Lady of the Blue Moon Lake

By msrenasong

136K 4.2K 498

Sagittarius Heartfelt, typical na tipo ng estudyante. Mabait, Masayahin, may pagka mainitin ang ulo, likas na... More

Lady of the Blue Moon Lake
Chapter 1. The Lady
Chapter 2: Hallucinations
Chapter 3: Unknown Visitor
Chapter 4: Lilian
Chapter 5: How do I call this day?
Chapter 6: Just a Simple Day
Chapter 7: Glimpse of What's Within
Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness
Chapter 9: Bleak
Chapter 10: Unexpexted visitor
Chapter 11: A Warm Greetings
Chapter 12: Comfortable
Chapter 13: Home
Chapter 14: His Decision
Chapter 15: Last Normal(?) Day
LOTBML Facts
Chapter 16: Timothy von Flavel
Chapter 17: Sad Flower
Chapter 18: Red moon. Little Miss Lilian
Special Chapter: LOTBML and Elements Crossover
Special Chapter: Crossover Part II
Chapter 19: The Vows, New Water Meister
Chapter 20: Lilian's First Day of School
Chapter 21: Lilian the Popular
Chapter 22: Memory from the Heart
Chapter 23: Someone from the Past
Chapter 24: Remembering Someone
Chapter 25: Sagi's Weird Feelings
Chapter 26: Sagi's First Fight
Chapter 27: Lover
Chapter 28: Getting Close
Chapter 29: Cashmere
Chapter 30: Fallen Angel
Chapter 31: The Awakening of the Fire
Chapter 32: Being a Meister
Chapter 33: Incantations
Chapter 34: Angelica, The Guardian Spirit
Chapter 35: Water and Earth
Chapter 36: Fight to Pursue
A Valentine Special
Chapter 37: Fight to Pursue (Part 2)
Chapter 38: Explaining things
Chapter 39: The Wind Element's Meister
Chapter 40: Start of being a chosen
Chapter 41: The Suffering of the Meister
Chapter 42: Vacation in Sequoia
Chapter 43: Vacation in Sequoia II
Chapter 44: Fire's Compromise and Water's Catastrophe
Chapter 45: Back to School
Chapter 46: Enemies
Chapter 47: Who's the Enemy?
Chapter 48: Suspicions
Chapter 49: Truth Revealed
Chapter 50: Silhouette of a God
Chapter 52: Pain
Chapter 53: Distance
Chapter 54: New Water Goddess
Chapter 56: Loyalty
CHAPTER 57: Giulia's Side
Chapter 58: GIULIA'S GRIEF
Chapter 59: Catleya
Chapter 60: Full Moon
LOTBML 2ND ARC
2nd Arc: Chapter 2

Chapter 51: Silhoutte of a God 2

583 28 3
By msrenasong

"Bakit hindi tayo magbalik tanaw sa nakaraan? Baka sakaling magbago ang iyong isipan?" nakangising wika ni Rigel. Alam nyang sa pagkakataong iyon ay mapapasakamay na nya ang Dyosa ng tubig.

"Teka!!" batid ni Lilian ang kakayahang iyon ni Rigel ngunit nahuli na sya. Lalo pang nagliyab ang mga apoy na nakapalibot sa kanya kasunod noon ay tila bumubuo iyon ng mga imahe.
Pamilyar iyon sa kanya. Alam nya ang kwento sa loob ng mga apoy at sya ang bida roon.

---------------------

"Ina, Ama aalis na po kami." paalam ng tatlong magkakapatid sa kanilang mga magulang na abala sa pagtatrabaho sa bukid. Kinawayan naman sila ng mga magulang bilang tugon.

"Mag-aaral ako ng mabuti para hindi na magtrabaho pa sina ina at ama sa bukid. Atsaka para na rin makatira tayo sa bayan at makabili ng magagandang kagamitan at kasuotan." masigasig na wika ng bunso.


