Captured in His Eyes (The Art...

By niteskye

30.1K 3.4K 419

The Art of Life #1: Art Version Avien Evangelista is calm and collected until she interacts with the only per... More

Captured in His Eyes
06.13.17 - Avien Evangelista
07.16.18 - A Book that is All Cover
07.16.18 - How to Peel a Mocking Eye
07.17.18 - Crayon Crumbs
07.26.18 - Weirdo
08.10.18 - Crackpot!
08.16.18 - Jagged Empty Pages
09.10.18 - On My Nerves
09.11.18 - Tears of the Unknown
09.11.18 - Enigma
10.05.18 - All it was is Unreasonable
10.06.18 - The Feeling is Mutual
10.09.18 - People Pleaser
10.09.18 - Under His Sleeves
10.09.18 - What Do I Do?
12.17.18 - Do Other Guys Hug that Much?
01.16.19 - Irritatingly Unpleasant Immature and Nonsense Creature!!
01.17.19 - A Shift to Irrationality
01.17.19 - Entertaining After All
02.08.19 - Whys and Should Haves
02.08.19 - And Then I was Alone
02.11.19 - Dawning on Me
02.14.19 - A Hollow
02.17.19 - This is Just a Phase
02.18.19 - It Will All End
02.19.19 - Nothing is Ever the Same
02.20.19 - Like Everybody Else
02.20.19 - A Friend . . . ?
02.21.19 - Other Side
02.22.19 - The Mischievous Student
03.04.19 - He Who Can't be Tamed
03.04.19 - Meat and Lettuce
03.19.19 - The Art of Effortless Influence
04.02.19 - Three Out of Six
04.13.19 - Withering Solace in Solitude
04.15.19 - Selfish Choice is Not a Choice
04.17.19 - The Less You Seek
04.25.19 - In the Pit of the Stomach
05.03.19 - Bewildering
05.03.19 - The First Visitor
05.11.19 - A Moment of Epiphany
05.31.19 - To Start Anew
06.03.19 - The More You Ignore
06.03.19 - Ice Bear and Avocados
06.13.19 - How to Meet Halfway?
06.26.19 - Something New
07.01.19 - For a Good Cause
07.04.19 - Game of Tag
07.04.19 - Flirt
07.15.19 - Losing My Mind
07.19.19 - When You Cry
07.19.19 - Off My Chest
07.25.19 - When Will This End
07.26.19 - Total Opposites
07.26.19 - Over Logic and Reason
07.26.19 - Bahala Na
07.27.19 - Proposal: Sealed
07.27.19 - Closer
07.28.19 - Getting to Know
07.29.19 - Day 3: Kiel is Sick
07.30.19 - Back on Track
07.31.19 - Harvin
08.01.19 - The Little Moments
08.05.19 - Earned a Vent Buddy
08.07.19 - The Kiel Effect
08.08.19 - A Ball of Sunshine
08.09.19 - Fastest 20-Minute Drive
08.09.19 - Meeting Tita Kylie!
08.10.19 - One Brave Soul
Captured by Harvin
08.10.19 - Eating My Words
08.10.19 - His Love
08.11.19 - Mommy Day Today
08.13.19 - Do Not Talk Mad
08.14.19 - Messed Up
08.16.19 - Heavier and Heavier
08.16.19 - In His Arms
08.16.19 - If Comfort is a Person
08.28.19 - Nothing Feels Like It
08.28.19 - New Friend
08.28.19 - And Then There's You
09.06.19 - I in Harvin
09.10.19 - Understand
09.14.19 - So This is Freedom
09.24.19 - Our Little Secret
09.27.19 - Panic Attack
09.27.19 - Getting There
10.02.19 - Justin Bieber
10.02.19 - Never a Dull Moment
10.08.19 - Strange Guilt
10.08.19 - And I Thought Everything was Fine
10.08.19 - Making it Work
10.11.19 - Going Back to Normal
10.14.19 - Backfired
10.14.19 - The Truth
10.15.19 - Who I Really Am
10.16.19 - Starting Point
10.16.19 - Closure
School Year 2018
10.16.19 - Pile of Realizations
10.16.19 - Tiptoe Moments
10.17.19 - Patched Up
10.17.19 - Making it Up
10.17.19 - Sick Kiel :(
10.18.19 - More of You
10.18.19 - Changes
10.23.19 - Play Pretend
10.23.19 - to be present.
10.25.19 - The Lucky One
11.02.19 - Bottle All Up
11.07.19 - For Memories
11.07.19 - Arcadventures
11.07.19 - Busted
11.07.19 - A Lost Cause
11.07.19 - The Sunshine After the Rain
11.08.19 - It is what it is
11.08.19 - Out Loud
11.08.19 - Second Meeting
11.08.19 - Louder than Words
11.08.19 - Fragments of Brokenness
11.09.19 - New Beginnings for Breakfast
11.09.19 - Quick Escape
School Year 2019
11.09.19 - Kiel Yuan Santillan

