A & A

By faithrufo

928K 22.7K 7.7K

ASHER Marami ang nagpapantasya na maging girlfriend ni Asher Martinez. Marami na din ang sumubok na baguhin s... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling Kabanata
Chansingan mo 'ko? (Stasg Deleted Scenes)
STASG (rewritten)

Kabanata 20

19.6K 438 127
By faithrufo

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

GAGO

Nakita ko siyang pumasok ng may malawak na ngiti noong lunes habang nakatingin sa cellphone niya. Pasikreto ko siyang sinusulyapan habang naglalakad siya papunta sa upuan niya.

Inilapag niya 'yung bag siya sa upuan ni Lionel at tinignan ulit cellphone niya.

"Sinong ka-text niya?" nakakunot noo kong tanong sa kung sino ang makakarinig.

"Ba't 'di mo itanong?" ani Gail.

Sinimangutan ko siya, "Di nga kami nag uusap diba?"

"At sinong may kasalanan doon?" ngumuso siya. "Suyuin mo na habang mahal ka pa."

"Anong ibig mong sabihin?"

Tinignan niya si Adrian na kanina ko pa pinagmamasdan. "Alam mo, madaling mahulog ang babae sa iba kapag broken hearted sila. Kita mo 'yang ngiti niya? Hindi para sa'yo 'yan."

"Isang linggo palang ah?" nakaramdam ako ng inis, hindi ko maintindihan kung bakit.

"Kahit na. Mabilis mawawala 'yang nararamdaman niya sayo lalo na't sa mga pinag gagawa mo."

"Eh hindi ko nga kasi mahal?"

"Sigurado ka jan?"

"Oo," hanggang kaibigan lang kasi talaga.

"Eh bakit lagi mo siyang tinitignan?" tanong niya. "Miss mo?"

"Oo."

"Bakit kasi sinabi mong mag iwasan kayo? Pa-chiks ka din e."

"Ayoko nga kasing masaktan siya!" ginulo ko 'yung buhok ko sa inis.

"Sinaktan mo na nga e."

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Gusto ko?" tumaas ang kilay niya. "Gusto ko tumigil ka na jan sa kaartehan mo at aminin mo sa sarili mong mahal mo siya bago pa mahuli ang lahat. Gusto ko habulin mo siya at suyuin hanggang maging kayo. Gusto ko maging masaya kayong dalawa. Eh ikaw? Anong gusto mo?"

Hindi ako makasagot. Tinignan ko nalang ulit si Adrian.

Ano ba ang gusto ko?

Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sakin at nagtama ang mata namin. Hindi ako nag iwas at ganun rin siya. Tumaas ang dalawang kilay niya at napakagat siya sa labi niya. Agad akong napatingin doon at bumilis ang tibok ng puso ko. Lalo na nung ngumiti siya.

P*tangina.

Adrian! Putaragis. Bakit mo ako nginitian?! Sumimangot ako at napawi ang ngiti niya. Inirapan ko siya sa inis at nag iwas.

Hoy puso! Punyeta ka, bakit ka nagpupukpok jan ah?! Umayos ka bubugbugin kita!

"Shit!" mura ko na lamang.

Napatalon si Gail sa gulat. "Anyare sayo?"

"Wala!"

Pakinginashitbadtripnyetanes.

------------

Araw araw ko siyang pinagmamasdan. Tapos kapag filipino time e nagpapalit kami ng upuan ni Alec para 'di niya makitang tinitignan ko siya. Hay! Badtrip!

Kahit na kasama ko na 'yung mga ugok kong kaibigan e nakasimangot parin ako. Ilang beses na nga akong nabatukan ni Hannah dahil natutulala ako. Alam niyo bakit?

Kasi iniisip ko si Adrianna!

Thursday na, uwian. Nakita ko siyang kasama sina Ethel, Kei at Beatrice, pati narin 'yung baklang carrot na nagmamadaling bumaba. Saan pupunta 'yung mga 'yun?

