A & A

By faithrufo

928K 22.7K 7.7K

ASHER Marami ang nagpapantasya na maging girlfriend ni Asher Martinez. Marami na din ang sumubok na baguhin s... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling Kabanata
Chansingan mo 'ko? (Stasg Deleted Scenes)
STASG (rewritten)

Kabanata 17

17.3K 416 52
By faithrufo

• ADRIANNA •

"Tita, 'di ba parang masyado 'tong revealing?" tanong ko habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin.

"Ano ka ba! Long sleeves 'yan oh?" aniya.

Napangiwi ako at itinuro 'yung likod ko. "Backless oh?"

"Psh! Uso 'yan!" pagpilit niya. Inirapan ko nalang siya at tinignan ulit ang sarili ko sa salamin.

Nakasuot ako ng isang short black dress na lace ang sleeves tapos backless din siya. Hindi ako pala bihis ng ganito pero mapilit ang Tita at Ate ko. Sabi nila last year ko na 'to sa highschool kaya sulitin na.

"Tara na dito Adi, ayusin ko na buhok mo" sabi ni Ate Skylynn mula sa kwarto niya. Bumuntong hininga ako at naglakad na papunta doon.

"Anong gagamitin kong sapatos dito?" tanong ko at umupo na sa harap ng salamin.

Sumimangot ang ate ko bago sumagot, "Sapatos ka jan? May heels ako doon na pwede mong gamitin."

"Ayoko mag heels Ate!" angal ko.

Hinila niya yung buhok ko na kukulutin niya, "Manahimik ka nga jan Adrian."

"Ayoko nga e," reklamo ko.

"Ano gusto mo isuot jan? Rubber shoes?"

"Yung vans ko!"

"Nagmana ka talaga kay mama, parehas kayong baduy."

"Isusumbong kita" banta ko sakanya at maarte niya lang na inulit ang sinabi ko. Inirapan ko siya.

Sa huli ay wala din akong nagawa. Suot suot ko ang black heels ni Ate Sky at sinusubukang hindi tumumba habang naglalakad papuntang gate ng school kung saan may naghihintay na guard.

"I.D tsaka Waiver?" tanong niya ng makalapit ako. Kinuha ko sa clutch bag ko yung I.D tsaka Waiver na may pirma ni Tita dahil siya ang guardian ko. Tinignan ito ng guard at isinoli yung I.D ko bago siya tumabi para maka daan ako.

Nakalugay yung mahaba kong buhok at medyo nakakulot ang dulo. Kahit papano e kumportable ako sa suot ko dahil natatakpan ng buhok ko yung likod ko.

Marami ng tao sa quadrangle dahil medyo late na din akong dumating pero hindi gaanong late dahil hindi pa naman nagsisimula ang program. Namangha ako sa design na ginawa ng theater arts club, ang galing talaga nila!

Nilagpasan ko ang maingay na klase ng IV-Jonah. Kinawayan ko si Enrico nang makita ko siya doon at nakitang napa awang ang bibig niya. Napangisi ako, ganda ko noh? Hahaha!

Hindi naman ganoon kahirap hanapin ang klase ko dahil sabi ni Sir Lance e basta daw ang pwesto namin ay malapit sa stage. Inirapan ako nina Sharmaine nang makita nila ako at napataas ang kilay ko. Pwe! Saang punerarya kaya nagpa make up 'tong mga halimaw na 'to?

"Adi! Dito!" lumipat ang tingin ko kina Jared at agad akong dinala ng mga paa ko papunta sakanila.

"Aba! Naka backless!" malakas na pagkakasabi ni Tris.

"Bhe ang ganda mo!!" bati naman ni Ethel.

"Ah, haha." agad akong pinalibutan ng hiya ng makitang halos lahat sila e nakatingin sakin dahil ako nalang yata ang wala. "Thank you, ikaw din." mahinang sabi ko.

"You can sit beside me," nakangiting sabi Angelo habang tinuturo yung bakanteng upuan sa gitna nila ni Jared.

"Lover boy's staring at you," bulong ng isang katabi ko na siyang nagpatayo ng balahibo ko. 'Yung accent.. jusko po.

"H-Ha? Sino?" mahinang tanong ko kay Jared.

Hinarap ko siya at pasimple siyang tumango sa direksyon ng isa pang klase sa kabilang dulo ng stage. Napatingin ako doon at agad na nagtama ang mata namin ni James. Sumikip ang dibdib ko at medyo nahigit ko ang hininga ko.

Ngumiti siya sakin at kumaway, ganun din ang ginawa ko sakanya.

Ano 'tong nararamdaman ko? Guilt? Nakalimutan ko na siya! Paano ko nagawang kalimutan na may gusto pala siya sakin? Jusko! Umaasa pa ba siya? Naku!

Kinurot ko yung binti ni Jared out of frustration. "A-Aw ouch. Bakit?"

"Wala," sagot ko.

"Sakit nun ah."

