MY PROFESSOR IS MY HUSBAND (P...

By KayeEinstein

37.4M 777K 249K

(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, n... More

Panimula
Chapter 1: The Great Thunder Montenegro
Chapter 2: Cloud Hermosa
Chapter 3: The Request
Chapter 4: Wedding Ring
Chapter 5: Lights Off
Chapter 6: Questions and Detention
Chapter 7: Missed Calls
Chapter 8: Cloud's Confession
Chapter 9: Midterm
Chapter 10: Birthday Gift
Chapter 11: You and Me
Chapter 12: Mail
Chapter 13: Holding Hands
Chapter 14: Her Dream
Chapter 15: Can't Help Falling Inlove With You
Chapter 16: Proud Soldier
Chapter 17: Daniella Reyes
Chapter 18: Tiramisu
Chapter 19: Rain and Headlights
Chapter 20: What?
Chapter 21: Coffee and Garlic
Chapter 22: Little One
Chapter 23: Excuse Letter
Chapter 24: Responsibility
Chapter 25: Empty Room
Chapter 26: Someday
Chapter 27: Deserve
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Batch 2 / Final Batch for MPMH
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
AUTHOR'S NOTE
Chapter 52
Chapter 53
Author's Note
Chapter 54
EPILOGUE
Thank You
Special Chapter Part 1
Special Chapter Part 2
Book 2
SELF PUB
Batch 2: My Professor is my Husband

Chapter 28

658K 12.2K 4.9K
By KayeEinstein

Akira's POV

"Come in" sabi ko nung makarinig ako ng katok sa pinto mula sa bago kong opisina.

Pumasok rito si Cloud na nakangiti sakin, ngumiti din ako pabalik sa kanya.

"Ang ganda ng opisina ah, mas maganda at mas malaki ito kumpara dun sa dati" lumapit si Cloud at hinawakan ang babasagin na nasa harapan ko kung nasan nakaukit ang pangalan ko. "Akira Sapphire Santos, Chief Executive Officer" binasa pa ni Cloud ang nakasulat doon habang tini trace ng kamay nya ang bawat letra doon.

"Hindi ko talaga expected na bigla na lang ibibigay sakin ni dad itong posisyon" sabi ko.

"Because you deserve it Aki, pinaghirapan mong matutunan lahat ng ito kaya hindi na nag alangan si tito na ibigay sayo ang kompanya" sabi ni Cloud

Pagka graduate ko sa course kong Business Adminitration ay nagsimula na kong magtrabaho sa kompanya una bilang normal employee hanggang tumaas ng tumaas ang posisyon ko at ito na nga ako na ang presidente ng kompanya namin. 5 years na ang lumipas simula ng ma annul ang kasal namin ni Thunder at naka move on na ko. Actually, masaya na ko. Hindi na din kami nagkita or nagkausap pa after nun at mas okay na din yun dahil mabilis ko na din syang nakalimutan.

"5 years na pala ang lumipas, ang bilis na panahon pero mas gumanda ka pa" sabi ni Cloud. Umupo sya sa table ko habang nakaupo naman ako sa swivel chair ko.

"Bolero ka pa din kahit 5 taon na ang lumipas" sabi ko.

"Hindi yun bola, have you seen yourself in the mirror, late bloomer ka ata" sabi nya sakin.

Hindi ko alam kung may pinagbago ba ako sa pisikal na anyo pero sure akong maayos na maayos na ko emotionally. Siguro nagbago lang sakin ay pinakulayan ko ang itim na itim kong buhok noon.

Di na ko nagsalita at tiningnan na lang ang kabuuan ng opisina ko. May malaki itong bintana kung saan tanaw mo ang iba pang naglalakihang building sa lungsod na ito. Bago kasi ako maging CEO ay pina renovate na ito, kaya beige and white ang kulay ng mga gamit dito.

"5 years na ang lumipas Akira, mukhang magkikita na kayo ulit" sabi ni Cloud kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam pero mabilis na tumibok ang puso ko.

"S-sino?" Fvck, nauutal ako!

"Who else? You're ex husband" cool nyang sabi bakit sya ang cool pa din samantalang nakakaramdam ako ng kaba ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit, naka move on na ko. Okay na ko.

He's just a nightmare to me.

"Bakit naman kami magkikita ni Thunder?" I asked him.

"Did you forgot na itong kompanya nyo ay isa lang naman sa mga kompanya na under S&M (Santos&Montenegro) Group of Companies na kung saan ang CEO nitong kumpanya na to which is you ay automatically vice presidenf ng S&M kung saan nandun si Thunder na currently presidente nito" pag e explain sakin ni Cloud.

"Damn it, ayoko syang makita" nagulat ako dahil sa sinabi ko. Pero yun ang totoong nararamdaman ko.

"Bakit ka naman matatakot?" tumayo si Cloud sa pagkakaupo nya sa table ko. "Is it because natatakot ka na bumalik ang nararamdaman mo sa kanya or dahil mahal mo pa sya?"

"Of course not!" sigaw ko. "Natatakot ako dahil sa mga nakakalungkot na nangyari nung magkasama pa kami. You know that those horrible moments are kept taunting me even in my sleep" I sighed. Naalala ko na naman lahat ng katangahan ko noon.

Lumapit sakin si Cloud at hinawakan ang kamay ko.

"At isa pa, mahal na kita Cloud. Mahal na mahal" dagdag ko. Sumilay ang ngiti sa mga labi nya.

He bent down his body at nagkatapat ang mukha namin.

"And I love you more" sabi nya bago sinarado ang distansya at hinalikan ako sa labi.