Napansin ko si Kris na nagpunta sa likod ng kabinet at taga hawak ng kurtina e si Henry para 'di siya makita. Lumapit ako sakanila.

"Bilis mo Kristoffer para makasabay tayo kina Angelo." ani Henry.

"Pwede naman kasing mag jeep?"

"Aba! Hindi ako mayaman 'tol! Doon na tayo kina Angelo sumabay, libre pa."

"Ayoko man! Siksikan na sila doon. Libre nalang kita?" ani Kris sakanya.

"San kayo punta?" pagsingit na tanong ko.

"Ah, kina Jared. Birthday niya e." sagot ni Henry. Lumabas na si Kris na naka civilian, inaayos niya 'yung polo niya. "Ang baduy naman niyang polo mo!"

Binatukan siya ni Kris. "Yabang mo ah? Eto lang nakita ko e."

"Kasama ba si Adrian?"

"Oo, lahat ng ka-close ni Jared dito sa room imbitado. Bale kaming pito lang?" sabi ni Kris bago tumawa. "Alam mo naman 'yun si Jared, hindi pala kaibigan."

"Ah." nalang ang naisagot ko.

Ano kaya suot ni Adrianna? May regalo ba siya kay Jared? Gaano na ba sila ka-close? Nililigawan ba siya nun? O sila na?

Punyeta Asher dami mong tanong ah! Manahimik ka nga jan!

Hay. Nababaliw na 'ko.


TANGA

Sabi ni Jared e pool party daw 'yon kaya wag na kami mag casual. Kanina pang 3pm nagsimula ang party niya kaya naman nagmamadali kami nina Ethel magbihis.

Nagsuot lang ako ng white ripped shorts tsaka 'yung puting arctic monkeys muscle tee na bigay ni kuya Axel sakin. Mahilig kasi 'yon sa mga banda banda sa america kaya kung ano anong merch ang meron siya. Fan si Jared ng Arctic Monkeys at meron din siyang muscle tee pero kulay grey, 'yon ang regalo ko sakanya at may pirma pa dahil limited edition.

Naku! Sobrang kinulit ko talaga si Kuya Axel na ibigay nalang sakin 'yun. Binayaran pa siya ni Mama para sakin talaga galing 'yung ireregalo ko.

Hindi naman talaga ako 'yung tipo na mag a-all out kapag namimigay ng regalo. Sumakto lang talaga na mayroon akong kakilala (Kuya Axel) na may merch ng paborito niyang banda. Tsaka 18 na siya! Mamahalin nga din ang regalo nina Ethel sakanya e. Lalo na si Angelo, wristwatch ata ang ibibigay.

Itinali ko 'yung buhok ko ng maluwag na pusod tapos nagpalit na din ako ng sapatos. Alangan namang naka black shoes ako diba?

Lumabas na kami nina Tris ng girls bathroom para manalamin. Andoon na din si Angelo, nakasimpleng t-shirt lang siya at board shorts.

"Suot mo 'to Aids oh." aniya bago i-abot sakin 'yung itim niyang wayfarer. "Bagay jan sa suot mo."

Tinanggap ko 'to sakanya at nagpasalamat bago isuot.

"Picture tayo!" ani Kei bago kami itulak itulak. Ngumiti kami sa camera ng cellphone niya at nag flash na 'to.

"Bakit may flash? Sakit sa mata!" reklamo ni Ethel.

"Arte. Chokey lang naman 'yung pic? Tara na! Ligong ligo na 'ko!"

Tutal dala dala na namin 'yung mga backpack namin, naglakad na kami papuntang front gate. Pinagtitinginan kami ng mga istudyante na madadaanan namin. Aba, bakit hindi? Nakapang ligo kami e! Tsaka ang pogi ng kasama namin. Haha! Mainggit kayo mga shoke!

Joke.

Nakasalubong pa namin si Asher kasama ang ibang kaklase namin na kakababa lang ng hagdan. Napatingin sila samin.