"Aba tama iyan Lucio. Dapat talaga tayong magsipag lahat sa pag-aaral para kina ina at ama." natutuwang tugon ng nakatatanda, si Anton.


"Sang-ayon din ako dyan. Pero di na natin kailangan pa na tumira sa bayan. Masaya naman dito sa sa atin sa bukid. Mababait ang ating mga kapitbahay at sariwa pa ang hangin." saad ng ikalawa at nag-iisang babae, si Serene.


"Ano ka ba ate? Mas masaya sa bayan. maraming mga imprastraktura doon at maraming mga nakakaaliw na bagay. Ayaw nyo bang maranasan ang buhay na may mga teknolohiya?" giit ng bunso.


"Maganda nga roon pero kapag umalis tayo dito malalayo na tayo sa mga kaibigan natin. Isa pa, mahal nina ina at ama ang lugar natin dito."


"Pero mas maganda ang buhay sa bayan. Katulad na lamang ng sa ka-eskwela ko, marami syang mga magagandang laruan at palagi syang naipapasyal ng kanyang mga magulang sa magagandang lugar."


"Bakit mas gusto mo ba ang mga laruang gawa sa plastic kumpara sa pakikipaglaro sa mga kaibigan mo dito? Tsaka naipapasyal naman tayo nina ina at ama diba?"

"Naku wag nyo ng pagtalunan ang bagay na iyan. Lucio, hindi mahalaga ang mga materyal na bagay. Kasi ang mga iyon ay nasisira at madaling mawala. Hindi kagaya ng mga magagandang bagay na makikita mo dito sa atin sa bukid. At Serene, hindi rin naman masama na sumubok tayo ng bago. Sa ganoon, maaari tayong umunlad at mas matuto." awat ni Anton sa mga kapatid. Hindi nakapagtataka na sya nga ang panganay. Tumigil naman na ang dalawa at nagpatuloy na sila sa paglalakad papasok ng paaralan.

"Nais ko lang naman sana na mabigyan si ate ng magandang regalo para sa kaarawan nya bukas. Maraming nagagandang kasuotan sa bayan na tyak babagay sa kanya." mahinang bulong ni Lucio na hindi naman nakaligtas sa pandinig ng kanyang mga kapatid. Nagkatinginan naman sina Serene at Anton.

"Serene! Magandang umaga! Sa inyo rin kuya Anton, Lucio." napalingon naman ang magkakapatid sa dalawang babaeng sumalubong sa kanila sa unahan ng paaralan. Mga kaibigan at kaklase ni Serene.

"Magandang umaga rin sa inyo." masiglang tugon ni Anton sa dalawa. Nilapitan naman ni Serene ang mga kaibigan.

"Oh sya, magkita na lang ulit tayo mamayang uwian. Mauna na kami sa inyo." aniya ni Anton sa mga binibini at naiba na sila ng daan ni Lucio. Ihahatid pa kasi nya ang kanilang bunso sa klase nito at diretso na rin sya sa sariling klase pagkatapos.

"Sige kuya." tugon ni Serene at nagpatuloy na silang maglakad ng mga kaibigan papunta sa kanilang silid.


"Siya nga pala Serene, anong plano bukas sa kaarawan mo?" usisa ni Jenna sa kaibigan.

"Oo nga Serene! Imbitado ba kami sa handaan?" dugtong pa ni Mara.


"Ah, hehe sa totoo lang hindi ko alam. Wala namang nababanggit din kasi sina Ina at Ama. Pero wag kayong mag-alala dahil imbitado kayo kung may handaan na magaganap." nakangiting tugon ni Serene sa dalawa. Tuwang-tuwa naman ang mga ito at halatang sabik pa kesa sa magseselbra ng kaarawan.


"Magandang umaga Serene." bati kay Serene ng isang lalaki pagkapasok nila sa silid. Matangkad itong lalaki at may matipunong pangangatawan. Nakangiti ito na lalong nagpaaliwalas naman sa maamong mukha nito.

