Lady of the Blue Moon Lake

By msrenasong

136K 4.1K 498

Sagittarius Heartfelt, typical na tipo ng estudyante. Mabait, Masayahin, may pagka mainitin ang ulo, likas na... More

Lady of the Blue Moon Lake
Chapter 1. The Lady
Chapter 2: Hallucinations
Chapter 3: Unknown Visitor
Chapter 4: Lilian
Chapter 5: How do I call this day?
Chapter 6: Just a Simple Day
Chapter 7: Glimpse of What's Within
Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness
Chapter 9: Bleak
Chapter 10: Unexpexted visitor
Chapter 11: A Warm Greetings
Chapter 12: Comfortable
Chapter 13: Home
Chapter 14: His Decision
Chapter 15: Last Normal(?) Day
LOTBML Facts
Chapter 16: Timothy von Flavel
Chapter 17: Sad Flower
Chapter 18: Red moon. Little Miss Lilian
Special Chapter: LOTBML and Elements Crossover
Special Chapter: Crossover Part II
Chapter 19: The Vows, New Water Meister
Chapter 20: Lilian's First Day of School
Chapter 21: Lilian the Popular
Chapter 22: Memory from the Heart
Chapter 23: Someone from the Past
Chapter 24: Remembering Someone
Chapter 25: Sagi's Weird Feelings
Chapter 26: Sagi's First Fight
Chapter 27: Lover
Chapter 28: Getting Close
Chapter 29: Cashmere
Chapter 30: Fallen Angel
Chapter 31: The Awakening of the Fire
Chapter 32: Being a Meister
Chapter 33: Incantations
Chapter 34: Angelica, The Guardian Spirit
Chapter 35: Water and Earth
Chapter 36: Fight to Pursue
A Valentine Special
Chapter 37: Fight to Pursue (Part 2)
Chapter 38: Explaining things
Chapter 39: The Wind Element's Meister
Chapter 40: Start of being a chosen
Chapter 41: The Suffering of the Meister
Chapter 43: Vacation in Sequoia II
Chapter 44: Fire's Compromise and Water's Catastrophe
Chapter 45: Back to School
Chapter 46: Enemies
Chapter 47: Who's the Enemy?
Chapter 48: Suspicions
Chapter 49: Truth Revealed
Chapter 50: Silhouette of a God
Chapter 51: Silhoutte of a God 2
Chapter 52: Pain
Chapter 53: Distance
Chapter 54: New Water Goddess
Chapter 56: Loyalty
CHAPTER 57: Giulia's Side
Chapter 58: GIULIA'S GRIEF
Chapter 59: Catleya
Chapter 60: Full Moon
LOTBML 2ND ARC
2nd Arc: Chapter 2

Chapter 42: Vacation in Sequoia

1.5K 42 9
By msrenasong

Dumating na nga ang araw kung kailan magpupunta ngayon sa Sequoia sina Sagi at ang kanyang mga kaklase. Nasa byahe na sila ngayon papunta sa bagong bukas na beach resort doon. Nahahati ang grupo nila sa dalawang sasakyan. Magkakasama ang mga babae sa isang van at sa kabila naman ay ang mga kalalakihan. Ang mga van na gamit nila ay pinahiram sa kanila ng mga magulang ni Jin ngunit hindi sila ang nagmamaneho nito kundi ang dalawa sa mga tauhan ng kanilang pamilya.

“Hihihi naeexcite na akong makarating sa beach. Maraming magaganda at sexy na babae doon~” wika ni Bonn at sa itsura nito ay mukhang nagpapantasya na sya sa kanyang isipan.


“Umayos ka nga Bonn.” Saway ni Jin kay Bonn dahil kinikilabutan sya sa itsura nito.


“Ang K.J mo Jin. Parte ito ng growing up stage!” giit ni Bonn ng nagniningning ang mga mata mukhang nasa gitna pa rin sya ng kanyang pantasya.


“Aba aba ahaha sumasagot na si Bonn ngayon sayo Jin?” birong asar ni Andree kay jin.


“Oo nga eh. Gusto atang maglakad papaunta sa beach.” Sarkastikong sagot ni Jin habang nakasilay ang sa kanyang labi ang nakakatakot na ngiti kay Bonn.

“Oy! Oy! Wag naman hehehe.” Nagkatawanan naman silang lahat sa rekasyon ni Bonn.


