A & A

By faithrufo

928K 22.7K 7.7K

ASHER Marami ang nagpapantasya na maging girlfriend ni Asher Martinez. Marami na din ang sumubok na baguhin s... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling Kabanata
Chansingan mo 'ko? (Stasg Deleted Scenes)
STASG (rewritten)

Kabanata 37

14.6K 395 292
By faithrufo

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG
------------------------------------------------------------

TANGA

"Asan na 'yung shirt ko?" tanong ni Henry.

"Kunin mo sa faculty! Namimigay doon si Sir." sabi ko sakanya at agad siyang sumimangot.

"Bakit hindi niyo pa ko kinuhanan?" tanong niya. "Gelo samahan mo nga ako."

"Eto na oh." hinagis ni Kei 'yung sportsfest shirt ni Henry. "Magpalit ka na." tapos umirap siya habang kami naman e naghiyawan. Nakakakilig din kasi 'tong dalawa e! Pampa good vibes.

"Yun naman oh!" sigaw ni Kris. "Kinuhanan ka na pala man!"

Ang laki ng ngisi ni Henry ng kunin niya 'to at doon pa mismo sa harap ni Kei naghubad ng pang itaas niya.

"SPG SPG!" sigaw ni Tris. "Lakas mag topless wala namang abs!"

"Ganito ba?" tanong ni Angelo bago itaas 'yong t-shirt niya. Naghiyawan nanaman sila. Lalo na si Tris, parang lukaret tapos si Ethel namumula lang sa upuan niya.

"Kinikilig ako!" ani Tris na kulang nalang e tumalon talon doon sa inuupuan niya. Nakaupo kasi siya doon sa desk niya tapos yung paa niya naman 'yung nasa upuan mismo. Hindi na 'ko magugulat kung bigla bumaliktad 'to. "Pero mas marami paring abs si Chance!"

"Edi ikaw na may hot boyfriend." ani Ethel sakanya tapos biglang umangal si Angelo.

"Ako ba hindi hot?!"

Natawa ako, lalo na nung hinagis ni Ethel 'yung notebook niya sa mukha ni Angelo.

Unang araw kasi ng sporstfest ngayon tapos naka blue shirt kami tapos may naka sulat na 'SENIOR' sa likod habang 'yung logo naman ng Sportsfest 2014 ang nasa harap. Baduy nga e, pero sabi naman nung iba cool daw.

Ilang linggo na ba ang nakalipas? Dalawa? Tatlo? Malapit na mag isang buwan pero hindi parin pumapasok si Jared. Sabi ni Nanay Lisa, dapat daw papasok na siya nung pangatlong araw niyang absent kaso sinabi daw na magkakaroon ng reunion ang mga Snow sa England sa susunod na linggo kaya tinuloy niya na ang hindi pagpasok. So ibig sabihin nandoon siya ngayon? Hindi namin alam dahil ni isa samin e hindi niya din kinocontact.

Sooner or later kailangan na niyang bumalik dahil ma e-expel siya kapag lumagpas siya ng 40 days. Tinatadtad na nga siya ng messages nina Tris na umuwi na.

"Babe!" eto nanaman 'yung kolokoy.

"Sinabing hindi ako baboy e!" sigaw ko sakanya.

"Eto naman ang aga aga sinusungitan ako." nga pout pa ang loko. "Pa-kiss naman, nasaktan mo feelings ko."

"Lolo mo kiss mo." sagot ko sakanya at natawa naman sila Tris.

Mabuti nalang at kahit papano, tinanggap na din ng mga kaibigan ko si Asher. Minsan nga sabay sabay pa kaming lahat maglunch kasama sila James. Okay na talaga ang lahat.

Nagbago na si Asher. I mean, oo malakas parin siya mang asar at may pagka paranoid at seloso pero naging sweet at honest na siya sa lahat tsaka hindi na siya nanghuhusga ng tao. Hindi niya na din tinatawag na carrot o kaya kanong hilaw si Angelo. Laging may dalang bulaklak (na alam kong pinipitas niya lang sa kapit bahay at minsan lanta na), tapos hinahatid parin ako pauwi at minsan gumigising pa ng maaga para masabayan ako pumasok. Ang hilig pang manlibre!

Konti nalang talaga at sasagutin ko na siya.

"Uy tara canteen tayo." pag aya ni Kei. Nagsitanguan kami at sabay sabay ng bumaba.