School Year 2017

155 7 0
By niteskye

Kiel's POV

I love people.

I love interacting with people. Normally, kayang-kaya kong kausapin at kasama lahat, kahit gaano pa kasungit 'yan.

So, unapproachable was never in my vocabulary.

Until she came into the picture.

Avien Evangelista.

Tahimik siya ngayon habang nakikinig sa sinasabi ng mga kaklaseng pinagkakaguluhan siya. Walang emosyon ang mukha niya.

She was sitting beside the window, her frame was being highlighted by the sunlight.

Nagmukhang light brown lalo ang buhok niya na nakatirintas sa likuran. Few strands of hair were framing her face. Hubog na hubog din ang tangos ng ilong niya mula sa pwesto ko.

Maganda. Matalino.

Gets ko naman kung bakit gustong-gusto siyang kaibiganin ng lahat.

Ang hindi ko magets, bakit ako lang ang nakakapansin ng untouchable vibes niya?

Hindi ko mapaliwanag. Basta may ganoon siyang awra. At habang patagal nang patagal ko siyang nagiging kaklase, lalo siyang nagiging unapproachable sa paningin ko.

Kaya siya lang ang hindi ko nakakausap sa classroom.

Kung ikukumpara nga sa pelikula, mga extra lang kami sa buhay ng isa't-isa. Passersby.

Pero sa lahat ng extra, siya lang ang napapansin ko.

"Ma'am ano po ulit ang criteria?"

Napalingon ako kay Avien Evangelista nang marinig ang tanong niya kay Mrs. Santiago.

Kakatapos lang ng nakakatawang monologue ni Jairelle.

Tawang-tawa ang klase sa kaniya habang nagrerecite dahil sa mga tono niya. Feel na feel niya kasi tapos patula at sa ibang part biglang nagiging spoken words poetry na ang tono kahit hindi naman tula ang nirerecite namin.

Si Ma'am ay naiiling na tumatawa rin habang nagsusulat ng grade sa 1/4 ni Jai.

Dahil malapit sa pwesto ko nakaupo si Ma'am ay nakita kong 95 ang sinulat niyang score.

"Nawala po iyong sinulat ko," dugtong ni Avien Evangelista sa tanong. Katabi siya ni Ma'am.

Napabukas ng notebook si Ma'am at pinakita kay Avien ang criteria sa recitation namin.

Sinilip ko iyon.

Tone of Voice - 50%
Delivery - 30%
Audience Impact - 10%
Memorization - 10%

"Thank you po," pasasalamat ni Avien bago umayos ulit ng upo.

My eyes narrowed when Mrs. Santiago crossed out Jairelle's initial grade. Nakita kong kinopya niya ang criteria sa 1/4 at gumawa ng breakdown ng grade ni Jairelle. Naging 70% na lang iyon.

Bumalik ang mga mata ko kay Avien Evangelista na seryoso nang nakatingin sa harapan. Hindi niya naman sinulat ang criteria na hiningi niya.

My brows slightly furrowed as I averted my gaze.

Siya na pala ang susunod na magpeperform matapos ang sumunod kay Jairelle. Sumandal ako sa upuan habang naglakad siya sa harapan.

Okay naman ang performance niya. Parang walang emotion ang mukha pero okay naman ang tono.

