Lady of the Blue Moon Lake

By msrenasong

136K 4.1K 498

Sagittarius Heartfelt, typical na tipo ng estudyante. Mabait, Masayahin, may pagka mainitin ang ulo, likas na... More

Lady of the Blue Moon Lake
Chapter 1. The Lady
Chapter 2: Hallucinations
Chapter 3: Unknown Visitor
Chapter 4: Lilian
Chapter 5: How do I call this day?
Chapter 6: Just a Simple Day
Chapter 7: Glimpse of What's Within
Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness
Chapter 9: Bleak
Chapter 10: Unexpexted visitor
Chapter 11: A Warm Greetings
Chapter 12: Comfortable
Chapter 13: Home
Chapter 14: His Decision
Chapter 15: Last Normal(?) Day
LOTBML Facts
Chapter 16: Timothy von Flavel
Chapter 17: Sad Flower
Chapter 18: Red moon. Little Miss Lilian
Special Chapter: LOTBML and Elements Crossover
Special Chapter: Crossover Part II
Chapter 19: The Vows, New Water Meister
Chapter 20: Lilian's First Day of School
Chapter 21: Lilian the Popular
Chapter 22: Memory from the Heart
Chapter 23: Someone from the Past
Chapter 24: Remembering Someone
Chapter 25: Sagi's Weird Feelings
Chapter 26: Sagi's First Fight
Chapter 27: Lover
Chapter 28: Getting Close
Chapter 29: Cashmere
Chapter 30: Fallen Angel
Chapter 31: The Awakening of the Fire
Chapter 32: Being a Meister
Chapter 33: Incantations
Chapter 34: Angelica, The Guardian Spirit
Chapter 35: Water and Earth
Chapter 36: Fight to Pursue
A Valentine Special
Chapter 37: Fight to Pursue (Part 2)
Chapter 38: Explaining things
Chapter 39: The Wind Element's Meister
Chapter 40: Start of being a chosen
Chapter 41: The Suffering of the Meister
Chapter 42: Vacation in Sequoia
Chapter 43: Vacation in Sequoia II
Chapter 44: Fire's Compromise and Water's Catastrophe
Chapter 45: Back to School
Chapter 46: Enemies
Chapter 47: Who's the Enemy?
Chapter 48: Suspicions
Chapter 49: Truth Revealed
Chapter 50: Silhouette of a God
Chapter 51: Silhoutte of a God 2
Chapter 52: Pain
Chapter 53: Distance
Chapter 54: New Water Goddess
Chapter 56: Loyalty
CHAPTER 57: Giulia's Side
Chapter 58: GIULIA'S GRIEF
Chapter 60: Full Moon
LOTBML 2ND ARC
2nd Arc: Chapter 2

Chapter 59: Catleya

404 27 15
By msrenasong

Tahimik na naghihintay si Sagi na magsimula ang kanilang klase habang ang mga kaklase naman nya ay nakatanaw sa bintana. Hinihintay ang pag-alis ng bus sa school grounds Ngayong araw ang pagbalik ng mga exchange students sa kani-kanilang mga paaralan. Ngunit wala na doon si Giulia. Ang totoong Giulia.

Kanina kasi pagpasok nila ni Leo ay nagulat sila ng makita si Giulia na nagpapaalam sa kanilang mga kaklase. Nabanggit na nya sa pinsan ang naging laban nya noong nagdaang gabi at ang tungkol sa pagkatao ni Giulia. Mabuti na lamang at kaagad silang nilapitan ni Ansha para ipaalam na si Marie, isa sa tatlong maria, ang nagpapanggap na si Giulia. Para hindi magtaka ang lahat kung biglang mawawala ang babae.


Tumunog na ang bell kasabay ng pag-alis ng bus. Nagsibalikan na sa mga upuan ang mga estudyante para simulan ang klase.


----------
Lunch break

Walang gana si Sagi na kumain ng panaghalian ngayon kaya naisipan na lang nyang tumambay sa rooftop at doon matulog. Baka sakaling makapante ang kalooban at isipan nya sa mga pangyayari nitong nakaraan.

Pagpikit pa lamang ng kanyang mga mata ay nakaramdam ng kakaibang lamig si Sagi. Iminulat nya ang isang mata at nakita nya ang manipis at halos transparent na tela na nakalutang sa ibabaw nya. May asul ding liwanag sa kanyang paligid. Para syang nakahiga sa isang manipis at malambot na kamang gawa sa tubig. Ipinaling nya ang ulo sa gilid at nakita nya si Catleya na nakatayo sa gilid ng water tank.

