Lady of the Blue Moon Lake

By msrenasong

136K 4.1K 498

Sagittarius Heartfelt, typical na tipo ng estudyante. Mabait, Masayahin, may pagka mainitin ang ulo, likas na... More

Lady of the Blue Moon Lake
Chapter 1. The Lady
Chapter 2: Hallucinations
Chapter 3: Unknown Visitor
Chapter 4: Lilian
Chapter 5: How do I call this day?
Chapter 6: Just a Simple Day
Chapter 7: Glimpse of What's Within
Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness
Chapter 9: Bleak
Chapter 10: Unexpexted visitor
Chapter 11: A Warm Greetings
Chapter 12: Comfortable
Chapter 13: Home
Chapter 14: His Decision
Chapter 15: Last Normal(?) Day
LOTBML Facts
Chapter 16: Timothy von Flavel
Chapter 17: Sad Flower
Chapter 18: Red moon. Little Miss Lilian
Special Chapter: LOTBML and Elements Crossover
Special Chapter: Crossover Part II
Chapter 19: The Vows, New Water Meister
Chapter 20: Lilian's First Day of School
Chapter 21: Lilian the Popular
Chapter 22: Memory from the Heart
Chapter 23: Someone from the Past
Chapter 24: Remembering Someone
Chapter 25: Sagi's Weird Feelings
Chapter 26: Sagi's First Fight
Chapter 27: Lover
Chapter 28: Getting Close
Chapter 29: Cashmere
Chapter 30: Fallen Angel
Chapter 31: The Awakening of the Fire
Chapter 32: Being a Meister
Chapter 33: Incantations
Chapter 34: Angelica, The Guardian Spirit
Chapter 35: Water and Earth
Chapter 36: Fight to Pursue
A Valentine Special
Chapter 37: Fight to Pursue (Part 2)
Chapter 38: Explaining things
Chapter 39: The Wind Element's Meister
Chapter 40: Start of being a chosen
Chapter 41: The Suffering of the Meister
Chapter 42: Vacation in Sequoia
Chapter 44: Fire's Compromise and Water's Catastrophe
Chapter 45: Back to School
Chapter 46: Enemies
Chapter 47: Who's the Enemy?
Chapter 48: Suspicions
Chapter 49: Truth Revealed
Chapter 50: Silhouette of a God
Chapter 51: Silhoutte of a God 2
Chapter 52: Pain
Chapter 53: Distance
Chapter 54: New Water Goddess
Chapter 56: Loyalty
CHAPTER 57: Giulia's Side
Chapter 58: GIULIA'S GRIEF
Chapter 59: Catleya
Chapter 60: Full Moon
LOTBML 2ND ARC
2nd Arc: Chapter 2

Chapter 43: Vacation in Sequoia II

1.4K 42 10
By msrenasong

Kinabukasan ay maagang gumising ang magkakaibigan dahil plano nilang magpunta sa maliit na isla na pinuntahan ni Jin kahapon. Malapit lang iyon at ilang minuto lang ang byahe. Maliit lang ang isla ngunit marami namang mga halaman at puno doon. Maganda din ang buhangin doon at magandang lugar para makapagpicnic sila habang naliligo sa dagat. Iyon ang napili nilang puntahan kahit na may ilang malalaki at magaganda pang isla na napuntahan sya kahapon, dahil sa natatakot ang mga babae na sumakay ng bangka.

Ang mga lalaki na ang nag-ayos ng kanilang mga dadalhin sa isla sa Bangka na inarkila nila Jin. Samantalang ang mga babae naman ay nag-aayos ng kanilang mga sarili at gamit nila.

“Ang tagal niyo naman mag-ayos.” Reklamo ni Bonn pagkalabas ng mga babae sa kanilang tinutuluyan.

“Ganito talaga kaming mga babae no! hmp!” masungit na tugon ni Nicka at inirapan si Bonn.

“Akin na ang bag mo Jasmine, ako na ang maglalagay niyan sa bangka.” Salubong ni Bleak kay Jasmine at kinuha niya ang bag nito.

“Hehe maraming salamat Bleak.” Nakangiting tugon ni Jasmine at kinilig naman sina Nicka at Marianne sa nakita nilang ginawa ni Bleak.

Natuwa naman si Lilian ng makita ang ginawa ni Bleak sa kanyang dyosa na si Jasmine. Mukhang kahit na suplado ito at masungit ay alam naman niya kung paano maging isang gentleman. Napalingon naman siya kay Sagi na tahimik lang na naghihintay sa kanila sa bangka. Kanina pa ito roon dahil sila ang nag-aayos ng mga gamit sa bangka. Hindi niya maunawaan kung bakit o ano ba’ng nangyari at tila malungkot si Sagi simula pa kagabi nung pauwi na sila galing sa Street Party. Inisip lang niya na baka dahil pagod lang ito ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ito sa mood at tahimik lang.

“Leo, may nabanggit ba sayo si Sagi? Parang ang tahimik niya kasi masyado eh.” Tanong ni Lilian pagkalapit niya kay Leo.

“Huh? Si Sagi? wala naman.” At nilingon ni Leo ang kanyang pinsan ngunit wala naman siyang napapansing kakaiba dito. “Huwag kang mag-alala Lilian ayos lang iyang si Sagi. May mga pagkakataon talaga na ganyan sya. Sa totoo lang ay ganyan naman talaga sya noon madalas nung hindi ka pa dumarating eh.”

“Sinasabi mo pa na dahil sa akin kaya naging madaldal si Sagi at mapang-asar?”

“Hehe hindi naman sa ganun dahil madaldal din naman sya at mapang-asar. SInasabi ko lang na nagkaroon lang ng sigla si Sagi ng dumating ka.” At tinignan nilang dalawa si Sagi na inaalalayan ang mga kasama nilang babae sa pagsakay sa bangka. “Kaya naman Lilian, nakikiusap ako sa na pagpasensyahan mo lang si Sagi sa ugali niya hehe at wag mo siyang iiwan.”

Nabigla naman si Lilian sa sinabi ni Leo. Hindi niya alam pero parang kakaiba ang dating nun sa kanya. Kung sinasabi ni Leo na ay ang makasama sya ni Sagi habang buhay ay hindi maari dahil aalis din sya pagkatapos ng misyon nila. Pero imposibleng iyon ang ibig sabihin ni Leo dahil batid naman niya na ganun ang mangyayari. Siguro ay masyado lamang syang nag-iisip.

