A & A

By faithrufo

928K 22.7K 7.7K

ASHER Marami ang nagpapantasya na maging girlfriend ni Asher Martinez. Marami na din ang sumubok na baguhin s... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling Kabanata
Chansingan mo 'ko? (Stasg Deleted Scenes)
STASG (rewritten)

Kabanata 34

14.1K 385 266
By faithrufo

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG
------------------------------------------------------------

GAGO

Ito ang araw na pinaka hihintay ko. Ilang araw din kaming nag prepare nina AJ. Sakanila kasi ako humingi ng tulong dahil wala namang alam sa ganito 'yung mga ugok kong kaibigan.

Sementado parin 'yung kaliwa kong kamay pero nakuha ko paring mag effort para sa preparation. Ano bang meron?

Birthday niya.

At isang tao nalang ang kailangan ko para maayos na ang plano.

Hinarang ko siya sa hagdanan at nagtaas siya ng kilay. Wala akong gustong gawin kundi itulak siya pero kailangan ko siya ngayon araw.

"Anong kailangan mo?" tanong niya bago sumandal sa pader sa gilid niya.

"Birthday ni Adrianna ngayon." diretso kong sabi sakanya at itinaas niya ang noo niya bago tumango.

"Alam ko." sagot niya. "Bakit?"

"May surpresa ako para sakanya at gusto ko siyang masolo ngayong araw."

Agad siyang umiling sa sinabi ko, "May party sakanila at obviously, may klase tayo. Hindi pwedeng buong araw."

Kung sapakin ko kaya 'to? Sarap iumpog sa pader e.

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin," inis na sabi ko. "Gusto kong ibigay mo siya sa'kin ngayong araw. Dumistansya ka."

Napa awang ang bibig niya sa sinabi ko, "Anong tingin mo kay Adrian? Isang bagay na pwede mo nalang basta kunin kapag gusto mo?"

Nag alab ang galit sa loob ko at nilapitan ko siya, "Akin siya."

Umiling siya at tumawa at mas lalo akong nainis, "She's not an object. You're crazy."

Nilagpasan niya 'ko at pakiramdam ko wala na 'kong pag asa. Kaya sinabi ko nalang ang nasa isip ko. "Mahal ko siya." bigla siyang natigilan at nakahinga ako ng maluwag.

Siya ang pinaka close ni Adrian ngayon at panigurado gusto niyang sumaya 'to.

"Mahal ko siya and I want her back." nilapitan ko siya at napasandal na lamang siya sa pader sa tuktok ng hagdanan. "Umaasa ako na kahit papano mahal niya parin ako kaya pwede ba, tulungan mo 'ko?" halos nagmamakaawa na ang tono ng boses ko. "Please?"

"Kelan pa?" mahinang tanong niya at medyo naguluhan ako. "Kelan mo pa siya mahal?"

"Matagal na panahon na." hindi ko lang talaga narealize kaagad.

Napaawang ang bibig niya sabay lumunok siya at tumango bago nag iwas. Akala ko aalis nanaman siya, pero nilingon niya ko at tinanong, "Anong kailangan kong gawin?"

Napangiti ako, "Salamat Jared."



TANGA

"Teka lang." pagpigil ni Jared. Pabalik na kasi kami sa classroom dahil tapos na ang flag ceremony pero ngayon, natigil kami sa hagdanan.

"Bakit?" tanong ko sakanya.

"Anong meron?" tanong naman nina Tris.

"Mauna na kayo," aniya. "May sasabihin lang ako kay Adrianna."

Kumunot ang noo ko habang sina Kei naman ay nagsitaasan ang kilay pero sinunod naman ang sinabi ni Jared.

"Ano yun?" tanong ko sakanya nung kaming dalawa nalang.

"Remember when I told you.. a few days ago na ipaglalaban kita?" tumango ako nang maalala ko kung gaano din ako kasaya. "Your happiness is important to me and I love seeing your smile. I love every bit of you and I will do anything for you. 'Wag na 'wag mong kakalimutan 'yan okay?"

Napangiti ako at mahina ko siyang tinulak, "Birthday ko ngayon, hindi valentines day." sabi ko pero hindi siya ngumiti. Tinitigan niya lang ako na para bang inaalala niya kung paano maging ganito kalapit sakin. At natakot ako. "Jared... anong problema?"

Hinila niya 'ko papalapit at hinawakan ang magkabila kong pisngi bago pagdikitin ang mga noo namin. "You mean everything to me." bulong niya at hindi ko namiss ang pagbasag ng boses niya.

"Jared, hindi na 'ko natutuwa." sabi ko sakanya bago bahagyang lumayo. "Ano bang problema?"

Hindi siya sumagot, hinalikan niya lang ako sa noo at hinawakan ang kamay ko. "Isuot mo 'to." aniya bago ako abutan ng isang panyo.

