A & A

By faithrufo

928K 22.7K 7.7K

ASHER Marami ang nagpapantasya na maging girlfriend ni Asher Martinez. Marami na din ang sumubok na baguhin s... More

Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling Kabanata
Chansingan mo 'ko? (Stasg Deleted Scenes)
STASG (rewritten)

Kabanata 2

27.1K 541 57
By faithrufo

• ASHER •

Kasama kong bumaba papuntang canteen sina James, Enrico, Troy at Hannah pagka recess. Inaya kong bumaba si Adrianna pero tinatamad daw siya. Napailing nalang ako dahil sigurado akong ayaw lang nun sumama dahil kasama namin si Enrico.

"Magkakanin kayo?" tanong ni James.

Sumimangot ako, "Hindi na muna, haba ng pila eh."

"Bibili akong inumin, sino magpapabili?" tanong ni Enrico sa amin.

"Coke lang ako, Rico." Sabi ni Hannah bago iabot kay Enrico 'yung ten pesos niya. "Please and thank you!"

Kinuha ko 'yung bente ko sa bulsa at inabot din kay Enrico. "Isang coke tsaka sprite," sabi ko sakanya at tinanguan niya ako bago tanggapin 'yung pera. "Ikaw ba, 'tol? May papabili ka?"

"Kahit anong chichirya na," sabi niya bago tignan si James. "Ikaw J?"

"Sasama ako bumili," sagot niya.

Naghiwa-hiwalay na kami. Ako lang ang bumili ng mga makakain. Siksikan sa bandang bilihan ng chichirya pero konting pag ngiti lang sa mga babaeng nakaharang at sa tindera, mabilis kong nakuha ang mga pagkain.

Nasa labas ng canteen naghihintay si Troy at Hannah. Wala pa si James at Enrico pero panigurado saglit nalang lalabas na 'yung mga 'yon. Inabot ko kay Hannah 'yung pinabili niyang cracklings tapos 'yung pillows naman ay kay Troy.

"Walang chiks sa room niyo, Hannah?" tanong ko habang kinakain 'yung binili kong v-cut.

"Ako chiks ako," sagot niya bago tumawa. Nagtinginan lang kami ni Troy at sabay na umiling kaya't pingot ang inabot naming dalawa. "Ang bad niyo ha!" sabi niya samin na tinawanan ko lang.

"Pero seryoso, wala talagang chiks kahit isa?"

"Ako nga," sagot niya.

"Sabi ko chiks, hindi manok."

Sinimangutan ako ni Hannah bago kumapit sa braso ni Troy. "Trooooy! Binubully ako ni Asher."

"Gantihan mo," ang tanging sagot ni Troy. Walang ka emo-emosyon o kahit maliit na ngiti man lang. Minsan napapaisip ako kung tao ba si Troy o kung bakit namin siya kaibigan. Napaka tahimik at walang duda na siya ang pinaka mabait saming lahat. Kumpara samin, santo na siya.

Sumimangot lang si Hannah kaya't napangisi ako. Hindi nagtagal dumating na din si James at Enrico, dala dala 'yung mga inumin namin.

"Coke mo tsaka sprite oh," sabi ni Enrico.

Kinuha ko 'yung mga inumin at nagpasalamat bago sabihing, "Mauna na ako sa taas ah?"

"Aakyat ka na?" tanong ni James.

"Aabot ko 'to kay Adrian."

"ADI," sabay sabay nilang sabi pwera kay Enrico na naguguluhan lang kaming tinignan.

Ngumiti ako, "Adi pala."

"Anong meron sa Adi?" tanong ni Enrico.

"Ayun na daw bagong palayaw ni Adrianna," paliwanag ni Hannah. "Ayaw na niya ng Adrian. Parang panlalaki daw."

"Oh?" Tumawa si Enrico.

Tumango ako. "Sundin nalang natin at baka mamaya ma flying kick tayo."

Nagpaalam na ako sakanila at ang huling narinig ko ay si James na pinagsasabihan sila na 'wag tawanan si Adrianna.

• ADRIANNA •

Gumalaw ang upuan sa tabi ko at naamoy ko ang pabango ni Asher. Nanatili akong nakayuko, inaantok parin dahil sa subject naming Math at Physics. 'Yung mga subject na 'yun dapat i-ban sa umaga! Sobrang nakaka antok. Unang araw ng klase, 'di ba dapat puro pagpapakilala at paghahanda lang ang ginagawa namin? Pero hindi. Naglesson kaagad si Ma'am Catacutan tungkol sa vector vector at scalar something something.

Nakakantok talaga.

Hindi ko pa seatmate si Asher. Ginawang alphabetical ang seatingg arrangement namin kaya magkalayo kami dahil M siya at G naman ako.

"Sprite mo oh," sabi ni Asher at naramdaman ko 'yung malamig na plastic ng sprite na dumikit sa balat ko.

Inilayo ko ang braso ko sakanya at nanatiling nakayuko. "Malamig," sabi ko.

"Kunin mo na," sabi niya. "Iinuman ko 'to."

"Wag." Dumiretso na ako at kinuha sakanya 'yung inumin. "Meron ka ng sa'yo eh."

Nginitian niya ako at wala ng sinabi. Nakatingin lang siya at nararamdaman ko nanaman ang puso ko na natutunaw kaya sinimangutan ko siya. "Anong tinitingin tingin mo dyan?"