“Halika na Lilian sumakay na rin tayo. Ako na ang magdadala sa bag mo.” Inaya na ni Leo si Lilian at sya na rin ang nagdala sa bag nito.

“Uhm. Maraming salamat.”

Kahit na natatakot ang mga babae sa pagsakay sa Bangka lalo pa at medyo maalon ay na-enjoy naman nila ang tanawin habang bumabyahe sila papunta sa isla. Nahilo naman si Bonn dahil ito ang unang beses na makasakay sya ng bangka at hindi sya sanay. Si Sagi naman ay tahimik lang na nakaupo at nakababa ang kamay niya para mahawakan niya ang tubig habang umaandar ang bangka. Ilang minuto pa at narating na nila ang isla.

“Wow! Ang ganda naman dito!” bulalas ni Lilian pagkarating nila sa isla.

“Hindi ko inaasahan na tayo lang ang nandito. Wala bang ibang nagpupunta dito?” tanong ni Marianne kay Jin.

 

“Tingin ko wala dahil baka sa ibang isla nagpunta ang ibang mga turista. Mas malalaki at magaganda kasi iba pang mga isla eh.” Tugon ni Jin kay Marianne habang isa-isa nilang binababa ang kanilang mga gamit sa bangka.

“Kaya pala. Well mabuti na rin iyon para masolo natin ang lugar na ito hehe.”

 

“Dito lang muna kayo girls ah, papasok lang kami sa loob ng gubat para maghanap ng mga pwedeng gamitin sa paggawa ng tent.” Bilin ni Leo sa mga babae at inaya ang mga lalaki sa pagkuha ng mga gamit sa gubat.

“Oy maganda yan! Para tayong mga survivor sa isang plane crash at napadpad sa isang malayong isla!” bulalas ni Nicka ng may nagniningning na mga mata.

“Ayan ka na naman Nicka eh. Nasosobrahan ka naman sa panunuod ng mga pelikula.”

“Hehehe sorry naman naeexcite lang.”

“Haha ayos lang. Tayo na guys.”

Pumasok na nga sa gubat ang mga lalaki at nanguha sila doon ng mga malalaki at malalapad na dahon na maari nilang gamitin pa rin ng mga pawid at dahon ng puno ng buko. Pagbalik nila ay naabutan nila ang mga babae na naghahanda ng pagkain at nagsisimula na rin ang mga ito sa pagsisiga ng apoy kung kaya tinulungan na rin nila ang mga ito at ang iba naman ay inayos ang gagawin nilang tent. Mabilis namang nagawa ng mga lalaki ang tent dahil nakagawa naman na sila ng ganon sa mga camping na nasalihan nila noong elementary pa lamang sila.

Habang naghihintay ang iba sa pagluluto ng pagkain ay naisipan nilang maglaro sandali ng volleyball. Mabuti at nadala nila ang kanilang bola. Sina Leo at Ansha ang naghahanda ng mga pagkain nila at nag-eenjoy lang sa paglalaro ng mga kaibigan nila.

“Mine! Mine!” sigaw ni Andree at tinira ni Bonn ang bola papaasa kay Andree saka naman nito ini-spike pabalik sa kalaban na grupo.

“Wooohhh!” sigaw nila ng hindi masangga ng kalaban ang bola at sa kanila ang score. Magkakasama sa isang grupo sina Andree, Bonn, Sagi at Lilian samantalang sa kabilang grupo naman ay sina Jasmine, Jin, Bleak at Nicka. At si Marianne naman ang taga-score sa kanila.

“Eh! Madaya talaga mas lamang ang lalaki sa kanila eh!” reklamo ni Nicka dahil kanina pa sila naglalaro at lamang na ng tatlong puntos ang grupo nila Sagi sa kanila.

“Haha wala iyong kinalaman doon Nicka. Huwag kang mag-alala babawi tayo.” Tugon ni Jin at nagsimula na sila ulit maglaro. Walang hirap niyang nasalo ang pag-serve ni Sagi at pagka-angat ng bola ay ini-spike niya ito pabalik na nagawang sanggain ni Bonn ngunit dahil sa lakas ay tumalsik ang bola at sa kanila ang puntos.

“Kyaaahhh! Ang galing mo talaga Jin!” sigaw ni Marianne na bilib na bilib sa ginawa ni Jin.

“Hahaha si Marianne talaga.” napapailing na bulong ni Ansha.

“Salamat Ms. President!” nginitian ni Jin si Marianne at namula naman ito nang mapagtanto ang kaniyang ginawa.

“Okay lang iyan! Lamang pa rin tayo sa kanila.” Wika ni Andree at si Bleak naman ang nagserve sa kabila. Nasalo naman ni Lilian ang serve na iyon at ipinasa niya kay Sagi na ipinasa naman niya pabalik kay Lilian at ini-spike pabalik sa kalaban at walang nakasalo nun dahil sa bilis. Magagawa naman ni Jasmine na saluhin pero baka magtaka naman ang mga kasama nila sa kapag mabilis siyang kumilos.

“Nice one, Lilian!” bati ni Bonn kay Lilian at binigyan sya ng isang thumbs up nito. Nilingon naman niya si Sagi ngunit seryoso naman itong nakatingin sa mga kalaban nila.

“Hehe salamat." nasabi na lang niya at nagulat na lang sya ng makita sa harapan si Sagi at sinangga ang bola na papalapit sa kanya.

Halos manlaki ang kanyang mga mata sa nangyari. Ano ba ang iniisip niya at di niya namalayan ang pagdating ng bola.


"Muntikka na doon Lilianah. Magaling ang ginawa mo Sagi." Puna ni Jin sa kanilang dalawa bago nito tinira ang bola pabalik sa kabilang grupo.

"spacing out eh?" Bulong ni Sagi sa kanya bago ito bumalik sa paglalaro.

Ilang sandali pa ay naluto na ang kanilang pagkain kung kaya tinigil na nila ang paglalaro at ang grupo nila Jin ang nanalo. Nakabawi sila bago pa sa huling minuto ng laro.

-----------

Pagkatapos kumain at makapagpahinga ay naisipan nila na pumasok sa loob ng gubat bago bumalik sa tinutuluyan nila. Marami silang nakitang mga kakaibang halaman sa loob ng gubat. Mga halaman na ngayon lang nila nakita o doon lamang makikita sa mismong isla. Mabuti na lamang at kasama nila sina Jasmine at Bleak na nagsilbing tour guide nila.