Samantala sa van kung nasaan ang mga babae

 “Ano bang una nating pupuntahan doon? Marami kasing ibang mga pasyalan pa malapit lang sa beach resort.” Tanong ni Ansha sa mga kasama niya habang tinitignan ang dala niyang brochure ng mga mapapasyalan sa Sequoia.

“Hmmm…Siguro pagkarating natin ay ayusin na muna natin ang ating mga gamit at maligo sa dagat. Pagkahapon ay puntahan natin yung sikat na Park of Flaura doon ilang kilometro lang naman ang layo noon sa tutuluyan natin, pwede lang nating lakarin para makalibot din tayo sa lugar.” Sagot ni Marianne na mukhang napag-isipan na ng maigi ang mga gagawin nila para masulit ang pagbabakasyon nila.

“Tama! Tapos dumiretso na din tayo sa Lantern Street Party. Mamaya na pala iyong alas syete ng gabi. Para daw iyon sa selebrasyon ng anibersaryo pagkakatatag ng bayan ng Sequoia bilang isa sa mga munisipalidad sa ating rehiyon. Tamang-tama pala ang pagbakasyon natin dito ngayon!” excited na wika ni Nicka.

“Siya nga pala, Lilian, nasaan na ngayon ‘yung mga kaibigan mo na sasama sa atn? Para masundo natin sila at di na sila gumastos pa sa pamasahe.” Baling ni Marianne kay Lilian na tahimik lang na nagbabasa ng brochure.

“Nagtext na sa akin si Jasmine at naroon daw sila ngayon naghihintay sa isang bus stop na madadaan natin. Pangatlo daw iyon na bus station mula sa arko ng bayan ng Sequoia.” Nakangiting tugon ni Lilian kay Marianne.

“Ikatlo? Hmmm sakto kalalagpas lang natin sa ikalawang bus stop.” Wika ni Ansha.

“Mabuti kung ganun.”

 

 

Makalipas lamang ang halos 20 minuto ay natanaw na ni Lilian si Jasmine na kumakaway sa kanila syempre ay kasama nito ang kanyang meister na si Bleak. Nagtaka naman ang mga kalalakihan nang biglang huminto ang sasakyan ng mga kababaihan na nasa unahan nila kung kaya ay huminto rin sila at dumungaw mula sa bintana ng sinasakyan nilang van.   

“May nangyari ba? Bakit kayo huminto?” nag-aalalang tanong ni Jin nang lumabas ito sa sasakyan ganun din ang kanilang driver.


“Hehe wala naman may sinundo lang. Pasensya na kung hindi namin  nabanggit sa inyo na may dalawa pa tayong makakasama sa pagpunta sa beach.” Paliwanag ni Marianne ng lapitan sila ni Jin.


“Hello. Ako nga pala si Jasmine at siya naman si Bleak. Maraming salamat sa pagpayag ninyo na makasama kami sa pagbabakasyon ninyo dito sa aming bayan.” Magalang na bati ni Jasmine sa kanila.

“Uwaaahhh~ ang cute naman niya~” kinikilig na nasabi ni Nicka sa sarili ng makita si Jasmine.


“Tawagin niyo na lang akong Zach.” Walang emosyong wika ni Bleak at tinanguhan ang mga babae bilang pagbati.


“Zach? Ang layo naman ata noon sa Bleak?” takang tanong ni Ansha.


“Galing iyon sa apelyido niyang ‘Zachary’.” Paliwanag ni Jasmine.


“Ahhhh hehe okay~.”


“Huwag sana kayong mahiya sa amin. Kaibigan kayo ni Lilian kaya kaibigan na rin namin kayo. Dito ka na sa aming van sumakay at ikaw naman Zach ay doon sa van ng mga lalaki.” Pag-aaya ni Nicka kay Jasmine.

“Oy, bakit daw sila huminto?” tanong ni Bonn kay Jinn habang nakadungaw sa bintana. Hindi na kasi sila lumabas ng sasakyan at di naman nila makita kung ano bang ginagawa ng mga ito dahil nakatagilid ang pagkakapark ng sasakyan ng mga babae.


“Oooyy~ si Jasmine!” masayang bulalas ni Leo ng matanawan niya ng bahagya si Jasmine.

“Jasmine? You mean si Jasmine?! Kung ganoon…nandito rin sya.” Tanong ni Sagi at napalitan ng pagka-uyam ang reaksyon ng kanyang mukha sa pagkakatanto na makakasama rin nila si Bleak.