"San punta niyo?" tanong ni Garrett.

"Birthday ni Jared." sagot naman ni Tris sakanya. "Private 'yon kaya 'wag ka na mangarap."

Natawa si Alfonso na kasama din nila at sinimangutan siya ni Garrett. Tinignan ko si Asher at nakitang nakabusangot siya habang tinitignan ang suot ko. Problema ng pangit na 'to na mahal ko parin?

"Alis na tayo huy! Late na! Baka 'di natin maabutan 'yung mga poging pinsan ni Jared jusko!" pagmamadali ni Ethel na nilagpasan na kami habang hila hila si Kei. "Bye sainyo!" paalam niya pa kina Fons.

"Una na kami." paalam ko sakanila at nginitian ulit si Asher na inirapan lang ako. Kumirot 'yung puso ko sa asta niya pero pinilit kong ipawalang bahala na lamang.

Daddy ni Angelo ang nag drive samin papunta doon. Makulit ang daddy niya at nakakatuwang kausap kahit na sobrang nosebleed na kaming mga babae. Tawa pa kami ng tawa noong tinanong ng Daddy ni Angelo kung bakla ba siya dahil puro kami babae.

Ilap kasi talaga ang mga lalaki sa classroom kay Angelo. Hindi lang dahil galing siya sa rival school namin kundi para din kasi siyang threat para sakanila. Gwapo nga naman kasi talaga si Angelo dahil nga may lahi at hazel pa ang mata niya. Ewan ko ba sakanila. Mukha namang walang problema sina Jared at Henry sakanya. Close pa nga sila ni Kris. 'Yung iba lang talaga.

Hindi naman nagtagal e nakarating na kami kina Jared. Sobrang laki pala ng bahay niya! Grabe! Dalawang stories lang 'yon pero malawak siya. Alam niyo 'yung matataas na bintana? Ganun pa! Hindi halata kay Jared ang pagiging mayaman dahil nag j-jeep lang naman 'yon at hindi magastos. Simple lang ang mga gamit at tahimik.

Mukhang ako lang at si Kei ang namangha dito. Sanay na ata 'yung tatlong itlog na kasama namin? Lalo na si Tris at Ethel dahil matagal na nilang kaibigan si Jared.

"Nakapunta ka na dito?" tanong ko kay Angelo habang bumababa kami ng sasakyan.

"Once palang." sagot niya.

Nagpaalam na kami sa daddy ni Angelo at nag drive na siya paalis. May dalawang HiAce na nakapark sa labas ng bahay nina Jared at isa sa loob.

"Hi Manong Bert!" bati ni Tris sa lalaking nakapambahay na nagbukas ng maliit na gate na pang tao lang talaga. May isa pa kasi na para sa sasakyan.

"Oh Tris! Kayo pala 'yan. Pasok kayo!" ani Manong. "Andoon si Jared sa loob."

"Ah, sige po salamat!" sagot naman ni Tris.

Nginitian ko si Manong at ngumiti din naman siya pabalik. Naririnig ko na 'yung mga sigawan sa loob at mukhang may karaoke pa.

Si Angelo pa ang nagbukas ng double doors para samin. Hindi naman ganoon ka engrande ang bahay nina Jared pero pang mayaman talaga siya. May hagdanan sa gilid papunta siguro sa itaas pero nilagpasan namin 'to.

Maraming pintuan kaming nalagpasan hanggang sa dumating na kami sa sala. May mga leather couch dito at may dalawang bata na nanonood ng cartoons. Ang cute nila! Ang puti puti nila tapos mukhang mga english speaking sila.

"Omg! Ang cute nung bata!" sabi ni Kei sakin bago ako kurutin.

"Si Belle 'yan tsaka Ian, mga kapatid ni Jared." sabi ni Ethel.

"May kapatid pala si Jared?" gulat na tanong ko.

"Oo! Step nga lang. Tsaka sa Brent sila nag aaral kaya 'di mo nakikita."