"Wala lang," sagot niya bago alisin ang tingin niya para kumain.

Kinalma ko ang nagwawala kong puso at kinagat ang loob ng pisngi ko. "Ako walang chi-chirya?" tanong ko sakanya.

"Kulang pera ko e," sabi niya. "Gusto mo v-cut?"

"Ayoko 'yan," sagot ko. "Gusto ko ng matamis ngayon. Fudge bar ganon."

"Bumili ka."

Nangalumbaba ako, "Nakakatamad bumaba."

"Oh edi magutom ka."

Nag pout ako bago isandal ang ulo ko sa balikat niya. Tahimik lang kami, si Asher nagte-text habang ako naman ay pinapanood ang mga kaklase namin.

Nasa may teacher's table nakatambay ang mga dati ko pang kaklase. Mula first year kasama ko na sila pero kahit ganun ay hindi ko sila gaanong ka-close. Si Tris, Ethel, Kei at 'yung tatlong lalaki na si Kris, Henry at Jared. Masaya sila at maingay, parang ang sarap makisama.

"Maganda 'yun noh?" biglang tanong ni Asher.

"Sino?"

Ginalaw niya 'yung balikat niya kaya inalis ko 'yung ulo ko sa pagkakasandal dito. "Ayun oh, 'yung transferee. Anong pangalan niya?"

Sinundan ko 'yung direksyon ng mga mata niya at nakita 'yung isang transferee-ng babae na mahaba ang buhok. May itsura siya kahit na may ilang tigyawat siya sa noo tapos maputi.

"J something," sagot ko kay Asher kahit naninikip ang dibdib ko sa selos. "Jessa yata."

"Panira lang 'yung tigidig niya sa noo."

Kinagat ko 'yung ibabang labi ko para hindi matawa at isinangga ang balikat ko sa balikat niya. "Bad ka."

Umabante siya sa upuan niya at sinilip ang mukha ko. "Bakit?" tanong ko at medyo namilog ang mga mata nang haplusin niya 'yung pisngi ko.

Oh my shit, this guy. Hindi niya ba alam ang epekto niya sakin? "Makinis na mukha mo noh?" tanong niya. Nahihirapan akong huminga. Ang lapit ng mukha niya. "Dati may pimples ka din eh." Inalis niya 'yung kamay niya at inilipat 'to sa mukha niya. "Sakin ba makinis?" tanong niya bago kunin ang kamay ko para haplusin ko din 'yung mukha niya.

"Matagal ka ng makinis," sabi ko at inalis 'yung kamay ko sa mukha niya dahil baka maramdaman niya ang panginginig ko. "Kahit kelan yata hindi ka nagka tigyawat."

Ngumiti siya, "Kaya pogi ko 'di ba?"

"As if!"

"Sus, kung alam ko langー"

"Sher!" sigaw ng isang tao na nasa pintuan ng classroom namin. Sabay kaming napalingon ni Asher at nakita si James na nakatayo doon. "Eto na 'yung fudge bar mo oh," sabi niya habang pumapasok ng classroom. "Otso ko?"

"Bigay mo kay Adrianna," sabi ni Asher. "Siya may gusto nyan eh."

Gulat kong tinignan si Asher. "Nagpabili ka?"

"Oo," sagot niya. "Tinext ko siya. Nasa baba pa naman siya kanina kaya ayos lang. Otso daw, bigyan mo."

"Waaah thank you!" Nakangiting sabi ko kay James bago kapain 'yung bulsa ko para sa barya.

"Ah, 'wag na!" Sabi ni James kaya naman napatigil ako. "Para sa'yo pala. Libre nalang."

"Talaga?" tanong ko.

"Oo, otso lang naman eh."

"Hala, salamat."

Nginitian niya ako, "Wala 'yun. Sige na, punta na ako sa room ko."

Kinuha ko na 'yung fudge bar sakanya. "Thank you ulit!" sabi ko bago masayang sumandal sa balikat ni Asher. Tinanguan kami ni James bago maglakad palayo.

"Masaya ka na?" tanong ni Asher. "Naka libre ka pa."

"Oo, kanina pa ako nag c-crave dito."

Umalis ako sa pagkakasandal kay Asher at binuksan na 'yung fudge bar. Kumagat ako kaagad at feeling ko nasa heaven na ako sa sarap nito.

"Pahingi nga ako," sabi ni Asher kaya naman nilapit ko sakanya 'yung pagkain. Gamit mga daliri niya, kumuha siya ng konti. "May tanong ako."

"Ano?" tanong ko bago kumagat.

"Sino 'yung gusto mo?"

Sinimangutan ko siya. "Tigilan mo na nga ako jan," sabi ko kahit puno pa ng pagkain ang bibig ko.

"Ba't ba ayaw mong sabihin sakin?"

"Eh kasi ayoko."

Ayokong malaman mo na ikaw ang gusto ko dahil sigurado ako na kapag nalaman mo, lalayuan mo na ako. Ayoko. 'Di bale ng nasasaktan, atleast nandyan ka parin.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 218 37
After the death of a world-renowned, highly popular idol in the Philippines, an anonymous informant named 'Tita Tea' will shock everyone by revealing...
210K 3.9K 21
Dice and Madisson
8.2K 876 35
Lynsie Jade Villegas x Jearence Louie Sanchez