“Boys may makakasama kayong bago hehe. Siya si Zach at kaibigan siya ni Lilian. Tagarito sya sa Sequoia.” Pakilala ni Marianne kay Bleak sa mga lalaki nang samahan niya ito sa van ng mga kalalakihan kasunod sina Jin at ang driver.


“Kaibigan ni Lilian? Kilala nyo siya, constellation cousins?” tanong ni Bonn sa magpinsan.

“Hindi/oo” sabay na tugon ng dalawa na ikinakunot ng noo ng kanilang mga kasama.


“Sagi!” saway ni Leo sa pinsan ngunit nakasimangot lang ito at kibit balikat lang ang tinugon sa kanya.


“Bleak. Maluwag pa daw ang space sa van namin kaya akin na iyang mga dala mo at doon ko na lang ilalagay, pwede naman daw para di kayo masikip na mga lalaki diyan sa loob.” Napatingin naman silang lahat ng lapitan ni Jasmine si Bleak at kinuha ang dala nitong mga bag. Halos maghugis puso at mamula naman ang mukha ng mga lalaking kaklase nila Sagi ng makita si Jasmine.


“Napakaganda naman niya.” Nakayuko at namumulang bulong ni Andree.


“Ano bang dapat mong asahan sa kaibigan ni Lilian na dyosa ng kagandahan.” Tuwang-tuwang wika ni Bonn habang nakatitig kay Jasmine


“Dyosa ng lawa…oo.” Bagot na bulong ni Sagi.

“Tsss. Pwede mo naman akong tawagin na lang bakit pumunta ka pa.” iritadong tugon ni Bleak kay Jasmine at hinila niya ito pabalik sa van. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Sagi ang talim sa pagkakatingin ni Bleak kay Bonn.


“Eh? Ang sungit naman ng lalaking iyon.” Kunot noong wika ni Bonn dahil sa inasal ni Bleak.


“Sinabi mo pa.” pagsang-ayon ni Sagi kay Bonn ngunit iniisip pa rin niya ang nakita niyang paraan ng pagtingin ni Bleak kay Bonn.


Pagkasakay ni Bleak sa Van ng mga kalalakihan ay nagsimula na silang bumyahe ulit. Sa front seat na sya naupo para mas makita niya ang daan. Doon na siya pinaupo ni Jin dahil taga-doon siya sa Sequoia kaya kabisado niya ang daan at ang mga pasikot-sikot doon na makakatulong upang di sila magkaproblema sa byahe.


Isang oras din halos ang tinagal ng kanilang pagbyahe bago nila marating ang beach resort. Kita sa mukha nilang lahat ang saya at excitement ng makarating sila kaya kaagad nilang inayos ang kanilang mga gamit sa bahay bakasyunan ng tiyahin ni Marianne. Pumayag naman itong ipagamit sa kanila ang bahay-bakasyunan nito. Isa iyong malaki at malawak na bahay na may dalawang palapag. Sa itaas na palapag ay may apat na kwarto na napagkasunduan nilang paghahatian ng mga lalaki dahil marami sila kumpara sa mga babae. May dalawang kwarto naman sa ibabang palapag na paghahatian ng mga babae. Tanaw naman mula sa kanilang pwesto ang karagatan. Ilang metro lang ang layo nito sa mismong resort.

“Nagugutom na ako.” Wika ni Ansha ng matapos sila sa pag-aayos ng mga gamit.

“Patanghali na rin kaya magluto na muna tayo ng mga kakainin.” Tugon ni Lilian at naglakad na sya papunta sa kusina.

“Kami na ang bahalang magprepare ng mga lulutuin.” Wika ni Marianne sa mga kasama at sinundan niya si Lilian sa kusina.

“Gusto ko ng barbeque!” sigaw ni Nicka

“Ako rin!” dugtong nila Bonn at Leo

 

 

“Sige, ang mabuti pa tayo na lang na mga lalaki ang mag-siga ng apoy na gagamitin natin.” Wika ni Andree.

Nagsimula na nga silang lahat sa kanya-kaniyang gawain. Sa loob ng bahay nagluto ang mga babae at sa labas naman nag-ihaw ng isda at karne ang mga lalaki. Sila na rin ang nagset-up ng mahabang lamesa na pagkakainan nila pati na rin ng dala nilang malalamig na inumin.

