Gwen's POV
Maaga akong pumasok sa office. Hinihintay ko si Erika para isama sya sa charity building.
Si Vine naman ay busy sa appointment nya sa isang CEO ng company na gustong makipagsosyo sa business namin.
"Good morning ma'am."bati ni Erika na kararating lang
"Good morning,may lakad tayo ngayon dalhin mo yung mga files."sabi ko kay Erika
"Okay ma'am nakaready na po."sabi ni Erika
"Okay let's go."aya ko sakanya
Nagdrive ako papuntang charity building. Maya maya pa lang ay nakarating na kami ni Erika sa tapat ng building.
"Good morning Ma'am Gwen!"bati ng mga employees ko
"Good morning,titingnan ko lang sana yung charity financial report."sabi ko kay Irma
"Okay ma'am, follow me."sabi ni Irma
"Tara Erika."aya ko kay Erika na sumunod sakin
"Itago mo yung report,pipirmahan ko later."sabi ko kay Erika
"Thanks Irma, alis na kami."paalam ko kay Irma
"Bye ma'am,ingat po kayo."sabi ni Irma sakin
"Mag-lunch tayo."sabi ko kay Erika habang pasakay kami ng sasakyan
"Ang aga pa po ma'am."sabi ni Erika
"Wag mo nga akong tawagin ma'am,wala naman tayo sa office eh"natatawa kong sabi
"10:30 a.m. palang kaya."sabi ni Erika
"Eh di early lunch or brunch,breakfast at lunch."nakangiti kong sabi habang nagdadrive
"San naman?"tanong nya
"Dun sa dati nating pinuntahan."sagot ko
"Okay,boss."nakangiting sabi ni Erika
Kumain kami ni Erika dating restaurant na pinuntahan namin sa isang mall sa Pasay.
"ringg....ringgg...ringgg.."
Narinig kong may tumatawag sa phone ni Erika kaya sinagot nya ito.
"Hello Mark?"
"Uhm nasa kabilang building ako ngayon"
"Okay okay sige"nakangiting sabi ni Erika habang kausap si Mark sa phone
"Napapadalas yata kayong magkasama ni Mark ah."sabi ko
"Ahh.. nanliligaw sya"sabi ni Erika
"Talaga?nako mag-ingat ka dyan balita ko playboy yan."sabi ko kay Erika na di naman totoo
"Talaga? eh sabi nya ako palang niligawan nya sa Bluefront eh."sabi nya
"Nako,ganyan talaga ang mga lalaki,sa una lang yan.."sabi ko
"Observahan ko muna.."sabi nya
"Nga pala lapit nang mag-Pasko nuh?ang bilis ng panahon."sabi ko
"Oo nga nuh, hinahanap ka nga pala nina nanay sabi ko busy ka lang."sabi nya
"Talaga?hayaan mo dadalaw ako ako sa inyo sa Pasko."sabi ko
"Tara na baka may mga gagawin pa tayo mamaya."sabi ni Erika
"Sige halika na."aya ko kay Erika na bumalik sa office
Pagkabalik namin sa office ay nadatnan ko si Vine na inaayos ang mga files nya sa desk.
"Babe how's the meeting?"tanong ko kay Vine
"Ayun na-postpone kaya nag-set kami ng meeting mamaya sa Taguig."sabi nya
"What time?"tanong ko
"Hindi ko alam babe eh tatawagan na lang daw ako."sabi nya
"So di na kita hahatiriin pauwi mamaya?"sabi ko
"Hindi,wag ka nang magtampo ngayon lang naman,pag okay na yung deal eh magcecelebrate tayo"nakangiting sabi nya sabay hawak sa mukha ko
"Okay basta text mo ko ha,ingat ka mamaya."sabi ko
"Okay i love you babe I got to go."paalam nya sakin saka ako hinalikan sa pisngi at umalis
Wala na akong masyadong gagawin sa office kaya naman buong maghapon lang kaming nag-usap ni Erika.
"So kelan ang alis nyo?"tanong ni Erika sakin
"Next year pa,wala pa namang exact date."sabi ko
"Di ka na babalik dito?"tanong nya
"Hindi na siguro,ikaw may plano ka bang mag-abroad?"tanong ko
"Pag binigyan ako ng opportunity syempre gusto."sagot nya
"Great,teacher ka naman eh at matalino kaya okay din pag nag-abroad ka."sabi ko
"Mamimiss kita."di ko inaasahang sabi ni Erika habang tinitingnan ako sa mga mata
"Ako din..."sabi ko pero di ako makatingin sa kanya ng derecho
"Tara alis na tayo."pag-aaya ko
"Teka saan tayo pupunta?"tanong nya
"Kahit saan,wag ka mag-alala ibibilin ko kay Cris yung log book."sabi ko sabay hawak sa kamay nya
"Pasaway."nakangiti nyang sabi sabay kurot sa pisngi ko saka kami umalis ng office
"Erika, ayos na yung motor ko hahatid na kita mamaya."sabi ni Mark nung nakasalubong namin sa tapat building
"Ahh Mark..uhm?"sabi ni Erika na tila nalilito kung pano sasabihin sakanya
"Ako na pala ang maghahatid sa kanya may appointment kasi kami."sabi ko kay Mark
"Ah okay ma'am ingat po kayo, sige Erika bukas na lang."nakangiting sabi ni Mark
"Sige ingat ka din."sabi ni Erika kay Mark
Habang pinagbubuksan ko ng pinto ng kotse si Erika ay tinitingnan ko si Mark saka sya umiwas ng tingin.
"San tayo?"tanong ni Erika,di ako umimik
"Sshhh..."sabi ko habang inaayos ang seatbelt nya
Nagdrive ako papunta sa kinakainan naming Street food house nung una kaming nagkakilala.
"Haha akala ko kung saan mo na ko dadalhin."natatawang sabi ni Erika
"Namimiss ko na rin kasing kumain dito eh bakit natatawa ka?"nakangiti kong sabi
"Wala,akala ko kikidnapin mo ko haha."biro nya saka kami nagtawanan
"Ate dalawang order nga po ng kwek-kwek at squid balls saka dalawang black gulaman."sabi ko habang umoorder
Natatawa habang nakatingin si Erika sakin,lalo syang gumaganda pag nakangiti lumalabas kasi ang mga dimples nya.
"Ang siga mong umorder."nakangiti nyang sabi
"Pinagtatawanan mo ko."I pouted habang binababa yung tray ng mga inorder ko
"Ang cute mo kasi."sabi ni Erika
"Sus gutom lang yan,kain na."sabi ko
"Totoo ah, ang ganda mo kaya."sabi ni Erika
"Wuh..mas maganda ka lalo na pag nakangiti."sabi ko sakanya saka sya tumahimik
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang tingnan sya. Sa lahat ng mga babaeng napalapit sakin ay sya yung simple at walang arte kaya hindi ako magsasawang kasama sya. Nakakalungkot lang isipin dahil ilang buwan na lang ay aalis na ko papuntang US at hindi ko na makikita si Erika.
Gabi na nung hinatid ko siya sa bahay nila. Inimbitahan ako nang nanay ni Erika na magpasko sa kanila kaya pumayag naman ako. Siguro ay icecelebrate ko ang Pasko kasama si Vine pero susubukan kong dalawin sila kahit sandali.
Aaminin kong masaya ako dahil buong araw kong nakasama si Erika.
Nagdrive ako pauwi saka nagpahinga sa sofa,hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubura ang mga ngiti ko tuwing iniisip ko sya.
A/N: Here's for my voters and readers :-D