"Magandang umaga rin naman sa iyo Eliot." ganti ni Serene at naupo na sila. Mapapasin naman ang makahulugang mga ngiti at tinginan nina Mara at Jenna.

"Ah, Serene...ano kasi...pwede ba kitang ayain na pagmasdan ang magaganap na blue moon sa susunod na gabi?" nahihiyang tanong ni Eliot. Hindi ito halos makatingin kay Serene na buong pagtataka namang nakatingin sa kanya. Hindi naman na napigilan nina Jenna at Mara ang kilig sa nakikitanilang eksena.  "Tatapat iyon sa kaarawan mo mismo...naisip ko lang na mukhang magiging mas espesyal ang araw na iyon dahil sa blue moon...Kaya kung ayos lang pwede ba kitang ayain na panuorin yun?"


"Aba teka Eliot, masyado ka naman atang direkta dyan haha." pang-aasar ni Jenna.

"Huh? ah haha ano ka ba wala namang kahulugan iyon eh." ngunit tila kabaligtaran naman ang pinapakita ni Eliot. Mas lalo itong natuliro at nangamatis na ang pisngi sa pula. "Sa totoo lang ay aayain ko rin kayo ni Mara. Mas marami mas masaya diba? Atsaka bak kasi hindi naman payagan si Serene kung sya lang ang aayain ko."

"Naku ginawa mo pa kaming mga 'chaperone' ah."

"Huwag mo na kami ayain, ano ka ba? Pagkakataon mo na iyang dumiskarte eh." panunukso ng dalawa kay Eliot. Naguguluhan naman si Serene sa pag-uusap ng tatlo sa harapan nya.


"Ah sa tingin ko nga magandang ideya na panuorin ang blue moon bukas ng gabi." nagsalita na si Serene dahil pinagtutulungan na ng dalawa si Eliot. Napatingin naman ang tatlo sa kanya.
"Hindi pa rin kasi ako talagang nakakasaksi ng blue moon kaya gusto ko ring makita nang kasama kayo. Maaga kasi kaming nagpapahinga at nagsasarado ng bahay, hindi rin ako pinapalabas sa gabi kaya hindi ko pa rin talaga ganoong nasisilayan ang buwan." medyo alanganing wika ni Serene. Totoo iyon, maaga silang nagpapahinga dahil maaga rin silang nagigising at pagod na sa pagtatrabaho sa bukid ang kanyang mga magulang. Nagtataka rin sya dahil simula nung bata pa sya ay tila sadya na hindi pinapakita sa kanya ng mga magulang ang buwan. Bago lumubog ang araw ay nakasarado na ang kanilang mga bintana at pinto. Sinisita rin sya kung sakali mang sisilip sya mula roon.

"Huuuh?! talaga Serene? naku gawin nating mas espesyal ang kaarawan mo bukas! manunuod tayo ng Blue moon!" sabik na bulalas ni Jenna.

"Ipagpapaalam ka namin sa mga magulang mo Serene. Kaming bahala sayo bukas!" pagsisiguro ni Mara. Napangiti na lang din si Eliot.



KINABUKASAN...

    Masayang naghihintay si Eliot sa plaza ng kanilang bayan. Doon ang napag-usapan nila na tagpuan ng mga kaibigan. Sabik na sya dahil makakasama nya ang babaeng nakabihag sa kanyang puso sa kaarawan nito. Lubos syang nagagalak dahil sumang-ayon ito na plano nya mismo para sa kaarawan nito.


"Eliot!" napatingin si Eliot sa direksyon ng tinig ng babaeng hinihintay nya. Para namang kabayong tumatakbo ang kanyang puso sa bilis ng pintig noon. Napaganda ni Serene sa suot nitong puting bistida.


"Serene!" tumakbo na sya papalapit kay Serene. "Teka...nasaan sina Jenna at Mara?"


"Nauna na akong umalis. May gagawin pa daw kasi sila, hindi naman nila sinabi kung ano yun. Mabuti na lang at hinatid ako ni Kuya Anton hanggang dyan sa may unahan ng plaza."