"Mukhang malayo na ata ang narating natin ah. Mabuti pa siguro ay bumalik na tayo." Pag-aaya ni Jasmine sa kanila. Nararamdaman na kasi nila ang kakaibang aura sa paligid. Kanina pa naman naka-alerto sina Sagi at Bleak kung sakaling lumabas ang mga kalaban.

"Oo tayo na. Napapagod na rin kasi ako eh." Pagsang-ayon ni Ansha.

Napagkasunduan naman nilang lahat na bumalik na. Sa gitna naman ng kanilang paglalakad ay napansin nila ang unti-unting pagkakaroon ng hamog at pakapal ito ng pakapal habang papalapit sila ng papalapit sa labasan.

"Eeehhh~ ako lang ba o ang creepy talaga ng nangyayari?" Medyo kinikilabutan na tanong ni Bonn sa mga kasama.

"Ome! Katulad ito ng mga napapanuod ko! Mamaya nito ay may bigla na lang hihila sa paa ng isa sa atin at--" halo-halong pagkasabik at pananakot naman ang boses ni Nicka habang nagsasalita pero napatigil siya sa pagsasalita ng tumili si Ansha.

"Kyaaaahh!~ tama na! Tama na!" Natatakot na tinakpan ni Ansha ang kanyang mga tenga dahil siguradong mga nakakatakot na ideya na naman ang sasabihin ni Nicka.

"Nicka naman!" Saway ni Andree kay Nicka at tumigil naman ito at humingi ng paumanhin kay Ansha.

"Huwag kang matakot Ansha, masyado lang nadala si Nicka sa sitwasyon natin." pag-aalo ni Sagi kay Ansha at huminahon naman ito kaagad.

"Jasmine?" Bulong ni Bleak na tila nagtatanong kung anong gagawin nila.

"Sandali kumalma lang kayong lahat. Marahil ay natural lamang ang ganito dito lalo pat alas kwatro na rin halos ng hapon. Magdadapit hapon na kaya siguro nagkakahamog na dito. Wag kayong matakot." Wika ni Jasmine kaya nawala ang pagpapanic sa mga kasama nila.

"Tama si Jasmine. Sa pagkakaalala ko dito sa parteng ito ay diretso lang ang lalakarin natin para makalabas tayo dito." mahinahon na dugtong ni Bleak.

"Pero kumakapal na ang hamog. Wala tayong makita mamaya maligaw pa tayo." wika ni Marianne.

"Ngunit mas lalong delikado kung magtatagal tayo dito." wika naman ni Andree

"Sagi nasa labas ng isla ang mga kalaban." bulong ni Lilian kay Sagi. Kailngan nilang gumawa ng paraan para mailayo sa kapahamakan ang mga kasama nila.

"May mga flashlights at mahabang lubid akong nilagay doon sa bangka In case of emergency at mukhang magagamit natin ang mga iyon ngayon." wika ni Sagi na nakaisip na kaagad ng plano para makaalis sila at harapin ang mga kalaban ng hindi nadadamay ang mga kaibigan nila.

"Paano natin yun magagamit kung nandoon yun sa bangka?" takang tanong ni Bonn.

"Mukhang nakabisado ni Bleak ang dinaan natin kanina. Ganito, maiwan kayo dito at kami naman ay lalabas para kunin ang flashlights at lubid. Itatali namin ang lubid sa puno sa dulo bago muling pumasok dito at sunduin kayo. Ang lubid ang magsisilbing guide natin palabas." paliwanag ni Sagi sa mga kasama at napangiti naman sina Lilian at Jasmine sa naisip niyang plano.

"Pero paano kung maligaw kayo?" tanong ni Marianne na mukhang medyo nag-aalangan sa naisip ni Sagi.

"Hmmmm. Bigyan nyo kami ng mga 15 o 20 minutes at kapag di pa kami nakabalik ay dalawa sa inyo ang sumunod palabas. Pero wag kayong mag-alala dahil magagawa naman namin na makabalik."

"Hehe basta ikaw ang nagsabi Sagi ay may tiwala ako. Basta mag-iingat kayo. Kapag hindi kayo nakabalik ay kami ni Bonn ang lalabas." kampanteng tugon ni Jin. Alam niyang mapagkakatiwalaan at maasahan si Sagi sa mga ganitong sitwasyon.

"Oo nga Sagi, Kapag wala pa kayo ay kami ang lalabas...EHHHH?!! t-teka Jin bakit ako?!"kalmado nung una ngunit nagulat naman silang lahat sa violent reaction ni Bonn sa sinabi ni Jin.

"Syempre para kapag umalis tayo ay sina Leo at Andree ang bahala sa mga babae. Mas ligtas sila kung sila ang magbabantay sa kanila." paliwanag ni Jin.

"Hindi ba pwedeng ako ang maiwan dito kasama ni Leo at kayo na lang ni Andree ang lumabas?" nagmamaka-awang tanong ni Bonn kay Jin at kumapit pa ito kay Leo na parang nanghihingi ng pagsang-ayon mula rito.

"Hindi pwede."

"Grabe ang lupit mo naman. Wala ka man lang tiwala sakin?" maiyak-iyak na tanong ni Bonn.

"Wala." halos manlumo naman si Bonn ng walang atubiling sumagot si Jin, natawa naman ang mga kasama nila sa kanya.

"So, ayun ang gagawin natin ah. Lalabas kami at hihintayin ninyo kami dito. Kapag wala pa kami paglipas ng 20 minutes ay susunod sina Jin at Bonn." paglilinaw ni Sagi sa plano sa mga kaibigan niya.

"Mag-iingat kayo, Sagi at Zach." paalala ni Marianne sa dalawa.

"Oum Ms. President. Huwag kayong mag-aalala masyado dahil babalik kami kaagad. Mag-iingat din kayo dito at wag kayong maghiwa-hiwalay."

"Makaka-asa ka."

 

"Ingat kayo ah. Good luck." Nakangiting paalala ni Leo sa pinsan nit=ya at kay Bleak.

 

"May tiwala kami sa inyo. Wag lang kayong masyadong magtatagal ah." bilin ni Bonn sa dalawa.

 

"Hahaha natatakot ka lang Bonn na sumunod sa kanila eh haha." kantyaw ni Nicka kay Bonn.

 

"Eh? eh kung ikaw kaya sumunod sa kanila?!"

 

"Bonn!" saway ni Jin kay Bonn at tumigil naman ito.

"Sige na aalis na kami." pagpapaalam ni Bleak sa mga kasama nila.

At umalis na nga sina Sagi at Bleak. Nang makalayo ang dalawa ay lalo pa nilang naramdaman ang mga kalaban na naghihintay sa kanila sa labas ng gubat.

