Lady of the Blue Moon Lake

Od msrenasong

136K 4.1K 498

Sagittarius Heartfelt, typical na tipo ng estudyante. Mabait, Masayahin, may pagka mainitin ang ulo, likas na... Více

Lady of the Blue Moon Lake
Chapter 1. The Lady
Chapter 2: Hallucinations
Chapter 3: Unknown Visitor
Chapter 4: Lilian
Chapter 5: How do I call this day?
Chapter 6: Just a Simple Day
Chapter 7: Glimpse of What's Within
Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness
Chapter 9: Bleak
Chapter 10: Unexpexted visitor
Chapter 11: A Warm Greetings
Chapter 12: Comfortable
Chapter 13: Home
Chapter 14: His Decision
Chapter 15: Last Normal(?) Day
LOTBML Facts
Chapter 16: Timothy von Flavel
Chapter 17: Sad Flower
Chapter 18: Red moon. Little Miss Lilian
Special Chapter: LOTBML and Elements Crossover
Special Chapter: Crossover Part II
Chapter 19: The Vows, New Water Meister
Chapter 20: Lilian's First Day of School
Chapter 21: Lilian the Popular
Chapter 22: Memory from the Heart
Chapter 23: Someone from the Past
Chapter 24: Remembering Someone
Chapter 25: Sagi's Weird Feelings
Chapter 26: Sagi's First Fight
Chapter 27: Lover
Chapter 28: Getting Close
Chapter 29: Cashmere
Chapter 30: Fallen Angel
Chapter 31: The Awakening of the Fire
Chapter 32: Being a Meister
Chapter 33: Incantations
Chapter 34: Angelica, The Guardian Spirit
Chapter 35: Water and Earth
Chapter 36: Fight to Pursue
A Valentine Special
Chapter 37: Fight to Pursue (Part 2)
Chapter 38: Explaining things
Chapter 39: The Wind Element's Meister
Chapter 40: Start of being a chosen
Chapter 41: The Suffering of the Meister
Chapter 42: Vacation in Sequoia
Chapter 43: Vacation in Sequoia II
Chapter 44: Fire's Compromise and Water's Catastrophe
Chapter 45: Back to School
Chapter 46: Enemies
Chapter 47: Who's the Enemy?
Chapter 48: Suspicions
Chapter 49: Truth Revealed
Chapter 50: Silhouette of a God
Chapter 51: Silhoutte of a God 2
Chapter 52: Pain
Chapter 53: Distance
Chapter 54: New Water Goddess
CHAPTER 57: Giulia's Side
Chapter 58: GIULIA'S GRIEF
Chapter 59: Catleya
Chapter 60: Full Moon
LOTBML 2ND ARC
2nd Arc: Chapter 2

Chapter 56: Loyalty

705 38 5
Od msrenasong


Puno ng katahimikan ang bahay ng magpinsang Heartfelt. Akala nila ito na ang inaasahan nilang araw ngunit nagkamali sila. Parehong nagulat ang dalawa sa mga sinabi ng babae. Sya raw ang bagong goddess ni Sagi. Nagbibiro ba sya? Paano nangyari iyon eh may kontrata sila ni Lilian at hindi pa tapos ang misyon nila?

"Ano, miss? Pwede mo bang ipaliwanag kung anong nangyayari? Totoo ba yung sinabi mong ikaw ang bagong water goddess? Nasaan si Lilian?" sa wakas ay binasag ni Leo ang katahimikan.

"Catleya ang pangalan ko. At oo ako nga ang bagong water goddess. Si Lilian ay naroon pa sa aming kaharian at nasa pangangalaga sya ng council. Dahil sa nangyaring labanan nung nakaraan kung saan kamuntikan ng mapahamak ang maraming sibilyan pati na rin ang buhay ng water meister ay nagdesisyon ang council na panahon na upang palitan si Lilian bilang keeper." paliwanag ng babae.


"Teka bakit naman sya papalitan kaagad? Hindi naman nya yun kasalanan. Atsaka hindi ba normal lang naman ang ganung mga labanan? Isa pa nagsisimula pa nga lang sina Sagi at Lilian sa misyon nila kaya diba ayos lang naman na magkaroon ng ganoong gulo?" hindi makapaniwala si Leo sa narinig nya. Parang ang bilis naman na papalitan si Lilian ng dahil lamang doon. Si Sagi naman ay tahimik lang na nakikinig. Hindi mabasa ni Leo kung ano ang nasa isip ng pinsan ng tingnan nya ito.