"Ah ganoon ba? sige hintayin na lang natin sila. Maya-maya pa naman ang blue moon."

Naupo ang dalawa sa mahabang upuan na naroon sa plaza habang naghihintay. Nagkwentuhan na rin muna sila ng kung anu-ano para hindi sila mainip. Lumipas na ang ilang minuto ngunit wala pa rin sina Jenna at Mara.


"Naku nasaan na kaya ang dalawang iyon? Anong oras na wala pa rin sila. Baka may nangyari na sa kanila sa daan?" nag-aalalang wika ni Serene habang tinatanaw ang paligid at baka dumating na ang dalawa.


"Ang mabuti pa siguro puntahan na natin sila. May alam akong madaling daan." inaya ni Eliot si Serene na dumaan sa mas maiksing ruta para makarating na sila agad sa mga kabahayan at alamin kung nasaan na ang dalawa.


Habang naglalakad pabalik sa nayon ay napansin na nila ang unti-unting pag-aliwalas ng kalangitan at ang pagliwanag nito dahil sa buwan. Hindi naman maipaliwanag ni Serene ang kakaibang nararamdaman habang nakatingin sa buwan. Tila ba tinatawag sya nito.


"Magsisimula na ang blue moon. Halika Serene sakto may magandang lugar dito kung saan natin pwedeng mas makita ng maayos ang buwan. Panuorin muna natin sandali saka tayo tumuloy sa paghahanap kina Mara."


Tango lang ang tinugon ni Serene dahil sobra syang nadadala sa kagandahan ng buwan. Sa kanilang paglalakad ay napansin ni Serene ang tila maliliit na liwanag sa kanilang nilalakaran. Parang sinadyan ang mga iyon bilang gabay sa kanilang daan. Pagkarating nila sa dulo ay sumalubong sa kanila ang isang maliit na piging at nababalot ang paligid ng mga lampara na nakasabit sa mga puno bilang liwanag.

"MALIGAYANG KAARAWAN SERENE!!"


Nagulat naman si Serene ng biglang nagsilabasan ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan, kasama sina Jenna at Mara.


"Teka...anong ibig sabihin nito?" lubos na nasurpresa si Serene dahil hindi nya inaasahan ang ganitong pakulo para sa kanyang kaarawan.

"Anak maligayang kaarawan!" nilapitan si Serene ng kanyang ina at ama saka sya niyakap ng mahigpit.

"Maraming salamat po, ina, ama. Sobrang saya ko po ngayon. Nasurpresa po talaga ako." masayang wika ni Serene at gumanti ng mahigpit na yakap sa kanyang mga magulang.


"Sa totoo lang anak ang mga kaibigan mo ang nakaisip nito." anya ng kanyang ina at tumingin pa sa kanyang ama at tinanguhan naman sya nito. "Medyo nag-aalangan man kami ng iyong ama ay sumang-ayon kami para mapasaya ka namin sa kaarawan mo."


"Maligayang kaarawan Serene!" bati nina Jenna, Mara at Eliot.


"Pasensya na kung pinag-alala ka namin ah. Parte kasi ito ng plano eh." hinging paumanhin ni Mara.


"Ayos lang hehe maraming salamat dito. Sobrang espesyal ang araw na ito dahil sa inyo. Maraming salamat."
Nagkyakapan ang magkakaibigan at binati rin si Serene ng iba pang mga kaibigan. Nagsimula na ang kanilang kasayahan at kainan. Sa isang tabi naman, bagamat nakangiti ay hindi mapakali ang ina ni Serene.


"Sigurado ka ba talaga na ayos lang ito" tanong ng ginang sa kanyang asawa.


"Oo naman. Huwag kang mag-alala magiging maayos ang lahat. Huwag nating hayaang maging hadlang ang ating pangamba para maging masaya si Serene...isa pa...maaring ito na ang huli na makikita natin syang nakangiti ng ganyan." bakas ang lungkot sa mga mukha ng mag-asawa na nakatingin sa kanilang anak.


