oh hoh yeah oh yeah
if the heart is always searching can you ever find a home
i've been looking for that someone
i'll never make it on my own
Dreams can't take the place of loving you
there's gotta be a million reasons why it's true
When you look me in the eyes
And tell me that you love me
Everything's alright
When you're right here by my side
When you look me in the eyes
I catch a glimpse of heaven
I find my paradise
When you look me in the eyes
How long will I be waiting
To be with you again
Gonna tell you that I love you In the best way that I can
I can't take a day without you here
You're the light that makes my darkness disappear
Habang siya'y kumakanta nakatitig lang siya saking mga mata. There's something in his eyes, hindi ko maipaliwanag pero meron siyang sinasabi. Meron siyang gustong sabihin sakin pero hindi ko malaman kung ano 'yun.
His brown eyes that stares at me deeply. I don't want to fall for him. I don't want but..but I can't. I can't help myself not to fall. His cold sweet voice, the way he walked while his hands in his pocket, the clothes he wears, the bonnet he always used, his smell. All i know is. I'm starting to like him. All i know is I'm falling and I want his presence everyday.
Parang ang mga tao na nakapalibot samin ay biglang nawala. Parang siya lang ang nakikita ko ngayon at naririnig ko na naman ang mabilis na tibok ng puso ko. Parang tumigil ang oras para saming dalawa. Wala akong naririnig, wala akong ibang nakikita kundi siya lang. Waaah! SOMEONE SAVE ME IN THIS beautiful NIGHTMARE!!!
More and more I start to realize
I can reach my tomorrow
I can hold my head up high
And it's all because
You're by my side
When you look me in the eyes
And tell me that you love me
Everything's alright
"WOOOOOHH!!!!THE BEST KA ANHIRO!!I LOVE YOU BROTHER!!" natauhan ako sa tumabi sakin na biglang sumigaw ng pagkalakas-lakas. Ngumiti lang ako sa kanya. Thanks for saving me Anthea! Wushu! Akala ko hindi na ako magigising dun at tuluyan ng mahuhulog sa kanya.
When you're right here by my side
And when I hold you in my arms
I know that it's forever i just gotta let you know
I never wanna let you go....
"Ang galing niya kumanta diba?" she said na talagang ipinagmamalaki si stranger. Ngumiti lang ulit ako sa kanya.
"Magaling siya kumanta. Magaling ka kumanta. Bagay na bagay kayo."
"Ahehehe." nahiya ako bigla sa kanya kaya napahawak nalang ako sa aking batok. Tapos na silang kumanta at bumaba na sa stage sabay lumapit samin.Tumabi si Anthea sa tabi ni Denstah.
"Prince. Maiwan na muna namin kayo." Said Razec at iniwan na nga kami. MyMy! Kaming dalawa nalang. Huminga ako ng malalim at napacross arm nalang ako. Awkward! I just give him my sweet innocent smile pero tahimik lang siya.
"Nakakahiya ka." said he breaking our awkward moment.
"Bakit ako nakakahiya?" I asked. Biglang napataas ang boses ko.
"Dahil umiyak ka ng walang dahilan."
"Eh nakakaiyak nga ang kanta. Bakit ba? Matapos mong yakapin ako kahapon. Mang-aaway kana agad."
"Kinilig ka naman."
"Bakit ako kikiligin? Baka ikaw ang kinikilig habang yakap mo nga ako, namumula ang pisngi mo." pang-aasar ko sa kanya. Kunwari lang yun, namumutla nga ang mukha niya sa sobrang lamig.
"Psh!"
"Pikon!"
"Bakit ka nakatitig sakin kanina?" taas noong tanong niya sakin. Gusto kong maging defensive. Pero hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
"Huh?! Eh. Ikaw kaya ang nakatitig sakin."
"Pwede ka ng bigyan ng oscar award for being Ms. indenial!" he said.
"Ang yabang mo talaga!Argh!"
"Binabagay ko lang ang yabang ko sa aking gwapong mukha. Kaya ikaw, wag mong ibagay ang pagiging indeniable sa mukha mo." sabi niya sabay alis. Argh! Yabang mo talagang ugly duckling ka! Yabang! Aish! Asar! Yabang! Yabang! Yabang! Mabulunan ka sa kayabangan mo!
Minsan talaga malabo yan no? Minsan makulit, minsan sweet, minsan cold, minsan bigla nalang magagalit, minsan mang-aaway nalang. Daig pa nito ang merong menstruation, talo pa ang babae eh. Parang araw-araw meron siya.
Aalis na din sana ako mula sa kinatatayuan ko nang biglang mapansin ko si ate Terra na pumasok sa pinto ng runaway house.
"Ate terra?" napatingin siya dahil sa tinawag ko ang kanyang pangalan.
"Mesaiyah!" may pagkaexcited na may pagkagulat ang kanyang boses kaya agad niya akong niyakap.
"Andito ka din pala."
"Oo ate. Ikaw? Bakit ka naparito?" pagkatapos ng tanong ko, hindi siya makatingin ng diretso sakin.
"Ah. Eh."
"Babe!" napatingin naman ako sa nagsalita at tiningnan siya ng nagtatanong na mukha.
"Babe?"
"Ah. Eh."
"Ikaw ate ang..babe niya?" tiningnan ko ulit si Kerk at sinundan siya ng tingin papalapit kay ate.
"Yup! Babe ko ang sister mo." pagkokompirma ni Kerk Agad ko siyang pinaghahampas.
