Mr. Perfect Gangster: The Ret...

By MarianaLiang

359K 5.8K 572

Now that Eri and Uno are in a relatonship, can Eri really love this man who had something to do with her past... More

{Teaser}
[MPG2>1-Dito ka lang]
[MPG2>2-Talagang talaga?]
[MPG2>3-Shelosh?]
[MPG2>4-Uto-uto]
[MPG2>5-Amoy palengke]
[MPG2>6-Reputasyon]
[MPG2>7-Good Bye]
[MPG2>8-Sahig]
MPG2>9-PAGMAMAHAL]
[MPG2>10-Kidnap to gaga]
[MPG2>11-Papa kapatid ni Yumi]
[MPG2>12-Maghintay]
[MPG2>14-tatlong minuto]
[MPG2>15-R.J.U.]
[MPG2>16- Kwintas]
[MPG2>17-To Protect You]
[MPG2>18-Someone New]
[MPG2>19-Magulo ang mundo]
[MPG2>20-Ligaw??]
[MPG2>21-Duwag]
[MPG2>22-HenLeb]
[MPG2>23-Tanga!!]
[MPG2>24-Yano <3 Jade]
[MPG2>25-Concert part 1]
[MPG2>26-Concert part 2]
[MPG2>27-Mahaba habang gabi]
[MPG2>28-Puntod]
[MPG2>29-Jollibee]
[MPG2>30-Picnic]
[MPG2>31-Basketball]
[MPG2>32-Mino]
[MPG2>33-MinoxKitkat]
[MPG2>34-Oxygen]
[MPG2>35-Akin ka lang]
[MPG2>36 Cool off]
[MPG2>37-Lagas]
[MPG2>38-Panaginip]
[MPG2>39-May Laban!]
[MPG2>40-Renn-Chuck vs. Uno]
[MPG2>41-Denial]
[MPG2>42-Happily Ever After]
[MPG2>43-Limang minuto]
[MPG2>44-Kero keroppi]
[MPG2>45- Francisco]
[MPG2>46- Francisco II]
[MPG2>47- Perfect Night ]
[MPG2>48- Spin the bottle]
[MPG2>49- John and Kimmy]
[MPG2>50-Bridal Shower]
[MPG2>51-Hinga]
[MPG2>52-Hermit Crab]
[MPG2>53-Manloloko]
[MPG2>54 Miksha/Eri]
[MPG2>55 Pagbagsak ng gagamba part 1]
[MPG2>56 Pagbagsak ng gagamba 2]
[MPG2>57 Pagbagsak ng gagamba 3]
[MPG2>58 Golden Centipede]
[MPG2>59 [ Hena]
[MPG2>60 [ Hena II]
[MPG2>61 [ AYOKO]
[MPG2>62 [ Kamote]
[MPG2>63 [ Kasalan]
[MPG2>64 [ Masquerade]
[MPG2>65 [ Pangako]
[MPG2>66 [ Pakwan]
[MPG2>67 [ Future]
[MPG2 > 67.1 Away]
[MPG2 > 68 AHHCHOO]
[MPG2 > 69 PERFECT DATE]
[MPG2 > 70 Chismoso]
[MPG2 > 71 Ayoko]
[MPG2 > 72 Simplicity of life]
[MPG2 > 73 - Version 2.O]
[MPG2 > 74 - Meow]
[MPG2 > 75- Amusement Park 1]
[MPG2 > 75- Amusement Park 2]
[MPG2 > 76 - New Beginnings]
[MPG2 > 77 - Gintong Gagamba]
[MPG2 > 78 - klokolokolo ]
[MPG2>79 - May letter Y]
[MPG2>80 - 6pm]
[MPG2>81 - Ang Pagbabalik]
[MPG2>82 - Franchise]
[MPG2>83 - The Break Up]
[MPG2>85- Orientation]
[MPG2>86 - steak ]
[MPG2>87 - Nabubulok na Apple ]
[MPG2>88 - Yuno's Birthday ]
[MPG2>89 - Final Chapter Part 1 ]
[MPG2>90 - Final Chapter Part 2 ]
[MPG2>91 - Final Chapter Part 3]
[MPG2>92 - Pinaka Final Chapter]

[MPG2>13-laruan sa mundo]

6.6K 85 3
By MarianaLiang

Yano:

Pati si Eri nawawala.

Hanggang ngayon, hindi parin tumatawag ang mga kidnappers.