"Hi Ates'!" bati nung Belle. Naka pambahay lang siya at naka ipit ang buhok niya. "Who are they?" tanong niya kina Tris habang nakaturo samin.

"This is Ate Adrianna and Ate Kei." pakilala ni Ethel saamin.

Nag crouch down ako para mabati siya. "Hi Belle, you're so pretty."

"I know!" sagot niya kaya naman natawa kami. "You're pretty too! Kuya Angelo, is she your girlfriend?"

Namula ako sa sinabi niya at napatayo. Tumawa naman sina Ethel.

"No baby." sagot ni Angelo.

"That's great! Because i'm going to grow up and marry you!"

Hindi ko napigilan ang pagtawa sa sinabi nung bata. Kinailangan ko pang itago 'yung mukha ko sa balikat ni Kei dahil tawa na talaga ako ng tawa.

Binuhat ni Angelo si Belle. "How old are you baby?" tanong ni Kei na mukhang mas naunang nakakalma kesa sa'kin.

"I'm 6! That's my brother Ian and he's already 7!" nakakapit ang isa kamay niya sa leeg ni Angelo habang 'yung isa naman ang tinuturo 'yung poging bata na nakaupo parin sa couch at walang planong kausapin kami.

"Naku! Andito na pala kayo!" sabi ng isang babae na may apron pang suot. "Jared! Jared andito na mga kaibigan mo!" sigaw niya.

Kinabahan naman ako sa pagtawag niya. Ano kaya itsura ni Jared?

"Hi Nanay Lisa." bati ni Ethel bago magmano. Nagmano din si Tris kaya naman ganun na din ang ginawa namin. Hula ko e yaya siya nina Jared at asawa ni Manong na nasa labas.

May narinig kaming nagslide na pintuan at maya maya e lumitaw na si Jared. Basang basa at wala pang suot na t-shirt.

Oh my shit.

Pinupunasan niya 'yung buhok niya gamit 'yung tuwalya na nasa leeg niya tapos nginitian niya kami. "Hi!" bati niya.

Nag i-imagine lang ba 'ko o mas lalong gumwapo si Jared?

Oh my shit.

"Happy Birthday!" bati namin sakanya. Hindi ba sabay sabay.

Lumapit siya at niyakap sina Ethel, Tris at Kei. Napatigil siya nung nasa harapan ko na siya at napatingin doon sa suot ko. "Huy! Arctic Monkeys! Shit saan mo nabili 'yan?!" napatawa ako sa sinabi niya. "Duga!"

Napairap nalang ako kahit na may ngiti ako sa labi. Sabay lumapit pa siya lalo, "Happy Birthday!" bati ko ulit tapos niyakap niya ko.

Ha. Ha. Ang init ng katawan niya. Ha. Ha. Ang hot niya.

"Para sa'yo oh." sabi ko tapos inabot ko na 'yung regalo niya. Ganun na din ginawa nina Angelo.

"Wow! Thanks!" sabi niya habang tinatanggal ang mga 'to. "Tara dun sa kwarto ko, lapag niyo gamit niyo dun."

Naglakad kami papunta sa hagdan at habang paakyat kami e hinawakan ni Kei 'yung braso ko. "Ilang araw lang nawala si Jared bakit gumwapo ata?" bulong niya.

"Para ngang nagpagupit eh." bulong ko naman pabalik. Mukha kasing manipis na buhok niya tapos hindi na natatakpan masyado 'yung mukha niya.

"Oo nga."

May nakasalubong kaming dalawang babae tapos isang lalaki na palabas na ng isang kwarto. Pati sila mapuputi! Jusko! Ano ba 'tong sina Jared? Daig pa ang mga Padilla!

"Oh guys, mga cousin ko nga pala. This is Ashley, Lena at Beau."

Nakatitig lang kaming mga babae doon sa pinsan ni Jared na si Beau. Matangkad siya tapos may tattoo pa sa braso. Nakasuot siya ng sando na itim tapos naka ballcap. Mukha na siyang college at mas matanda samin! Huhu.

