A & A

By faithrufo

928K 22.7K 7.7K

ASHER Marami ang nagpapantasya na maging girlfriend ni Asher Martinez. Marami na din ang sumubok na baguhin s... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling Kabanata
Chansingan mo 'ko? (Stasg Deleted Scenes)
STASG (rewritten)

Kabanata 45

13.6K 464 234
By faithrufo

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG

follow: officialstasg
------------------------------------------------------------

TANGA

"Huli ka!" napatili ako ng may biglang humablot sa braso ko at hinila ako patayo. Sinusubukan kong lumaban, o 'di kaya tumili para sana may makarinig sa'kin pero sobrang lakas ng may hawak sa'kin at tinakpan niya pa 'yung bibig ko.

Iyak na 'ko ng iyak at puno na ng takot ang buong katawan ko habang sila naman ay tawa ng tawa.

"Ano kaya suot mo sa ilalim ng jacket na 'to?" tanong nung nasa harap ko at napapikit ako, halos magwala na 'ko pero wala lang 'tong silbi sa laki nung may hawak sa'kin.

Please please please tama na. Sana panaginip lang 'to. Please Jared asan ka na.

Tinanggal nung lalaki 'yung kamay niyang nasa bibig ko kaya naman rinig na rinig na nila 'yung mga iyak ko.

"Please please pakawalan niyo na 'ko..." pagmamakaawa ko sakanila. Sobrang bigat ng damdamin ko at parang hindi na 'ko makahinga. "Please, maawa kayo p-please..."

Bigla na lamang hinila nung lalaki 'yung buhok ko kaya naman napasigaw ako sa sakit. "Manahimik ka." galit na bulong niya sa tenga ko. Amoy na amoy ko 'yung alak galing sa bibig niya at gusto kong masuka.

May lumapit na isang lalaki at hinawakan niya 'yung zipper ng jacket ni Asher. Napasigaw ako habang sinusubukang lumayo pero hinila lang ulit nung lalaki sa likod ko 'yung buhok ko.

"Parang awa niyo na!" sigaw ko sa gitna ng pag iyak ko. Nabasag 'yung boses ko at sumasakit na 'yung lalamunan ko.

"Wag kang maingay!" suway nung may hawak sa'kin.

Sinimulan na niyang ibaba 'yung zipper nung jacket, pakonti konti at lalo akong napupuno ng takot. Nanlalaki 'yung mata ko at parang sasabog na 'yung ulo ko.

Bigla na lamang may sumigaw ng "HOY!" mula sa malayo at narinig ko ang pagmumura nitong mga lalaki.

Hinila nanaman 'yung buhok ko, "Tangina sinong tinawagan mo?" tanong niya pero umiiyak nalang talaga ako.

Naaninag ko 'yung mukha ni Jared na papalapit samin at bumilis 'yung tibok ng puso ko. Halo halong saya at kaba sa p-pwedeng mangyari.

Madami siyang kasama. Sina Roderick at ang tropa niya. Kilala siguro sila nitong mga kumuha sa'kin dahil mukhang kabado na sila.

"Pre alis na tayo!" sabi nung isa sakanila.

"Jared!" sigaw ko at bigla na lamang akong sinampal nung lalaking nasa harap ko. Nagpantig 'yung tenga ko at halos mahilo na 'ko sa lakas ng pagkakasampal niya. Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko at patuloy lang ako sa pag iyak.

Sinubukan kong manatiling gising at nakita ko na nagsimula na ang away. Pero isang lalaki lang talaga ang dirediretso ang lakad papunta sa direksyon ko. Nag aalab ng galit 'yung mga mata niya at napapa atras na 'yung may hawak parin sa'kin.

Pero 'yung lalaking sumampal sa'kin ang iuna niya. Sinambot niya 'yung kamao na susuntok sana sakanya at inikot niya 'yung kamay nung lalaki bago niya 'to hawakan sa leeg gamit 'yung isa niyang kamay.

Bigla na lamang sumulpot si Angelo na may hawak na tubo at walang sabi sabi ay ipinukpok 'to sa may hawak sa'kin. Bumagsak ako sa lapag ng bitawan na niya 'ko at agad akong umatras papalayo sakanila. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nanlalaki 'yung mata ko sa nakikita ko.

May mga sinasabi si Jared doon sa lalaking sumampal sa'kin. Sinasakal niya na 'to at umiiyak na 'yung lalaki. Oh my God! Gusto ko sanang sumigaw kaso wala na 'kong lakas. Gusto ko siyang pigilan at baka mapatay niya 'yung lalaki pero nanghihina na talaga ako.

"Touch her again and I'll kill you." banta niya doon sa lalaki bago niya 'to bitawan. Napahiga nalang sa lapag 'yong sinakal niya, pero hindi pa pala siya tapos dahil nilapitan niya ulit 'to at binigyan ng isang malakas na suntok sa mukha. Halos mapasigaw ako ng mawalan ng malay 'yung lalaki kaya naman napatakip nalang ako sa bibig ko.

