHHHH!!! LUMAYO KA SA AKIN!!! 'WAG MOKONG HAWAKANG MULTO KA!!!!! AAAAAAHHHHHHHH!!!!!"
"Aw. Aish, stop shouting, babo ahjumma," otomatiko akong natigil sa aking pagsisisigaw nung marinig kong magsalita ang multo. Kahit namamaos ang boses n'ya ay unti-unti na itong nagiging pamilyar sa akin. "Why did you fucking closed the door. Sira iyan. Hi-Hindi tayo makakalabas mula rito sa loob. You're so stupid."
Agad kong kinapa ang ilaw sa gilid at binuksan ito. Tumambad sa akin si Tric na nanginginig habang nakabalot ng kumot habang nakahiga sa sahig.
"Tric!" agad ko s'yang nilapitan at bahagyang niyugyog. "Tric, okay ka lang ba?"
"C-Cold..." namamaos n'yang usal kasabay ng kanyang ubo at panginginig. Namumula ang pisngi n'ya at humahangos rin s'ya.
Agad kong sinalat ang noo n'ya. "Diyos ko, Tric, nilalagnat ka! Ang taas ng lagnat mo! Halika, iuuwi kita sa inyo!"
"I-It's useless. We can't get out of here. You damn closed the door. Sira iyan. Hi-Hindi tayo makakalabas mula rito sa loob. Trap tayo sa loob," umubo ulit s'ya. "And I-I can't move. I can't walk. I'm-I'm dizzy."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Na-guilty tuloy ako dahil tinulak ko s'ya sa sobrang takot. Sino ba naman kasing matinong taong naglalakad habang nakabalot ng puting kumot, ha?! Grabe, muntik na talaga akong atakihin sa puso kanina.
"Halika, ihihiga kita ulit sa kama. Sumandal ka sa akin," inakbay ko ang kanyang kanang braso sa akin at dahan-dahan kaming tumayo at lumapit sa bakanteng kama na mukhang doon s'ya nanggaling. Agad ko s'yang hiniga doon at nilagyan ng kumot.
"It's so c-cold..." nanginginig n'yang saad habang nakabalot s'ya ng kumot.
"Tawagan natin 'yung butler mo para mapuntahan n'ya tayo rito!" agad kong kinuha ang cellphone n'ya na nasa ibabaw ng kanyang kama ngunit sa kasamaang palad ay deadbatt ito. Kinuha ko rin ang sa akin at ang malas rin dahil na-deadbatt rin ito. Nagsisisi talaga ako dahil hindi ako nakadala ng charger.
Argh, bakit ngayon pa?!
Rinig na rinig ko ang paghangos ni Tric kaya agad akong lumapit sa kanya at dahan-dahan ko s'yang tinihaya para maayos s'yang makahinga at dinagdagan ko ang unan n'ya at inayos ko rin ang kumot n'ya.
Kitang-kita ko ang pagod n'yang mga mata na dahan-dahang kumukurap—para siguro maayos s'yang makatingin sa akin. "Y-You can leave me, Michelle. You have to go home. Your uncle will be worried about you."
"Hindi kita pwedeng iwan sa ganitong kundisyon mo. Kaya tumahimk ka nalang d'yan at hayaan mong alagaan kita."
Agad kong tinungo ang medicine shelf at kumuha ng isang tablet ng paracetamol. Kumuha na rin ako ng isang basong tubig at agad nilapitan si Tric. Dahan-dahan kong inangat ang likod n'ya mula sa kanyang kinahihigaan para makainom ng gamot. "Inumin mo 'to, Tric. Para gumaling ka."
Parang bata namang sumunod sa akin si Tric at agad n'yang ininom ang binigay kong gamot. Inalalayan ko naman s'ya sa pag-inom ng tubig at inalalayan ko narin s'ya pabalik sa kanyang paghiga.
"It's-It's too cold... c-can you turn off the air conditioner?"
"Nakapatay na Tric kanina pa," sagot ko sa kanya.
"W-Why is it it's still cold?" umubo s'ya at kitang-kita ko parin ang panginginig n'ya.
"Sandali lang, kukuha muna ako ng isa pang kumot," aalis na sana ako nung bigla n'yang hawakan ang aking kamay nang mahigpit.
"Eo-Eomma... k-kajima. Kajimarayo..."