"Bakit kailangang si Serene pa? Bakit sya pa ang napili?" halos maiyak na ang ginang na sinariwa ang nakaraan.



[Labing-anim na taon na ang nakakalipas...]

"Uwaahhh! uwaaahh!!"


Sa kabila ng malakas na hampas na mga hangin at nangagalit na kidlat kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay maririnig ang mumunting iyak ng isang bagong silang na sanggol.

"Ah! isang malusog na babae ang inyong anak!" bulalas ng kumadrona ng mailuwal na ng kanyang pasyente ang anak nito.

"Salamat sa Diyos! Tignan mo mahal ko ang anak natin!" tuwang-tuwa na inakay ng ama ang sanggol matapos itong malinisan at maibalot sa malinis na puting tela.

Sa sobrang panghihina naman ang ina ay nakangiti na lamang nitong tinitignan ang kanyang anak. Pinatong ng kanyang asawa ang sanggol sa kanyang dibdib itong itoy kanyang mahagkan. Larawan ng isang masayang pamilya ang makikita sa mga sandaling iyon. Ngunit nabalot ng gulat at pagkamangha ang lahat ng may asul na liwanag ang lumitaw mula sa sanggol.

"Ano ito?!"

"Mahabaging Diyos! anong nangyayari sa anak ko?!"




"Ang sanggol na inyong anak ang syang napili ng kalikasan." napalingon naman ang mag-asawa sa kumadrona. Magkahalong takot at pagkamangha ang kanilang naramdaman nang magliwanag rin ito at mula sa isang matanda ay naging isa itong magandang dilag.


"P-pakiusap...wag nyo po kaming saktan." natatakot na yukod ng lalaki sa dilag. Niyakap naman ng mahigpit ng babae ang kanilang sanggol.


"Huwag kayong mabahala at matakot. Narito ako para sa isang magandang balita. Ang inyong anak ay itinakda ng kalikasan upang kanyang maging armas at tagapag-alaga." saad ng dilag. "Palakihin ninyo ng mabuti ang sanggol. Alagaan at mahalin. Balang araw, darating ang panahon na gagamapanan nya ang kanyang tungkulin. Sa gabi ng maliwamag na buwan sa tapat ng asul na tubig ay kukunin sya ng kalikasan." pagkatapos magsalita ng dilag ay naglaho na lamang ito na parang bula.


Hindi naman nakakilos kaagad ang mag-asawa. Napaiyak naman ang babae ng matauhan at hinalikan ang anak.

"Hindi ko alam kung anong mararadaman ko sa kapalarang ito ng ating anak. Gayunpaman, nais ko pa rin na mabuhay ng normal ang ating anak." mahinang wika ng babae .

"Isang karangalan na malamang isang dyosa ang ating anak. Kaya dapat tayong maging masaya." tugon ng lalaki kahit na bakas sa kanyag mukha ang pag-aalangan at kalungkutan.

[End of Flashback]


Nagpatuloy ang kanilang kasayahan hanggang sa lumalim na ang gabi at napagpasiyahan na nilang umuwi at magpahinga. Isa-isang umalis ang mga bisita at naiwan naman ang mga kaibigan ni Serene upang tulungan sila na maglinis at mag-ayos.

"Sige na mga bata, umuwi na kayo at magpahinga. Kami na ang bahala rito. Serene isabay mo na si Lucio pauwi." wika ng ama ni Serene sa kanila.

"Sige po, mauna na kami sa inyo."  paalam nina Jenna at Mara.

"Opo ama. Halika na Lucio." aya ni Serene sa kapatid na inaantok na dahil makailang beses na itong humikab at halos bagsak na ang mga talukap ng mata.

"Mag-ingat kayo sa daan." paalala ng kanilang ina.

Habang naglalakad pabalik ay naalala ni Serene ang regalo ng kanyang mga magulang na naiwan nya sa gilid kung saan sya nakaupo kanina. Nagpaalam muna sya sa mga kaibigan na aalis sandali  upang kunin ito. Naupo muna sila sa gilid ng daan habang naghihintay kay Serene.