"Anong ginagawa mo dito?" Kaswal nyang tanong.



"Pasensya na kung naabala kita sa pag-idlip mo. Mainit kasi kung hihiga ka lang dyan. Walang masyadong silong." Paghinging paumanhin ni Catleya at bahagyang nagtago pa sa water tank.



"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko. At wag kang magtatago kung may nakikipag-usap sayo."



"Ah! Ou nga sorry hehe." Naiilang na lumabas si Catleya sa pinagtataguan. "Hindi pa kasi tayo nagkakaroon ng kontrata kung kaya hindi ko alam kung nasaan ka at anong nangyayari sayo. Kaya naisipan kong bantayan ka ng patago dito sa eskwelahan. Payo rin ito ni Ansha. Napapansin kasi namin na mukhang nais ng mistress na makuha ang mga meisters. Para lamang din ito sa kaligtasan mo. Huwag kang mag-alala hindi kita guguluhin. Pangako hindi mo ako mapapansin na naririto." Paliwanag ni Catleya. Hindi nya halos matignan si Sagi dahil baka magalit ito sa kanya. Ilang beses na nyang sinubukang kausapin si Sagi pero palagi sya nitong tinataboy.

Napatingin lang si Sagi kay Catleya. Pamilyar ang mga sinabi nito sa kanya. Narinig na nya iyon noon dito rin mismo sa rooftop. Nakaramdam sya ng kalungkutan ng maalala si Lilian. Pero nakapagdesisyon na syang ituon ang sarili sa kanyang misyon.

"Maraming salamat." Gulat na napatingin si Catleya kay Sagi. Nagpapasalamat ito?
"Sya nga pala..."



"Ano iyon?" Makikita ang pagkasabik sa mata ni Catleya. Bumangon naman si Sagi at tumingin ng maayos sa kanya.



"Pwede mo ba akong...tulungan sa training? At turuan na rin ng mga bagong incantations?" Bahagya pang nag-alangan si Sagi sa kanyang pakiusap. Naging bastos kasi sya sa dyosa ng dumating ito. Samantala, nagliwanag naman sa tuwa ang mukha ni Catleya sa narinig.


"Oo naman! Walang problema! Tuturuan kita ng lahat ng nalalaman ko." Halos napapatalon sa tuwang tugon ni Catleya. Sa wakas mukhang natanggap na sya ni Sagi.

Napangiti naman si Sagi sa nakitang pagkagalak ng dyosa.




----------------------





"Pakiramdaman mong mabuti ang iyong kapangyarihan. Mula sa kaibuturan. Kailangang magkatugma kayong dalawa oara hindi sumobra ang lakas o humina ng mga gagawin mong pag-atake." Wika ni Catleya habang tinuturuan si Sagi na kontrolin ng maigi ang kanyang kapangyarihan. Batid kasi nito ang mga kakaibang kilos at lakas ng mga enchantment ni Sagi sa tuwing nakikipaglaban. Hindi pa ganoong nakasynchronize ang water element sa kanyang pagkatao.



"Okay." Tugon ni Sagi kasabay ng isang tango. Ipinikit nya ang mata at nagconsentrate. Hinanap nya ang pinakasentro ng kanyang kapangyarihan at sinubukang sabayan ang pagdaloy nito sa kanyang katawan.



Sa loob ng ilang araw nilang pagsasanay ni Sagi tuwing umaga at hapon ay unti-unti na silang nagiging komportable sa isa't-isa. Noong nakaraan nga ay inayos pa ni Sagi ang kanyang kwarto at doon pinatuloy si Catleya. Sa sala naman natutulog si Sagi. Naguguluhan man si Leo ay hinayaan nya ang desisyon ng pinsan. Mas mabuti na siguro ang ganun habang hinihintay nila ang full moon upang muling makausap si Lilian.

"Oo nga pala, Sagi, napapansin ko ang paggamit mo ng elemental amplification."



"Elemental amplification? Ano iyon?" Tanong ni Sagi. Wala syang maalalang may ginamit syang ganoon.



"Isa iyong klase ng pagpapalakas ng kapangyarihan. Mukha ngang hindi mo iyon napapansin pero nagagawa mo iyon. Kung tutuusin hindi naman talaga ikaw ang gumagawa noon kundi ang mga elemento sa paligid." Naguluhan naman si Sagi sa sinabi ni Catleya.
"Nangyayari ang amplification kapag humalo sa iyong kapangyarihan ang enerhiya ng mga elemento sa paligid. Dahil doon lumalakas ang mga enchantment na gagamitin mo."