"Hindi naman sila ganoon karami pero kailangan nating mag-ingat para hindi madamay ang mga kaibigan ninyo."

 

"Sigurado naman ako magiging ayos lang sila. Sina Lilian at Jasmine na ang bahala kina Leo at sa iba pa."

 

"Tapusin natin kaagad ang mga kalaban. Kailangan natin makabalik paglipas ng 20 minutos."

 

"Hehe alam ko. *SOLIDIFY! GLADIOLUS!*" at inilabas na ni Sagi ang kanyang espada na gawa sa yelo.

"Hmmmm ayan malapit na...*MOLDIFY! EXCALIBUR!*" inilabas na din ni Bleak ang kanyang armas na isang malaking espada na gawa sa mga pinaghalong bato, lupa at mga metal.

--------

"Lilian, sabihin mo, may nangyayari hindi ba?" tanong ni Leo kay Lilian pagkaalis nina Sagi at Bleak. "Napansin ko kanina ang tensyon sa mukha ni Sagi."

"Uhm, tama ka. May mga kalaban sa labas ng isla at sinadya ko talaga na gumawa ng hamog para manatili dito sa loob ng gubat ang mga kasama natin at hindi sila madamay sa labanang magaganap."

"Kung ganun ay ikaw pala ang may gawa nito?"

"Lilian, oras na siguro para patulugin na natin sila para di na nila mapansin pa ang laban na magaganap sa labas." suhestiyon ni Jasmine at pinapakiramdaman ang pagkilos nila Bleak at Sagi pati na ng mga kalaban nila.

"Sige, Jasmine. Pasensya na Leo pero pati ikaw ay patutulugin din ni Jasmine. Hindi magugustuhan ni Sagi kung mapapahamak ka." 

"Ayos lang, nauunawaan ko. Mag-iingat kayo at galingan ninyo sa pakikipaglaban." nakangiting tugon ni Leo kahit na nag-aalala sya ng husto para sa kanyang pinsan pati na rin kina Lilian.

"Oy ano iyang pinaguusapan ninyo diyan? Share niyo naman." naiintrigang tanong ni Nicka sa kanilang tatlo.

"Hehe wala naman, pasensya na." pagsisinungaling ni Leo at lumapit sa mga kasama nila.

"Ang totoo niyan ay meron." nagtaka naman ang mga kasama nila sa seryosong pagsasalita ni Jasmine at tumayo ito sa gitna nilang lahat. "Ito yun..*SLUMBER DUSTS!*" pagkasambit noon ni Jasmine ay lumabas sa kanyang mga kamay ang maliliit at makikinang na alikabok na nagdulot naman ng pagkakahimbing ng mga kasama nila. Kasunod noon ay nagpalabas si Jasmine ng malalaking bulaklak at ipinasok niya sa mga iyon ang kanilang mga kasama. Magsisilbing harang at proteksyon ang mga bulaklak na iyon upang walang mangyaring masama sa mga kasama nila habang nakikipaglaban sila sa labas ng isla.

"Ayan, magiging ligtas silang lahat diyan sa loob ng mga bulaklak. Masusundan na natin sina Bleak at Sagi sa labas."

"Uhm. Angelica..." tinanguhan ni Lilian si Jasmine bago ibinaling ang tingin kay Ansha na nag-iisang hindi tinablan ng slumber dusts ni Jasmine. "Ikaw na sana ang bahala sa kanila."

"Oo, ako na ang bahalang magbantay sa kanila. Sige na, sundan ninyo na sina Sagi at Zach." tinanguhan nina Lilian at Jasmine si Ansha bago sila umalis.

Mabalik kina Sagi nang mga sandaling pinapatulog pa lamang ni Jasmine ang mga kasama nila...

*AQUA BLAST!* at pinatamaan ni Sagi ng malakas at rumaragasang pwersa ng tubig ang kanilang mga kalaban samantalang si Bleak naman at pinapatamaan ang ilan sa mga ito ng kaniyang Terra Crushers o malalaking tipak ng bato.

Pagkatapos nilang talunin ang mga iyon ay may mga panibago na naman na umahon mula sa karagatan. Nakakakilabot ang itsura ng mga ito na hindi maunwaan kung tao o halimaw na mukhang isda o sa madaling salita....

"Ang pangit nila mukha silang mga syokoy." dismayadong wika ni Sagi habang tila nandidiri na nakatingin sa mga iyon na palapit sa kanila.

"Ewan ko pero sang-ayon ako sayo na pangit sila. Di pa kasi ako nakakakita ng syokoy eh." wika naman ni Bleak na halatang nang-aasar sa tono ng pananalita nito.

"Aba't namimilosopo ka pa diyan ah." inis na tugon ni Sagi at tinignan si Bleak ng may naniningkit na mga mata.

"Totoo naman eh." kibit balikat na giit ni Bleak at inihanda niya ang kanyang espada dahil palapit na ang mga kalaban sa kanila. "Kumilos ka na! Ayan na sila! *EARTH SMASH!*" pinaikot ni Bleak sa kanyang mga kamay ang kanyang espada atsaka ito inihampas sa buhanginan at sa lakas ng impact nito ay tumalsik ang mga buhangin sa magkabilang direksyon at sa dulo naman ng talim ng esapada niya ay lumabas ang isang dambuhalang kamay na humampas sa mga kalaban nila

"Psssh. Alam ko, wag mo akong pagsabihan ng gagawin!" inis na tugon ni Sagi at humanda na rin sa pag-atake.

"SAGI! BLEAK!" sigaw nina Jasmine at Lilian pagkalabas nila ng gubat at naabutan nilang nakikipaglaban ang dalawa.

"Anong klase ng mga nilalang ang mga iyan? ang pangit naman!" kinikilabutan na wika ni Jasmine at nagtago pa sa likod ni Lilian.

"Kahawig sila ng mga syokoy na tinatawag ng mga tao pero magkaiba naman sila. Sagi! Bleak!" paliwanag ni Lilian at nilingon naman siya ng dalawa.

"Lian! Nasaan na sina Leo? Ayos lang ba sila?" tanong ni Sagi habang pinapatamaan ng mga Water Blades ang mga kalaban.

"Huwag kang mag-aalala ayos lang sila."

"Makinig kayo! Kahit anong gawin ninyo na tapusin ang mga iyan ay di sila mauubos! nasa ilalim ng dagat ang pinaka-boss nila. Kailangan ninyo yung matalo para matalo ninyo rin sila!" pagbibigay direksyon ni Lilian sa dalawa.

