A & A

By faithrufo

928K 22.7K 7.7K

ASHER Marami ang nagpapantasya na maging girlfriend ni Asher Martinez. Marami na din ang sumubok na baguhin s... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling Kabanata
Chansingan mo 'ko? (Stasg Deleted Scenes)
STASG (rewritten)

Kabanata 35

14.4K 397 301
By faithrufo

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG
------------------------------------------------------------


TANGA

Naunahan ng puso ko ang isip ko. Sa isang ganun lang, nakalimutan ko lahat ng taong pwedeng masaktan.

Ang bilis ng pangyayari at hindi ko na kayang bawiin ang sinabi ko. Pakiramdam ko hindi ko na din kayang bawiin pa.

Ano ito Adrianna? Balik ka nanaman sa pagpapakatanga?

Sunod ko nalang nalaman ay binubuhat na 'ko ni Asher habang niyayakap ang nag hihiyawan ang mga kaklase namin. Wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na kabog ng puso ko na para bang may nakalimutan siya at sinusubukan niyang sabihin.

Nalaman ko kung ano 'to pagkapasok ko ng classroom. Noong makita ko siya doon sa upuan niya, pinaglalaruan 'yung bracelet niya. Noon ko lang nalaman ang ginawa ko ng hindi niya man lang ako tinignan.

Ang sama sama mo Adrianna.

Paano mo nakuhang saktan 'yung taong nandyan lang para sa'yo? 'Yung taong hinding hindi ka sasaktan? Paano mo nasikmurang gawin sakanya 'yon Adrian?

"J-Jared..." nauutal kong sabi ng malapitan ko siya. Tulala lang siya at nakatitig doon sa bracelet niya.

"Wag mo siyang kausapin." galit na sabi ni Tris sa'kin at kumirot ang puso ko.

Napatingin ako kay Kei na nag iwas ng tingin, "Just leave him alone Adrian."

Wala na akong masabi kaya naman tumahimik nalang ako. Bahagyang umatras pa si Jared para makadaan ako dahil 'yung upuan ko ay 'yung nasa dingding.

Hindi lang si Jared ang nawala ko. Pati na din ang mga kaibigan ko. Sa isang iglap nawala ang mga taong importante sa'kin. Maski sina Angelo ay hindi ako matignan. Masakit, pero may karapatan silang maging ganyan.

Dahil lumuhod lang at nagsorry ang si Asher, kinalimutan ko na sila.

Kahit na halos dalawang buwan na ang lumipas, narealize kong niloloko ko lang talaga ang sarili ko tuwing sinasabi kong naka move on na 'ko. Isa lang ang sigurado akong totoo.

'Yun ay 'yung nararamdaman ko para kay Jared.

Ang lalaking nagustuhan ako kahit sirang sira ako. Ang lalaking tinanggap lahat ng flaws ko at ni kelan hindi nagreklamo. Ang lalaking kahit na out of way niya, basta kailangan ko siya ay nandyan agad siya.

Pero bakit ko pinili si Asher?

Dahil malalim na ang pagmamahal ko sakanya kahit na pilit ko 'tong kinalimutan.

Eto na kasi e, ilang taon ko hinintay ang pagkakataong ito. Ang masabi na mahal ako ng taong mahal ko. Palalagpasin ko pa ba? Tama ang sinabi ni Tris. Isang 'Mahal kita' lang ay babalik na 'ko kay Asher.

Dumating ang uwian at sabay sabay nagsitayuan ang mga kaibigan ko at umalis na bago pa 'ko makapag paalam. Ano nangyari nung recess at lunch? Bumalik ako kina James. Sila na ulit ang kasabay ko. Parang dati lang.

Tuloy parin ang party ko at maraming dumalo. Maraming handa at may karaoke pa para mabulabog ang kapit bahay. Pero alam mo 'yung pakiramdam na para bang may puwang sa puso mo? Na kahit gaano ka dapat kasaya ay hindi mo maiwasang malungkot. Lalo na't dahil ni isa sakanila ay wala dito.

"Wag mo na sila masyadong isipin bes!" ani Hannah na naka akbay sa'kin. "Birthday mo ngayon at kung tunay na kaibigan sila edi sana naintindihan nila ang desisyon mo? Bitter lang si Jared."

Hindi ako natuwa sa sinabi niya kaya hindi ako sumagot.

Lumalim na ang gabi at kaonti nalang kami. Pero hindi parin sila mawala sa isip ko. Lalo na siya.