Ang daming tao sa corridor, mga nagdadaldalan, nag gigitara o kaya'y nagp-practice ng chinese garter. Medyo nahirapan pa kaming lagpasan sila dahil halos sakupin na nila 'yung daan. Sumabit pa 'yung mukha ni Asher doon sa isang goma, tawanan tuloy kami. Napapala ng matangkad.

"May volleyball na ata doon sa kabila?" tanong ko habang umuupo sa isa sa mga bench sa loob ng canteen.

"Grabe ah? Ang aga pa." ani Tris ng sumampa siya sa gilid ng inuupuan ko para makapunta doon sa kabilang side. Gaga talaga, pwede namang maglakad nalang sa gilid.

"Mag aalas otso na kaya?" ani Kei sakanya bago ipakita 'yung relo niya.

"Ang bilis ng oras." mahinang sabi ko.

"Andy, anong gusto mo?" tanong ni Asher na nakatayo parin. "Pepsi or Coke?"

"Chuckie nalang please." naka ngusong sabi ko sakanya. Akala ko magrereklamo siya dahil may pagkamahal 'yung chuckie pero tumango lamang siya at naglakad na papunta sa bilihan ng inumin.

"Kelan mo siya balak sagutin?" tanong ni Ethel. "Tagal na din ah? At infairness, nagbago na siya ng bongga."

"Oo nga e," sumalumbaba ako. "Nakakapanibago pero nakakatuwa din naman kasi nag e-effort siya."

"Kris, dala mo gitara mo?" tanong ni Angelo kay Kris na agad tumango.

"Nasa IV-Jonah, may nanghiram." sagot niya.

"May talent show mamayang gabi diba?" tanong ni Henry. "Sali kayo ni Adrian, 'Ge."

Napanguso ako, "Ayoko nga."

"Ms. Sportsfest nga tinanggihan, Talent show pa kaya?" ani Tris. "Gaga din 'to e, pangit tuloy ng representative ng Seniors."

"Si Savanna?" tumaas ang kilay ko.

"Oh diba?" hinampas niya 'yung lamesa. "Pangit!"

"Yaan mo na, matalino naman." humikab ako tapos inihiga 'yung ulo ko at pumikit.

Wala pa yata isang minuto e tinatapik na 'ko ni Asher, "Madumi jan." aniya. "Umayos kang upo, tumataas t-shirt mo sa likod."

Napadiretso ako ng upo tapos hinila ko pataas 'yung blue 'kong jogging pants. Lahat kami e ganun ang suot dahil eto ang sabi ni sir. Bawal daw kasi 'yung short na pang P.E ng college, kailangan 'yung pang highschool.

"Inaantok ako e." reklamo ko nang umupo na siya sa tabi ko.

"Dito ka sa balikat ko sumandal." aniya.

Magrereklamo pa ba ako?

Humilig ako sa balikat niya tapos binuksan na 'yung chuckie na binili niya.

"San tayo after neto?" tanong ni Kris.

"College department." sagot ni Ethel. "Andun ata lahat e."

"Oo nga pala!" sabi ni Tris. "Diba may cheerdance competition ngayon?!"

"Maya maya pa 'yun." sabi ni Kei.

"Pero diba may ano, 'yung parang announce announce tapos palakasan ng tili?"

"Gusto mo pumunta doon para magbilad sa araw at tumili?"

Sumimangot si Tris, "Edi 'wag."

Natahimik na kami at napabili na din sila ng kanya kanya nilang pagkain.

Naramdaman ko ang paghawak ni Asher sa kamay ko sa ilalim ng mesa at ininterwine niya ito. Lihim akong napangiti at hinayaan nalang siya sa gusto niya.

"Hoy ano 'yan ha?!" ani Tris bago sumilip sa ilalim ng lamesa. "HHUTT!"

Natatawang kumunot ang noo namin ni Asher. "Anong HHUTT?" tanong niya.

"Holding hands under the table! SPG! May mga bata dito!"

"Asan?" tanong ko.

"Basta!"

Natawa na lamang kami pero hindi parin kami nagbitaw. Landi e.

"Pabayaan mo nga sila Tris." suway ni Kei sakanya. "Parang kayo ni Chance hindi naglalandian."

Binad finger siya ni Tris, "Hanggang skype nga lang ako e! Pakshit ka!"

"Edi papuntahin mo dito?" ani Kei. "Yaman yaman nun e."

