Mesaiyah's point of view
Hindi nalang ako tumuloy sa classroom. Nakakatamad. Nakakawalang gana. Nakakainis. Nakakayamot. Nakakabadtrip. Halo-halo ang nararamdaman ko pagkatapos ko silang makita na magkasama.
Ang unfair. Bakit kung kelan nahuhulog na ako kay stranger, dun pa siya lumalayo. Aish! Hindi ko alam kung naiinis ba ako o nagseselos dahil hindi man lang niya ako binati o tinawag man lang, kundi tiningnan lang ako. Alam naman niya na kagagaling ko lang sa sakit. Hindi man lang niya ako kinamusta o kaya tinanong kung bakit ako pumasok?
"Bakit ba ako nagrereklamo samantalang hindi naman siya nagrereklamo sa tuwing nirereject ko siya sadyang napakatanga ko lang. Matagal na siyang nasa tabi ko pero ngayon ko lang narealize na gusto ko pala siya." Nagsisisi na ako kung bakit ngayon ko lang narealize na gusto ko siya at higit na pinagsisisihan ko ay ang pagbalewala ko sa mga effort ni stranger kaya wala akong karapatan na magreklamo kase kasalanan ko naman.
Narealize ko lang na nasa kanya pala ang pagmamahal na hinahanap ko, ang pagmamahal at pag-aalaga na hindi naibigay ng kinagisnan kong magulang pero ako ngang si tanga na hindi ko agad 'yun nakita.
"Bulag yata ako! Sinayang ko lang ang mga panahon na binibigay niyang pagmamahal sakin na dapat magpasalamat ako at suklian iyon pero hindi eh, tinapon ko lahat. Siya ang nagpupuno ng baso ko pero ako naman ang nagtataktak." Sabi ko sa sarili ko. Haaays. Alam kong nagpapatulong sa akin si Kosuri, tnry ko naman siyang tulungan, ginawa ko na ang makakaya ko para tulungan siya pero hindi naman ako pinapakinggan ni stranger eh. Anong iba ko pang magagawa?
"Hoy Mesaiyah!" napalingon ako mula sa likod kung saan nanggaling ang boses.
"Maysel."
"Kilala mo ba si Princess Anthea? 'Yung kapatid nung tinatawag mong stranger." hingal na tanong ni Maysel at halata na galing siya sa mabilis na pagtakbo.
"Oo. Kilala ko siya. Bakit?"
"May epic battle sila ni Kosuri." Sabi niya at napatayo ako sa aking upuan dahil sa gulat.
"Hah? Seryoso ka ba?"
"Mukha ba akong nagbibiro? Halos maputulan na ako ng litid kakatakbo para masabi sa'yo 'yan." Sabi niya. Hinigit niya ako.
"Tara dali! Punta na tayo sa runaway house. Narinig ko lang kasi 'yun sa iba at tingnan mo naman oh! Lahat ng estudyante nagtatakbuhan. Deadly match yata 'yun. Royal blood vs Royal blood." Sabi ni Maysel. Hindi na ako nagtanong sa kanya at nagtungo nalang kami sa runaway house. Kinakabahan ako.
After a minute nakarating na kami sa runaway house. Nagtatakbo agad kami papunta sa loob at mula sa labas ay dinig namin ang sigawan ng mga tao na lalong ikinabilis ng paglakad namin papunta dito.
Nakita ko si Kosuri at Anthea na nasa gitna na naglalaban at parehas silang may espada. Akala ko sa mga movie ko lang napapanuod 'yung mga taong may dalang espada tapos naglalaban, hindi pala. Nakakatakot kapag totoo na. Si Anthea parang siya 'yung nasa kill bill. Matatapos na yata ang laban. Nakatutok ang espada ni Anthea sa leeg ni kosuri at may umaagos na dugo mula sa kanyang leeg at parang hindi man lang siya nasasaktan, kita na ang panloob na suot ni Kosuri dahil sa nabiak nitong damit samantalang yung espada naman ni Kosuri ay nakatutok sa dibdib ni Anthea. Hinanap ko ng tingin si Anhiro. Kasama niya sila Denstah.
"The referee will decide who's the winner." Sigaw ng isa sa mga manonood. Mukhang huli na yata talaga kami dumating at 'yun nalang ang naabutan namin. Sinisigaw nila ang pangalan ni Kosuri at Princess Anthea pero bakit parehas silang nakatingin kay Anhiro? Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan para bang may maririnig ako na hindi ko aasahan. Natahimik ang lahat.
