[MPG2>56 Pagbagsak ng gagamba 2]
Cisco:
Hayop tong Zain na to!
Alam na alam kung saan namin hahanapin si Uno kaya lahat kami nahuli.
Kung tutuusin kaya naming talunin ang mga tao niya kaso ginamitan ba naman ng pampamanhid ang mga kamay namin.
Wala nang takas, lahat kami nahuli.
Ayoko nang isipin muna lahat ng narinig ko kanina.
Isa lang ang importante ngayon at yan ay ang makaligtas kaming lahat.
Nakakadena lahat ng kamay namin.
Si Uno naman nakakadena pati ang mga paa.
"Labas na mga kaibigan! Yuhu!" sigaw ni Zain.
Napakadaming tao ang nagsilabasan mula sa bawat sulok ng gusali.
Siguro mga nasa 700 na tao.
"Sila lang naman ang mga grupong excited na makita kayo ulit"sabi ni Zain.
"Naalala niyo pa ba kami?" sabi nang isang lalake na may hawak na tubo.
Takte nagkanda loko na.
Ito yun mga gang na nakalaban at nilampaso namin.
"Di ko na matiis mga pare!!" sigaw nang isang lalake na may hawak naman na kahoy.
Bigla siyang tumakbo at hinampas ang likod ni Uno.
Pumikit lang si Uno.
"sus Uno my boy huwag mo nang itago. Isigaw mo kung nasasaktan kana!"sabi nung lalakeng may hawak ng tubo.
Lumapit siya kay Uno at hinampas ito sa tiyan gamit ang dalang tubo.
Tatlong lalake pa ang lumapit kay Uno at pinaulanan ito ng suntok at sipa.
Dumudugo na ang labi ni Uno.
Tatakbo sana si John palapit kay Uno pero sumugod ang iba panggrupo.
Walang awa din nilang pinapaulanan ng suntok si John.
Nung una ay nakakabawi pa si John pero sa dami ng kalaban wala nading nagawa si John.
May humawak sa mga kamay niya kaya nawalan din siya ng laban.
Lahat kami nagpipilit nang kumawala para tulungan sila John at Uno.
Nabitawan ng ilang bantay si Caleb at agad itong tumakbo palapit kay Uno at sinipa yung lalakeng may hawak ng tubo.
Maslalong nagkagulo nang nakita nila ito.
Lahat ng grupong nakalaban namin ay nagwala at sumugod sa aminglahat.
Dahil nakakadena ang mga kamay ko, wala na akong ibangnagawa kundi sipain ang mga sumusugodd sa akin hanggang sa may isang nakalusot at nasapul ako sa mukha.
Napabagsak ako at dito ko narealize na walang nagbabantay kay Eri.
Hindi din naman siya pinapansin ng mga kalaban dahil kami talaga ang target nila.
Hinanap ko si Zain.
Umakayat lang siya sa isang mesa at nakangiting nanonood sa mga nanyayare.
"Eri..." sinubukan kong sabihin ito nang si Eri lang ang makakrinig.
Nakatayo lang si Eri at halatang hindi niya alam ano ang gagawin niya.
"Eri.." nilakas ko konti
This time napalingon na siya sa akin.
"Maghanap ka ng..." hindi ko na natapos dahil may sumipa sa likuran ko.
Malakas ang pagkakasipa sa akin pero hinayaan ko.
Humarap ulit ako kay Eri
"Maghanap ka ng tulong.."
Tatakbo na sana si Eri pero nahalata pala kami ni Zain.
Bigla siyang sumulpot at hinarang si Eri.
"Saan ka pupunta?" Hinablot ni Zain ang buhok ni Eri.
Hinila niya sa buhok si Eri at iniakyat sa lamesang kinatatayuan niya.
"Makinig kayong lahat. Itong babaeng to ang pinakaaasam-asam na ulam ni Uno. Kaya mamaya pagtapos na kayo sa mga gagamba ito namanang gawin niyong pampagana."
Nagsigawan sa tuwa ang mga hayop na to!
Dito muling nagbukas ng mga mata si Uno.
Tumutulo na ang dugo sa kanyang labi at sa gilid ng kanyang mata.
Puno na ng pasa ang katawan ni Uno.
Nanlilisik ang mga mata niya sa galit lalo na nang hilain pa niZain ang buhok ni Eri para ipakita ang mukkha nito.
Kita mo sa mukha ni Eri ang sakit sa pagkakahila ng kanyang buhok.
Lahat ng gagamba ay pabagsak na.
Nanghihina at puno na ng pasa at sugat ang mga gagamba.
Ito na nga ata ang katapusan naming lahat.
=========
Si Hena:
"Asan na sila Eri?" tanong ng mommy ni Uno.
"aah eeh tumutul ong pong maghanap kay Uno. Uhmm tita aalis pomuna kami ni Yumi."
"aaahhh magstay na kayo dito"
"hindi na po. Kailangan na po kasi talaga naming umalis."
Dali dali kaming tumayo ni Yumi at umalis. Bago kasi umalis silaJohn ay nagbulungan silang dalawa. Tapos sabi ni Yumi ay kailangan nadin daw namin umalis.
"Yumi! Ano bang gagawin natin?"
"Pupuntahan natin si Zilliene"
"Ano namang magagawa niya?"
"basta"
"aaahh okay"
Ano kayang plano ni Yumi