Nang matapos magluto ay nagsimula na silang kumain. Napag-usapan na rin nila ang mga gagawain nila buong araw at kinabukasan. Napagkasunduan naman nila ang lahat ng iyon. Nagawa naman ni Jasmine na makasundo kaagad ang mga kaibigan nina Lilian. Si Bleak naman ay halatang di komportable dahil ngayon lang siya napalibutan ng ganito karaming tao. Mabuti na lamang at hindi naman siya nagsusungit at sumasagot naman sya sa tanong ng mga kaibigan nina Sagi ngunit mabilis lang at isang word lang sya kung sumagot.

Nagtataka naman si Sagi sa nakikita niya kay Bleak. Mukhang nabawasan kahit papaano ang  pagiging masungit nito. Napapaisip tuloy siya kung ano bang ginawa ni Jasmine kay Bleak.

-----------

“Oh, nasaan na sina Nicka? Akala ko nauna na sila dito sa atin sa beach?” tanong ni Leo sa mga kasama nila ng makarating sila sa mismong beach. Marami na ding mga tao na naroo ngunit hindi ganoon kasikip sa lugar.

“Hindi kaya bumalik sila para magpalit? Nung umalis sila ay mga naka T-shirt at shorts sila eh. Sayang akala ko pa naman ay makikita ko na silang mga naka-bikini.” Wika ni Bonn habang nagniningning ang mga mata.

“Tsk! Kung wala kang magandang sasabihin Bonn ay manahimik ka na lang diyan.” Inis na saway ni Jin kay Bonn at binatukan na niya ito para magtino.

“ARAY KO! Grabe ka naman sa akin, Jin!” reklamo ni Bonn habang hinihimas ang ulo niya na binatukan ni Jin.


Kung bumalik sila eh di dapat nakasalubong natin sila.” Kunot noong sagot ni Sagi kay Bonn.

“Bleak!” napalingon naman ang mga lalaki ng tawagin ni Jasmine si Bleak. Tumatakbo ito papalapit sa kanila at sa likod nito ay kasunod niya ang iba pang mga babae na suot na ang kanilang mga bikini.

“Ayayay! Nasa langit na ba ako?!” tuwang-tuwang bulalas ni Bonn ng Makita ang mga babae suot ang kanilang mga bikini.


“Oo, Bonn. Ako na mismo ang magdadala sayo sa langit kapag hindi ka tumigil diyan sa inaarte mo.” Seryoso at bahagyang nakakatakot na banta ni Jin. Ngunit tila walang narinig si Bonn at tila nahipnotismo na naglakad palapit sa mga babaeng nasa kanyang harapan. Nanlisik naman ang mga mata ni Bleak dahil si Jasmine ang babaeng unang malalapitan ni Bonn.

“UWAAAHHHH!” gulat na sigaw ni Bonn ng bigla na lang siyang mahulog sa ilalim ng malaking butas sa buhangin.

“EHH?!” gulat na bulalas ng mga babae ng Makita ang pagkakahulog ni Bonn kaya dali-dali silang tumakbo na rin palapit.

“Anong nangyari? Bakit bigla na lang nagkabutas dito?” takang tanong ni Andree nang silipin niya ang butas kung saan nahulog si Bonn.

Oy! Tulungan ninyo ako!” nagpapanic na sigaw ni Bonn sa loob ng màlalim na butas

“Hahahahaha” nagtawanan naman ang mga babae pagkakita sa reaksyon ni Bonn dahil natatakot ito.

“Wahahaha! Iyan ang napapala mo, pasaway ka kasi eh!”

“Tingin ko gawa iyan ng mga makukulit na bata dito. Gumawa sila ng trap dito sa buhangin.” Wika ni Nicka atsaka lumingon sa paligid baka sakaling makita niya ang pinaghihinalaang gumawa ng butas.

“Dapat pala tayong mag-ingat sa paglalakad.”  Wika naman ni Jasmine.


“Hehehe~ ako tingin ko gawa iyan ng isang lalaki rito~” bulong ni Sagi ng may nakakalokong ngiti at bahagyang nakatingin kay Bleak


“Pasensya na kung natagalan kami. Mabuti naabutan pa namin kayo. Sabay-sabay na tayong maghanap ng mapu-pwestuhan natin.” Pagpapatuloy ni Marianne sa dapat sa dapat sana’y sasabihin niya kanina bago mahulog si Bonn.

“Ayos lang, tayo na.”


“Hoy! Teka sandali huwag ninyo akong iwan dito!” lalo namang nagpanic si Bonn nang marinig na aalis na ang mga kasama niya

“Huwag kang mag-alala Bonn, babalik kami maghahanap lang kami ng maaring tumulong sa atin para maalis ka diyan sa hukay.” Wika ni Leo kay Bonn bago siya sumunod sa mga kasama nila.