"Hindi ninyo naiintindihan. Si Lilian ay hindi nakatakda na maging meister ni Sagittarius." sa sinabing ito ni Catleya ay napatingin na si Sagi sa kanya ng may pagtataka. "Ang keeper ng mga elemento ay katulad lamang din ng mga meister. Napapalitan ito paglipas ng mga taon. Kung sa mga dyosa, limang meister lamang ang dapat nilang mahawakan at mabantayan pagkatapos noon ay tapos na ang kanilang termino bilang keeper at magkakaroon na naman ng panibagong goddess. Ngunit hindi pumayag si Lilian na maipasa sa iba ang kapangyarihan ng elemento ng tubig. Pumayag ang council sa kagustuhan nyang magtagal dahil sa magandang reputasyon. Subalit dahil sa nangyaring labanan na muntik nang ikamatay ni Sagittarius ay nagdesisyon ang council na maaring ito na ang panahon para palitan si Lilian dahil hindi nya nagawa ng maayos ang misyon nya ngayon." pagpapaliwanag ni Catleya.


"Pero diba yun nga ang isa sa mga problemang kakaharapin sa misyon? Malalagay at malalagay sa panganib ang buhay ng napiling meister pumayag man sya o hindi sa kasunduan at sa kontrata?" nagsalita na rin si Sagi ngunit may bakas ng galit sa kanyang tinig.

"Oo tama ka doon pero ang tungkulin ng mga keeper kapag naipasa na ang kapangyarihan sa mga meister ay protektahan sila hanggat maari hanggang sa magkasama-sama ang apat na meister at makompleto ang misyon. At sa lagay ni Lilian, wala pa kayo sa kalahati pero umabot na sa puntong kinailangan ni Reyna Elisse na tulungan ka upang makabalik."


"Sige, ipagpalagay na natin na nagkulang nga si Lilian sa pagbabantay sakin pero ako may pagkukulang din. Hindi ko nagawang maging mas malakas pa kaya hindi ko sya nagawang tulungan na alamin ang totoong nangyayari sa eskwelahan kaya umabot sa ganoon. Hindi sapat ang kakayahan ko dahil hindi naging maayos ang mga training ko kasi matigas ang ulo ko. Palagi ko na lang na iniinis si Lian kaya hindi kami makausad kahit sabihin pa nya na fast learner ako. Idagdag pa na hindi rin ako confident sa sarili ko na maging water meister. Kahit ako kinikwestyon ko ang pagiging meister dahil ayaw ko sa tubig. Hindi kaya pati na rin ako dapat ring palitan?!" naiinis na tugon ni Sagi. Hindi nya gusto na papalitan na lang ng basta si Lilian dahil doon. Hindi naman ata tama na isang panig lang ang ikonsidera sa pagdedesisyon. Sandaling natahimik si Catleya sa sinabi ni Sagi.


"Pasensya ka na pero kailangan naming sumunod sa council. Sila ang nagdedesisyon sa mga dapat gawin at sila rin naman ang nagtatalaga sa magiging keeper at meister na pinili ng kalikasan." malumanay na tugon ni Catleya. Wala naman talaga silang magagawa kung nakapagdesisyon na ang council.


"Hindi naman tama iyon! Ni minsan hindi ko pinangarap na maging meister, hindi ko naisip na magugulo ang buhay ko dahil sa ako ang napili at hindi ko inakala na darating si Lian ng biglaan dahil lang sa desisyon ng council na iyan! At ngayon dahil na naman sa kanila magugulo na naman lahat?! Alam ba nila kung gaano kahirap ang magbago ang buhay ng isang normal na batang katulad ko dahil sa mga desisyon nila at tapos ngayon kukunin nila si Lian dahil sa pagkakamali nya at papalitan mo sya ng basta basta na lang at wala man lang na pasabi? Oo alam ko isa lang akong tao pero sana naman bilang isang meister ay ikonsidera din nila ako. Hindi lang ito tungkol sa misyon at sa pagsasa-ayos ng mundo. Ugnayan ng meister at goddess ang nakasalalay dito." hindi na napigilan pa ni Sagi ang pagtaasan ng boses ang babae kahit na medyo naguguilty sya na gawin iyon dahil sa sumusunod lamang ito sa utos sa kanya.


"Sagi, kumalma ka muna." pigil ni Leo sa pinsan. "Miss Catleya, babalik pa ba si Lilian? Makikita pa ba namin sya ulit? Kung aalis nga talaga sya sana man lang makausap namin sya para magkaliwanagan."