"Eh? sa ilalim ng dagat?"

"Kaya pala hindi sila maubos-ubos eh."

"Bleak!" sigaw ni Jasmine na tila sinasabing may kalaban na paatake sa kanya.

"Huh?" nakuha naman ni Bleak ang ibig sabihin ni Jasmine ngunit huli na ng makalingon sya dahil nakagat sya sa balikat ng isa sa mga nilalang na kalaban nila. "Ahhh!" daing niya at kaagad na sinuntok ang nilalang ng kanyang Earth Fist  "A-Aray~ aish~" daing ni Bleak at hinawakan ang kanyang balikat na nagdurugo dahil sa talim ng pagkakakagat sa kanya ng nilalang. Kaagad naman siyang dinaluhan nina Lilian at Jasmine.

"HAAAAAAA!! Magbabayad kayo sa ginawa ninyo kay Bleak!"  galit na sigaw ni Jasmine at umangat mismo sa kinatatayuan ng mga halimaw ang malalaking bato na nagpatalsik sa kanila pabalik sa dagat.

"Woooowww~" manghang pinagmasdan ni SAgi ang pagtilapon ng mga nilalang. "Ang angas ni Jasmine!" bulalas ni Sagi atsaka lumapit sa kaniyang mga kasama.  Nilinis ni Lilian ang sugat ni Bleak gamit ang kanyang Purification incantation bago ito tuluyang gamutin.

"Ayos ka na ba, Bleak?" hinawakan ni Jasmine ang mukha ni Bleak at buong pag-aalala niyang tinanong ang kalagayan nito.

"Ayos lang ako. Maliit na sugat lang naman ito para mag-alala ka ng ganyan at muntik ka na namang magwala." kunot noong tugon ni Bleak kay Jasmine.

Bahagya namang nakaramdam ng awkwardness si Sagi sa nakitangpag-aalala ni Jasmine kay Bleak. Napalingon naman siya kay Lilian at doon niya naisi na parang hindi pa ata niya nakita na nag-aalala ng ganoon sa kanya si Lilian. Nang mga sandali ding iyon ay naalala ni Sagi ang nakita niya kagabi. Kung paano tignan ni Lilian si Stewardson at kung paano siya ngumiti at makipag-usap dito. 

"Bakit Sagi?" tanoong ni Lilian ng mapansin na nakatitig sa kanya si Sagi. Dahil naman doon ay nagising si Sagi sa kanyang pagmumuni-muni.

"A-ano wala naman. Kanina diba sinabi mo na nasa ilalim ng dagat ang pinaka kalaban natin?"

"Oo, kailangan na harapin natin iyon doon mismo sa ilalim."

"Kayo na Lilian ni Sagi ang pumunta sa ilalim at kami naman ni Bleak ang bahala sa mga nilalang na aangat dito."

"Hehe tingin ko magagamit natin ang lakas ng Earth meister para matalo kaagad ang kalaban. Susubukan namin ni Sagi na paangatin ang halimaw mula sa ilalim ng dagat."

"Teka Lilian? Gaano ba kalalim ang lalanguyin natin para makita ang boss?" tanong ni Sagi at pinapakiramdaman ang mga alon sa dagat.

"Hindi ko alam pero ang sigurado ako ay hindi nain sya mararating kaagad dahil siguradong maraming haharang sa atin." 

"Hindi ko alam kung makakatagal ako sa ilalim ng dagat."

 

"Hahaha bakit inaalala ng water meister ang bagay na iyan?" natatawang tanong ni Lilian at hinawakan ang kamay ni Sagi saka sila naglakad papunta sa dagat. "Hintayin ninyo kami dito at maging alerto sa mga mangyayari. Maaring plano nila na paghiwalayin tayo at maaring may mga kalaban pa na parating."

 

 

"Oo Lilian, hindi ko inaalis ang posibilidad na mangyari nga iyan. Mag-iingat kayo."

"Uhm! Halika na, Sagi." at lumangoy na sina Lilian at Sagi sa dagat. Hindi pa ganoon kalayo ang kanilang nasisisid ng maramdaman ni Sagi ang isang pag-atake mula kanilang likuran. Hindi siya ganoon nakakilos kaagad upang iwasan ang pag-atake dahil hindi naman niya alam kung paano makipaglaban sa ilalim ng dagat. Mabuti na lang at hinila sya ni Lilian.

"AQUA SPHERE!" sigaw ni Lilian at nabalot silang dalawa ni Sagi ng isang sphere.

"Nakakapagsalita ka sa ilalim ng dagat?" tanong ni Sagi kay Lilian.

"Bakit nagtataka ka pa? Halika na." at sumisid sila ulit habang nababalot sila ng Aqua Sphere.

 "Lian dapat siguro magsimula na ako ng training sa ilalim ng dagat o ng lawa. Ang hirap kumilos dito sa ilalim."

"Kaya nga papaangatin natin ang halimaw para hindi tayo mahirapan na tapusin siya. Humanda ka Sagi! ayan na sila!" nagulat naman si Sagi sa malakas na atakeng natanggap nila kung kaya nasira ang sphere na bumabalot sa kanila.

"Sagi! magsisimula ka na sa training mo! ngayon mismo!" sigaw sa kanya ni Lilian at mabilis itong kumilos upang atakihin ang mga kalaban.

"Eh? a-ump" magsasalita sana si Sagi pero hindi naman niya syempre magagawa iyon. Binalot niyua ang kanyang sarili sa aqua sphere bago magsalita. "Ngayon kaagad? Hindi nga ako makakilos ng maayos dito at mahihirapan akong huminga habang nakikipaglaban."

"At hindi ka rin makakalaban kung nababalot ka ng Aqua Sphere!" sigaw ni Lilian dahil nasa malayo na siya at walang hirap na nakikipaglaban. Ano bang dapat asahan sa water goddess. Syempre mas madali sa kanya ang makipaglaban sa ilalim ng tubig.

"Eh anong gagawin ko?!" kunot noong tanong ni Sagi. Nahiya naman siya na hindi niya magawang makipaglaban mismo sa loob pa ng kanyang elemento.

"Lumangoy ka lang hanggang sa makita mo ang boss. Ako na ang bahala sa mga kalaban." tugon ni Lilian at nilapitan si Sagi. "Kapag nakita mo ang boss ay hintayin mo lang ako."

"Susubukan ko pa rin na makipaglaban. Tutal nasa training naman na ako." wika ni Sagi at lumangoy na sya ulit para hanapin ang boss. Inalalayan naman sya ni Lilian sa pagharap nito sa mga kalaban na humaharang sa daraanan ni Sagi.