“Hehehe~ mali yung ginawa mo ah~ Alam kong ikaw ang gumawa nun.” Natatawang bulong ni Sagi kay Bleak at siniko pa niya ito

“Tsss. Huwag lang siyang magkakamaling lumapit kay Jasmine.” Inis na tugon ni Bleak at nauna ng maglakad kay Sagi at sinabayan niyang maglakad si Jasmine na nakikipagkwentuhan sa ibang mga babae.


“Huh?” nagulat naman si Sagi dahil sinabi talaga ni Bleak ng diretsahan ang nararamdaman niya. “Fufufu~ mukhang nasa selos stage na nga si Bleak ngayon ah~” lalong napangiti ng malawak si Sagi ng makumpirma ang kanyang hinala.

------

Tuwang-tuwang naliligo ngayon ang mga babae sa dagat. Sina Leo at Andree naman ay nasa malalim na parte ng dagat at nagsusurf sa mga alon.  Si Jin naman ay nakasakay sa isang maliit na bangka na pwedeng sakyan ng mga turista. Inaya niya kanina ang mga babae pero tumanggi ang mga ito dahil natatakot daw silang sumakay sa bangka. Si Bonn naman ay di na alam ng magkakaibigan kung nasaan dahil pagka-alis sa kanya sa butas sa buhangin ay naggala na ito para daw maghanap ng babaeng pwede niyang maidate. Samantalang sina Sagi at Bleak naman ay naiwan kung saan sila nakapwesto para magbantay ng kanilang mga gamit. Hindi naligo si Sagi dahil hindi naman siya ganoong ka-interesado sa dagat (na ikinadismaya ni Lilian dahil tinuringan pa naman siyang water meister.) Si Bleak naman ay wala ring ganang maligo dahil hindi sya talaga komportable sa dami ng tao sa paligid.

“Oy, Bakit hindi ka maligo? Huwag mong sabihing natatakot ka at hindi marunong lumangoy?” bagot na tanong ni Sagi kay Bleak habang nakataingin sa mga kasama nila sa iba’t-ibang ginagawa ng mga ito.

“Marunong akong lumangoy. Naiirita lang ako sa dami ng tao. Hindi ba ikaw ang dapat na naliligo doon ngayon kasama ang iyong dyosa? Water meister ka diba? Huwag mong sabihing natatakot ka at di marunong lumangoy?” Balik na tanong ni Bleak kay Sagi.

“Heh! Hindi ako takot. Sadyang ayoko lang lumangoy.” Depensa ni Sagi sa sarili at uminom ng malamig na juice na dala niya.


Hmp…nakakatawa naman na ayaw mo. Hindi ba dapat ay sinamantala mo ang pagkakataon na ito para mapalakas pa ng husto ang iyong kapangyarihan? Mas makakabuti para sa iyo ito ngayon dahil napakalawak ng tubig sa paligid. Nabanggit sakin ni Jasmine ang nangyari sayo pagkatapos ng laban natin dun sa lalaking Procyon ang pangalan.”


“Nandito ako para magbakasyon at hindi para mag-ensayo.”

Wow Lilian! Ang galing mo naman lumangoy. Nakakaabot ka pa doon sa pinakailalim. Hindi na nga kita naabutan eh.” bahagya pang naghahabol ng paghinga na wika ni Nicka pagkaahon niya mula sa pgsisisid sa dagat kasama si Lilian.

“Hehehe gustong gusto ko kasi talaga sa tubig. Mahilig talaga akong lumangoy.” Nakangiting tugon ni Lilian.

“Nasaan na kaya si Jin?” isip-isip ni Marianne habang nililibot ang tingin sa karagatan at sa mga malilit na bangka na naroon.

“Aruuhhh~ nawala lang sandali sa paningin hinahanap kaagad~” kantyaw ni Nicka kay Marianne na ikinapula naman ng pisngi nito.

“Huh? Anong ibig mong sabihin Nicka? At bakit namumula si Marianne?” tanong ni Jasmine na walang ideya sa sinabi ni Nicka

“Eh kasi Jasmine, may lihim na pagtingin si Marianne si Jin.” Sagot ni Lilian sa tanong ni Jasmine at ngumiti ng matamis kay Marianne na tila nang-aasar.