"Sinungaling ka! Sabi mo hindi si ate ang girlfriend mo pero totoo pala ang iniisip ko! YAAH!!" sabi ko at hinayaan siya ng suntok.
"Sabi ko sa'yo uupakan kita ng maraming beses eh!" dagdag ko.
"Chillax lang, mahal na prinsesa. Hindi ko naman siya sinasaktan." hinahampas ko pa rin siya at nagsilapitan ang iba pa niyang kasama pati na rin si stranger at Anthea.
"Playboy 'yan, Mesaiyah!" singit ni Razec kaya pinaghahampas ko pa siya lalo.
"Tama na! Tama na! Suko na ako! Suko na!" sabi niya at itinigil ko na ang panghahampas sa kanya. Gulo-gulo na ang kanyang buhok kaya hindi nila mapigilang matawa sa kanyang itsura.
"Parang pugad ng manok yang ulo mo Kerk." pang-aasar ni Razec.
"Che! Ikaw ang may kasalanan nito, lalo mo pa akong diniin."
"Hi Terra!" bati naman ni Anthea kay ate Terra, ngumiti lang siya dito.
"Pero tama ang dinig ko? Kayo ni kerk?" Tanong ulit ni Anthea at tumango naman si ate. Wah! I can't believe it talaga? Pano naging sila? Pano sila nagkakilala? Kailangan kong malaman ang sagot sa mga tanong ko.
"Excuse me lang hah?! Mag-uusap lang kami ni ate." hindi ko na hinintay ang mga sagot pa nila kundi hinigit na si ate papunta sa labas para dun kausapin.
Naupo kami sa wooden mini bench na katabi ng punong red-orange ang dahon at doon siya kinausap.
"Ate? Paano kayo nagkakilala?"
"Ganito kasi 'yan Mesaiyah. May sampung milyong utang ang mga magulang natin kay Kerk."
"Haah!? ANO? SAMPUNG..MILYONG PISO?" gulat na sabi ko at tumango naman si ate.
"At para mabayaran ang utang ng mga magulang natin sa kanya. Gusto niya akong maging girlfriend at pagsilbihan siya sa kanyang bahay."
"Talaga ate? Eh hanggang kelan mo daw matatapos bayaran ang kumikinang na sampung milyon na 'yun."
"Isang taon. Isang taon ang kailangan para makumpleto ang bayad ko sa kanya."
"Pero ate. Ayos lang sa'yo na ikaw ang maghirap imbis na mga magulang natin ang magpakahirap na bayaran ang utang nila sa kanya?"
"Okay lang. Sa totoo lang, pwede na silang kasuhan ng ESTAFA dahil sa mga utang nila."
"Pero ate. Mahal mo na ba siya?" ngumiti lang siya sakin at huminga ng malalim habang nakangiting pinagmamasdan ang puno.
"Habang dumadaan ang araw. Nakikilala ko ang tunay na siya pero hindi ko naman siya mahal ng sobra. Siguro 1/4 lang ang pagmamahal ko sa kanya."
"Ahh. Binisita ko ang mga magulang natin."
"Kamusta na daw sila?"
"Ayun. Still mukha pa ring pera. Haaay! Kailan kaya sila magbabago." Sabi ko na parang wala ng pag-asa na sila ay magbago.
"Ayaan mo. Darating ang araw para sa kanila kahit na sobra tayong nagalit sa kanila, sila pa rin ang nagpalaki satin at may utang na loob tayo sa kanila." Tumango lang ako at pinagdikit ang aking palad at isiningit sa aking tuhod at huminga ulit ng malalim.
"Ikaw? Kamusta na? May baby na kayo ni Anhiro?"
"ATE NAMAN!"
"Nagjojoke lang. Hindi ka naman mabiro."
"Malapit na nga pala ang graduation ko. Ikaw nalang ang kasama ko sa pagmarch ha?"
"Oo ba! Congratulations in advance!" she said and hug me.
"Don't be afraid to fall in love again Mesaiyah. Don't be afraid to take risk." Dagdag pa ni ate.
"Ayokong masaktan. Baka iwan niya din ako katulad ng pag-iwan sakin ni Angelo."
"Asawa mo na siya. Hinding-hindi ka niya iiwan. Ang pag-aasawa, infinite ang pagsasama hanggang sa kamatayan, kayo pa din."
"Ewan, ate. These past few days, kapag tumititig siya sakin, kapag lumalapit siya sakin. Bumibilis ang tibok ng puso ko."
"Wag kang matakot idevelop ang nararamdaman mo para sa kanya. Hindi maglalaon, mamahalin mo din siya at matatanggap mo siya bilang asawa." Hindi ate. Mahulog man ako sa kanya. Merong naghihintay na babaeng babalik si stranger sa kanya.
"Forget angelo." she added.
"Hindi pwede." I said in a low voice and she gave me a question look.
"Andito siya. Nakita ko siya."
"Nananaginip ka lang."
"Hindi ako nananaginip. Kitang-kita ng dalawa kong mata na andito siya."
"Anong nangyari?"
"Hindi niya ako kilala."
"Ano? Hindi ka niya kilala? Siguro, sinabi niya lang 'yun dahil nakokonsensya siyang iniwan ka niya. Hindi ka niya kayang harapin. Anong klaseng bestfriend 'yan? Duwag, napakahina niya."
"Okay lang ate."
"Anong okay dun?"
"Wala. Pumasok na nga tayo sa loob. Baka hinihintay kana ng boyfriend mo!" hinigit ko na siya papunta sa loob ng runaway house. I tried myself to be okay kahit na, maraming gumugulo sa isip at damdamin ko ngayon.