Samantala ng mga sandaling iyon ay natapos na sa paglilinis at pag-aayos sina Anton at ang kanyang mga magulang kaya naisipan na nila ang sumunod pauwi sa nauna ng sina Serene. Nagmadali na sila upang mahabol ang mga ito at sa kanilang paglalakad ay nakasalubong nila ang tumatakbong si Serene.

"Oh anak?! Bakit bumalik ka? may nangyari ba?" nag-aalalang tanong ng ina kay Serene ng makalapit na ito sa kanila.

"Ah! Wala naman pong nangyari. May naiwan lang po kasi ako babalikan ko lang." naiilang na tugon ni Serene dahil ayaw nyang sumama ang loob ng mga magulang nya kapag nalamang naiwan nya ang regalo ng mga ito sa kanya. Ngumiti lang sya sa mga magulang at nagpatuloy sa pagtakbo.

Sa pagtakbo ni Serene ay ang paglabas ng maliwanag na buwan mula sa mga ulap at tila ba nagsilbing gabay iyon sa kanyang daan. Nakaramdam naman ng kakaiba ang mag-asawa ng mga sandaling iyon.

"Oy teka Serene samahan na kita!" sigaw ni Anton at susundan na sana nya ang kapatid ng pigilan sya ng kanilang ama.

"Kami na lang ng iyong ina ang susunod. Mauna ka na para maabutan mo pa sina Lucio." nagtaka naman si Anton sa nakitang ekspresyon sa mukha ang kanyang ama. Tila ba may pangamba sa mga iyon at hindi naman mapakali ang kanyang ina. Wala naman syang nagawa kundi ang sundin ang utos nito.

Pagkarating ni Serene sa lugar kung saan sila nagkasayahan kanina ay agad nyang hinanap ang kahon kung saan nakalagay ang regalo ng kanyang mga magulang. Nakangit nyang binuksan iyon at nakita nya ang asul na laso roon. Sinuot nya iyon sa kanyang buhok at naisipang silipin ang kanyang itsura sa lawa di kalayuan sa kanyang pwesto. Maliwanag ang tubig doon at mas nagliwanag pa dahil sa buwan kaya pwede na iyong maging salamin.

"Napakaganda naman nito!" bulalas ni Serene habang tinitignan ang sariling repleksyon sa tubig. Hindi naman nya naiwasan ang mapatitig sa repleksyon ng buwan sa tubig.

"Huh?" sandaling kinusot ni Lilian ang kanyang mga mata dahil tila may kakaiba syang naaninag sa tubig. Nang muli sana nya itong sisilipin ay nasilaw sya sa liwanag na bigla na lamang lumabas sa lawa. "Aahhh!.."

“Magalak ka, sapagkat ikaw ang napiling humalili sa inang kalikasan at maging bagong tagapamahala ng kapangyarihan ng elemento ng tubig” sambit ng isang magandang binibini na lumabas sa lawa. Napako naman ang tingin ni Serene sa babae.

 

 

“Hindi ko maunawaan ang mga sinasabi mo.” Magkahalong mangha at takot naman ang mababasa sa inosenteng mukha ni Serene habang nililibot ang tingin sa paligid.

 

 

“Ikaw na ngayon ang mangangalaga sa isa sa mga kapangyarihan na magbabalik sa balanse ng kalikasan. Kikilalanin ka na bilang isang dyosa.” Nakangiting sagot ng magandang binibini at bigla na lamang nagliwanag ng husto ang paligid ng buong lawa. Lumabas din mula sa lupa ang mga kakaibang letra at simbolo at nabalot ng isang harang na gawa sa tubig ang kinalalagyan ng magandang babae at ni Serene na naghiwalay naman sa kanila sa mag-asawang kararating lamang at naestatwa na lamang sa pagkatakot sa nangyayari.