"Babalik si Lilian dito pagsapit ng full moon. Kung saan puputulin na nya ang... kaugnayan kay Sagittarius at aalisin ang kontrata nilang dalawa..." nag-alangan pang sumagot si Catleya dahil batid nyang hindi matutuwa ang dalawa sa sasabihin nya.


"Ano?! Puputilin?! Seryoso ba talaga sila dito?!" hindi na napigilan ni Leo ang mapabulalas sa narinig. Kung ganoon ay si Catleya na nga talaga ang magiging bagong dyosa ng tubig.


"Oo, pinal na ang desisyon ng council."



"Tsk! Hindi pwede! Kailangan kong makausap si Lian! Nandoon sya sa kaharian nyo diba? Pwes pupuntahan ko sya doon!" bakas ang galit sa mukha ni Sagi na iniwan ang dalawa sa kusina at nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay.


"Sagi!" hindi na nagawa pang habulin ni Leo ang pinsan. Paglingon nya sa kanyang likuran ay wala na rin si Catleya. Malungkot na napasandal na lang si Leo sa pader ng kusina. Batid nyang mas lalong nasasaktan ang pinsan nya at malapit na rin si Lilian sa kanila kaya hindi nya rin magawang isipin na aalis ito.


---------------------------------------


Hingal na hingal si Sagi nang marating ang Blue Moon Lake. Wala syang ideya kung paano sya makakapunta sa kaharian ng mga dyosa pero nagbabakasakali syang isang daan papunta roon ang lawa.

Palapit na si Sagi sa lawa nang harangan sya ni Catleya.

"Pasensya ka na Sagittarius pero hindi kita hahayaang gumawa ng kahit anong padalos dalos na hakbang." may diin na wika ni Catleya.



"Umalis ka dyan. Kailangan kong makausap si Lian." Muling humakbang si Sagi palapit sa lawa ngunit naglagay ng barrier si Catleya.


"Pasensya ka na pero kahit anong pilit ang gawin mo hindi kita papahintulutan. Kailangan nating sumunod sa utos ng council. Kung gusto mong makausap si Lilian, hintayin mo ang pagsapit ng full moon."

"Hindi ko na mahihintay ang full moon! Wala akong paki sa council na yan! Ang problemang ito ay sa pagitan namin ni Lian!" nakaramdam naman ng konting takot at paghanga si Catleya kay Sagi dahil sa mga sinabi nito. Malakas ang loob nya para sabihin ang bagay na iyon sa council na isa sa mga may pinakamataas na tungkulin sa kanilang kaharian.



"Gayunpaman ay hindi pa rin kita hahayaang gumawa ng kahit anong hakbang na maaring magpalala sa sitwasyon."



"Sige kung matigas ka talaga wala na akong magagawa..." nagtaka naman si Catleya sa mga sinambit ni Sagi at ikinagulat nya ang sunod na ginawa nito. "*Remorph! Gladiolus!*" Inilabas ni Sagi ang kanyang armas at sinugod si Catleya.



"Huwag!" napatigil sa pag atake si Sagi kay Catleya na akma na ring maglalabas ng armas sa pagsigaw ni Ansha.



"Angelica?" nakahinga naman ng maluwag si Catleya dahil sakto ang pagdating ni Ansha.


"Sagi ano bang ginagawa mo?" malungkot na tanong ni Ansha kay Sagi at patakbong lumapit dito. Inalis naman na ni Sagi ang kanyang armas at tahimik na yumuko. "Wala namang kinalaman si Catleya sa kung ano mang desisyon ng council kaya hindi ko sya kailangang pagbuhatan ng iyong armas. Sumusunod lamang sya sa kanilang mga utos. Patawarin mo rin ako dahil nahuli akong sabihin sa iyo ang tungkol rito. Pagdating ko sa bahay ninyo nasabi sa akin ni Leo ang nangyari. Kung mas binilisan ko lang sana baka naiwasan ito. Nagkagulo na tuloy ngayon, pasensya na, Sagi." wika ni Ansha sa malungkot na tinig habang nakahawak sa kamay ni Sagi.


"Ako ang dapat na humingi ng tawad. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Pero gusto ko lang talagang makausap si Lian." mapait na wika ni Sagi. Nakaramdam naman ng kirot sa puso si Ansha dahil muli na naman nyang nakitang nagkaganito si Sagi.



"Nauunawaan ko pero kailangan nating maghintay ng full moon. Sa pagkakataong iyon pwede mo nang itanong kay Lilian o sa council ang mga gusto mong malaman at maunawaan. Dahil kahit magawa mong lagpasan si Catleya ay hindi ka makakatawid sa aming kaharian. Walang mortal ang may kakahayaang makatawid sa aming mundo." saad ni Ansha.


