Sinong mag aakala na ang tulad ko na fourth year highschool, 16 years old palang ay may asawa na pero magsisimula palang sila ng kanyang asawa sa pagiging magkaibigan.
Napakaweird kung papakinggan na may asawa na ako pero that's only a secret. Wala dapat makaalam nun.
Napagpasyahan kong stranger nalang ulit ang itawag ko sa kanya kahit na getting to know each other naman na kami, stranger naman talaga siya eh.
HAAAAAAAAAYYYYYYY!!!!! Napahakay ako ng sobrang haba nang malaman ko sa sarili ko na late na ako sa pagpasok.
OHMY!!
Hindi man lang ako ginising ni stranger, pambihira! Nagtatakbo ako papunta sa bathroom ng mapansin kong nakahiga pa pala siya sa couch. Huh? Anong oras na ba?
"Bakit ka nakatayo diyan?"
"Huh?Papasok na ako, late na ako!"
"Hah? Hahahahahaha papasok kana? Hindi pa tumutunog ang alarm clock. Excited ka lang?" Tiningnan ko yung alarm clock. 4 o'clock palang pala ng madaling araw.
Napahiya ng konti =_______="
"Err?"
"Hahahaha at dahil maaga kang nagising. Ikaw nalang magluto ng almusal."
"Anoo? Ako ang magluluto?" tinuro ko ang sarili ko at tumango naman siya.
"Err?"
"Labas na at magluto ka." Grabe! Naging magkaibigan lang kami pinagluto na niya ako. Hindi pa naman ako marunong magluto.
Pumunta nalang ako sa kusina at ayun..pachamba-chamba ang luto. Ahmmm...magpipirito nalang ako ng itlog at hotdog tapos ahmm..toasted bread,yun nalang.
After a thousand years..
Natapos na akong magluto.Hoooh! Pinagpawisan ako dun ah.
Nasa table na siya at handa ng kumain.
"Ma'am anong luto 'yan?" Nagtanong pa si manang, walang sabaw kaya malamang pirito.
"Pirito po."
"Bakit ganyan po ang kulay?" tanong ni manang.
"Huh? Bakit? May problema ba sa kulay ang niluto ko?"
"Ehhh. Sunog po yan."
"Ha? What are you saying manang? Ang sarap nga ng luto niya eh.YUM! YUM! YUM!" singit ni stranger at napangiti naman ako.
"Weh? di nga? Totoo?" natutuwang tanong ko. First time kong may magsabing masarap ang luto ko.
"Pero sunog po yan eh."
"Manang masarap naman eh..kaya just sit and sumabay kana sa pagkain." Sabi ni stranger.
"Bakit kahapon masarap naman ang luto ko tinapon mo lang Prince Anhiro." Nagtatampo si manang.
"Ah. Eh..ahmm.YUM!YUM!YUM! sharap ng luto ni seyah!"
"Ma'am. Niloloko ka lang niyan." bulong sakin ni manang.
"Hahaha hayaan mo na, sa susunod ikaw nalang ulit ang magluto, tingnan lang natin kung mapangitan pa siya." Sagot ko.
"YUM!YUM!YUM!"
"Psh!"
***
"Sinong unang maliligo satin?" tanong niya.
"Ikaw nalang ang mauna." sagot ko.
"Ladies first kaya ikaw na ang mauna."sabi niya.
"Ikaw na nga kasi ang mauna." Sabi ko. Nasa kwarto niya kami ngayon at nagtatalo kung sino ang mauunang maligo. Almost 6 o'clock na at malalate na kami sa pagpasok dahil sa pagtatalo.
"Gentleman ako kaya mauna kana seyah." Sabi niya.
"Ikaw na nga kasi mauna matagal akong maligo!" sabi ko.
"Matagal din ako maligo kaya mauna kana." Sagot niya.
Napatingin kami sa pinto dahil may kumakatok.
"Prince Anhiro at Princess Saiyah, hinihintay na po kayo ng mga kaibigan niyo sa labas." Nagulat kami sa sinabi ni manang. Nagunahan kami papunta sa bathroom.
"Gentleman first"
"Ladies first."
"Ako na ang mauunang maligo." Sabi niya.
"Ako na muna kasi mabilis akong maligo." Sagot ko.
"Mabilis din akong maligo." Sagot niya.
=_________________="
Kanina pa kami nagtatalo!
"Bagay pala kapag Prince and Princess ang tawag satin." Sabi niya 'yan. Ako nalang ang naunang maligo kesa sa kanya. Hindi din siya makulit at feelingero eh no?
Nasa labas na ako ng bahay at ready ng pumasok.
"Asan si Prince?" tanong ni Kerk.
"Nasa bulsa ko nagakape." sagot ko.
"Haaaah?" reaction nilang tatlo.
T______________T!