Hindi namin maisip kung sino ang puedeng gumawa nito dahil sa dami ng kaaway namin.

Kanina pa gustong isa isang puntahan ni Uno ang ibang gang pero pinigilan namin.

Mas lalong lalala ang lahat kung isa sa amin ang malagas.

Tsk. Eri..sana ligtas ka lang..

Napahilamos ako sa aking mukha nang marealize ko ang iniisip ko.

Wala nang ibang laman ang utak ko kundi ang kaligtasan ni Eri.

Tsk. Yano!!!

Si Jade ang isipin mo!!

Si Jade!!!

====================


John:

"nakausap ko ang lolo ni Eri. Nagsisimula na siyang maghanap. Ganun din ang parents mo John at kay Hena na din." Sabi ko sa kanilang lahat.

"ilang pamilya na ang naghahanap. Sana naman mahanap na sila" Renn

"alam mo bro wala tayong lead. Malabo pa ang lahat ngayon." Benj

"wag ka ngang ganyan magsalita Benj"  sabat ni Renn.

"nagsasabi lang ako ng totoo. Kung talagang gusto nilang magpahanap edi sana tumawag na sila dito. Eehh bro..10 pm na wala parin"  Benj

"tumahimik ka na" Caleb

"gumising nga kayo! Wala naman talagang..." hindi na natapos pa ni Benj ang sasabihin niya dahil bigla siyang sinuntok ni Uno.

Susuntukin pa siya ulit ni Uno pero agad siyang inawat nila Mino at chuck. Nagwawala parin si Uno kaya naman lumapit na ako at inawat din si Uno.

Buti naman at naglakad na siya palayo pero nagulat kaming lahat nang bigla niyang itulak lahat ng gamit sa lamesa niya.

Ipinatong niya ng malakas ang mga kamay niya dito.

"pati sila nadadamay sa gulo ng grupo natin. Kung hindi sana ako nakilala ni Eri hindi ito mangyayari sa kanya." Humarap si Uno sa amin. "hindi niyo ba naiisip na napapahamak sila dahil sa atin? Sa bawat segundong lumilipas hindi niyo ba naiisip na puedeng may masamang mangyari sa kanila? At bakit? Dahil yun sa atin!!!" lumapit siya sa amin. "dahil sa akin.." mahinang sabi niya.

Walang may gustong magsalita sa amin.

Walang may alam kung ano ang dapat na sabihin.

Ngayon lang namin nakitang nagkakaganito si Uno.

Muli siyang tumalikod at tumingin muli sa bintana.

Nilapitan ko na siya.

"mahahanap din natin sila Uno.."

=================


Hena:

Sa totoo lang hindi ako kumportableng nasa iisang kwarto kami ni Eri.

Dahil sa akin nagkagulo sila ni Uno.

Gusto kong humingi ng tawad pero nahihiya akong lumapit sa kanya.

Nabigla ako nang may umupo sa tabi ko.

"Hena.."

Tumambad sa akin ang mukha ni Eri na nakangiti.

Hindi ko magawang tumingin sa kanya kaya yumuko na lamang ako.

"Hena,galit ka ba sa akin?"

"huh? Hi..hindi Eri."

"eeh bakit hindi mo ako pinapansin?"

"kasi...kasi.."

"Hena please sabihin mo sa akin. Ano bang problema.."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

"Eri..I'm so sorry...kasalanan ko kung bakit kayo nagkagulo ni Uno.."

"wala kang kasalanan dun Hena."

"Pero kun hindi kita sinama nun edi sana...sana.."

"ikaw talaga..kahit naman hindi mo ako sinama nun magkakaganito din naman talaga kami ni Uno. Wala kang kasalanan dun Hena.."

"pero Eri.." niyakap ako bigla ni Eri.

"tama na Hena..wala kang kasalanan dun..tama na"

Mas lalong lumakas ang iyak ko.

"I'm sorry Eri..."

"sorry.."

Napatigil ako sa pag-iyak at napatingin sa pinto nang bigla itong magbukas.

Pumasok ang isang lalakeng nakabonet.

Tumingin siya sa amin isa-isa pero napatigil ang tingin niya kay Eri.

Ngumiti ito at lumapit.

Bigla niya na lang hinila si Eri.

"ano ba!! Bitiwan mo ko!!!!!!" Eri

"san mo dadalhin si Eri?? Eri!!!"

Pilit kong kinukuha si Eri pero malakas siya masyado.

