Lady of the Blue Moon Lake

msrenasong tarafından

136K 4.1K 498

Sagittarius Heartfelt, typical na tipo ng estudyante. Mabait, Masayahin, may pagka mainitin ang ulo, likas na... Daha Fazla

Lady of the Blue Moon Lake
Chapter 1. The Lady
Chapter 2: Hallucinations
Chapter 3: Unknown Visitor
Chapter 4: Lilian
Chapter 5: How do I call this day?
Chapter 6: Just a Simple Day
Chapter 7: Glimpse of What's Within
Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness
Chapter 9: Bleak
Chapter 10: Unexpexted visitor
Chapter 11: A Warm Greetings
Chapter 12: Comfortable
Chapter 13: Home
Chapter 14: His Decision
Chapter 15: Last Normal(?) Day
LOTBML Facts
Chapter 16: Timothy von Flavel
Chapter 17: Sad Flower
Chapter 18: Red moon. Little Miss Lilian
Special Chapter: LOTBML and Elements Crossover
Special Chapter: Crossover Part II
Chapter 19: The Vows, New Water Meister
Chapter 20: Lilian's First Day of School
Chapter 21: Lilian the Popular
Chapter 22: Memory from the Heart
Chapter 23: Someone from the Past
Chapter 24: Remembering Someone
Chapter 25: Sagi's Weird Feelings
Chapter 26: Sagi's First Fight
Chapter 27: Lover
Chapter 28: Getting Close
Chapter 29: Cashmere
Chapter 30: Fallen Angel
Chapter 31: The Awakening of the Fire
Chapter 32: Being a Meister
Chapter 33: Incantations
Chapter 34: Angelica, The Guardian Spirit
Chapter 35: Water and Earth
Chapter 36: Fight to Pursue
A Valentine Special
Chapter 37: Fight to Pursue (Part 2)
Chapter 38: Explaining things
Chapter 39: The Wind Element's Meister
Chapter 40: Start of being a chosen
Chapter 41: The Suffering of the Meister
Chapter 42: Vacation in Sequoia
Chapter 43: Vacation in Sequoia II
Chapter 44: Fire's Compromise and Water's Catastrophe
Chapter 45: Back to School
Chapter 46: Enemies
Chapter 48: Suspicions
Chapter 49: Truth Revealed
Chapter 50: Silhouette of a God
Chapter 51: Silhoutte of a God 2
Chapter 52: Pain
Chapter 53: Distance
Chapter 54: New Water Goddess
Chapter 56: Loyalty
CHAPTER 57: Giulia's Side
Chapter 58: GIULIA'S GRIEF
Chapter 59: Catleya
Chapter 60: Full Moon
LOTBML 2ND ARC
2nd Arc: Chapter 2

Chapter 47: Who's the Enemy?

1K 45 8
msrenasong tarafından

  
Late UD na naman. Pasensya na po hehe.
At patuloy po akong nagpapasalamat sa mga nag-a-add ng LOTBML sa mga reading lists nila, sa mga nag-follow sa akin at sa mga nagvo-vote every chapters ^___^ thank you guys and gals. hart hart <3

Dedicated to you @pinkprincess0626
natuwa ako sa message mo eh hehe :)

that's Jasmine on the pic. Earth Goddess' human form.

------

      Maingat na itinupi ni Giulia ang uniporme ni Sagi na pinahiram nito sa kanya kagabi. Nilabhayan na iyon kaagad pagdating. Mabuti at natuyo iyon kaagad kaya maibabalik na nya iyon kay Sagi pagkatapos ng kanilang klase.

"Ms. Hendricson, kanino ba iyang uniform na iyan? Nakita ko kasi iyan na nakasampay kagabi, akala ko may lalaki na dito sa dorm natin." tanong sa kanya ni Spica pagpasok nito ng kanilang silid. Nakapag-ayos na rin ito at handa nang pumasok.