Patuloy parin sa pakikipag away 'yung iba pero halata namang mas marami ang idinala ni Jared para tumulong. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon kaya naman natulala nalang ako. Tumigil na din ang mga luha at nandun nalang ako sa lapag. Tahimik at hindi alam ang gagawin.

Muntik na 'kong ma-rape. Sinaktan nila ako. Hindi sinagot ni Asher ang tawag ko.

Nagsimula nanaman ang mga luha at nang may naramdaman akong humawak sa'kin ay napasigaw ako sa takot.

"Hey, hey." rinig kong bulong niya. "It's just me, hindi kita sasaktan."

Si Jared.

Napaiyak ako sa relief. Andito siya, niligtas niya 'ko. "J-Jared..." tinignan ko siya at nakita 'yung luhang tumulo mula sa mata niya. "Jared.." nagsusumbong ang tono ng boses ko.

Lumapit ulit siya at hinayaan ko na siyang haplusin ang braso ko bago niya 'ko yakapin.

"God, i'm so sorry." umiiyak niyang bulong ng mayakap na niya 'ko. Kumapit ako sa t-shirt niya at dahan dahan kaming tumayo, ginamit ko siya bilang sumporta. "You're okay now, andito na 'ko. You're safe." hinaplos niya 'yung buhok at likod ko.

Kumapit lang ako sa t-shirt niya at inilagay 'yung ulo ko sa leeg niya habang tahimik na umiiyak.

"Andito na 'ko, don't worry baby." bulong niya nanaman. "Hinding hindi kita iiwan." matagal kaming nakaganun lamang at sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko, hanggang sa may nagsalita na.

"Shit Adrian! Ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Henry. "Tumawag na 'ko ng pulis man." aniya.

May naramdaman akong ibang tao na humawak sa likod ko at nagulat ako ng bigla akong nakaramdam ng takot kaya naman mas lalo akong lumapit kay Jared at napapikit ako.

"Bro.. 'wag muna. She's still in shock." ani Jared doon sa sumubok na humawak sa'kin. "Tara na, alis na tayo."

Hindi parin ako gumagalaw pero naramdaman ko 'yung dahan dahan na pagbalot nung hood ng jacket na suot ko sa ulo ko dahil kay Jared. "Lalabas na tayo," bulong niya habang inaayos 'yung pagkakalagay ng hood. "Can you walk?" tumango ako.

Umakbay siya sa'kin at nilagay niya naman 'yung isang kamay niya sa batok ko tapos hinalikan niya 'ko sa noo. "I love you." bulong niya bago kami magsimulang maglakad paalis.

Nanatili akong nakayuko, 'yung hood tinatago 'yung mukha ko. Ramdam ko ang titig ng mga kaklase kong lalaki at alam kong gusto nilang malaman ang buong pangyayari pero hindi ko parin kaya magsalita. At hindi ko alam kung kaya ko pa bang balikan 'yung nangyari.

Malakas na masasayang tugtugan ang narinig ko pagkalabas namin ng CS. Hindi ko pa alam kung pano nila nagawang walang makalapit samin hanggang sa makarating kami sa pinakamalapit na kanto kung saan may exit.

"Dito ka ba nag park?" si Roderick ang nagtanong.

"Oo, buti nga malapit lang e." sagot naman ni Jared. "Sige 'tol, mauna na kami. I need to take her home."

"Ingat kayo ah? Adrian, 'wag ka na umiyak."

"Maraming salamat Rods," tinapik tapik ni Angelo 'yung balikat ni Roderick. "Buti nalang nakita namin kayo."

"Walang anuman."

Nagsialisan na sina Roderick atang tropa niya kaya naman naiwan nalang kami ni Angelo, Henry at Jared.

Naglakad kami papuntang sasakyan ni Jared at pinaupo niya 'ko doon sa passenger's seat. Siya pa 'yung nag seatbelt sa'kin at tinignan ako gamit 'yung mapupungay niyang mata.

"Thank you." mahinang sabi ko. Tumango siya at hinalikan ulit ako sa ulo bago isara 'yung pinto ko.

Umikot siya at nagpunta sa kabilang side para buksan 'yung pinto niya.

"--sila malapit sa stage naghihintay kasama si Kris." rinig kong sabi ni Henry.

"Sige, pakisabi nalang 'yung nangyari." sabi ni Jared bago sumakay at i-start 'yung makina.

"Ingat kayo." ani Angelo na naka dungaw sa bintana. "Okay ka na Aids?" tanong niya at tumango ako. "Alright good, sige na."

Nagpaalam na si Jared sakanila bago niya pinaandar 'yung sasakyan, papalayo sa mardigra.

Tahimik ang buong byahe at nagpapasalamat ako dahil hindi na nagtanong pa si Jared. Hindi niya din ako pinagsabihan o kung ano pa man.

Pasulyap sulyap ako sa phone ko pero walang text o missed call galing kay Asher. Hindi ko alam pero somewhere, deep down alam kong may nangyaring masama... sana lang okay siya. Pero hindi ko parin maiwasang magalit sakanya at sobrang ma disappoint.