Nagpalakpakan ang mga kaklase nang matapos siya. Bumalik siya sa tabi ni Ma'am at kita kong pasimple niyang tinignan ang sinulat na grade ni Ma'am bago ulit umayos ng upo.

Sinilip ko ang 1/4 at nakita ang grade niyang 95%.

Napasandal ako sa upuan. I rested the back of my head against the wall as my gaze prolonged at Avien Evangelista.

Pinagkikibit-balikat ko lang naman ang mga pagkakataong iyon noon. Akala ko wala lang.

Pero patagal nang patagal, padalas nang padalas kong napapansin ang mga galaw niya.

Her little tactics. They were so subtle that no one else would notice.

"Kiel, Avien, Randel," anunsyo ni Sir sa mga myembro ng panglimang grupo.

First time ko siyang magiging kagrupo sa activity. Gagawa kami ng art sa canvas gamit ang recycled materials at iyon ang magiging Performance Task namin.

Galing na sa school ang canvas na pagpipintahan namin kaya ang dadalhin na lang ay mga gagamiting materials.

"Ang walang dalang materials, hindi makakasali," bilin ni Sir sa klase.

Kinabukasan matapos ang groupings ay nilapitan kami ni Avien.

"Padala ng poster colors, glue gun, tansans, cellophane, at dyaryo sa Arts natin," bilin niya sa amin ni Randel.

Tumango lang kami dahil matagal pa naman iyon.

Kasabay ng lahat ay mayroon kaming laro sa basketball kaya madalas ma-excuse sa klase para magtraining at halos tuwing Art class pa tuma-timing kaya hindi imposibleng makalimutan namin ang tungkol sa PT.

Hating-gabi na at kanina ko pa pinipiga ang isip ko kakaalala kung anong mga materials ang pinapadala ni Avien. Ngayon ko lang din kasi naalalang bukas na ang PT.

Binuksan ko ang cellphone at sinubukang ichat si Randel para itanong ang tungkol doon pero hindi na siya online.

Nagcheck ako sa message request para sa pangalan ni Avien dahil baka nagchat siya para magpaalala. Pero wala.

Kaya dinala ko na lang lahat ng tingin ko ay makakatulong sa project namin kinabukasan.

Hindi na ako nabigla nang lapitan ni Randel para magreklamo na nakalimutan daw niya ang tungkol sa PT namin.

"Gagi, 'tol, ngayon na pala 'yun?"

"Oh." Binigay ko sa kaniya ang kalahati ng mga dala ko. "Sabihin mo na lang dala mo 'yan."

"Nasabi ko na kay Avien na wala akong dala, tinanong ako kanina."

"Okay lang 'yan. Sabihin mo kay Sir, may dala ka." Ginigilid na ang mga upuan kaya lumapit na kami sa pwesto ni Avien.

Nakikipag-usap pa siya kay Sir kaya umupo lang muna kami. Nang palapit siya ay nasa mga bitbit namin ang tingin niya.

"Again, 'yung mga walang dalang materials, hindi pwedeng sumali ha. Obligasyon niyo 'yan. Unfair sa mga kagrupo ninyong nagdala ng gamit." Sabay kaming napatingin ni Rans kay Sir dahil sa inanunsyo niya.

"Kanino 'yan? Akala ko wala kang dala?" tanong ni Avien kay Randel.

Narinig ni Sir, nag-iikot-ikot na ngayon. "Mr. Esguerra, you can't participate."

"Meron siyang dala, Sir." Tinaas ko ang kay Rans.

"Sabi ni Ms. Evangelista, wala kang dala."

Napakamot ng batok si Rans. Siniko niya 'ko. "Sabi sa 'yo, eh."

"Sir, palagi po kaming may training, nakalimutan lang---"

"Nagtetraining ka rin, 'di ba? Bakit si Mr. Esguerra lang ang hindi nakadala?"

"Yaan mo na, 'tol." Binalik na niya sa akin ang mga gamit. "Bawi na lang ako, sir! Sorry!"

Nang makaalis sila ay inayos na ni Avien ang mga gamit. Nang ilabas niya ang mga iyon ay 'tsaka ko lang naalala na ang mga gamit na iyon ang pinapadala niya sa amin.