"Andy," pag tawag ni Asher sa atensyon ko. Magkatabi kasi kami ngayon at nagk-kwentuhan lang. Andito din sina Enrico, pati sina Hero at Ralex. "Bakit parang hindi ka masaya?" tanong niya at napatungo ako. "H-Hindi ka ba masaya na andito ako? Nagsisisi ka ba sa desisyon mo?" tanong niya at agad akong umiling.

Hinawakan ko ang kamay niya, "Wag ka masyadong mag alala." sabi ko. "Tsaka hindi pa naman kita boyfriend."

Nag 'Oooooh!' ang mga taong nakapaligid samin at napa ngisi ako.

Naka awang ang bibig ni Asher habang naka titig sa'kin. "Bakit hindi pa?!" tanong niya at napataas ang kilay ko.

"Ano ka? Manligaw ka muna bruto." umirap ako. "Mag dusa ka."

"Tss," aniya bago sumandal sa upuan niya at tinitigan ako. Nakanguso siya. Kyot. Sarap ibalibag. "Kung yan lang ang paraan para makuha ka. Kahit abutin pa 'ko ng taon."

Sabay sabay kaming nag "WEH."

"Tangina niyo talaga pag uumpugin ko kayo." tapos sinamaan niya ko ng tingin. "Pasalamat ka mahal kita."

Nag init ang pisngi ko. Hanggang ngayon talaga hindi ko maisip na ganito si Asher sa'kin. Sobrang open niya na sa feelings niya. Naka ilang beses na ba niya 'ko nasabihan ng 'Mahal kita'? Hindi ko na mabilang.

Pero aaminin ko na hindi ko pa 'to kayang sabihin pabalik. Dahil alam ko kahit papano ay nabawasan na ang pagmamahal ko sakanya at alam kong alam niya 'yon at determinado siyang ibalik ang pagtingin ko sakanya.

Alam ko din na sa loob ng dalawang buwan, nakuha ni Jared ang kalahati ng puso ko. Paano ko ba 'to mababawi? Gusto ko pa bang bawiin?

Gulong gulo parin talaga ako.

Umalis sina Asher ng mga bandang 10pm sa kadahilanang may pasok bukas. Nagpaalam siya ng may kasamang halik sa pisngi at isang 'Mahal kita'.

"Pakipalitan nga pala 'yung wallpaper mo. Nagseselos ako." aniya nung nasa gate na siya at umirap lamang ako.

"Hindi mo 'ko pag aari." binelatan ko siya.

"Hindi pa." ang huling sinabi niya bago maglakad paalis.

-------

Inabot kami ng halos isang oras nina Tita sa pagliligpit at nung tapos na ay naisipan konv tumambay muna sa terrace dahil hindi pa 'ko inaantok.

Naka jacket ako dahil umuulan at medyo malakas ang hangin. Hawak hawak ko ang cellphone ko at tinitignan lang 'yung picture namin ni Jared.

Bakit mo siya sinaktan Adrian?

Pinukpok ko 'yung ulo ko sa inis. Hindi talaga ako nag iisip.

Kumulog bigla kaya naman napatingin ako sa langit. Ang lakas talaga ng ulan kaya naman nakapag desisyon akong pumasok na.

Pero halos napasigaw ako ng makita ko ang isang lalaki na nakaluhod sa may gate at nakatingila. Nagpapaulan. Napatingin ako sa suot niyang damit at nang marecognize ko 'to at walang sabi sabing tumakbo ako papalabas.

"Jared!" gulat na sigaw ko doon sa lalaking hanggang ngayon e nakaluhod sa labas. "Jared!" binuksan ko 'yung gate. "Anong ginagawa mo dito?!"

Wala na 'kong pakielam kahit sobrang basa na 'ko. Sinubukan kong itayo si Jared pero nang marinig ko ang tahimik niyang pag iyak ay napaluhod nalang din ako.

"J-Jared..."

"It hurts so much..." aniya. "I'm in pain and it wouldn't go away."

"A-Anong masakit sayo? Jared?" lumapit pa 'ko lalo para matignan ang mukha niya. "Jared? Lasing ka ba?"

Tumango siya. "I wanted to forget for a little while." tapos tinignan niya ko  "But I can't forget. It doesn't work Adrianna. Alcohol can't help."

"Jared..."

Pinukpok niya 'yung dibdib niya sa bandang puso at umiyak nanaman siya. "Eto, ang tanga tanga." tumingala siya. "Tanga tanga dahil mahal na mahal ka niya."

Napa awang nalang ang bibig ko at nagsimula na 'kong umiyak. Kaya naman napatigil siya at napatingin siya sa'kin.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya. "Dapat masaya ka. Nagparaya ako para maging masaya ka..." tapos parang may naalala siya at hinawakan niya 'yung magkabila kong pisngi. "Nasabi ko na ba sayong mahal na mahal kita?"