“EHHH!~ A-ano ahmmm w-wala naman Jasmine hehe~ nagbibiro lang naman si Nicka at Lilian.” namumulang depensa ni Marianne.

“Oyyy~ in-denial pa! Obvious na obvious naman.”

“Hahahaha.”

“Tingin ko ay bagay kayong dalawa ni Jin. Isa rin siyang mabuting lalaki.” nakangiting wika ni Jasmine.

“T-talaga?! Tingin mo bagay kami?” tila naman nabuhayan ng loob si Marianne sa narinig niya mula kay Marianne. Napatawa naman ang iba dahil hindi talaga maitago ang pagkakagusto ni Marianne kay Jin.

“Uhm! Alam ko na, may isang nakagawian sa Lantern Street festival para sa mga tao na gustong malaman kung ang taong nagugustuhan nila ay may gusto rin sa kanila.”

“Huh? Meron palang ganun? Yieeeehhh! Mukhang maganda yan ah! Subukan mo Marianne, magandang pagkakataon na iyon para makapagtapat ka na rin kay Jin.” pagkukumbinsi ni Nicka kay Marianne.

“EEHHHH~~ naku~ hindi ko alam kung magagawa ko~”

“Huwag kang mag-alala, Marianne. Madali lang naman eh. Ganito ang gagawin, makikisali naman tayo sa pagpapa-lipad ng mga lantern mamaya diba? Bago magsimula ang mismong event ay maghanap ka ng pwesto kung saan maraming ibang mga lalaki. Huwag kang mag-alala dahil dun din kami pupwesto malapit sayo. At kapag sisindihan na ang mga lantern kailangan wala kang dalang pansindi. Syempre magre-react ka na wala kang pansindi. Kailangan na marinig ng mga lalaki sa paligid mo na wala kang dala kaya siguradong magboboluntaryo sila para sindihan ang lantern mo pero kunwari mahihiya ka pa sa kanila. Mas maganda sana kung lahat sila magboboluntaryo at dapat mapansin ni Jin ang nangyayari sayo. Kapag nilapitan ka niya at nilayo sa mga lalaki at sya mismo ang nagsindi ng lantern mo, ibig sabihin daw noon ay may nararamdaman din sya para sa’yo.”

“Wooooow~ ang galing naman nun.” kinikilig na wika ni Ansha.

“Medyo mahirap gawin kasi di natin alam kung magboboluntaryo nga ang mga lalaking nakapalibot sayo. Pero sabagay, kapag nangyari nga ang mga iyon at lumapit si Jin ay dun na nga mangyayari ang magic sa gabi ng lantern festival! Nakakakilig naman!” tuwang-tuwang bulalas ni Lilian.


“Hehe ano Marianne? Susubukan mo ba?” tanong ni Jasmine at tinignan nilang lahat si Marianne na kinukumbinsing pumayag.

“Ano…ahmmm…wala namang masama kung susubukan ko.” nakayukong tugon ni Marianne na tinatago ang kanyang mukha na kanina pa namumula.

“Aayieehhhh!~~ Go Marianne!” pagche-cheer nilang lahat kay Marianne.

Ilang sandali pa ay bumalik na sina Leo at Andree mula sa pagsu-surf. Napansin naman nila Sagi at Bleak ang mga lalaki di kalayuan sa kanila na halatang nag-uusap-usap at nagkakatuwaan habang nakatingin sa mga kasama nilang babae habang naliligo ang mga ito sa dagat.

“Mga loko itong mga ito ah.” Inis na bulong ni Sagi. Mabuti na lamang at bumalik si Leo sa tinutuluyan nila kung hindi ay baka nagalit na ito kapag nakita ang mga kalalakihan.

“Tsss.” Nagulat naman si Sagi sa biglang pagtayo ni Bleak. Akala niya tuloy ay lalapitan nito ang mga lalaki pero nagtaka sya ng hinubad nito ang suot na polo. Napakunot noo naman sya dahil parang wala itong paki sa mga lalaki at naisipan ng maligo. Ngunit mas lalong nagulat si Sagi sa hindi inaasahang ginawa ni Bleak ng umahon na sa dagat ang mga babae.

“Hehe ang sarap maligo.”

“Oo nga eh, after natin magpahinga ay maglaro naman tayo ng volleyball.”

“Bleak maliligo ka na rin ba?” tanong ni Jasmine nang Makita niya si Bleak na palapit sa kanila na naghubad ng kanyang polo ngunit hindi sya sinagot nito bagkus ay isinuot sa kanya ang polo nito. “Eh? Huh?” buong pagtatakang tinignan ni Jasmine si Bleak maging ang mga babae ay nagkatinginan din sa pagtataka sa ginawa ni Bleak.