Naikuyom naman ni Sagi ang kanyang mga kamay. Naiinis sya dahil wala syang magawa kung hindi ang maghintay.  Napatango na lang sya sa mga sinabi ni Ansha.


Sa mga nakita ay nakahinga na rin ng maluwag  si Catleya. Hindi nya inakala na ganito pala kahirap ang maging guardian ng water meister. Inalis na nya ang barrier na nakapalibot sa lawa.


"Tara na Sagi, umuwi na tayo." pag-aaya ni Ansha.


"Pwede bang...iwan nyo na lang muna ako rito." nag-alala na naman sina Ansha at Catleya sa sinabi ni Sagi. "Wag kayong mag-alala wala akong gagawing kakaiba. Gusto ko lang mapag-isa." pagsisiguro ni Sagi sa dalawa.



Nagkatinginan naman si Ansha at Catleya. Tinanguhan ni Ansha si Catleya hudyat na hayaan muna nila si Sagi tutal ay buo ang tiwala nya sa sinabi nitong wala syang gagawing kakaiba.



Nang makaalis ang dalawa ay marahang lumapit si Sagi sa lawa at naupo sa malaking bato sa gilid nito. Napansin nya ang mga bulalak ng lily sa gilid at pumitas sya ng isa noon. Maingat nya itong pinalutaw sa tubig.



"Lian...naririnig mo ako diba? Bakit? Bakit hindi mo ako pinagkatiwalaan? Kung sana sinabi mo lang sakin ang nangyayari noon baka natulungan kita. Baka sakaling naiwasan natin na magkaroon ng malaking pinsala at kaguluhan."  mahinang wika ni Sagi habang inaalala ang mga nangyaring labanan noong nakalipas na mga araw.



"Noong nagkasundo tayo at pumayag ako sa kontrata dito mismo sa lawang ito, magpartner na tayong dalawa. Magkasama tayong lalaban. Pero bakit kailangang pasanin mo ang problemang iyon ng ikaw lang?"

-------------------------


"Lian, alam ko malaki rin ang pagkukulang ko. Kaya siguro hindi rin kita masisi na hindi magtiwala sa akin. Matigas kasi ang ulo ko. Ayoko pa ring tanggapin ang lahat. Pero handa na ako ngayon. Pakiusap bumalik ka na. Ayoko ng bagong dyosa. Ayoko na itama ang lahat sa ganoong paraan."



Hindi maitago ni Lilian ang kalungkutan at pagsisisi habang naririnig nya ang mga daing ni Sagi sa kanyang silid. Sa sobrang pag-aalala nya kay Sagi pati na rin sa mga kaibigan nila sa eskwelahan ay nagawa nyang solohin iyon. Kinwestyun nya ang sarili sa pagtitiwala nya kay Sagi.



"Sagi...patawad...hindi sa wala akong tiwala sayo...ayoko lang na masaktan ka. Alam ko na ang tanging lugar na lamang na pakiramdam mo na normal ka ay ang eskwelahan kaya ko naisipang itago iyon sa iyo. Pero tama ka. Magpartner tayo kaya hindi ko dapat ginawa iyon.  Ako ang iyong dyosa kaya dapat lamang na ipakita ko sa iyo ang reyalidad ng mundong ginagalawan mo na ngayon. Patawad Sagi, nagkamali ako at huli na ang magsisi pa ako dahil mukhang hindi ko na maitatama ang lahat." hindi na napigilan ni Lilian ang mapaluha habang yakap ang sarili na nakaupo sa kanyang kama.


"Kung naririnig mo ako Lian pakiusap bumalik ka na. Wala akong ibang gusto kundi iyon lang. Pangako aayusin ko ang sarili ko. Makikinig na ako sayo. Paghuhusayan ko pa lalo sa training. Pakiusap lang bumalik ka. Wala akong ibang dyosa kundi ikaw lang. Sa pagsapit ng full moon maghihintay ako sayo, hindi para putulin ang kontrata natin, kung hindi para sa pagbabalik mo."

Tumayo na Sagi at nagdesisyon ng bumalik dahil dumidilim na at ayaw nyang mag-alala ng husto si Leo. Samantala sa hindi kalayuan ay naroon si Catleya na nagmamasid kay Sagi. Sa kanyang mga narinig ay nabatid nyang kahit pilitin ng council na sya ang maging bagong dyosa ng tubig ay hindi kailanman mapapasakanya si Sagi.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...