"Ah, Ms. Springwood. Good morning sayo. Kay Sagi itong uniform. May nangyari lang kasi kahapon kaya pinahiram nya ito sa akin." medyo naiilang na tugon ni Giulia. Simula kasi ng dumating sila noong nakaraang araw sa Alstreim academy ay ngayon lang sya kinausap nito.

"May nangyari?" bahagyang gulat na tanong ni Spica. Base naman sa nakitang reaksyon sa mukha nito ay nabatid ni Giulia na iba ang pagkakaunawa ni Spica sa kanyang sinabi.

"Ah! ano...teka lang Ms. Springwood nagkakamali ka ng iniisip hehe. Ang ibig kong sabihin ay hehe alam mo na~ may nangyari kasi sakin kaya ayun pinahiram muna ni Sagi ang polo nya sa akin para alam mo na hehe." medyo natataranta at nahihiyang paglilinaw ni Giulia kahit na iyon ay may bahid ng kasinungalingan at pagpapalusot na lamang.

"Ahh...oo nauunawan ko na. Pasensya ka na sana sa naisip ko. Medyo nabigla lang kasi ako sa sinabi." hinging paumanhin ni Spica saka naman sya napatingin sa porselas na suot ni Giulia sa kanyang kanang kamay.

"Isa yang charm galing sa lugar namin ah. Naniniwala ka pala sa mga ganyan? Nakapunta ka na ba minsan sa aming lugar?" tanong ni Spica habang turo ang porselas ni Giulia.

"Ah ito ba?" Itinaas ni Giulia ang kanyang kamay at hinawakan ang porselas. "Hindi pa ako nakakapunta sa inyo hehe. Binigay lang sa akin ni Mr. Arcturus ang porselas na ito noong nagkasabay kami sa pagpunta sa proncipal's office noong bagong dating natin dito sa Alstreim academy."

"Ganoon ba? Well wag mong iwawala yan o kaya ay sisirain. Sa amin, ang porselas na iyan ay nangangahulugan na charm of luck and fortune. Hindi ba iyon nabanggit sa iyo ni Mr. Arcturus?"

"Talaga? Wala syang nabanggit eh. Ang galing naman pala nito. Sige, hinding hindi ko ito iwawala." nakangiting tugon ni Giulia habang nakatitig sa porselas.

"O sya, mauna na ako sayo, Ms. Hendricson may dadaanan pa kasi ako sa library kaya kailangan kong agahan."

"Sige, mag-iingat ka." sinundan na lamang ni Giulia ng tingin ang papalabas na si Spica ngunit bago ito lumabas ay nilingon sya nito.

"Sya nga pala, maari mo akong tawaging Spica." at nginitian sya nito bago tuluyang lumabas ng kanilang silid. Gumuhit naman ang malaking ngiti sa mukha ni Giulia sa sinabi ni Spica.

"Nakakatuwa naman! Mabait naman pala si Ms. Springwood este si Spica pala hehe." tuwang tuwang wika nya sa sarili at muling tinitigan ang suot nyang porselas. "Mukhang totoo nga na isa kang charm ng swerte. Sana pagandahin mo ang mga mangyayari sakin sa bayang ito."

-----------------

       Maagang pumasok si Leo sa eskwelahan kung kaya naman ay sina Lilian at Sagi lang ang magkasabay na naglalakad ngayon. Mula kanina ay tahimik lang si Lilian. Iniisip kasi nya ang tungkol sa mga exchange students. Dahil naman sa katahimikang iyon ng kanyang dyosa ay hindi komportable si Sagi sa kanilang paglalakad. Hindi kasi nya mawari kung bakit napakatahimik nito simula pa kahapon. Sinubukan na rin nya na kausapin at tanungin ito tungkol sa kanilang magiging training mamaya ngunit maiikling tugon lamang ang nakuha nya rito. Ayaw naman nya na sirain ang kanyang araw sa pagkainis sa inaasal ng babae kaya hinayaan na lang niya ito.