"Sorry," sabi ko. Pati siya e nadadamay sa kagagahan ko. Napatingin ako doon sa bracelet niya na ni kelan e 'di niya tinanggal. Inilipat ko nalang dito ang atensyon ko. "Ano ba 'yan? Ba't lagi mong suot?"

Mukha siyang nabigla sa random kong tanong. "Etong bracelet?"

"Oo. May meaning ba?" tanong ko at kibit balikat lang ang sagot niya bago tumingin sa malayo.

"Kanina pa masama tingin ni Martinez sa'tin bro"sabi ni Angelo kay Jared. "Nagseselos ata."

Kunot noo kong nilingon si Angelo "Huh? Bakit naman?"

"Pagselosin natin lalo" natatawang aniya bago ako inakbayan.

"Bro, 'wag ganyan" suway ni Jared bago tanggalin ang kamay ni Angelo sa balikat ko. "Babae 'yan eh. Respeto naman."

"I'm sorry Adi," agad na sabi ni Angelo.

"It's okay," sagot ko bago siya bigyan ng tipid na ngiti. Okay lang naman na ma akbayan ako dahil 'One of the boys' nga ako e. Pero parang dahil sa sinabi ni Jared na 'Babae yan eh.' Parang pakiramdam ko hindi nga dapat ganun ang trato nila sakin. Na para bang.. importante ako. Dapat iniingatan.. ganun.

Nasanay ako na makipag sabayan sa mga lalaki. 'Yung tipong kahit suntukin mo braso ko e ayos lang? Sasapakin din kita pabalik. Kaya naninibago ako sa trato ni Jared sakin. Hinahatid, sinusundo, inaalalayan bumaba ng hagdan, sinasambot, pinagbubuksan ng pinto. Maingat siyang kumilos kapag ako ang kasama niya. Na kahit na ba nang gigigil siya sa pisngi ko e hindi siya aabot sa punto na masasaktan ako.

Hindi ko kailangan ng ganung trato dahil kaya ko naman kahit na itulak tulak niya pa 'ko. Magrambulan pa kami kung gusto niya e! Pero kahit hindi ko kailangan... gustong gusto ko.

Hindi nagtagal e nagsimula na ang program. Nagsalita pa 'yung principal pati 'yung mon seigneur bago kami hinayaang magparty na. May DJ din dito at nandoon siya sa stage, puro pang party talaga ang pinapatugtog niya kaya naman hinila ako nina Tris para magsayaw.

Ako, si Tris, Ethel, Kei at Hannah ang magkakasama. Nakapabilog kami at nag gagayahan ng steps. Nakakatawa din dahil matigas ang katawan ni Tris!

Umakyat pa ang boys ng batch namin sa stage. Sila 'yong mga matagal na talagang magt-tropa dahil elem palang e magkakasama na sila. Madami sila at nakapalibot sila doon kay Freddie na nag d-dougie sa gitna. Asus! Laos na 'yang sayaw na 'yan ah? Natawa nalang ako habang pinapanood sila.

Nawalan ako ng ganang manood noong sumali na 'yung mga feeling gangster na babae. Kasama na dun si Sharmaine pangit.

"Ang e-epal!" singhal ni Tris. "Enjoy na e! Mga papansin talaga 'yung mga 'yun ano?"

Biglang nagstop 'yung loud music at napalitan ng love song kaya nagka ayaan kaming umupo muna. Moment muna 'to ng mga couple.

"Anyway, kita niyo si Asher kanina? Galit na galit!" natatawang sabi ni Tris. "Nagseselos yun! Naku! Ikaw na talaga Adrianna!"

"Nagseselos? Kaya pala kasayaw ni si Savannah ngayon" sabi ni Hannah na siyang nagpasikip na dibdib ko.

"Ouch," mahinang ika ko pero narinig nila.

"Hay, i'm sorry Adi..." sabi ni Kei saakin pero umiling iling lang ako.

"Wala 'to," pinilit kong ngumiti. "Okay lang ako."

Wala talaga siyang pakielam sakin ano? Hindi niya ba naiisip ang mararamdaman ko sa ginagawa niyang 'yan? Aware naman siya sa feelings ko diba? Dahan dahan naman sana ang pagbasag sa puso ko.

"Naiinis talaga ako kay Asher! Ugh! Why!" pagd-drama ni Tris. Siguro narerealize niyang wala na talagang pag asa.

Dumating si James sa pwesto namin at naglahad ng kamay "Sayaw tayo," aniya. Kumalabog ang puso ko sa aking dibdib at tinanggap ang kanyang kamay.

Drops Of Jupiter by Train ang pagtugtog. Nagpahila ako kay James papuntang gitna, nakangiti siya kaya naman napangiti na rin ako.

"James, sorry" sabi ko nang magsimula na kaming sumayaw.

"Sorry saan?"

"Sa paglayo.."

Umiling iling siya. "Wala ka dapat ipag-sorry. Kami nga ang dapat humingi ng tawad sa'yo."

"Wala naman kayong ginawa.."

"Ayun nga," malungkot na sabi niya. "Hinayaan ka lang naming lumayo."