It's just a couple of seconds pero ramdam kong mahal na mahal nya ko at ganun din ako.
It turns out my knight in shining armor is also my prince.
My real prince.

"Pano yan, lagi ka pa namang wala dahil sa business nyo, how am I supposed to face him" nagpangalumbaba ako sa table ko.

"I know you can face him, you and him are over a long time ago, wag kang mag alala gagawin kong parang manila-bulacan lang ang states at pinas" sabi nya habang nakangiti.

Hinampas ko sya.

"Sira ka talaga, hayys bakit kasi sa US pa naka based ang business nyo. Madalas tuloy kitang mamiss" I pouted. He kissed me once again but just a quick one.

Madalas nyang gawin yun kapag sumisimangot or nagpa pout ako, para daw kasi akong nagpapakiss which is not true!

"Sisihin mo ang magulang ko, but I miss you more baby halos minu-minuto kitang namimiss kahig nandito pa ko, alam mo namang kailangang nandun ako para sa business at isa pa, gustong gusto ko ng mahanap ang kapatid ko, gusto ko lang na bago man lang mawala ang sinuman sa magulang namin ay nakita man lang sya ulit" naramdaman kong lumungkot ang boses ni Cloud.

"But more than 20 years na syang nawawala, sa tingin mo ba mahahanap nyo pa sya?"

"Hindi ako nawawalan ng pag asa Aki, sayo nga hindi ako nawalan ng pag asa e, lalo pa kaya kay Skyler, alam mo naman na yung kwento diba?" sabi nya kaya tumango ako.

Dati daw kasi hindi pa mayaman sila Cloud at nagkasakit sya ng matinding-matindi at near death na sya halos he was just 3 years old that time.

Dahil sa ayaw syang mamatay ng magulang nya ay napagdesisyunan nito na ipa ampon ang kapatid nya na 5 years old.

Sa underground market daw pina ampon ang kapatid nya, kaya hirap na hirap sila ma trace ito kung sakaling buhay pa nga ito. Dahil sa pagpapa ampon kay Kuya Skyler naipagamot si Cloud. Nung time na babalikan na dapat ng magulang nya si Skyler dahil nagka negosyo na sila. Wala na ito at worst, kasama daw ito sa barko na nag sink kaya hindi talaga nila alam kung buhay pa si Skyler.
But their mom keep insisting na ramdam nyang buhay ang panganay nyang anak. Hindi pa daw sila nakakahingi ng tawad dito dahil sa ginawa nila.

Pero ang pinaka guilty sa lahat ay si Cloud, sinisisi nya ang sarili nya dahil kung hindi sya nagkasakit, malamang daw kasama nila si Skyler. Kaya grabe ang pagpupursige nyang hanapin ito.

"Kahit anong sabihin nyong lahat, alam ko at hindi matatanggi kasalanan ko kung bakit nawala si Kuya Skyler" sumobra ang lungkot nya.

Tumayo ako at niyakap sya.

"Hindi mo kasalanan yun. Bata ka pa nun. Sorry to say this pero pano kung namatay na nga dun sa shipwreck ang kapatid mo?" sabi ko.

"No Aki! Hindi lang si mama ang nakakaramdam na buhay si Kuya Skyler, even me nararamdaman ko kaya hindi ako susuko hanggat hindi ko sya nahahanap, gagawin ko ang lahat para makabawi sa kapatid ko." sabi nya.

"Sorry, basta nandito lang ako palagi. Okay? Mahahanap mo si Kuya Skyler" sabi ko.

"Thank you Akira" sabi nya. "I love you so much"

"I love you too" sagot ko. And we kissed again.

It's been 5 months already since magsimula kaming mag date ni Cloud at totoong masaya ako sa kanya dahil napaka mapag alaga at mapagmahal nyang tao. Napaka swerte ko sa isang tulad nya.

Nung umalis ng tanghali si Cloud ay bumalik na naman sa akin ang realidad. Magkikita kami ni Thunder.
Magkikita na kami ng dati kong asawa.
Kakayanin ko kaya?

Of course you can Akira! Naka move on ka na!

Sigaw sakin ng isip ko, pero itong puso ko kabadong kabado.

Ano na lang ang iaakto ko pag magkaharap na kami.

Aish! Bakit pa kailangan pa kasing mag krus ang landas namin ulit.

Okay lang yan Akira.
Kaya mo yan
Wag mo ng isipin na dati mo syang asawa.
He's just your former professor in Philosophy.
Wala ng iba.

Tama tama.
Kaya ko to.
Kayang kaya.
Sana nga kayanin.

---------
TBC

Pasensya na sa mga naiiklian sa update ko. Ganito kasi yan ha? Araw araw kasi ang update ko. Minsan twice or thrice pa kaya pagtiyagaan nyo na ha. Sorry talaga. Kaya ako ganito kasi nadala na din ako dun sa ang haba haba ng tinype ko tas biglang mabubura. Ayun sorry haha.

Ayan 5 years later na! Ganda na ni Akira ano? Malapit na sila ulit magkita ni Thunder. Tapos mag jowa na si Cloud at Akira hihi.

Ano kayang mangyayari?
Hehe comment and vote people.
Hindi lang kayo ang nae excite sa update. Ako din kaya!
Excited ako na basahin ang comments and reactions nyo. Hihi.

Sino na may mga guess sa mangyayari haha?

Comment and vote.
Thanks.

-Kaye

Continue Reading

You'll Also Like

2M 78.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
7.6M 219K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
15.3K 702 6
The picture was not mine, so credit to the owner.
49.1K 723 13
Sharlene San Pedro has it all. Perfect family, good education but never syang nakapag-decide on her own. Her life was planned from the moment she was...