"Good morning Lilian, Sagi." masiglang bati sa kanila ni Marianne nang makasabay nila ito sa paglalakad sa hallway.

"Good morning din sayo, Marianne." nakangiting bati ni Lilian dito ng nakangiti. Napasimangot naman sa kanyang loob-loob si Sagi dahil kanina nang sya an kausap nito ay di man lang sya tinapunan ng tingin at ngayon kay Marianne ay ngumiti pa ito. Unfair.

"Good morning din Marianne." Halos walang buhay na tugon ni Sagi.

"Masama ba ang pakiramdam mo ngayon, Sagi? Bakit parang ang tamlay mo ata?" Tanong ni Marianne at sinipat pa ang noo at leeg ni Sagi. "Hmm hindi ka naman sinisinat o nilalagnat."

"Hehe okay lang ako pasensya na kung ganoon ang pagbati sayo. May isang tao lang kasi na medyo ginugulo ang isip ko ngayon eh." Paliwanag ni Sagi na halatang pinapasaringan si Lilian ngunit tila hindi naman nito pansin ang mga huli nyang sinabi.

"Eehh? Sino naman ang taong iyon? Aba, Sagi, ikaw ah~ in love ka~"  pang-aasar ni Marianne habang tinutusok tusok ag tagiliran ni Sagi.

"Kapag may nagpapagulo ng isip, in-love agad? Di ba pwedeng nagpapainis?" Sarakstikong tugon ni Sagi na tinawanan naman ni Marianne. Natigil sila sa pag-aasaran at kulitan ng dumating si Ansha at inaya si Lilian sa rooftop n kanilang eskwelahan dahil may gusto daw itong sabihin sa kanya. Bago maghiwalay ng daan ay kinuha ni Sagi ang bag ni Lilian para sya na lamang ang magdala nito sa kanilang classroom. Nagmagandang loon na rin si Marianne na dalhin ang bag ni Ansha.

Sa rooftop...

"Kamusta naman ang pagsunod mo kina Sagi at. Ms. Hendricson kahapon, Angelica?" Pagsisimula ni Lilian pagkarating na pagkarating nila sa rooftop.

"Napansin ko na ang aura ng kalaban na nararamdaman natin kay Ms. Hendricson ay humina. Mukhang talagang pinaglalaruan tayo. Pinagmasdan ko ng maigi ang mga kilos niya at ang mga lugar na pinuntahan nila ni Sagi ngunit wala naman akong napansin na kakaiba sa kanya. Normal na normal lang sya kung kumilos at makitungo kay Sagi. Gayunpaman ay di ako nagpapakampante sa kanya."

"Hmmm hindi ko talaga maunawaan kung ano ba ang gusto nilang mangyari. Nag-aalala ako na maaring ginugulo nila tayo sa kakaisip ng maari nilang gawin na ikapapahamak ng lahat para mailayo tayo sa kung ano ba talaga ang dapat na pinagtutuunan natin ng pansin sa mga oras na ito."

"Hindi natin maiaalis ang gayang posibilidad. Maaring dahil sa nababahala sila sa mabilis na pagkatuto ni Sagi sa pagkontrol ng kanyang kapangyarihan kaya inuudlot ng mga kalaban ang inyong training gaya na lamang kagabi na inaya ni Ms. Hendricson si Sagi kaya hindi kayo natuloy sa inyong training. Isa pala na ipinagtataka ko ay kung bakit hindi nararamdaman ni Sagi ang presensya ng mga kalaban." wika ni Ansha habang nakatingin kay Lilian na tila napapaisip ng maigi sa kanyang mga sinabi.

"Palihim kong ginamitan si Sagi kagabi ng purification para alamin kung ginamitan ba sya ng incantation ng mga kalaban ngunit wala naman akong nakita sa kanyang katawan. At kung ginamitan man sya ng incantation ay dapat na naramdaman natin iyon kaagad. Tsk! Ano kayang klase ng incantation o panlilinlang ang ginagawa nila?"

