Mesaiyah's Point of View
Kayakap niya si Kosuri. Kayakap niya si Kosuri. Kayakap niya si Kosuri. Kayakap niya si Kosuri. Kayakap niya si kosuri.
Pakialam mo naman saiyah kung nakita mong kayakap ni stranger ang first love niya. Oo,nga. Pakialam mo ba dun! Diba nga sabi mo wala kayong pakialaman kaya wag mo siyang pakialaman sa gagawin niya. Tama! Hindi ka niya pinakialaman sa ginagawa mo kaya wag mo din siyang pakialaman.
Ginulo-gulo ko ang aking ulo. Aish! Concentrate saiyah. Concentrate.
"Miss Mesaiyah? Andito ka pa ba sa ating klase?" my teacher in Filipino asked breaking my nonsense interior jealous monologue.No, I'm not jealous.
"Ahh. Ehh. Andito pa po." sagot ko.
"Okay. Mabuti kung ganun." sabi niya at nagpatuloy na sa pagklase.
"Hoy! Ano bang iniisip mo!" napatingin ako kay Maysel na ngayon ay tinutuktok ng ballpen ang aking ulo.
"Wala. Ikaw! May kasalanan ka sakin!" bulong ko.
"Hah?! Ano 'yun?"
"Mamaya ko sasabihin. Humanda kana!" bulong ko ulit sabay binigyan siya ng masamang tingin at biglang sumagi sa isip ko ang sinabi sakin ni Kerk noong hinatid niya ako.
FLASHBACK
Si Kerk ang naghatid sakin pauwi ng bahay dahil 'yun daw ang inutos ni stranger sa kanya. At habang nasa daan kami, nagkukwento siya tungkol kay stranger at Kosuri.
"Si Kosuri. Hindi mo masasabing mabait, matapang, mataray na babae dahil sa pabago-bago niyang mood. Minsan masungit, minsan mabait lalo na't pagdating sa mahal niya. Napakalambing nung babae na 'yun."
"Minsan nga kapag nakakalimutan ni Prince na bilhan siyang paborito niyang chocolate, iiyak na agad tapos 'yun. Aamuin siya ni Prince tapos maya-maya. Bati na agad sila. Minsan nga bigla-bigla nalang 'yun yayakap sa'yo ng walang dahilan pero minsan maldita talaga 'yun." nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya.
"Mahirap kasing kalimutan ang first love. Nalilito ka kung ano ba talaga ang tunay mong nararamdaman mo para sa kanya. Kung makikipagbalikan ka pa o hindi na.." tumingin lang ako saglit sa kanya at itinuon ang tingin sa kalsada na dinadaanan namin. Huminga ako ng malalim at sumagot..
"Mahirap nga pero mas mahirap ang mahalin ang taong hindi mo naman talaga mahal." sagot ko pero natawa lang siya.
"Parang sa sinabi mo..pinapatamaan mo ako."
"Hah? Natatamaan ka ba? Dapat umilag ka man lang." sagot ko at tumawa.
"Hahahaha!Bakit?Gaano ba kahirap mahalin ang taong hindi mo mahal?" tanong niya.
"Parang ibon na mahihirapn lumipad kapag walang pakpak. Parang ganun." sagot ko.
"Ahh. Anong konek?"
"Parang mahirap magmahal kung wala kang pag-ibig sa isang tao."
"Ahh. Lalim nun ah!"
"Teka nga? May girlfriend ka ba Kerk?"
"H-ha? G-girlfriend? A-ako? Ehhh."
"Bakit parang nauutal ka? Teka? Ano nga ulit pangalan ng girlfriend mo?" tanong ko na parang inoobserbahan siya kasi hindi siya makatingin ng diretso sakin.
"T-terra."
"Hindi ba 'yun ang ate ko?"
'"H-hindi..kapangalan niya lang."
"Weh? Sure ka? Parang si ate yun ehh."
"Hindi nga siya 'yun..mag ate nga kayo kasi parehas kayong makulit." sabi niya at biglang napahinto yung sasakyan.
"Ano? Narinig ko 'yun kerk. Umamin ka! Si ate ang girlfriend mo ano?"
"Aish! Hindi nga! Bumaba kana kaya. Andito kana sa bahay mo. "Binuksan ko na ang pintuan at lumabas na sa kanyang kotse.