"Oy, ano ginagawa niyo sa skype?" pang aasar ni Kris. "Tsk."

"Pakyu Kris. Pakyu with feelings."

Hindi naman kami masyadong nagtagal doon sa canteen dahil narinig na namin ang sigawan sa kabilang campus. Ang dami din palang tao, nakalimutan namin na andito din pala 'yung mga taga Barretto. May branch din kasi ang school namin doon pero eto ang Main.

Nakakapit lang ako sa shirt ni Asher the whole time para hindi kami magkahiwalay. Maski nga si Tris e nakahawak na sa kamay ko.

"Canteen tayo? Wala masyadong tao doon." pag aya ni Ethel.

Gusto ko sanang magreklamo ng 'Canteen nanaman?' pero ni choice na kami dahil wala din naman kaming mauupuan dito.

Sa likod kami ng stage dumaan at talagang grabe naman ang sigawan nila. Nasa kabilang side pa kasi 'yung canteen ng college at medyo walang tao sa loob dahil lahat e gusto manood.

"Honestly, I want to go home." sabi ni Angelo. "Doon nalang kaya tayo sa house?"

"Pwede din." sagot ko. "Pagkatapos ng cheerdance, alis na tayo."

Ang disadvantage lang sa canteen dito e pang anim na tao lang ang lamesa kaya naman ayon, nakatayo si Kris at Henry. Pero mukhang wala naman silang reklamo.

"Nakapag pa attendance naman na kayo diba?" tanong ko at nagsitanguan sila. "Tapos balik tayo ng hapon?"

"Oo, ganun nalang." ani Henry.

"Hindi ako makakasama." bulong ni Asher.

"Bakit?" tanong ko sakanya.

"Nag aaya din kasi sila James? Tsaka hindi ko na din sila masyadong nakakasama." paliwanag niya. "Okay lang ba?"

Sa totoo lang gusto ko siya isama nalang kahit saan ako magpunta pero hindi naman pwede 'yun. Syempre may tropa din naman siya.

"Okay lang..." mahinang sagot ko.

"Kung ayaw mo sige sasabihan ko nalang sila?"

Mabilis akong umiling, "Hindi sige, okay lang." nginitian ko siya para masigurado siyang okay lang talaga.

"Tetext nalang kita?"

"Ano daw 'yun?" pagsingit ni Tris. Epal talaga 'tong lukarit na 'to.

"Hindi daw siya makakasama at naaya na siya nila James."

"Eh ba't nakabusangot ka jan? Pakawalan mo naman! Mamaya masakal 'yan sayo."

"Di bale ng masakal kung kay Adrian naman." kinindat kindatan ako nung loko kaya hinawi ko 'yung ulo niya.

"Corny mo." sabi ko kahit na nagpipigil ako na ngumisi.

"So pwede ako sumama kila James?" pagpapaalam niya ulit at tumango na 'ko.

"Sige, mag enjoy ka."

"Bro, 'Wag ka mag e-enjoy." bigla sabi ni Henry sakanya. "Kabaliktaran ang meaning niyan! Maniwala ka sakin. Kapag nag enjoy ka matitigok- aray."

"Manahimik ka nga Henry." suway ni Kei. "Mapagkakatiwalaan 'yan si Asher, hindi tulad mo."

"Baby bitter ka parin ba?" nag pout pa si Henry at nagpigil ako ng tawa. Nahampas pa tuloy siya ni Kei.

"Holy shit!" biglang sigaw ni Tris at nanlaki ang mata niya. "Shit!" pag ulit niya bago ituro 'yung entrance ng canteen sa likod ko.

Kaya naman lahat kami e napatingin doon at nagsilaglagan ang panga.

May isang maputing lalaki ang nakatayo doon. Itim ang buhok at nakataas ang harapan nito. Naka shades din siya tapos puting v-neck tsaka itim na pantalon at itim na sapatos. Matangkad siya at sa unang tingin ay akala mo artista.

Tumingin siya samin at ngumiti ng malawak na para bang matagal na niya kaming kilala.

Pero siya? Kilala ba namin siya?

Napatingin ako sa wrist niya at wala akong nakitang bracelet doon. Pero alam kong siya 'yan.

"Jared's back."

Continue Reading

You'll Also Like

2K 313 3
Yeshia Mendoza, an architecture student struggling with her studies, and the 'almost perfect' Miguel Sebastiene De Legazpi, an engineering student kn...
255K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
150K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...