"Hindi naman ako aalis Tric eh. Kukuha lang ako ng karagdagang kumot," pumiglas ako sa pagkakahawak n'ya ngunit hinawakan n'ya ulit ang kamay ko nang mahigpit.
"Eomma... jebal... jebal kajimarayo," nanigas ako sa aking kinatatayuan nung makita ko si Tric na lumuluha. Oo, minsan ko naring nakita si Tric na umiiyak pero eto 'yung unang pagkakataon na nakita mismo ng dalawang mata ko ang mukha n'ya habang lumuluha.
Huminga ako nang malalim at umupo sa kaliwang bahagi ng kama habang hawak parin n'ya ang aking kamay. Dahan-dahan kong hinagod ang kanyang buhok. "Andito lang ako. Hindi kita iiwan."
"It's... it's cold..." huminga muli ako nang malalim a dahan-dahang humiga sa tabi n'ya at dahan-dahan ko s'yang hinila palapit sa akin at niyakap. Yumakap rin s'ya pabalik sa akin at nakabalot na kami ngayon sa iisang kumot.
Isang munting ngiti ang sumilay sa aking mga labi nung maramdaman kong sinandal n'ya ang kanyang ulo sa espasyo sa pagitan ng aking leeg at balikat at medyo kumalma na s'ya. Amoy na amoy ko ang buhok n'ya habang nakayakap s'ya sa akin. Nararamdaman ko parin ang panginginig n'ya pero hindi na tulad kanina.
"Gutom ka ba? May isa pa akong sandwich sa bag," untag ko. Isang mahinang iling naman ang nakuha ko mula sa kanya at agad s'yang umubo.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na maysakit ka pala? Edi sana hindi ka umabot sa ganito," paninermon ko sa kanya pero 'yung boses ko ay parang naglalambing sa isang bata.
"I don't want you to be worried about me..." nanghihinang tugon n'ya. "And I'm not used on telling people what I feel. I used to just take care of myself when I was sick when I was a kid since Eommonim and Abeoji were always out of the country."
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nung marinig ko ang sinabi n'ya. Hindi ko maimagine na walang mag-aalaga sa akin kapag may sakit ako dahil madalas si Mamang ang nag-aalaga sa akin kapag may sakit ako.
"Tsk. Buang dyud kaayo ka," bulong ko sa kanyang buhok.
Naramdaman ko ang malalim n'yang paghinga. "Michelle..."
"Ano 'yun?"
"Don't leave me," he muttered as he hugged me tightly.
I nodded as I hugged him too. "Hindi kita iiwan. Andito lang ako sa tabi mo."
I slowly felt his fingers filling up the spaces between my fingers, intertwining our hands like he doesn't want me to let him go and leave him alone.
I don't know why but I find his warmth soothing like I want to be in this warmth forever.
Yeah... that's it.
PS: Sorry for all the typographic errors, misspelling, putting wrong punctuation marks and the grammatical errors and wrong usage of words in this chapter and this story. I am still on the process of editing this story so I hope you understand me. :)
READ ME!!! READ ME!!! READ THE AUTHOR'S NOTE!!!
A/N: Hey guys! Sorry for the very very late UD, XIELOs and ROSE ELITEs~ and sorry if this is so spoil because I am really busy in my BLEPT review. I hope you'll understand me guys. Don't worry, I'll try my best to update more and I'll make up to you next time. Thank you so much readers!
You can add me on my FB second account:
Maxielinda Sumagang-Byun II ==> https://web.facebook.com/maxielinda.sumagangbyunii.5
BTW, for those who asked me what is the name of our readers' group, fan page and such, here it is:
FB Group => XIELO || MaxielindaSumagang's Readers Garden
Link: https://web.facebook.com/groups/212636939196907/?_rdc=1&_rdr
FB Page = > Love Stories ni Maxie WP-MaxielindaSumagang's Stories
Link: https://web.facebook.com/LoveStoriesniMaxielindaOfficial
18RLOTE FB Page => 18 Roses: Laws of the Elite-MaxielindaSumagang
Link: https://web.facebook.com/18RLOTEWattpadOfficial
Please do join and like guys! Let's have some fun!!!
Anyways, thank you everyone and thank you for reading this chapter please do support this so keep on voting, commenting, reading and supporting the "18 Roses: Laws of the Elite"! I love you all~ ♥♥♥ enjoy reading~ ^O^