"Nasabi mo na ba kay Sagi ang tungkol dito?"

"Hindi pa. Tingin ko mas magkakagulo kapag nalaman nya at maaring kapag nangyari yun ay kumilos na ang mga kalaban. Mahirap na at baka mapahamak pa ang mga tao dito at malantad ang tungkol kay Sagi."

        Naputol ang masinsinang pag-uusap ng dalawa nang tumunog na ang unang bell. Hudyat na ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang klase. Pagkarating nila sa kanilan silid ay naabutan nila sina Giulia at Rigel na nakikipagkwentuhan sa kanilang mga kaibigan. Samantalang si Spica naman ay tahimik lamang na nagbabasa ng libro sa kanyang upuan. Normal ang kanilang mga ikinikilos. Walang makapag-iisip na ano mang oras ay maaring gumawa ang mga ito ng ikapapahamak ng lahat ng nasa Academy.

----------------

"Ba-bye Bleak! Ingat sa paglalakad! Mag-enjoy ka sana sa klase mo ngayong araw!" Wika ni Jasmine habang kumakaway sa papalayong si Bleak. Hindi naman sya tinugon nito bagkus ay kinawayan lang din pabalik.

       Nang makalayo na si Bleak ay pumasok na si Jasmine sa kanilang bahay at nagsimulang gawin ang mga gawaing bahay.

        Makalipas ang halos isang oras ay natapos na ni Jasmine ang mga gawain maliban lamang sa paglalaba. Mahigpit kasing bilin sa kanya ni Bleak na wag na wag nyang lalabhan ang mga damit nito at pakikialaman ang kanyang mga gamit sa aparador nito. Nauunawaan naman nya na marahil ay mahihiya si Bleak sa kanya. Sa totoo lang ay ayaw nito na ipagawa ng nga gawain sa kanya. Hindi ito sanay na may gumagawa ng mga iyon para sa kanya dahil nasanay sya na sya lamang ang nag-aasikaso sa kanyang sarili.

"Hmmm ano kayang pwede kong pagka-abalahan ngayong araw? Ayaw naman ni Bleak na bantayan ko sya sa eskwelahan nya." bulong ni Jasmine sa sarili habang nakadungaw sa bintana ng silid ni Bleak.

       Simula ng nagkasundo sila ni Bleak ay doon na sya natutulog sa kwarto nito. Ilang beses na syang sinabihan ni Bleak ngunit na hindi yun maari ngunit sa takot nito na baka patindihin ni Jasmine ang kanyang paghihirap sa training na dinadanas nya dito ay wala na syang nagawa pa. Sa sahig na lamang sya natutulog o di kaya ay doon sa salas.

--------------

"Nababalot ng masamang hangin ang bayan ngayon ng Alstreim. Ano kayang gagawin ni Lilian tungkol sa bagay na iyon?" bulong ni Camellia sa sarili habang kumakain ng ipinagbake na cookies para sa kanya ni Cashmere bago ito pumasok sa eskwelahan.

----------

        Naglibot-libot ngayon sa parke si Jasmine. Ito ang naisipan nyang gawin para hindi naman sya mabagot sa paghihintay na makauwi si Bleak pagkatapos ng klase nito upang makapagtraining na silang muli. Kapansin-pansin na sa kanyang paglalakad ay walang ni isang lalaki ang hindi napapalingon sa kanya. Hindi na nakapagtataka dahil isang dyosa ang nakikita nilang naglalakad.

"Sa bawat paglipas ng panahon ay napakalaki at napakaraming pagbabago ang nangyayari sa isang lugar. Isang daang taon ang lumipas. Ang bayan ng Arabale ay napakalayo na sa lugar na kinalakihan ko."