Napapikit ako at tinakpan ko 'yung mukha ko para matigil ang paghikbi. "Jared, i'm sorry. Sorry talaga."

"It's okay." sabi niya bago ako hilain papunta sakanya. "Naiintindihan ko." tapos tumayo kami. "Do you want me to fight for you Adrian? I don't care if I hurt myself in the process. Sabihin mo lang."

Hindi ako makasagot. Nasasaktan ako para saming dalawa. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman niyakap ko nalang siya.

Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik. "I'll take that as a no." sabi niya at hinigpitan ko 'yung yakap ko. Inilagay niya 'yung ulo niya sa balikat ko at naramdaman ko ang pag galaw ng likod niya ng nagsimula nanaman siyang umiyak.

"I'm so sorry Jared." bulong ko sakanya. "I'm sorry dahil sinasaktan kita ng ganito."

"Nasasaktan ka din ba Adrian?" tanong niya ng basag ang boses.

"Sobra sobra."

Hindi siya sumagot pero hindi rin siya humiwalay. Eto kaming dalawa sa gitna ng ulan, parang mga tanga na ayaw maghiwalay. Bumuntong hininga siya.

"I'm leaving." aniya at bahagya akong napa atras.

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kelan niya pa naisipang umalis? "Saan ka pupunta?"

Suminghot siya, "Sa Manila." sagot niya. "Doon sa mga pinsan ko. Mga 2 weeks lang."

"Bakit biglaan Jared? Kelan mo pa pinlano 'yan?"

"Kanina lang?" kumunot ang noo niya. "About a minute ago..."

Umiling ako, "Hindi ka aalis." sabi ko sakanya. "Pano nalang ang studies mo?"

"I need this." aniya. "Because if I don't leave, baka agawin na kita kay Asher sa ayaw at sa gusto mo. Kikidnapin kita."

Napasimangot ako. Ayoko siyang umalis. Nasanay na 'ko na parating siyang anjan. Ayoko siyang umalis. Naiiyak nanaman ako.

"Iiwan mo na talaga ako?" naiiyak na tanong ko. "Akala ko ba parati kang andito para sa'kin?"

"Anjan na si Asher..." sabi niya bago nag iwas ng tingin. "You don't need me." tapos tinignan niya 'ko. "So please let me go? So I can fix my broken soul?" nabasag ang boses niya at parang nagmamakaawa na siya. Kaya kahit masakit, tumango ako.

"Can... Can I kiss you?" napatingin ako sakanya. "For the first and last time? Before I go... can I kiss you?" bumilis ang tibok ng puso ko.

Puso ko nanaman ang nauna kesa sa utak. Tinitigan ko siya at dahan dahang tumango.

Hinaplos niya ang pisngi ko at leeg hanggang sa hinawakan niya 'ko sa batok at dahan dahang bumaba. Ramdam ko ang mainit siyang hininga at ang pagpatak ng ulan sa labi ko.

Nagwawala ang puso ko na para bang gusto nitong kumawala. Nang maglapat ang labi namin ay natigilan ang hininga ko.

Mabagal ito sa una, na para bang dinadamdam talaga namin ang isa't isa. Para akong tangang napaiyak nanaman at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at hinalikan ng mas matindi.

Ayoko pang humiwalay sakanya dahil alam kong eto na ang huli. Eto ang closure namin. At sobrang sakit.

Niyakap niya 'ko sa bewang at hinila ng mas malapit. "Mahal na mahal kita." bulong niya ng bahagya siyang humiwalay. Tapos hinalikan niya 'ko ulit.

Sobrang lalim ng paghalik niya nakalimutan ko na kung kaninong hangin ang hinihinga ko.

Tapos humiwalay siya at pinagdikit ang noo namin. "This is the last time I'm telling you this..." bulong niya. "Mahal na mahal kita." tapos hinalikan niya 'ko sa noo at humiwalay na. "Goodbye Adrianna..."

Masakit. But I need to say it.

"Goodbye Jared."

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
98.3K 1.8K 56
THANK YOU SO MUCH FOR READING ✊💖 Highest Ranks in tags 03/30/19 #1 [DonKiss] #3 [Kisses] #2 [Donny] 07/09/19 #37 [#fanfiction] 07/12/19 #1 [#social...
1.9K 313 3
Yeshia Mendoza, an architecture student struggling with her studies, and the 'almost perfect' Miguel Sebastiene De Legazpi, an engineering student kn...
115K 1.6K 15
Soleanna Series #1: Sofia Reese Zerafiscio Aivan Jailer Alejandro have a long time crush to a simple girl named Sofia Reese Zerafiscio. He became a...