"Kung ganoon magandang bagay pala iyon."



"Hindi iyon maganda lalo na't hindi ka pa nakasynchronize sa kapangyarihan mo. Ang nangyayari kasi, sinusuportahan ka ng elemento sa paligid dahil hindi mo pa kayang kontrolin ng maayos ang iyong kapangyarihan. Dahil doon mas nakakaramdam ka kaagad ng pagod at panghihina. At alam mo ba, nangyayari lang ang amplification kapag malapit ang meister sa kanyang elemento. Sa pagkakaalam ko hindi ka ganoong kalapit sa tubig. Kaya nagtataka ako sa mga nangyayari. Ano bang iniisip mo sa tuwing ginagawa mo iyon?"



"Hindi ko alam. Hindi ko naman napapansing nagagawa ko iyon. Siguro unti-unti na akong nasasanay sa tubig." Kibit balikat na tugon ni Sagi. Wala naman kasi takaga syang ideya sa mga nangyayari.



"Susubaybayan kita ng mabuti para malaman ko kung ano na bang estado ng kapangyarihan mo at nangyayari yun sayo nang wala ka man lang ideya. Dapat kasi may command na nanggagaling sayo para magawa ng maayos ang amplification." Seryosong saad ni Catleya na may halong pag-aalala. Napailing naman si Sagi. Ang seryoso masyado ni Catleya sa lahat ng mga ginagawa nila. Parang lagi na laman itong nag-aalala para sa kanya.


"Alam mo masyado kang nag-aalala. Sige ka tatanda ka agad nyan." Pabirong wika ni Sagi at ginulo-gulo ang buhok ng dyosa.


"Eh?! Teka?!~" angal ni Catleya at natawa lang si Sagi na dumaan sa gilid nya. Nakasimangot na nilingon niya si Sagi.
"Hindi naman ako tumatanda 'no! Ginagawa ko lang naman ng maayos ang tungkulin ko."


"Oo nga pala hahaha. Nakalimutan ko. Tara na at baka mahuli ako sa klase." Nauna ng maglakad si Sagi habang inaayos ang sarili. Pinulot na rin nya ang basket at sapin na dala nila dahil doon na sila sa bundok kumain ng agahan bago magsimula ang kanyang pagsasanay.



"Naku! Oo nga pala! Nakalimutan ko. Sorry!" Natatarantang wika ni Catleya at kinuha kay Sagi ang sapin at tinupi iyon ng maayos saka ipinasok sa basket nq bitbit ni Sagi.
"Tungkulin ko rin palang bantayan ang oras para hindi ka mahuli sa klase."

------------------



Palaging binabantayan ni Catleya si Sagi sa eskwelahan. Ayos lang naman iyon kay Sagi kahit pa pumasok ito sa silid o manuod mula sa labas ng kanilang silid. Tahimik lang kasi si Catleya at kung minsan ay parang estudyante ring nakikinig sa pagtuturo ng guro. Ngunit ngayong araw ay namangha ng husto si Catleya sa Chemistry class nina Sagi. Nahihiwagaan sya kung paano nila nagagawa ang kanilang mga experiments at mukhang sa tingin nya ay masaya iyong gawin. Naisip nyang itanong iyon kay Sagi mamaya pag-uwi.

At sa wakas ay oras na nga ng uwian. Excited na naghintay si Catleya sa magpinsan na lumabas ng eskwelahan. Ngunit ngayon ay kaunti lang ang kasabay ni Sagi na lumabas. Nakita nyang nagpaalam na si Sagi sa mga kaklase nya at tinahak ang daan kung saan sya naghihintay. Patakbo nyang sinalubong si Sagi. Wala lang naman iyon kay Sagi dahil alam nyang sya lang ang nakakakita sa dyosa sa mga oras na iyon.


"Hindi mo ba kasama si Leo na uuwi ngayon?"


"Hindi eh. May club activities sila kasama ng iba naming kaibigan."


"Kaya naman pala kaunti lang kayong magkakasabay na lumabas." Tinanguhan lang ni Sagi si Catleya at nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod lang sa kanya ang dyosa.