Kami ang inassign niya, bakit nagdala pa siya?

Nagtagal ang tingin ko sa babae. Nang mag-angat siya ng tingin ay nagtama ang mga mata namin.

"Naalala mo mga pinadala ko?" tanong niya.

"Hindi. Hindi mo pinaalala."

"Kaya nga. Bakit nakapagdala ka?"

". . ."

Kumunot ang noo ko. Pinanood ko siya na icheck ang mga dala ko.

Sinadya niya bang hindi ipaalala?

Huh? Para ano? Para wala kaming grades?

Mukhang natutuwa siya sa mga dala ko at nag-iisip na kung saan ilalagay ang mga iyon.

She lifted her gaze at me, looking satisfied. Kunot-noo akong umiwas ng tingin.

Ang weird kasi feeling ko sinadya niya para wala kaming grades. Para saan? May problema ba siya sa amin?

Hindi na ako nagsasalita habang gumagawa sa kakaisip kung anong meron. Si Randel naman ay pagala-gala lang at hindi alintana ang nangyari.

Nang mag-angat ako ng tingin mula sa paglalaro ng materials ay nagtama ang mga mata namin ni Avien. Napaayos ako ng upo at tumaas ang mga kilay nang tumagal ang tingin niya sa akin.

Nagpatuloy siya sa dinidikit sa canvas.

Nagpanggap na tuloy akong may ginagawa dahil baka sinasabihan na niya akong makuha sa tingin.

Wala kasi akong ginagawa. Wala naman siyang sinasabing gawin ko. Ayoko rin magtanong kung anong pwedeng gawin dahil feeling ko hindi naman din niya ako patutulungin. Gano'n ang vibes niya.

Nakiroll na lang ako ng mga pirapirasong dyaryo gaya ng ginagawa niya.

Nagkunyari na lang akong hindi nakikita ang pag uunroll niya sa mga natapos ko nang iroll tapos uulitin niya nang mas maayos ang pagrolyo.

Hindi ko tuloy alam kung magrorolyo pa ba ako.

Napapakamot na lang ako ng batok.

"Tahimik mo ah," puna sa akin ni Rain nang makadaan sa pwesto namin. "Buhat na buhat mo 'yan, Avien, ah."

Buhat na buhat niya nga. Siya lang talaga ang gumawa. Hindi talaga siya nagpatulong sa akin. Hindi ko rin malaman kung saang parte ba ako tutulong, wala siyang sinasabi. Tapos kapag gagayahin ko yung ginagawa niya, uulitin niya lang din!

Habang ginegrade-an ni Sir ang canvas at tutok na tutok si Avien, narealize ko na kaya siguro gusto niya kaming alisin sa grupo dahil gusto niya siya lang ang gagawa. Akala niya siguro makakasira kami sa PT.

Napangiti siya nang makitang perfect grade ang sinulat ni Sir sa canvas. She glanced up at me while wearing that smile, waiting for my reaction.

"Sayang si Rans," sambit ko kasi alangan tatakan ko siya ng star eh ayaw niya nga kaming kagroup.

Hindi niya ako pinansin. Nagligpit na siya ng mga gamit. Nawala rin ang ngiti niya.

"Sa 'yo na lang 'yan," tukoy ko sa materials.

"Ayoko."

Nagpatuloy lang ulit ako sa pagliligpit at hindi na pinansin ang tono niya.

Nang maligpit ang mga gamit ay kinuha ko na ang paper bag ko.

"Balik na 'ko." Diretso akong bumalik sa pwesto ko at naisip na ayoko na siya ulit maging kagroup.

Nakakatakot ang mga kaya niyang gawin para lang umayon sa gusto ang mangyayari.


*  *  *

November 6, 2023

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
31.4K 1K 34
(COMPLETED) (REVISING) Alghea suffers from an unknown disorder, in which she forgets her memory whenever she wakes up, and it takes few hours before...
21.7K 1.7K 55
She is my sky.. my galaxy, my universe, and my own kind of constellation. But look, she left. 🥀 © 2020 DiAkoSiJoy All rights reserved
616K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...