Habang patuloy si Sagi sa paglangoy ay pinagmamasadan niya kung paano makipaglaban si Lilian. Tila lamang naglalaro ito at sumasayaw sa tubig. Mukhang mas madali para rito ang makipaglaban sa tubig. Maya-maya pa ay natanaw na niya ang isang liwanag sa di kalayuan. Mabuti na lamang at nasa loob sya ng Aqua Aphere kung hindi ay di niya mgagawang umabot sa ganoon kalalim na parte ng dagat. Mas binilisan pa ni Sagi ang paglangoy upang marating kaagad ang boss

Samantala sa itaas kung nasaan sina Bleak at Jasmine...

"Ayos lang kaya silang dalawa?"

"Syempre naman oo. Si Lilian pa, siguradong hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa kanyang meister. At ganoon din ako sayo, Bleak." napalingon naman si Bleak kay Jasmine dahil sa seryosong tinig nito sa huling mga salita na sinabi nito kasunod noon ay nakita niya ang pag-angat ng buhangin na humarang sa pag-atake mula sa kanyang likuran.

"Katulad ng inaasahan."

"Galing sa loob ng gubat ang pag-atake. Tingin mo ayos lang sila doon?" tanong ni Bleak habang pinapakiramdaman ang kilos ng kalaban sa lupa.

"Oo, itinago ko sila at binabantayan naman sila ngayong ng guardian spirit ni Sagi."

"Guardian spirit?"

"Uhm. Mamaya ko na lang ipapaliwanag. Sa ngayon ay harapin muna natin ang mga ito." pagkasabi noon at kaagad na inatake nila Jasmine at Bleak ang mga nilalang na nagtatago sa loob ng gubat.

Mabalik naman ulit kina Sagi at Lilian...

Patuloy sa paglangoy si Sagi at sa wakas ay nakita na niya ang higanteng halimaw na mukhang palaka. Mukhang ito na ang boss na hinahanap nila. "Gotcha!"binilisan pa ni Sagi ang paglangoy ngunit nagulat sya dahil sa nagsama-sama ang mga nilalang na mukhang syokoy upang bumuo ng isang barikada at walang planong palapitin sya sa boss nila.

"Heh! Akala ninyo mapipigilan ninyo ako ah!" inalis ni Sagi ang kanyang sphere at nilabas ang kanyang Trident at iwinasiwas ito kahit na nahihirapan syang kumilos sa tubig. "*Ice Daggers!*" pag-enchant ni Sagi sa kanyang isip at lumabas sa kanyang tridnet ang mga yelo na patulis at mabilis na tumungo sa mga kalaban ngunit sinangga iyon ng mga kalaban gamit ang aqua blast na sabay-sabay na pinakawalan ng mga ito. dahil doon ay bumalik ang atake ni Sagi at kasunod pa noon ay ang mga atake ng kalaban. Hindi na sya makaka-alis at wala ring silbi kahit maglagay pa sya ng harang kaya sasalubungan na lang niya ang mga iyon. 

Hinawakan ni Sagi ng mahigpit ang kanyang trident at muling nag-enchant sa kanyang isip. "*SWIRLING WAVES!*" at mula sa kanyang trident ay umikot ang tubig na hanggang sa lumaki ng lumaki ang pag-ikot na nagsilibing harang kay Sagi at ang pwersa naman nito ay tinapatan ang mga pag-atake ng kalaban.

Pinagpatuloy naman ng mga nilalang na mukhang syokoy ang paglabas ng Aqua blasts upang tapatan din ang atake ni Sagi. Kung kaya naman nilakasan din ni Sagi ang kanyang atake kahit na medyo nahihirapan sya dahil pinipigilan niya ang kanyang paghinga. Hindi pa nakuntento ang mga kalaban ni Sagi at pinalibutan sya ng ilan pa sa mga ito at planong atakihin muli.

"Sagi! Kainis!" sigaw ni Lilian nang makita na napapalibutan si Sagi at medyo malayo ito sa kanya. Hindi niya alam kung makakaabot sya upang iligtas ito.

"Badtrip! Pagtutulungan talaga nila ako ah." isip-isip ni Sagi at nauubusan na siya ng hininga. Nagbitaw ng mga atake ang mga nilalang na pumalibot kay Sagi at ang mga ito ay matutulis at matatalim na yelo.

"Sagi!" sigaw ni Lilian nang makita na napapalibutan si sagi ng mga kalaban. Masyado syang malayo at hindi sya makakaabot para mapigilan ang mga kalaban sa pag-atake o maprotektahan man lang si Sagi.

"Bwisit! Nauubusan na ako ng hangin! *CYCLONE!*" bago pa man matamaan si Sagi ng mga matatalim at matutulis na yelo mula sa mga kalaban ay napalibutan si Sagi ng mabilis na pag-ikot ng tubig dagat. Nagmula iyon sa kanyang paa paitaas at ang pwersa nito ay nagtulak sa mga kalaban niya palayo. Dahil naubusan na si Sagi ng hangin ay mabilis na nawala ang kanyang incantation at nakita siya ni Lilian na nahuhulog sa pinakailaliman ng dagat.

 "Sagi!" minulat ni Sagi ng bahagya ang kanyang mga mata at nakita niya si Lilian na palapit sa kanya. Hinila sya nito palapit sa kanya at nagulat sya nang maglapat ang kanilang mga labi at naramdaman niya ang pagpasok ng kakaibang hangin sa kanyang katawan.

"Subukan mong huminga at magsalita." utos sa kanya ni Lilian at doon niya napansin na nakakahinga na nga siya sa tubig.

"A-anong?..."

"Mamaya na iyan at tatapusin pa natin ang isang iyon." putol ni Lilian sa pagtatanong ni Sagi at itinuro ang halimaw na naghihintay sa kanila.

"Sa too lang ay nawiwirduhan ako eh. Mukhang palaka ang isang iyan. Seryoso sa dagat?" kunot noong wika ni Sagi habang tinitignan ng maigi ang halimaw.

"Wag ka ng magtanong at halika na."

"Ha-halikan na?" namula naman si Sagi sa narinig niya kay Lilian. 

"Oo, halika na. nakakahinga ka na kaya wala ng sagabal sa pakikipaglaban mo." at lumangoy na si Lilian papunta sa halimaw.

"Oo, sabi ko nga." at sumunod na si Sagi kay Lilian.