Pumasok din ang ilan sa mga kasamahan niya at hinila ako palayo kay Eri.

Ganun din ang iba ko pang mga kasama.

Tuluyan na nilang kinuha si Eri.

"ERI!!!!!!!"

=======================


Uno

Isang oras nanaman ang lumipas.

Bakit ba wala paring tawag mula sa kanila?

Hinihintay ba nilang mahanap namin sila?

Tsk.

Tumayo ako sa kinauupuan ko.

"John"

"op..bakit Uno?"

"isipin mong mabuti, sino ang puedeng gumawa nito?"

"hmm...sa dami ng kaaway natin Uno hindi ako sigurado."

"sila Rickson kaya?"

"mahina ang grupo nila. Malabong makuha nila sila Eri."

"isipin niyong mabuti. Malinis masyado ang pagkakagawa nila." Cisco

"Oo. Malaki ang grupong to at malakas" Yano

"tama kayo. May labin limang grupo akong iniisip na kayang gawin to." Uno

"kung iisaisahin natin sila aabutin tayo ng ilan pang araw. Hindi na ako makapapayag nun Uno. Alam nating lahat na kahinaan natin sila. Dalawang babae na importante sa akin ang nawawala Uno. Iniisip kodin si Yumi. Baka umatake ang sakit niya kung hindi natin siya mahahanap agad." John

 Huminga ako ng malalim.


Kahinaan..


"alam ko ang kahinaan ng grupo niyo Uno..subukan mong tapakan ang grupo ko at makikita mo.."

Bigla na lang pumasok sa isipan ko ang linyang ito.

Napatingin ako bigla kay John.

"si Migo yung nakalaban natin nung isang araw.." sabi ko kay John.

[yung mga nakalaban po ni Uno sa chapter 6...sila po yung tinutukoy niya..]

"naalala kong sinabi niya sa akin na alam niya ang kahinaan natin. Nakita niya si Eri nung araw nayun..malamang sila ang gumawa nito."

 "tama ka Uno...pero saan?" John

"alam ko kung saan ang lungga ni Migo"

Napatingin kaming lahat kay Benj.

"paano?" Yano

Ngakatinginan kami ni Benj. Mukhang ako lang ang nakakaalam kung bakit.

"tara na. makabawi man lang ako sa mga nasabi ko kanina. Tara na" Benj.

Papunta na ako jan Eri.

=================


Eri

Dinala ako nung lalakeng nakabonet sa isa pang kwarto. Hinawakan niya palikod ang mga kamay ko.

Madaming lalake sa loob at may ilan ding mga babae na halos makita na ang mga kaluluwa sa suot nila.

May isang lamesa sa loob at nakaupo sa isang executive's chair yung lalakeng iyon.

Puno ng pasa ang mukha niya.

"hindi mo ba ako namumukhaan?" tanong sa akin nung lalakeng nasa lamesa.

"hindi! Pakawalan mo kami!!"

"haha..hindi talaga?"

Tumayo siya at lumapit sa akin.

"tignan mong mabuti ang mukha ko." Hinawakan niya ang pisngi ko at sapilitang pinaharap sa kanya.

"hindi nga kita kilala!!!!!!"

PAK!!

Bigla niya akong sinampal ng malakas.

"itong mukhang to ang walang awang binugbog ni Uno. Hinagis niya pa nga ako malapit sayo hindi ba?"

Saka ko lang naalala ang mukhang yun.

Oo tama siya nga yun.

"hayop na Uno yan. Kahit sarili kong kapatid nilalabanan na ako nang dahil sa kanya!!!"

Kapatid?

"pakawalan mo na kami!! Hindi pupunta si Uno dito!!"

"hahahaha...iisa lang ang kahinaan ng mga gagamba..alam mo ba kung ano yun?"

Bumalik siya sa may lamesa niya at sumandal dito.

Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"kayo yun...yan ang mali sa pagpapatakbo ng mga gagamba. Oo malakas ang grupo nila kahit siyam lang sila pero tanga sila dahil pinili parin nilang seryosohin ang mga laruan sa mundong ito."

Tinawag niya yung isang babaeng halos wala nang saplot na dali dali namang lumapit sa kanya.

Hinawakan niya ang pisngi nito at saka bigla siyang humalik sa leeg nito.

"mga babaeng puedeng pagsawaan at palitan. Puede mong kainin kahit anong oras!!"

Tumingin muli siya sa akin.