"Mesaiyah. Okay ka lang? Bakit parang nanginginig ang mga kamay mo?" napatingin ako saglit kay Maysel at ibinalik na ulit ang tingin sa gitna.
"Ha?Oo. Okay lang ako. Wag mo akong intindihin."
"Sino kayang pipiliin ng referee? I heard na ang trophy ay si Anhiro." Sabi ni Maysel.
"Siya din ang referee." Dagdag pa niya at napatingin ulit ako kay maysel na lalong ikinabilis ng tibok ng aking puso. Si stranger ang trophy? Siya ang referee at trophy? Alam ko nang mangyayari ito. Nakatitig lang ako kay stranger at hindi niya alam na nanunuod ako sa kanila. Hindi ko mabasa ang reaksyon ni stranger. Nakatingin lang siya sa dalawang babae na nasa gitna. Sino kayang pipiliin niya? Parehas niyang mahal si Anthea at Kosuri kaya nararamdaman kong nahihirapan siyang pumili.
Princess Anthea's Point of View
Nakangiti ng malaki sa akin si Kosuri at kampante siya na siya ang pipiliin ng kapatid ko. Hindi ko mabasa ang isip ni Anhiro. Ayokong mapanatag na ako ang pipiliin niya pero naiinis ako sa babae na'to. Sana pala ginilitan ko na ang leeg neto eh. Kase oras na piliin siya ni Anhiro ay babalik na kami sa Japan at magpapakasal na sila. Nakatingin lang ako kay Anhiro na ngayon ay nakatingin din sakin. Alalahanin mo Anhiro na mahal mo Mesaiyah. Napabaling naman ang tingin ko sa kabilang dako kung saan andoon si Mesaiyah. Nagulat sako nang makita ko siya tanging pangalan nalang niya ang aking nasambit.
"Mesaiyah." Sambit ko at narinig ito ni Anhiro kaya napatingin siya sandali sa kinatatayuan ng kanyang asawa. Ibinaba na namin parehas ang hawak naming patalim at tanging sagot nalang ni Anhiro ang iniintay. Anhiro, bakit ang tagal mo pumili? Lumapit sakin si Anhiro.
"Naappreciate ko ang effort mo ate na ipaglaban siya. Alam mong mahal ko siya subalit kailangan ko siyang protektahan. Di ko siya pwedeng piliin. Gusto ko ng matahimik ang buhay niya. Gusto ko ng ibalik ang buhay niya kung anong meron siya dati at higit sa lahat, gusto ko ng bumalik siya sa bestfriend niya. Alam mo ate ang dahilan kung bakit siya ang pipiliin ko. Sorry." Sabi niya at hindi ako makapaniwala sa kanyang sinasabi.
"Kosuri." Sabi niya at nagsigawan ang mga tao na sumusuporta kay Kosuri. Pota.
"WHAT?!"
"I love her." Sabi niya.
"WHAT THE HELL!! ARE YOU OUT OF YOUR MIND?" natigil sa pagsisigawan ang mga tao. Nagsilapitan sa akin sina Denstah, Kerk at Razec dahil namumula na ako sa galit. Sinusugod ko ng katana ang kapatid ko at nagsialisan ang mga tao dahil sa takot nila sakin. Umalis na talaga sila bago pa sila mahagip ng katana ko.
"YOU LOVE HER? OH! REALLY? SHE'S A BTCH! FCKING BTCH!YOU DON'T DESERVE HER ANHIRO! NAGPAPANGGAP LANG SIYA NA MAHAL KA NIYA!"
"SHUT UP!! I DON'T WANT..TO HEAR ANY WORDS FROM YOU!!" halos mabingi ang lahat sa biglang pagsigaw ng kapatid ko. Natahimik ako at natigil sa pagsugod sa kanya. Bumalik sa aking isip ang lahat ng sinabi niya sa akin noong panahong gusto niya palang makuha si Mesaiyah. After all this years, susuko na siya.
Flashback
"Ate! dmn! Natamaan ang puso ko!"
O______O mula sa pagkakaupo ko sa balcony habang kumakain ng malaking lollipop ay natapon ko ito at nagtatakbo papunta sa kanya dahil sa takot.
"Sht! Asan ang tama sayo?"