“Suutin mo lang iyan at wag mong huhubarin. Nag-iinit na ang ulo ko sa kung paano ka tignan ng mga lalaki rito.” Inis na bilin ni Bleak kay Jasmine saka ito umalis.

“Uuuuuyyyy~ ang sweet nun ni Zach ah! Kayo ba?” kinikillig na niyugyog ni Nicka ang balikat ni Jasmine habang tinatanaw ang paglalakad ni Bleak palayo.

“Anong kami?” takang tanong ni Jasmine. Hindi kasi niya batid kung ano ba ang ibig sabihin ni Nicka.

“Pati ba naman kayo in-denial! Ano ba yan haha nakikigaya kayo kay Marianne ah.”

“Bakit anong meron kay Ms. President?” tanong ni Jin na kakarating lang. Napalingon naman sa kanya ang mga babae at halos magpanic naman si Marianne na namumula na ng husto ang mukha dahil baka kung ano na namang sabihin ni Nicka.

“Wala naman iyon, Jin nagkakabiruan lang kami.” Si Lilian na ang sumagot kay Jin para iligtas si Marianne sa sobrang hiya kapag si Nicka pa ang sumagot.

“Hehe ganun ba? Sige tayo na para makapagpahinga tayo para di naman tayo maubusan ng energy para sa lakad natin mamaya.” pag-aaya ni Jin sa mga babae at bumalik na sila sa kanilang pwesto.

-------

Kinahapunan pagkatapos nilang makapagpahinga mula sa paglalaro at paglangoy sa dagat ay nag-ayos na silang lahat para sa pagpunta nila sa Park of Flaura at sa pagsali nila sa Lantern Street Party. Halos isang oras lang ang binyahe nila bago marating ang Park of Flaura. Lahat sila ay namangha sa ganda ng hexagonal shape na parke na napapalamutian ng iba’t-ibang uri at kulay ng mga bulaklak. Sikat ang bayan ng Sequoia sa magagandang bulaklak at itong Park of Flaura ang nagsisilbing lugar kung saan nila ipinapakita sa mga tao ang ipinagmamalaki ng kanilang bayan. Sa kanilang lahat ay sina Bleak at Jasmine ang pinakanatuwa sa pagpunta nila doon. Ilang sandali din silang nagtagal doon bago bumyahe ulit kung saan gaganapin ang Lantern Street Party. Pagkarating nila sa pinakamalaking kalsada sa bayan ng Sequoia ay natuwa sila sa dami ng mga tindahan na mabibilhan ng mga pagkain, pasalubong, mga souvenir at kung anu-ano pa. Nakita rin nila ang mga float na gagamitin sa parada.

“Teka naguguluhan lang ako. Bakit Lantern party ang ginagawa ninyo dito sa Sequoia sa anibersaryo ng lugar ninyo? Eh diba sikat sa mga bulaklak ang bayan ninyo?” tanong ni Bonn habang nakatingin sa paligid.

“Hehe iba ang selebrasyon na sinasabi mo kung saan mga bulaklak ang ipinagdiriwang. Yun ay pagkatapos ng harvest season. At kung bakit Lantern Party ay dahil ang kwento noon na sa gabi kung kailangan unang pinagdiwang ang pagkakatatag ng bayan ng Sequoia ay nagliwanag ang puno sa tabi ng munisipyo. Nagliliwanag ito dahil sa mga alitaptap at sa sobrang pagkamangha ng mga nakakita noon ay naisip nila na sa tuwing ipagdiriwang ang pagkakatatag ng bayan ay naisip nila na pagliwanagin muli ang kalangitan ngunit hindi ng mga alitaptap kundi ng mga lantern.” Paliwanag ni Jasmine.


“Hmmm kaya pala.” tumatangong tugon ni Andree.

Habang hindi pa nagsisimula ang party ay naglibot-libot muna sa paligid ang magkakaibigan. Sinubukan nila ang ilang mga palaro sa parte ng kalsada kung saan nakapwesto ang mga pang-arcade na stands. Kumain din sila nang magutom sila sa paglalaro at paglilibot sa lugar. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang programa kung kaya naghanap na sila ng magandang puwesto kung saan makikita nila ng maayos ang parada at malapit lang kung saan ang lugar na pagsisindihan ng mga lantern.