"Friends mo?" sabi nung Lena. I think nabanggit na siya ni Jared once. Ang ganda niya! Tulad ni Jared, brown din yung buhok nila at magkakamukha sila. Magkakapatid siguro? Sana naging kamag anak nalang nila ako!

"Yep! This is Adrianna, Tris, Ethel, Kei and Angelo. May dalawa pa e, padating palang."

"Oh that's cool! It's nice to meet you guys." Nakangiting sabi naman nung Ashley. "We're going down na, kinuha lang namin 'yung phones namin." aniya.

Nginitian namin sila at kumaway naman si Beau. Ha! Ang gwapo niya din! Hahaha mukhang andami naming eye-candy dito ah?

"Red! Paampon ako please!" pagmamakaawa ni Kei kaya naman natawa kami. "Seryoso ako!"

Hindi ko na pinakinggan ang sinagot ni Jared sakanya. Gusto ko na lumabas, ang lamig dito sa loob ng bahay nina Jared dahil centralized.

Pumasok kami sa kwarto ni Jared, and as expected, malawak ito. Hindi naman ganun kalawak na sobrang laki talaga, para bang above average ang size niya. Napansin ko ding may dalawang tao dito sa kwarto. Isang babae na mukhang mas bata samin at isang lalaki na nakaputing t-shirt.

"Steve, Cas, why aren't you outside?" tanong ni Jared sakanila. Hanggang ngayon talaga namamangha parin ako kapag nag e-english siya. Kilala ko 'tong dalawang 'to! Sila 'yung pinsan niya na galing US at kamukhang kamukha ni Jared yung lalaki.

"Ellie wanted to skype so we had to come up here." sagot nung Steve. Ang lalim ng boses niya at ang laki nung katawan niya. Alam ko ka-age lang namin siya pero bakit batak siya?

Napatingin ako sa monitor at nakitang may magandang babae doon. Mukha filipina din siya at may bandana siya sa ulo. Kalbo...? Pero ang ganda niya!

"Oh," ani Jared bago lumapit sa iMac niya. "Hi Ellie!" bati niya dito. "Why are you still awake?"

"Hi! Elliot is with me. I couldn't sleep." sabi niya bago galawin 'yung camera. May lalaking nagcecellphone na nakahiga sa kama na inuupuan niya. Kamukhang kamukha niya 'yung lalaki, kambal siguro sila.

"Hey man, when are you coming back here?" tanong nung Elliot.

Kinalabit ako ni Ethel at itinuro 'yung isang sulok. Nilapag namin 'yung mga gamit namin doon at chineck ko 'yung phone ko.

"Ano password ng wifi nila Jared?" tanong ko.

"Ewan. Ipa-type mo nalang sakanya mamaya." sagot ni Tris. "Ba't tahimik ka jan?" tanong niya kay Angelo na umiling lamang.

"Okay ka lang?" tanong ko sakanya.

"Yeah." sagot niya naman bago siya sumulyap doon sa pinsan ni Jared na si Cassidy.

"Crush mo noh?" bulong ko sakanya at ngumiti lamang siya tapos umiling.

"Hi, i'm Steve." nagulat kami ng biglang sumulpot 'yung pinsan ni Jared. "Who here is Adrianna?"

Nanlaki 'yung mata ko sa sinabi niya at itinuro naman ako nina Ethel. Lumawak 'yung ngiti ni Steve, "Nice to finally meet you!" bati niya.

"Ah, haha..." nahihiyang ani ko. "Nice to meet you too."

"Do you speak tagalog?" tanong ni Kei sakanya.

Napakamot siya sa ulo niya at umiling, "Kownti lang." tinry niyang sabihin na siyang nagpatawa samin. "It's hard but my mom always screams at us in tagalog." natatawang sabi niya. "I know um... pootangyina?"