"tanga si Uno dahil sa wakas sineryoso niya ang isang babae."

Muli niyang hinalikan yung babae sa tabi niya pero ngayon ay sa labi naman.

"nang dahil sa inyo nakikita ko na ang pagbagsak ng mga gagamba. Sigurado namang hindi papalag yang mga yan dahil hawak namin kayo. Katangahan talaga."

"hahahahahaha.." napatingin silang lahat sa akin dahil sa pagtawa ko.

"kayo ang tanga! dahil sa pamamagitan naming mga babae alam kong mas lalo pang lalakas sila Uno. Mahal nila kami at lahat gagawin nila para maprotektahan kami. Nangako si Uno na poprotektahan niya ako at alam kong tutuparin niya yun.."

"hindi laruan ang mga babae...sila ang inspirasyon ng mga lalake para maging mas malakas. Kawawa ka naman dahil kahit minsan siguro ay hindi ka nagawang mahalin ng isang babae. Alam mo kung bakit? Dahil sa napakasama mong ugali at pagtrato sa kanila!! Makikita mo. Maililigtas kami nila Uno. Magagawa nila yun dahil mahal nila kami.."

Napatitig sa akin yung lalake sa harap ko.

"talaga lang ha..tignan natin.."

"dadating si Uno..alam ko yun..naniniwala ako sa kanya dahil alam kong mahal niya ako.."

"Oo Eri..tama ka."

Hindi napansin ng lahat na nakabukas na pala ang pinto ng kwarto.

Napatingin kaming lahat sa entrance nito kung saan nakatayo si Uno.

"UNO!!!"

Gusto ko siyang puntahan pero pinigilan ako ng lalakeng may hawak sa akin.

"Eri pikit.."

"huh?"

"pikit!"

Hindi ko alam kung bakit pero ginawa ko ang sinabi ni Uno.

Narinig kong nagsisimula nang magkagulo.

Si Uno.

Idinilat ko ang mga mata ko pero bigla akong hinila palayo nung lalake. Binuhat niya ako at itinakbo.

Walang tigil sa pagtakbo yung lalake kasama narin yung lalake sa mesa kanina.

"ERI!!!!" narinig kong sigaw niya..

"ibaba mo ko...Uno!!!!"

=========================


John:

Hayop na Migo to ang daming tauhan

"nasa taas ang office ni Migo" Benj

"hanapin niyo na sila. Kakamustahain ko muna si Migo Chuck, Renn, Mino sumama kayo sa akin." Uno

"yes bossing" Mino

Umalis na silang apat.

Sa pangunguna narin ni Benj ay nakita namin ang isang kwarto na masyadong binabantayan kaya hinala

namin ay nandoon sila.

Si Yano at si Caleb ang naiwan para tapusin muna ang ilang sumusugod sa amin.

Ako, si Cisco at si Benj ang tumapos sa mga nakabantay sa pinto.

Lang hiya. Napaghandaan ata niya to at nakapadlock ang labas ng pintuan.

Kinapa ko yung mga bantay pero wala silang dalang susi.

"mano-mano na dre" Cisco

"mukhang ganun na nga" Benj

Pinagtulung tulungan naming sipain ang pintuan.

Hanggang sa masira na yung lock at nabuksan na namin ito.

Nasa likuran narin namin sila Yano at Caleb.

"ano na?" Caleb

"wala....wala sila dito.." John

Tumambad sa amin ang kwarto na walang laman.

Nasagap ng mata ko ang isang makinang na bagay sa sahig.

Pumasok ako dito at pinulot ito.

Hindi ako puedeng magkamali.

Kwintas ito ni Yumi.

Andito sila kanina..

"puntahan na natin si Uno.." Benj

Agad naming pinuntahan si Uno sa itaas.

Nadatnan namin na bagsak na ang mga tao ni Migo.

Si Uno naman ay nakatayo lang sa isang sulok.

"asan sila?" tanong niya sa amin.

"huli na kami...nakatakas sila." John

Humarap siya sa amin. Seryoso ang mukha niya.

"kontakin niyo yung tatlo...sila na lang ang pag-asa nating mahanap sila.."

Continue Reading

You'll Also Like

26.6K 3K 80
"Survival Of The Fittest" The Four - They are the leaders, the protectors, the soldiers. They were amazing, fearless and powerful. Sa mga bagay mo la...
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
9M 246K 66
The Doctor is out. He's hiding something