"Joke! Naliligo pa. Hindi naman kayo mabiro."
"Ahhh. " --silang tatlo
T______________T! hindi pala sila marunong magjoke.
"Oh? Ayan na pala si Prince eh."
"Oh? Eh ano ngayon?" mataray nitong sagot.
"Wednesday ngayon." sagot ni razec
"Gago! Tinatanong ko ba?"
"Oo."
"Gusto mo mamatay?"
"Hindi."
"Prince akala namin nasa bulsa ka ni Princess mo nagkakape, akala ko nagkasya kana dun." si kerk yan.
T____________T!
"Mga gago! Ano bang sinasabi niyo?"
"Ayy? Hindi nagets?" sabi ni Denstah. Hanubayan? 7 o'clock na pero ganito pa rin kami.
"Pumasok na nga tayo! Ang dami niyo pang sinasabi pero teka? Matanong ko nga?"
"Nagtatanong kana nga eh." Sabi ni Razec. Ano bang nakain ng mga to? >_________< Ayoko na silang kausapin.
"Patapusin mo siya magsalita kundi papatayin kita!" banta ni stranger. Natakot naman si Razec kaya yun,tumigil na siya.
"Pumapasok ba kayo?"
"Oo." sabi nilang apat na sabay-sabay.
"Bakit hindi kayo nakauniform?"
"Ehh? Special kami eh."
"Ahhh..."
Pagkatapos ng makukulit nilang conversation. Pumasok na kami sa school. Kusa na namang bumukas ang campus gate para sa kanila.
Parang mga royal blood ang kasama ko ngayon, parang mga hari sila na sa bawat gagawin nila kailangan may katulong kasi baka magasgasan ang mga makikinis nilang palad.
"Wag mo na akong susunduin mamaya, kaya ko ng umuwi mag-isa." sabi ko kay stranger. Nakapark na ngayon ang mga motor nila at napatingin silang tatlo sakin.
"Huh? Sure ka?" tumango lang ako.
"Hindi na kayo galit sa isa't-isa?" singit ni denstah habang nagsasalamin siya sa side mirror ng kanyang motor.
"Friends na kami ngayon." sagot ko.
"OWWWS!!?" sabi nilang tatlo.
>________< Ano nga ba talaga ang nakain nila at ganito sila ngayon?
"Oo, friends na kami ngayon." sang ayon naman ni stranger.
"So? Hindi na kayo mag-asawa?" tanong ni Razec.
"Sinong mag-asawa?" napatingin kaming lima sa nagtanong. Si maysel lang pala.
"Uhmm, Ahh. Kinakausap ko yung mga langgam..ahh..langgam hindi na kayo mag-asawa? Hiwalay na kayo hah? Divorce na ba kayo ha?" palusot ni Razec na kunwari may kinakausap siyang langgam. Bagay silang dalawa, laging langgam ang palusot sa tuwing may nagtatanong eh.
"Ahh. Tara na Mesaiyah! Sabay na tayong pumasok." yaya sakin ni Maysel at sumama naman ako.
"Wala man lang goodbye kiss sa asawa?" dinig ko na sabi ni Razec kaya napatingin sa kanila si Maysel.
"Ahh..diba mga langgam? Kapag magdidivorce kelangan may goodbye kiss muna?diba?hehehehe." Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad ni Maysel at hindi na tumingin sa kanila.
"Wow. Infairness ka girl parang nanalo ka sa lotto sa mga kasama mo."
"Tsss! Sabihin mo natalo ako."
"Ngeh? Meganun? Swerte mo sa kanila kasi ang gwapo nila tapos parang mga royal blood pa tapos ang cool pa nila kasi sa tuwing pumapasok sila nakamotor pa. Pwede ba akong magrent ng isa sa mga yun?"
"Hah? Hahahaha may rent ka pang nalalaman, kung nakuha mo nalang eh hindi yung may parent-rent ka pa."
"Ehh basta pa rent ako."
"Tsss! May bayad yata ang pagrent 20 million siguro."
"Di bale nalang." hahaha sumuko kasi mahal ang bayad.
On the way kami sa room at nasa corridor na kami ng pagtinginan ako ng mga estudyante na nakatambay dito.
"Diba siya yung babae na laging nakasakay sa motor nung lalaking gwapo?"
"Oo nga, siya si Mesaiyah. Move on na agad sa bestfriend pagkatapos mawala."
"Ang bilis niya humanap ng kapalit."
"Baka mukha lang ang habol niya." Wala akong nagawa sa mga pinagsasasabi nila kundi umiyak nalang. Ano bang alam nila sakin para pagusapan ng harap-harapan?
"Hayaan mo na sila. Inggit lang 'yang mga 'yan.Wala naman silang alam sa'yo eh." Buti nalang andito si Maysel, buti nalang may kaibigan pa akong natitira sa tabi ko.