"Dito. Dito. Dito." tinuro niya ang kanyang puso. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko nabaril siya.
"Baliw ka talaga!" bumalik na ako sa pagkakaupo at kumain na ulit ng lollipop na binigay sakin ni Denstah. Tinawanan lang ako ni Denstah dahil sa reaction ko. Aish.
"Ate. Lagi ko siyang nakikitang umiiyak." panimula ng aking pinakamamahal na kapatid.
"Tapos?"
"Sinasaktan siya ng kanyang mga magulang."
"What do you mean by that?" tanong ko.
"Gusto ko siyang kunin sa kanyang mga magulang."
"Hah?! Seryoso ka? Mag-aasawa kana agad?"
"Oo." Tumayo ako para kunin ang mini pillow na nasa kabilang side ko para ibato sa kanya para naman matauhan sa kanyang sinasabi.
"Baliw! Baliw! Sisirain mo ang buhay niya!"
"Pero..kawawa siya ate."
"Hindi mo alam ang 'yong sinasabi. Hindi ganun kadali makuha ang mga babae dito sa Pilipinas. Kailangan mo pang mamanhikan. Kailangan mong magsibak ng kahoy o kaya mag-igib ng malalaking timba. Alam mo kapatid, pinaghihirapang makuha ang babae atsaka baka nag-aaral siya, guguluhin mo lang buhay nun."
"Hindi ate. Diba babae ka naman."
"Anong konek?"
"I'll treat her like you."
"Hay naku! Baliw kana talaga. Kulang ka lang sa kain, kumain kana muna bago ka makipag-usap sakin."
"I'm a Prince. I can do what I want and I can get what I want."
"Nagbakasyon lang tayo dito para makalimutan mo ang ginawa sa'yo ng EX mo, hindi para mag-asawa."
"Parang may kung ano sa kanya. Parang may ahmm. Basta. Hindi ko maipaliwanag." sa nakikita ko, seryoso naman ang aking kapatid.
"Si lolo. Alam ba ito ni lolo?"
"Hindi."
"You're making a big trouble Anhiro." Aalis na sana ako nang bigla siya muling magsalita.
"Mahal ko siya."
"Sino?"
"'Yung babaeng umiiyak."
"See? You didn't even know her name tapos gusto mo siyang kunin sa kanyang mga magulang. Hayaan mo na siya sa kanyang buhay. Hindi ka pwedeng mag-asawa ng hindi maharlika ang dugo."
"So? It's interesting right? Poprotektahan ko siya kung kinakailangan..ipaglalaban ko siya whatever it takes."
"Kahit kapalit ng buhay mo?" tumango lang siya. Napailing nalang ako. Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal. Kahit na nasaktan na siya ni Kosuri, gusto pa rin niyang magmahal ulit.
"Alam ba ito ni mom and dad?"
"Hai. Sila na bahalang magtago kay lolo."
"Jerk! Siguraduhin mo lang na hindi ka sasaktan nung babae na 'yun kung hindi, papatayin kita."
"Teka? Malapit na tayong umuwi sa Japan diba?" dagdag ko.
"Dito na tayo titira." sagot niya.
"Kinausap mo na si lolo?"
"Oo."
"Kailan mo kukunin 'yung babae?"
"As soon as possible sana kaso..kinakabahan ako. Isa akong napakalaking STRANGER pa para sa kanya. Hihintayin ko pa muna sina Razec na dumating, magpapatulong ako atsaka may bestfriend siyang lalaki. Mahihirapan akong kunin siya."
"Mahal niya ang bestfriend niyang lalaki sa nafifeel ko pero ikaw, magiging 3rd party ka sa lovestory nila."
"Kaibigan lang siya. Ako magiging asawa na. Makikita mo ate how powerful I am." Sabi niya at napailing nalang ulit ako.
"Illegal ang ginagawa natin Anhiro. Wala kitang patnubay ni lolo. Magiging ganap mo lang siya na asawa kung may basbas ni lolo. Hindi mo siya pwedeng pakasalan."
"Basta ang alam ko lang, kukunin ko siya sa kanyang mga magulang."
"Haaay! Kawawang inosenteng babae. Mahuhulog sa napakalalim na bangin na puno ng buwaya sa ilalim."
"May sasalo naman sa kanya. Don't worry." sagot niya at umalis na, napabuntong hininga nalang ako.
End of Flashback