"Oh hindi!! Nahuli na tayo!" bulalas ng ina ni Serene.

"Serene!! Serene, anak!!" tawag ng ama ni Serene sa kaniya kaya napalingo sya sa mga ito.

 

A-ano? Isang dyosa? Ngunit hindi ko gusto na maging isang dyosa.” Naguguluhang tugon ni Sereneat tumakbo palapit sa kanyang mga magulang subalit hindi niya nagawang makalabas sa harang.

"Ito ang nakatakda. Nakatadhana ka para maging isang dyosa. Simula pa laang pagkasilang ay naisulat na ito sa iyong kapalaran. Halika na at sumama sa akin." wika ng bibnibini at inilahad ang kamay kay Serene.

“Paki-usap ina. Wag mo akong hayaang makuha nila.” Umiiyak na paki-usap ni Serene habang pilit na lumalabas sa harang na gawa sa tubig.

 
Tuluyan ng naluha ang ina ni Serene at batid na nilang mag-asawa na wala na silang magagawa. Totoo ang sinabi ng binibini at nasabihan na sila nito noon pa lamang. ang pagkakamali nila ay hindi nila ito tinanggap kaagad at nilihim sa anak ang tungkol sa kapalaran nito.
 

“Hindi mo maaring tanggihan ang alok ng kalikasan sa iyo, Serene. Isa itong malaking karangalan.” Tugon ng kanyang ina sa kanya habang nakatalikod itong umiiyak sa bisig ng kanyang asawa.

 

“Subalit hindi ko po nais na maging isang dyosa. Ayaw ko pong malayo sa inyo. Ama, pakiusap po. Ayaw ko po.” Patuloy ang kanyang pag-iyak habang pilit pa ring lumalabas sa harang.

 

 

“Patawarin mo kami anak kung hindi namin sinabi sayo kaagad ang tungkol dito. Wala kaming magagawa  mahal kong anak. Ito ang iyong tadhana, ang maging isang dyosa.” Nakayukong sagot ng kanyang ama na halatang nagpipigil ng kanyang mga luha.

 

“Halika na, Serene. Tanggapin mo ang kapangyarihan at tuparin ang iyong tadhana.” napalingon naman si Serene sa binibini na palapit sa kanya.

 

 

“Ayaw ko po! Ayaw ko! Ina! Ama!” napasalampak sa lupa si Serene habang umiiyak at patuloy na tinatawag ang kanyang mga magulang.

 

 

“Patawad, Serene.” Sa huling pagkakataon ay nakita ng dalaga ang ngiti ng kanyang mga magulang bago muling nilamon ng liwanag ang buong paligid.

 

 

“HUWAAAAGGG!!INAAA!!”

 

“Simula ngayon, Serene, ikaw ay tatawagin ng Lilian.”

 
-------------------------------

"Jasmine, anong nangyayari? Nasaan si Heartfelt?" hindi na maganda ang pakiramdam ni Bleak sa mga nangyayari.
Ang itsura ng buong silid...magulo at makalat, nababalot ng mantsa ng dugo pati na rin ang reaksyon ng kanyang dyosa. Umiiyak ito at nanginginig ang katawan.

"Ikinalulungkot ko pero...mukhang nahuli na tayo..."  dahan-dahang nilingon ni Jasmine si Bleak habang unti-unting pinapakalma ang sarili.


"Nahuli na? Teka hindi naman pwede yu--"

Napatigil sa pagsasalita nya si Bleak dahil sa malakas na pagsabog na kanilang narinig mula sa kabilang panig ng gusali.

"Ano iyon?!" tanong ni Bleak at inalalayan si Jasmine na makatayo.

"Hindi ko sigurado pero ang alam ko ay naroon si Lilian. Kailangan natin syang puntahan." nagpahid si Jasmine ng luha at inayos ang sarili saka sila tumakbo palabas ng silid papunta sa kinaroroonan ni Lilian.

---------------------

Continue Reading

You'll Also Like

185K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...