      Ilang minuto ding naglakad si Jasmine sa parke at nang mapagod at makaramdam ng gutom ay naisipan nyan na kumain sa isang maliit na fast food chain doon. Dahil sa ngayon lamang nakakain sa isang fast food chain ay bahagyang nanibago si Jasmine sa mga pagkain at sa lugar. Madaming tao at medyo maingay. Hindi sya komportable na kumain sa loob ng fast food kaya iti-nake out na lang nya iyon at naupo sa isang bench di kalayuan sa parke.

      Habang kumakain ay patuloy sa pagtingin sa paligid si Jasmine. Nakikita pa nya sa imahe mula sa kanyang isipan na ang mga helera ng mga fast food at ibat-ibang gusali sa kanyang kanan ay dating mga palayan at sa gilid noon ay mga matatayog na puno ng mangga at narra. At ang mga kalsada ay puro lupa, mga damo at halaman. Nang mga sandaling iyon habang nakaupo sya sa bench at nakatingin sa paligid ay sinariwa nya sa kanyang isipan ang itsura ng parke na iyon noong mga panahon na namumuhay din sya ng normal bilang isang tao.

        Pagkatapos nyang kumain ay nagdesisyon na syang umuwi. Naisipan nyang tahakin ang daan kung saan madadaanan nya ang eskwelahan ni Bleak. Hindi naman nya ito titignan doon, gusto lang nya na maramdaman ang presensya nito sa loob ng eskwelahan. Iyon lamang ay sapat na para malamanan nya ang kalagayan nito doon. Pagkarating nya sa eskwelahan ni Bleak makalipas ang ilang minuto ay napansin nya ang isang coffee shop at ang malaking sign nito na nangangailangan ng waitress o waiter. Napangiti na lamang sya nang may ideya na pumasok sa kanyang isipan at excited na pumasok sa loob ng coffee shop.

-----------

          Alas kwatro y kinse ng hapon, tapos na ang klase ng mga estudyante sa Alstreim at karamihan sa mga ito ay naglalakad na palabas ng eskwelahan. Kasama na doon si Sagi na bahagyang nahuli na umuwi dahil kinailangan pa na maglinis ng kanilang silid. Hinihintay naman na sya sa waiting shed sa gilid ng exit gate nina Lilian at ni Leo.

"Sagi!!" agad na napahinto sa kanyang paglalakad si Sagi at alanganin na nilingon ang taong tumawag sa kanya. Si Giulia.

"Naku naman. Ano na naman kayang kailangan nya sakin? Patay ako kay Lian kapag nahuli na naman ako sa training namin." isip isip ni Sagi na nakatingin sa papalapit na si Giulia. Hindi naman maintindihan sa kanyang mukha kung ngingiti o sisimangot.

"Oh Giulia? May kailangan ka ba? Pasensya ka na ah medyo nagmamadali kasi ako madami pa kasi akong gagawin." diretsahan ng wika ni Sagi pagkalapit ni Giulia sa kanya.

"Hehe wag kang mag-aalala Sagi hindi naman na kita aayain pa sa kung saan ngayon. Isasauli ko lang sa iyo itong polo na pinahiram mo sa akin kagabi. Nalabhan ko na iyan at maraming salamat ulit dyan. Teka nga pala! Wala ka bang...pinagsabihan nung nangyaring...erm alam mo na..." natatawa noong una ngunit sa huli ay medyo nahihiyang tugon ni Giulia at di makatingin ng diretso kay Sagi.

"Hmm wala akong kahit na sinong pinagsabihan. Wala rin akong interes na ipagsabi yon dahil wala naman akong mapapala doon."

"Hehehe mabuti naman kung ganoon. Naninigurado lang ako. Ito na oh, salamat ng marami." kinuha ni Giulia sa kanyang bag ang polo ni Sagi na nakalagay sa isang maliit na paper bag. Nang iaabot na nya iyon kay Sagi ay bahagya syang natigilan dahil may nakita syang isang di inaasahan na tao.