"Naku Kerk! Kapag nalaman kong si ate Terra ang girlfriend mo. Uupakan talaga kita ng maraming-marami." sabi ko at hinayaan ko siya ng suntok.
"Lumapit ka nga dito." lumapit ako sa kanya sa may bintana at ibinaba ng konti ang katawan para mapantayan siya.
"Ipakita mo ang pagmamahal mo sa kanya para hindi na siya muling masaktan. Alam mo bang..sinuway niya ang sinabi ng lolo niya para sa'yo!"
"Huh?!"
"Wag mo siyang hayaang mawala. Ikaw din ang masasaktan."
"Huh?!"
"Tsk.Tsk. Ang cute mo talaga..katulad ng ate mo!" sabi niya sabay pisi sa pisngi ko at ginulo gulo ang aking buhok.
"Huh?!" Umalis na siya ng hindi pinapaliwanag ang mga sinabi sakin..
"Hoy! Teka! Anong ibig sabihin ng sinabi mo!! Hoy!" tuluyan na siyang umalis at napakamot naman ako sa aking ulo. Aish! Ang talino mong tao pero pagdating sa pag-ibig..tanga! Aish! sabi ko at tinuktok ang utak.
END OF FLASHBACK
Ano nga ba ang ibig sabihin ng sinabi niya?
"Ipakita mo ang pagmamahal sa kanya para hindi na siya muling masaktan. Alam mo bang sinuway niya ang sinabi ng lolo niya para sayo!"
"Wag mo siyang hayaang mawala. Ikaw din ang masasaktan." Ano bang ibig niyang iparating? Paano ko malalaman ang ibig sabihin nun?
"Isang libo't, isang tuwa, buong bansa! Eat BULAGAA!!" nagulat ako bigla sa pagsulpot ni Maysel sa harap ko. Maka GMA yata ito ah.
"Psh! Ginawa mo naman akong bata! May kasalanan ka pa sakin."
"Kanina ka pa kasi tulala diyaan! Bakit? Ano bang kasalanan ko sa'yo?"
"Bakit patay 'yung cellphone mo nung friday? Kung kailan kailangan kita. Dun ka pa nawala."
"Ehh. Ano kasi..low battery ako. Sorry. hehehehe."
"Psh!"
"Pano ka nakapunta sa runaway house?"
"Nagpalibre ako kay stranger ng VIP card."
"Sinong stranger?" tanong niya.
"Ah. Eh. 'Yung bago nating classmate. 'Yung laging naka bonnet na black."
"Stranger ang tawag mo dun?"
"Oo. Ehh kasi nung nagtransfer siya hindi siya nagpakilala."
"Oo nga no? Ano kayang pangalan nun? Hindi ko naman natatanong kay Razec pero ang alam ko Prince ang tawag nila sa kanya."
"Ahh. Hehehe."
"Pero? Namumukod tanging stranger ang tawag mo sa kanya e samantalang araw-araw kayong magkasama."
"Araw-araw? hehehe hindi naman araw-araw ah."
"Kung sa bagay pero lagi ka niyang sinusundo diba? Tapos nakita ko pang hinalikan ka niya sa noo."
"Ehh? Ano? Hehehe. Ano kasi. Ano." Ano bang ipapaliwanag ko.
"Anong pinag-uusapan niyo?" napatingin kaming dalawa sa dumating.
"Ahh. W-wala. Tungkol sa lovelife niya lang." sagot ko at siniko naman ako ni Maysel sa braso at bumulong..
"Sino siya?"
"By the way. I'm kosuri okuzama. Nice meeting you."
"Same." maikling sagot ni Maysel at hindi man lang sila nakipagshake hands.
"Anong kailangan mo Kosuri? Baka matulungan kita." Sabi ko.
"Gusto kong samahan mo ako kay Anhiro." Napalunok nalang ako ng laway at tumingin kay Maysel.
"Maiwan na muna kita, Maysel. Mamaya na ang parusa mo!" sabi ko at sinamahan na si Kosuri papunta kay Anhiro at habang nasa daan kami. Pinagtitinginan siya ng mga tao pero lumalakad lang siya na parang wala lang.
"Wait! Dito muna tayo. Feeling ko maganda dito." tumigil kami sa orchidarium ng school at naupo siya sa mini bench.
First love siya ni stranger..pero bakit gusto na niya itong kalimutan?