"Sagi, Sagi, ano nga pala iyong ginagawa ninyo kanina sa klase? Iyong naghahalo kayo ng mga tubig sa mga babasaging lalagyan at nag-iiba-iba ng kulay? Kakaiba iyon! Nag-aaral din ba kayo ng mahika?" Napahinto sa paglalakad si Sagi at napatingin kay Catleya na parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi nito.


"Mahika?" Kunot noo pero halos matawa-tawang ulit ni Sagi. "Hahaha~ ano ka ba Catleya, walang mahika dun. Chemistry ang tawag dun. Paghahalo ng mga kemical kaya nagkakaroon ng reaction gaya ng pag-iiba ng kulay. Hahaha~ wala kami sa H****ts para mag-aral ng mahika. Hindi nga totoo ang mahika para sa amin. Well, maliban sa akin at sa pinsan kong si Leo dahil sa kapangyarihan ko." Tugon ni Sagi habang tumatawa. Napansin naman ni Sagi ang pagtango ni Catleya na parang manghang-mangha sa kung anumang nakita nya kanina.


"Oohh~ Chemistry pala iyon." Tumatangong bulong ni Catleya sa sarili. "Eh ano naman iyong maliit na bagay na korteng parihaba na may salamin, tapos pipindutin? Kanina habang nagkaklase kayo may nakita akong isang lalaki na gumagamit noon. Hindi sya nakikinig sa klase kasi mukhang nalilibang sya sa ginagawa nyang pagpipindot. Ang nakita ko may maliliit na tao doon sa loob na may magarang kasuotan at may isang gumamit ng incantation! Hindi ko alam kung ano iyon pero may nababasa akong nakasulat na 'combo'". Hindi malaman ni Sagi kung maiinis ba sya sa kausap at sunod-sunod kung magsalita. Walang hintuan na parang batang maraming tanong.


"Iyon ba? Cellphone ang tawag dun. Ginagamit iyon para makatawag o makausap ang mga kaibigan at pamilya na nasa malalayong lugar. Pwede ka ring magdownload ng music, games at kung anu-anong applications dun. May internet din kaya hindi mo na kailangang magpunta sa library para maghanap ng sagot sa mga takdang aralin." Paliwanag ni Sagi. "Mayroon ako noon dito." Nilabas ni Sagi sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone.


"Waaahhh~~ Ganito nga iyon!" Manghang bulalas ni Catleya habang maingat na hinawakan ang cellphone. Halos kumiskislap ang mga mata nya sa pagkamangha. Sinipat sipat pa nito iyon. Parang scientist na nakadiskubre ng bagong organism. O sadyang ignorante lang itong kaharap nya.


"Ano bang nangyayari sayo atang aligaga mo ngayong araw? Para kang batang nakakain ng sandamukal na kendi at tsokolate. Huwag mong sabihing sakin ngayon ka lang nakakita ng ganyan?" Di makapaniwalang tanong ni Sagi. Kung tutuusin mas matanda pa si Catleya sa kanya. Si Lilian nga maraming nalalaman sa mundo.


"Ehehe~ Oo eh. Ngayon lang. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakatapak sa mundo ng mga mortal ng ganito katagal." Medyo nahihiyang tugon ni Catleya. Napatingin naman si Sagi sa kanya. Nagka-interes syang malaman ang iba pang sasabihin ng babae. "Palagi lang kasi akong nasa Elysium. Hindi ako katulad nina Ansha at ng tres maria's na nakakalabas at nakikisalamuha sa mga mortal. Isa lamang akong normal na dyosa na namumuhay ng payapa sa aming mundo. Pero kasama ako sa mga tagapagbantay. Mga dyosa na nakahandang makipaglaban kung sakali mang may mga kalaban na makapasok sa kaharian. Pero dahil sa apat na keepers at mga meister na ginagawa ng maayos ang kanilang tungkulin, hindi namin nagagawa na magamit ang aming kakayahan. Pero syempre maganda naman iyon. Nangangahulugan lang na payapa pa rin ang daigdig at balanse pa rin ang mundo." Nakangiting wika ni Catleya. "Kaya naman sobrang saya ko ng malamang makakalabas ako bilang isang keeper. Kahit na papalit lamang ako sa kanya." Napatingin si Catleya kay Sagi na may pag-aalinlangan dahil baka sumama ang loob nito ngunit wala syang mabasang emosyon kay Sagi. Nakatingin lang ito at matamang nakikinig sa mga sinasabi nya.