Napayuko ako. Nasaktan nga ako, dahil pakiramdam ko ay namili na talaga sila ng kakampihan. Na para bang napakadali lang na bitawan ako kahit na ilang taon din kaming magkaibigan.

"Malabo 'yung sitwasyon ngayon, ayaw lang namin pumagitna. Pero sana malaman mo na pantay lang kayo ni Asher sa amin."

Napa angat ang ulo ko sa pangalan niya. "Kamusta na siya?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Alam mo naman 'yun, laging okay lang siya ang sagot. Ang masasabi ko lang ay hindi din madali sakanya ang sitwasyon niyo. Lagi siyang tahimik o iritable. Nakakapikon na nga din e," tumawa siya. "Pero 'wag mo alalahanin 'yun. Malaki na itlog nun. Ikaw ba? Kamusta ka?"

"Okay lang," sagot ko.

Umiling siya. "Parehong pareho talaga kayo. Pero masaya akong makita na nakakasundo mo 'yung mga kaklase mo. Ang dami mong bagong kaibigan. 'Wag mo kami kakalimutan ah?"

Ngumiti ako at umiling. "Hinding hindi."

Hindi nagtagal e natapos na ang kanta at inihatid na ako ni James pabalik sa upuan ko. Uupo na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko.

Tumugtog ang I Hope You Find It ni Miley Cyrus at napatigil ako.

"Isang kanta lang. Isang kanta lang please," sabi ni Asher.

These clouds aren't going nowhere, baby. Rain keeps coming down

Lumingon ako at nagtama ang mga mata namin. Biglang naglaho ang buong paligid at naramdaman kong nangingilid ang aking mga luha.

I just thought I'd try to call you, baby
For you got too far outta town

"A-Asher..."

"4 minutes lang. Promise, hindi na 'ko lalagpas." Hinila niya ako papunta sa sayawan.

And I hope you find it,
What you're looking for
And I hope it's everything you dreamed your life could be
And so much more

"B-Bakit..?"

Niyakap niya ako ng mahigpit, na para bang mawawala nalang ako ng biglaan sakanya.

Kahit eto lang siguro Adrianna..

Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa bewang niya.

Asher bakit? Handa na 'kong mag move on pero eto ka nanaman!

Am I supposed to hang around and wait forever?
Last words that I said
But that was nothing but a broken heart talkin', baby
You know that wasn't what I meant

Walang nagsasalita samin. Mali 'to e. Ang maging kasama siya. Hindi ba mali 'to? Pano ako makakapag move on?

"Asher p-paano ako makaka move on kung ganito ginagawa mo?" mahinang tanong ko. "Asher please, 'wag mo ko paasahin ng ganito..."

"I'm sorry.. pero kahit saglit lang. Magpapaka selfish muna ako."

Wala na akong nagawa kundi bumigay. Bakit hindi ko siya maitulak palayo? Kailangan ko siyang itaboy! Katulad ng pagtaboy niya sakin!

And I hope you find it,
What you're looking for
And I hope it's everything you dreamed your life could be
And so much more

May naramdaman akong humawak sa likuran ko, isang haplos. Alam ko na kaagad kung sino iyon.

"Your time is up man," ani Jared bago ako hawakan sa braso. Nag igting ang bagang niya ng magtama ang mata namin. "Halika na dito..." mahinang sabi niya.

Kinalas na ni Asher ang mga braso niyang nakapulupot sakin. Hindi ko siya matignan. Hindi ko kaya.

Kaya pagka bitaw niya, agad akong lumapit kay Jared at niyakap siya. Eto. Eto ang kailangan ko. Siya ang kailangan ko.

"Wag kang umiyak. Kikidnapin kita sige ka." banta niya. "Nasan na panyo mo?"

"W-Wala..." nauutal kong sagot at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Swerte mo talaga at nandito ako kung hindi makikita nila 'yang uhog mo," sinuntok ko 'yung dibdib niya sa inis. "Biro lang, maganda ka parin naman."

Tinignan ko siya sa mata. Kahit na mapupungay ang mga ito, alam kong galit siya. Napawi ang ngiti niya nang makitang nagseryoso na din ako.

"Hindi niya dapat ginawa 'yon," sabi niya. "Kung wala ka lang doon e sinapak ko na siya."

"Bakit ka nagagalit?" mahinang tanong ko.

Pumikit siya at huminga ng malalim. "Sorry, ayoko lang kasing nakikitang nasasaktan ka."

"E bakit hinintay mo hanggang matapos ang kanta?"

Nag iwas siya ng tingin. "Kasi alam kong kahit nasasaktan ka e sa loob loob mo, gusto mo 'yun. May pagka masokista ka Adrianna. You deserve better."

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 225 20
Blogs For My Baker: An Epistolary A student who hides under the pen name Lyle write blogs that summarizes what happened for the whole day. Lyle tend...
152K 7.6K 37
Ang huling ritmo ng mga emosyong idinaan natin sa awit. --- This is the ending of EDSA au that was originally written on Twitter. I've decided to wri...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
Padaba By nami

Fanfiction

69.2K 2.9K 32
A Halik Sa Hangin anniversary special.