"Ha?" kumunot ang noo ko. "Bakit? Blind fold? Tutulak mo ba 'ko sa hagdan kaya para kang nagpapaalam jan?"

Napangiti siya sa sinabi ko, "Sira." aniya bago ilagay 'yung panyo sa mata ko at itali 'to. "Hawakan mo lang kamay ko, andito lang ako, aalalayan ka kapag kailangan mo 'ko."

At nagsimula na kaming umakyat. Tapos may naisip ako kaya tinawag ko siya.

"Hm?"

"Sabog ka ba?" tanong ko at narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Anong pakulo kaya 'to?

Alam kong nasa fourth floor na kami dahil hindi na kami lumiko pa para umakyat ng panibagong hagdan. Bakit parang ang daming tao?

Four letter word
But I don't have the guts to say it
Smile til it hurts
Let's not make it complicated

"Oh? Ano 'yun?" tanong ko ng marinig ko ang malakas na patugtog.

"Tangina Jared ano 'to?!" si Tris 'yong sumigaw at naramdaman ko ang pagbitaw ni Jared sa'kin.

"Ano nangyayari?" naguguluhan kong tanong.

We got a story
But I'm about to change the ending
You're perfect for me
More than just a friend so we can just stop pretending now
Gotta let you know somehow

May naramdaman akong humawak sa mga braso ko para gabayan ako sa paglalakad pero alam kong hindi na si Jared 'to.

Na atat na 'ko kaya naman tinanggal ko na 'yung blindfold. Nagulat ako sa nakita ko sa hallway.

Halos buong batch namin pati ang mga third year ay nasa hallway at may malalaking ngisi sila. 'Yung iba may camera pa.

Tumabi ang mga nasa gitna at nakita ko siya. May hawak na isang bouquet ng rosas. Naghiyawan 'yung mga tao at napa awang nalang ang bibig ko.

I'll be your shelter
I'll be your storm
I'll make you shiver
I'll keep you warm

Nagsimula siyang maglakad papunta sa'kin at sunod sunod na tumulo ang mga luha ko ng malaglag 'yung puso ko.

Whatever weather
Baby I'm yours
Be your forever, Be your fling
Baby, I will be your everything

"A-Asher..." nauutal na sabi ko. Sobrang gulong gulo ako. Ano 'to? Bakit may ganito? Bakit sumisikip ang dibdib ko?

Nakalapit na siya sa'kin at napatakip ako sa bibig ko ng bigla siyang lumuhod. Nagtilian ang mga nanonood at humina ang patugtog.

Pero iisang tao lang ang nasa isip ko.

Jared.. Jared... Asan si Jared?

Hinanap siya ng mga mata ko pero hindi ko siya makita. "Adrianna.." napatingin ako kay Asher. "Pakinggan mo muna ako bago ka magsalita. Mahirap ang lumuhod dito kaya pwede bang bungangaan mo nalang ako kapag tapos na 'kong magsalita?" napalunok ako pero tumango.

Huminga siya ng malalim, "Una, gusto kong humingi ng tawad." binuksan ko ang bibig ko para magprotesta pero itinaas niya 'yung kamay niya. "I'm sorry kasi nawalan ako ng temper noong nakita kita sa birthday ni James. I'm sorry kasi hindi ko pinakinggan ang paliwanag no. I'm sorry kasi palagi nalang kitang inaangkin. I'm sorry dahil gago ako at I'm sorry dahil hindi ko sinabing mahal kita kahit alam kong 'yun ang totoo at I'm sorry dahil hindi kita ipinaglaban dahil gago ako."

Sunod sunod na ang mga luha ko at hindi na talaga ako makapagsalita.

"Binigyan ka nanaman ng isang panibagong taon. Isang fresh start. P-Pwede ba akong maging parte ng panibagong buhay mo Adrian? Pwede mo ba akong mabigyan ng.. second chance?" hindi ako makasagot. "Pwede bang akin ka nalang ulit?"

Hindi. Hindi pwede.

Pero bakit ako tumango?

Bakit?

Continue Reading

You'll Also Like

98.3K 1.8K 56
THANK YOU SO MUCH FOR READING ✊💖 Highest Ranks in tags 03/30/19 #1 [DonKiss] #3 [Kisses] #2 [Donny] 07/09/19 #37 [#fanfiction] 07/12/19 #1 [#social...
152K 7.6K 37
Ang huling ritmo ng mga emosyong idinaan natin sa awit. --- This is the ending of EDSA au that was originally written on Twitter. I've decided to wri...
23K 798 36
SHADE series #2 Wandering around in the middle of the night, where the moon was the only light. A cool breeze aroused her skin. Giving her goosebumps...
115K 1.6K 15
Soleanna Series #1: Sofia Reese Zerafiscio Aivan Jailer Alejandro have a long time crush to a simple girl named Sofia Reese Zerafiscio. He became a...