"Mahina lang ang halimaw na ito, Sagi. Mabagal din sya kumilos dahil sa laki at bigat ng katawan niya. Umaasa lang sya sa mga alagad na."

"Kaya pala, duwag pala ang isang iyan eh!"

"Nakikita mo ba iyong hawak niyang pipa?" at itinuro ni Lilian ang malaking pipa na nasa tabi ng malaking halimaw. "Kapag hinipan niya iyon ay lumalabas doon ang mga panibagong alagad niya. Gusto kong sirain mo ang pipa na iyon habang ako na ang bahala sa mga sagabal."

"Copy that!" at kumilos na silang dalawa. Si Lilian ang humarap sa mga sagabal na alagad ng halimaw samantalang ang ilang sa mga nakakalusot kay Lilian ay hinaharap ni Sagi.

"Ayun na! Sisirain ko iyang pipa na iyan!" sigaw ni Sagi ng makalapit sa halimaw pero nagulat sya ng muli syang palibutan ng mga alagad nito. "Magsitabi kayo! *Frost Slash!*" at nabalot ng yelo ang kanyang Gladiolus bago niya inatake ng direkta ang mga kalaban. Dahil sa hindi na niya problema ang paghinga ay mas nakakakilos na si Sagi ng maayos sa tubig. Nagyelo naman ang mga tinamaan ng pag-atake niya.

"Ikaw naman ang isusunod ko palaka! ida-disect kita!" itinaas ni Sagi ang kanyang espada pero nagulat sya ng bumukas ang bunganga ng halimaw at nilabas nito ang mahaba nitong dila at pinuluputan sya. "Uwaaahhh! Kadiri!" nagpupumiglas naman si Sagi pero hindi sya makawala hanggang sa dahan-dahang inilapit ng halimaw ang dila niya pabalik sa kanyang bunganga at mukha atang kakainin si Sagi.

"Teka sandali! Hindi ako masarap!" nagpapanic na sigaw ni Sagi sa halimaw pero hindi sya nito pinansin.

"*WINTER'S CURSE!*" nagyelo ang dila ng halimaw pagkatapos nun ay buong lakas iyong winasak ni Lilian gamit ang kaniyang Spear at nakawala si Sagi.

"Salamat, Lian!" sakto naman na pagka-alis ni Sagi sa nawasak na dila ng halimaw ay nandoon na sya sa mismong pinaglalagyan ng pipa nito. Sisirain na sana niya iyon ngunit napasigaw ng malakas ang halimaw sa sakit ng pgakakaputol ng kanyang dila. Nagdulot iyon ng lindol sa dagat at halos tangayin naman sila ni Lilian sa pwersa na likha ng pagsigaw nito.

"Tsk! paano tayo makakalapit kung ganyan?" inis na tanong ni Sagi habang nilalabanan ang pwersa upang hindi sya matangay nito palayo

"Walang choice kundi ang patikumin ang bibig niya. Ako na ang bahala. Takpan mo ang tenga mo Sagi."

"Bakit?"

"Sundin mo na lang!" natakot naman si Sagi kay Lilian kaya sinunod na niya ito. Tinakpan niya ang kanyang tenga at nakita niya na parang kumakanta si Lilian. Gusto sana niya itong marinig kaso nang sinubukan niyang alisin ang kanyang kamay sa kanyang tenga ay tinignan sya ng masama ni Lilian. Maya-maya pa ay humina ang pwersa ng tubig na dulot ng pagsigaw ng halimaw at nakita ni Sagi na mukha itong inaantok.

Napalingon naman sya kay Lilian at sinenyasan sya nito na pwede na niyang alisin ang pagkakatakip ng kanyang mga kamay sa kanyang tenga at inutusan na siya nitong gawin ang dapat niyang gawin.

"Ito na!" gamit ang kanyang espada at sinira ni Sagi ang pipa ng halimaw at nagbago ang anyo ng halimaw. Naging mas pangit pa ito at bahagyang lumiit ang katawan. "Ha? Kung ganoon ay nanggaling din sa pipa ang kapangyarihan niya?"

"Lumayo ka diyan Sagi at iba-bind ko na ang isang iyan at si Bleak na ang bahalang tumapos sa kanya."

"Bind?" takang tanong ni Sagi, ngayon lang niya narinig ang tungkol doon.

"Isang orasyon para mapahina ang halimaw at maialis natin sya dito." at ipinagtapat ni Lilian ang kanyang mga palad saka muli mabilis na pinaghiwalay at lumabas doon ang mga tubig na tila isang lubid at patuloy na lumalabas ang lubid sa palad ni Lilian hanggang sa napakahaba na nito. kasunod noon ay pinalibot niya iyon sa halimaw at sinikipan ang pagkakapulupot habang binibigkas ang mga kakaibang salita.

Namamangha naman si Sagi sa kanyang nakikita. Nagliliwanag na sila doon sa ilalim ng dagat dahil umiilaw ang tubig na nakapulupot sa halimaw. Pagkatapos naman ni Lilian bigkasin ang orasyon ay nanghina ang kanyang katawan at kanina pa rin kasi syang nakikipaglaban kaya inalalayan sya ni Sagi.

"Sagi, kailangang maiangat na kaagad ang halimaw. May time limit ang orasyon na nakapalibot sa kanya. Ikaw na ang mag-angat sa kanya hindi ko alam kung makakalangoy ako ng mabilis sa lagay ko ngayon."

"Sige ako na ang bahala." at kinuha ni Sagi kay Lilian ang dulo ng tubig na bind na nakapulupot sa halimaw saka sya mabilis na lumangoy paitaas. Habang lumalango paitaas ay napapansin ni Sagi na tila nabubura ang orasyon sa tubig kung kaya naglabas sya ng malakas na Aqua blast sa kanyang mga kamay at paa na tumulak sa kanya upang mas mabilis na makarating sa itaas

------

"Ang tagal naman ata nila doon sa ilalim?" tanong ni Bleak habang bahagya pang naghahabol ng hininga. Halos kakatapos lang nilang tapusin ang mga kalaban nila ni Jasmine.

"Bleak Zachary!" napalingon naman sina Jasmine at Bleak sa pagtawag ni Sagi kay Bleak sa buong pangalan nito. Nanlaki pa ang kanilang mga mata dahil sa pag-angat ng tubig dagat kasunod ni Sagi. Hila hila kasi niya ang malaking halimaw gamit ang mga espesyal na tubig na nakapulupot dito. 

"Iyan na ba yung halimaw? Isang palaka?" magkahalong mangha at pagkagulat ang makikita sa mukha ni Bleak ng makita ang itsura ng halimaw.