"B-bakit sya nandito? Sinabi ko nang susundin ko ang gusto nila bakit kailangan pa niya akong sundan?" isip isip ni Giulia habang nakayuko at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan.

"Ahh Giulia? Ayos ka lang ba?" sa wakas ay natauhan si Giulia ng tawagin sya ni Sagi. Napansin kasi nito ang biglaang pananahimik ng babae.

"Hehe ayos lang ako." tugon ni Giulia ngunit bahagya syang tumitingin sa imahe ng tao na nakatayo sa gilid ng gate ng kanilang paaralan.

"Okay." maikling tugon ni Sagi ngunit ng kukunin na nya ang ang paper nag kay Giulia ay hindi naman iyo binibitawan ng huli. "Ah Giulia? Akin na." bahagya nang hinila ni Sagi sa kamay ni Giulia ang paper nag ngunit nagulat sya ng hawakan nito ang kanyang kamay. "B-bakit? Sigurado ka bang ayod ka lang..."

"M-may naiwan pala ako sa room natin he-hehe. Samahan mo naman ako na kunin yun sa room wala na kasing tao doon. Nakakatakot kasi h-halika na!" hindi na nakapagreact si Sagi ng hilahin sya ni Giulia pabalik sa kanilang classroom.

"Ano ba yung naiwan mo?" tanong ni Sagi pagkarating nila sa room.

"H-huh?" tila wala sa sarili na tanong ni Giulia.

"Anong 'huh?' diba sabi mo may naiwan ka kaya bumalik tayo dito? Ano ba yun? Para matulungan kitang hanapin."

"Ah! O-oo nga hehe. A-ano..." sandaling hinalungkat ni Giulia ang kanyang bag at nilabas ang isang maliit na kung titignan ay mukhang isa iyong make up kit.

"Hehe nandito lang pala sa bag ko. Akala ko naiwan ko dito hehe hindi ko lang pala nakita kanina. S-sorry." Hingi nitong paumanhin at mababakas dito na para syang natataranta, kinakabahan at wala sa sarili. Napakunot noo na lamang si Sagi. Lalapitan sana nya si Giulia para kausapin ito ng maayos ngunit natigilan sya ng bumukas ang pinto.

"Sagi...Giulia." wika ni Rigel ng makita nya ang dalawa sa silid.

"Ikaw pala Rigel. Anong ginagawa mo dito?" kalmadong tanong ni Sagi.

"Naiwan ko kasi yung libro ko sa ilalim ng desk." tugon ni Rigel atsaka lumapit sa kanyang desk at kinuha sa ilalim nito ang sinasabi nyang libro. "Kayo? Anong ginagawa nyo dito? Sya nga pala Sagi, nakita ko sina Leo at Lilian sa may labas at hinihintay ka na nila."

"Naku lagot! Oo nga pala! Patay ako nito. Sige Giulia hindi naman pala nawawala iyang gamit mo kaya mauuna na ako sayo. Next time ay siguraduhin mo na maayos ng mga gamit mo sa bag para wala kang maiwan." nakangiting bilin ni Sagi kay Giulia. Nawala na sa isip nya na kausapin ito sa pagmamadali.

"Ouch hehe tinamaan ako dun ah." pabirong sabad ni Rigel.

"Haha ou ikaw din. Sige mauna na ako sa inyo. See you tomorrow!" baling ni Sagi ka Rigel at tinapik ito sa balikat bago muling tignan si Giulia na bahagyang nakangiti sa kanya saka sya tumakbo palabas ng silid.

"Ang mabuti pa siguro Giulia ay sumabay ka na lang sa akin na umuwi tutal ay magkatabi lang naman ang mga dorms natin." Nakangiting paanyaya ni Rigel kay Giulia at inabot ang kamay nito na medyo alanganing inabot ni Giulia bagamat nakangiti ito.

     
     

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...