Humalagakpak kami sa tawa sa sinabi niya. "That's a bad word!" ani Ethel sakanya.

"You are gwapo!" walanghiyang sabi ni Tris at nakita kong namula si Steve.

"Gwapo... I know what that means." tapos nag smirk siya kaya ayon, nganga si Tris.

Nagpatuloy kaming makipagkwentuhan kay Steve. Nalaman namin na football player pala siya at quarter back pa ha! Summer na doon sakanila ngayon kaya nakapag bakasyon sila dito at Senior na siya sa August. Bestfriend niya daw iyong si Elliot at bestfriend naman ng kapatid niya si Ellie. Tama nga ang hinala ko na kambal ang dalawa. Gusto kong tanungin kung bakit kalbo 'yung si Ellie pero baka ma offend sila kaya nanahimik nalang ako.

Maya maya ay nag aya na si Jared na bumaba kami. Andun na din kasi sina Henry naghihintay at na o-op na daw. May nakasalubong kaming isang grupo ng mga lalaki na kinukulit si Manang na nagluluto.

"Friends ng pinsan ko." ani Jared na nagalalakad sa tabi ko. Natawa pa kami nung pinukpok ni Manang 'yung isa sakanila ng sandok.

Hinawi ni Jared 'yung kurtina at may sliding door doon. Nakita ko kaagad ang mga bisita niya na naliligo na sa pool at yung iba e nagkakantahan doon sa karaoke.

"Ayun na pala si Jared e! It's your turn man!" sabi ni Beau na nakaupo sa isang bench at may mga alak sa lamesa.

"Woo! Go Jared!" sabi naman nung isang babae.

Napakamot si Jared sa ulo niya at itinulak ko siya papunta doon. "Sige na, kanta ka na dun."

"San kayo?" tanong niya.

Ngumuso ako sa direksyon nina Henry na nasa Gazebo malapit sa pool. "Dun lang." sabi ko at tumango siya bago tumakbo sa mga pinsan niya na nasa karaoke.

Naglakad kami papunta sa pwesto nina Kris. Malapit lang 'to sa pool at may kasama silang 2 pang lalaki.

"Hi, i'm Arthur." pagpapakilala nung isa.

"And I'm Theo." sabi naman nung katabi niya. "Please, take a seat." aniya habang tinuturo 'yung mga mono block.

Umupo si Ethel sa tabi ni Kris at si Kei naman sa tabi niya sabay si Tris. Si Angelo doon tumabi malapit kay 'Arthur' kaya umupo ako doon sa bakanteng upuan sa tabi niya.

"Nagtatagalog kayo?" tanong ni Kei. "Kanina pa kasi kami nanonose bleed."

Agad na natawa ang dalawa sa sinabi niya. "Yeah, nagtatalog kami." sagot nung Theo bago tumawa nanaman. "I like you." aniya at agad na namula at kinilig si Kei.

"I like you too!" walangyang sabi niya kaya naman lahat na kami ay nagtawanan.

"What's your name?" tanong ni Theo sakanya.

"Kei," sagot naman niya. "Kei Fuentes at your service!"

Napatingin ako kay Henry na ngayon e tahimik na iniinom 'yung bote niya ng san mig. Nagseselos 'tong ugok na 'to. Ayan napapala ng babaero! Krisha ka pa ha!

Nagpakilala na din kami isa-isa at agad nilang naka close si Angelo. Dumaldal na ang loko dahil tulad ni Jared, normal lang ang trato sakanya and hindi sila na i-intimidate. Mukha ngang si Angelo pa dapat ang ma intimidate sakanila.

May apat na lalaki na dumating. Sila 'yung sa kusina kanina at yung dalawa sakanila e kambal.

"Ah, these are our friends. Six, Link, and the twins, Chance and Isaac." pagpapakilala ni Arthur. "And don't worry, nagtatagalog din sila."