"Salamat Sagi ah. Binigyan mo ako ng pagkakataon na magtagal dito. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng mabuhay dito sa lupa. Makita ang mga magagandang lugar na inaalagaan ng mga guardian spirits, makita ang pamumuhay ninyong mga tao at marami akong natutunan na ibang mga bagay tulad ng teknolohiya pati na rin ang sinasabi mong che-chemis--"

"Chemistry." Pagtuloy ni Sagi


"Oo ayun, chemistry hehe."


"Ibang klase ah, naiisip pala ng mga dyosa ang tungkol dyan. Maganda at payapa ang pamumuhay mo sa mundo ninyo pero naiisip mo kung paano ang mabuhay dito sa lupa?" Nakangiting tanong ni Sagi. Ibang klase si Catleya para sa kanya.

"Hehe oo naman 'no. Napapaisip rin kami paano ang buhay ninyong mga mortal. Madalas kasi naririnig ko lang ang tungkol sa inyo at sa inyong mundo sa mga kwento ng mga keeper at nga guardian spirits na naglalage dito."


"Ganoon? Okay sige tuturuan kita paano gamitin yang cellphone." Naghanap si Sagi ng mauupuan nilang bench. Mabuti na lang at nakakita sya sa malapit. " Ito may papasubukan ako sa iyong kaya gawin ng technology na ito." Kinuha ni Sagi ang earphone nya sa bag at ikinabit sa kanyang cellphone at sa tenga ni Catleya. Nagtataka naman si Catleya sa ginagawa ni Sagi.


"Ito, pindutin mo itong maliit na button sa gilid para mabuksan ang cellphone. Kapag umilaw na, i-slide mo ang kamay mo dito sa screen, sa salamin at maoopen mo na ito." Pinakita ni Sagi kay Catleya kung paano gagamitin ang cellphone. Tumatango naman si Catleya sa bawat sinasabi ni Sagi.


"Hala! Nandito ang mukha mo sa salamin Sagi! Ang ganda ng ngiti mo dito ah." Namula naman si Sagi sa sinabi ni Catleya. Napakainosente naman kasi ng kausap nya.


"Ahehehe~ wallpaper ang tawag dyan. Pwede ka rin kasi kumuha ng litrato gamit itong camera ng cellphone." Tinuro nya ang lens ng phone nya sa likod. "Parang ganito...tumingin ka dito sa gitna ng lens ah. 1 2 3...smile." ngumiti silang dalawa sa camera at pinakita ni Sagi kay Catleya ang selfie nilang dalawa.


"Woooow!! Aba napakahusay naman nito!"


"Oh sige na teka sandali may ipaparinig ako sayo." Tumango si Catleya at binuksan naman ni Sagi ang kanyang music playlist at pinatugtog ang isa sa mga paborito nyang classical music. Napansin naman ni Sagi ang bahagyang paglaki ng mata ni Catleya sa pagkamangha. Maya-maya pa ay nataranta sya ng umiyak si Catleya.


"O-oy! Teka bakit ka umiiyak?!" In-off ni Sagi ang music at inalis ang earphone sa tenga ni Catleya at inabutan ito ng panyo. "Napaano ka? Masyado bang malakas ang volume ng music? Masakit ba sa tenga?" Sunod sunod na tanong ni Sagi. Umiling iling lang si Catleya.


"Napakaganda kasi ng musikang iyon. Sobrang nararamdaman ko ang lungkot ngunit may halong pagmamahal sa bawat tugtog ng mga instrumento." Tugon ni Catleya ng mahimasmasan. Napasimangot naman si Sagi. Akala naman nya kung napaano na ang babae.


Ilang araw pa ang lumipas at nasanay na sina Sagi at Leo na kasama si Catleya sa bahay. Kahit na marami itong tanong sa mga bagay bagay na nakikita nya sa bahay ng magpinsan.


Mukha namang nahuli talaga ng interes ni Catleya ang paggamit ng cellphone kung kaya tinuturuan sya ni Sagi kung paano gamitin tuwing naglalakad sila pauwi o papunta ng training. May mga pagkakataon pang nakukulitan na si Sagi kay Catleya pero natutuwa pa rin sya sa kainosentihan nito sa mga bagay bagay. Tulad na lamang ng pangungulit nito sa kanya noong nag-aaral sya ng leksyon para lamang sabihing nakagawa sya ng 'combo x12' at 'triple kill' sa isang online game.






----------------------------------------------------

LILIAN OR CATLEYA? 😊

Continue Reading

You'll Also Like

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...