Nasaan ka ba Asher?

Patay na ang mga ilaw sa bahay ng dumating kami. Alam kong nasa Mardigra si Ate Sky at si Tita naman ay tulog na. Nagpark si Jared sa labas ng gate at sabay kaming bumaba.

Mabuti nalang at may susi ako kaya naman madali lang kaming nakapasok.

"Dito lang ako." ani Jared bago umupo sa sofa.

Tumango ako at dumiretso sa kwarto ko para magpalit at maghilamos. Nandidiri ako sa katawan ko kaya naman itinuloy ko na 'to sa isang mabilisan ligo at pinunasan lang saglit ang buhok ko tutal manipis lang naman 'to at madaling matuyo. Nagmamadali akong makalabas ng kwarto dahil takot na rin akong mapag isa. Baka mamaya may isa sakanila, biglang lumitaw at tapusin ang ginagawa nila kanina. Nangatog ang tuhod ko sa takot at tinabihan si Jared doon sa sofa.

Nakahawak ang isang kamay niya sa sentido niya at nakapikit siya. Sinilip niya 'ko ng tumabi ako sakanya at tinanggal na 'yung kamay niya.

"Would you want me to stay with you?" tanong niya at agad akong napa isip.

Tama ba na dito ko siya patulugin? Paano si Asher? Magagalit 'yon panigurado... pero hindi ko naman kayang mapag isa ngayon. Natatakot ako. Tsaka di Jared naman 'to, wala siyang gagawing masama... kaya tumango ako.

Mabuti nalang at may extra na damit si Jared na dinadala dala niya sa sasakyan niya kaya naman ito ang isinuot niya.

Humiga na 'ko sa kama ko at nun ko lang nabigyang pansin ang t-shirt na naisipan kong suotin. Eto 'yung bigay ni Jared sa'kin nung birthday niya.

"Uh.. Adrianna?" tanong niya mula sa banyo.

"Hmm?" pinaglaruan ko 'yung dulo ng buhok ko.

"I can't sleep with a shirt on." parang nag aalinlangan niyang sabi at medyo nanlaki 'yung mata ko. "B-But I would if--"

"O-Okay lang.."

"Sure ka? I mean.. okay lang naman--"

"Kung san ka kumportable.." mahinang sabi ko at hindi na siya sumagot.

Maya maya ay lumabas na siya ng banyo. Nakasuot siya ng basketball shorts pero wala siyang shirt at halata naman sa namumula niyang tenga at pisngi na medyo nahihiya siya.

Kelan pa nahiya ang isang Jared Gordon?

Hindi ako umiimik nang humiga siya sa tabi ko kaya naman magkaharap na kami pero hindi naghahawak. Nagtititigan lang.

Maya maya ay napa awang ang bibig ko at tumulo ang luha ko. Sumisikip 'yung dibdib ko. "Tingin ko may nangyaring masama sakanya..." bulong ko at hinayaan ang pagtulo ng luha ko.

Nagtagis ang bagang ni Jared pero hindi siya nagsalita. Itinaas niya lang 'yung isang kamay niya at pinunasan 'yung luha ko.

"Natatakot ako.." pag amin ko at hindi ko na naiwasan ang paglapit sakanya.

Lumapit na din siya sa'kin at inilagay ko 'yung ulo ko sa dibdib niya. Malamig dito sa kwarto ko pero mainit ang katawan niya. 'Yung isang braso niya at nasa ilalim ng ulo ko at pinakinggan ko 'yung mabilis na pagtibok ng puso niya.

"Andito lang ako." sagot niya bago halikan 'yung tuktok ng ulo ko. Hinagod niya ang likod ko, "Gusto mo bang kantahan kita?" tumango ako kaagad at humigpit ang hawak niya sa'kin.

Napapikit ako ng magsimula na siya.

"When I see your smile... tears roll down my face I can't replace. And now that I'm strong I have figured out, how this world turns cold and it breaks through my soul and I know I'll find deep inside me I can be the one..." nabasag 'yung boses niya sa dulo pero pinagpatuloy niya parin. "I will never let you fall, I'll stand up with you forever. I'll be there for you through it all, even if saving you sends me to heaven..."

Continue Reading

You'll Also Like

98.3K 1.8K 56
THANK YOU SO MUCH FOR READING ✊💖 Highest Ranks in tags 03/30/19 #1 [DonKiss] #3 [Kisses] #2 [Donny] 07/09/19 #37 [#fanfiction] 07/12/19 #1 [#social...
864 67 3
In a family where every melody echoed the legacy of generations, there was a young girl whose heart sang a different tune. Born into a lineage of est...
Sunday is Not Coming By sogi

Mystery / Thriller

1.1K 105 6
All it took for Santa Lucia's reputation to crumble was the news of Isaac Castro's suicide. Known for having religious residents and a prosperous eco...
152K 7.6K 37
Ang huling ritmo ng mga emosyong idinaan natin sa awit. --- This is the ending of EDSA au that was originally written on Twitter. I've decided to wri...