"Mamaya ka na mamangha at tapusin mo na ang halimaw na iyon." napalingon din sila kay lilian na umahon sa dagat at naglalakad palapit sa kanila.

"Sige na Bleak. Gamitin mo ang Excalibur Slash."

 

"Sige!" at mabilis na tumakbo si Bleak at pinangat ang buhangin na nagsilbing daanan niya paakyat sa ere kung saan naroon ang halimaw na hila ni Sagi. Inipon niya ang kanyang buong lakas at hinawakan ng maigi ang kaniyang sandata. "Bitawan mo na iyan Heartfelt! *GREAT EXCALIBUR SLASH!*" binitawan na ni Sagi ang pagkakahawak sa dulo ng tubig na nakapulupot sa halimaw sa pag-atake ni Bleak sa halimaw ay sumabog ang katawan nito at naglabas ng napakaraming tubig na umabot sa kanya maging kay Bleak kaya mabilis silang nahulog pababa sa tubig. 

"Sagi! Bleak!" sigaw ng dalawang dyosa at mabilis silang tumakbo patungo sa dagat.

*cough* *cough* "Haahhh..nandito ako Jasmine!" tawag ni Bleak kay Jasmine pagkaahon niya sa dagat. Kaagad naman siyang nilapitan ni Jasmine at inakay papunta sa pampang.

"Sagi!" tawag ni Lilian pagkakita niya kay Sagi sa buhanginan. Walang malay si Sagi kung kaya marahan syang inihiga ni Lilian ng maayos at muling tinawag.

"Ano ito? Huwag ninyong sabihing nalunod ang water meister?!" hindi makapaniwalang tanong ni Bleak.

"Sagi! Sagi!" tawag din ni Jasmine kay Sagi ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Inilapat ni Lilian ang kanyang mga palad sa dibdib ni Sagi at idiniin ito ng marahan para mailabas ang tubig na pumasok sa katawan nito. "Lilian, bigyan mo na kaya sya ng CPR?"

"Bakit hindi na lang kontrolin ang tubig sa katawan niya palabas? Pwede naman siguro iyon." bulong ni Bleak.

Ilang beses pang inulit ni Lilian na i-pump ang dibdib ni Sagi ngunit wala pa rin kaya bibigyan na niya ito ng CPR. Pagkahawak niya sa ilong at baba nito at ilalapit na sana ang kanyang bibig ay nagulat sya ng dakmain ni Sagi ang mukha niya para pigilan sya. "Umpp~"

"EH? Sagi?" nagtaka naman si Jasmine ng makita ang ginawa ni Sagi.

"Puwwaahh~ bakit kailangan mo pang gawin iyon? Pwede namang magsalita na lang kasi kaagad!" marahas na inalis ni Lilian ang kamay ni Sagi sa kanyang mukha atsaka ito binulyawan.

"Eh nakakagulat ka naman kasi! Lalapit ka na naman tapos...aba eh makakadalawa ka na ah!" namumulang depensa ni Sagi.

"Huh? Ano bang sinasabi mo?!" naguguluhang tanong ni Lilian.

"Wala! Tayo na nga! Palubog na ang araw kaya dapat mauwi na tayo kaagad."

---------

Pagbalik nina Jasmine at Lilian sa mga kasama nila ay nakita nila si Ansha na naghihintay sa kanila. Sina Sagi at Bleak naman ay naka-stand by lang sa malapit at naghihintay sa signal kung kailan sila maglalakad palapit.

"Natutuwa ako at nagtagumpay kayo at mukha namang ligtas kayong lahat." nakangiting salubong ni Ansha sa dalawang dyosa.

"Hehe oo. Maraming salamat sa pagbabantay sa kanila. Gigisingin ko na sila." kaagad na inilabas ni Jasmine sa loob ng mga bulaklak ang kanilang mga kasama at inayos ang mga ito sa dati nilang pwesto bago sila makatulog at inalis na niya ang epekto ng slumber dust.

"Ah...Huh? Nakatulog ba ako?" nagkukusot pa ng kanyang mga mata na tanong ni Jin sa sarili.

"Teka? Anong nangyayari? Nasaan na tayo?" inaantok na tanong ni Bonn. Napangiti naman si Leo pagkakita kina Jasmine at Lilian. Mukhang tapos na ang laban at okay na ang lahat.

"Tignan ninyo! May liwanag! Malamang sina Bleak at Sagi na iyan." tuwang-tuwang wika ni Jasmine upang hindi na mapansin ng iba na may kakaibang nangyari.

"Oo nga!" bulalas din ni Lilian para mapansin din ng iba ang pagdating ng dalawa.

"Sagi! Zach!" tawag ni Bonn sa dalawa.

"Yow!" bati sa kanila ni Sagi ng makalapit na sila ni Bleak sa mga kasama nila na naghihintay sa kanila. "Pasensya na ah, lumampas kami sa 20 minuto." hinding paumanhin ni Sagi at nginitian ang mga kasama nila. Dahil naman sa sinabi ni Sagi ay napatingin sa kanyang relo si JIn at tama nga si Sagi na lagpas na ng 20 minuto silang naghihitay doon. Nagataka naman sya kung anong nangyari pagka-alis ng dalawa dahil ang naalala niya ilang minuto pa lng ang lumilipas simula nung umalis ang dalawa at ngayon naman nakabalik na sila at lagpas na sa napagkasundoong oras ng pagbalik ng dalawa.

"Mabuti at hindi ninyo kami sinundan kung hindi baka nagkasalisi-salisihan tayo." dugtong ni Bleak.

"Teka, naguguluhan ako. Ano bang nangyari? Bakit parang ang bilis ninyo pero parang kaaalis niyo lang naman. Ano bang ginawa natin pag-alis nila Sagi?" tanong ni Andree sa mga kasama.

"A-ako rin naguguluhan." pag-segundo ni Marianne na sa mukha ay iniisip kung ano bang nangyari.

"Eh? Pati ako naguguluhan sa inyo eh. Mga napano kayo? Umalis lang kami para kumuha ng lubid at flashlights nagkaganyan na kayo." kunwa'y naguguluhan din at walang alam sa mga nangyayari na wika ni Sagi

"Siguro masyado na kayong pagod kaya ganyan. Halina kayo para makabalik na tayo. Kapit-kapit lang para di tayo magkahiwalay at walang mawala." bilin ni Bleak at kahit na naguguluhan sa mga nangyari ay sumunod na silang lahat sa dalawa palabas ng gubat.

------------

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...