"What's up?" bati nung Six na mukhang walang planong maligo dahil naka dark gray shirt lang siya tapos black pants tsaka black boots. In short, gwapo. Kahit ganun ang suot niya, mukhang hindi naman siya emo dahil palangiti siya.

Masarap silang kausap. Ang kukulit! Pwera doon kay Link na may pagka snob pero mukhang sanay na ang mga kaibigan niya sakanya.

Taga Lake View High pala sila at mga graduating na din katulad namin. Anila'y magkakakilala na daw sila mula pagkabata at bestfriend ni Six 'yung pinsan ni Jared na si Eric. Sinubukan pa nga nilang tawagin at maki join samin pero mukhang mas gusto niya doon.

"Bakla!" sigaw sakanya ni Chance at sinagot siya ni Eric sa pamamagitan ng pag b-bad finger.

Hindi nagtagal ay sumali na si Jared saamin. Wala na nga lang siyang pwesto at nagulat ako nung kalabitin niya ko at patayuin. Siya ang umupo sa upuan ko at nabigla ako sa sunod niyang ginawa.

Pinaupo niya 'ko sa hita niya.

Oh my shit.

"Relax," aniya. Wala namang nagkumento sa ginawa niya pwera kay Kei na hinampas si Tris habang tinuturo kami.

Ang lakas ng tibok ng puso ko at ng isinandal ko ang likod ko sa dibdib niya e agad kong naramdaman 'yung mabilis na pagtibok ng puso niya tulad ng sakin.

Oh my shit again.

"If you don't mind me asking, are you two together?" tanong ni Six nang makalipas ang ilang kwentuhan.

Sabay kaming umiling ni Jared at tumango na lang si Six. "Damn, I miss my girlfriend."

At dahil naka connect na 'ko sa wifi nina Jared (pinilit ko siya sabihin sakin) ay nacheck ko na 'yung mga account ko.

In-add pala nila ako sa fb! Ang bibilis ah! Nabanggit ko kasi 'yung full name ko sakanila kanina kaya siguro nasearch na nila 'ko.

Theodore Snow
Six Montenegro
Chance Riley
Arthur Snow
Isaac Riley

At syempre, ako pa ang nag add kay Link Rodriguez na masungit.

Nung wala na kaming mapagkwentuhan ay nag aya na silang maligo. Wala na din kasing tao sa pool dahil umahon na 'yung mga babaeng pinsan ni Jared. Nakita ko na din si Steve at Cassidy na nakikipag kwentuhan kina Beau.

Galing ko noh? Saulo ko na names nila! Pwera doon sa ibang babae. Haha!

Naka bikini top lang ako at iniwan kong suot ang shorts ko. Hindi din kasi ako kumportable, pakiramdam ko e hubad na ko. Tsaka puro sila lalaki. Kaya naman paglabas ko ng banyo e nandoon si Jared nakatayo, may hawak na t-shirt.

"Wear this please?" aniya. Isa siyang pulang soccer shirt na may naka sulat na 'Red Hawks' sa harapan tapos 'Gordon' sa likod sabay ang number 03, dahil 'yun ang araw ng birthday niya. "I don't mind you wearing that but..."

Napangiti ako ng magkamot siya ng ulo bago ko kinuha sakanya 'yung shirt niya. "Akin na 'to ah?"

"Yeah, sure." sagot niya. "Doon 'yan sa school ko sa US e."

"Soccer player ka pala dati ah." sabi ko bago 'to isuot.

Amoy Jared.

Ang bango shet.

Nagkibit balikat lamang siya. "Tara na?" aya niya at tumango ako.

"Tara."

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 211 10
Vida wants to end her fucked up life that night. But a strange girl suddenly pop up from nowhere. They had a bet and that strange girl won. So she as...
2K 313 3
Yeshia Mendoza, an architecture student struggling with her studies, and the 'almost perfect' Miguel Sebastiene De Legazpi, an engineering student kn...
Padaba By nami

Fanfiction

69.2K 2.9K 32
A Halik Sa Hangin anniversary special.