“Ayan na! Ready ka na ba Marianne?” nasasabik na tanong ni Ansha

Ha?! Ah eh hehe..kinakabahan ako eh. Huwag na lang kaya nating ituloy?” alanganing tugon ni Marianne na halata na kinakabahan.

“Ano?! Hindi ka na pwedeng magback-out. Nandito na tayo eh. Pagkakataon mo na ito.” pagkukumbinsi muli ni Lilian kay Marianne.

“Sige na Marianne. Malay mo naman may gusto rin sayo si Jin.” dugtong pa ni Ansha

“Hehe sige Marianne pag-isipan mo muna mahaba pa naman ang oras natin eh.” pagpapagaan ni Jasmine ng loob ni Marianne.

“Anong pinag-uusapan ninyo?” Hindi na napigilan pa ni Andree na magtanong dahil kanina pa niya napapansin ang kakaibang kilos ng mga babae.

“Secret~” sabay-sabay na tugon ng mga babae.

“Kanina pa sila ganyan. Nako-curious na talaga ako.” kunot noong wika ni Andree habang nakatingin sa mga babae.

“Palagi namang ganyan ang mga babae eh.” bagot na tugon ni Sagi.

-------

Natuwa naman ng husto ang magkakaibigan sa mga nakita nilang iba’t-ibang floats na may makukulay na palamuti at iba-ibang disenyo. Matagal-tagal din ang tinagal ng parada bago marating ang isang malaking open space kung saan ipapalipad ang mga inilawang lantern para iwas sa sunog.

“Ito na! ito na!” bulalas ni Nicka

“Hindi ka naman masyadong excited Nicka ano?” natatawang puna ni Leo kay Nicka at binigay na niya sa mga babae ang dala nilang mga lantern.

“Hihi kung alam mo lang kung gaano ako ka-excited.” at kinindatan pa ni Nicka sina Lilian.

“Ano bang meron at mukhang sobra kayong excited na mga babae?” tanong ni Sagi kay Lilian ng makita na ang pagkindat ni Nicka sa kanya na tila isang signal.

“Hehe wala naman, Sagi.” pinipigilan naman ni Lilian ang kilig at excitement na tugon niya kay Sagi.

“Pssh iyang ngiting iyan, wala?” napataas naman ng kanyang kilay si Sagi na tinignan si Lilian ng may paghihinala.

“Huwag mo na lang alamin. Teka sandali pupunta lang akong rest room. Mukhang matagal pa naman dahil may intermission number pa ata bago magsimula.”

“Sige bilisan mo lang dahil baka di mo maabutan.” Bilin ni Sagi kay Lilian at tumango lang ito sa kanya bilang tugon bago tumakbo paalis.

“Saan pupunta si Lilian?”

“Rest room” maikling tugon ni Sagi kay Jasmine. 

“Teka sandali, paano ba ako makakapunta sa gitna ng mga kalalakihan?” tanong ni Marianne sa mga kasama niya.

“Hmmm…” nilingon ni Nicka sandali ang paligid at naghanap ng maaring pagpwestuhan ni Marianne.“Ayun! May grupo ng mga lalaki dun oh. Mukha naman silang matitinong lalaki hehe. Lumapit ka lang sa kanila wag ka lang masyadong magpahalata na may plano ka hehe. Basta tumayo ka lang sa tabi nila.”

“Hindi kaya magtaka ang mga kasama natin kung lalayo ako at nandito kayo?”

“Sasabayan ka namin sa paglalakad para kunwari lilipat tayo ng pwesto at malalayo ka sa amin ng konti. Sa malapit lang kami para makita naming kung sakaling magkaproblema ka sa mga lalaki na iyon okay?” 

“S-sige. Kinakabahan talaga ako.” at naglakad na sila palayo sa mga kasama nila at si Marianne naman ay tumuloy sa pwesto na tinuro sa kanya ni Nicka.

“Eh? Saan pupunta sina Ansha?” tanong ni Bonn nang lumayo sa kanila ang mga babae

“Jasmine…” mahinang bulong ni Bleak at hinawakan sandali ang kamay ni Jasmine para pigilan ito sa paglalakad.

“Huwag kang mag-alala Bleak sandali lang kami diyan lang naman kami sa malapit pupwesto. May gagawin lang kami.” paliwanag ni Jasmine pero hindi pa rin binibitawan ni Bleak ang kamay niya at tinignan sya ng matalim. “Hehe sandali lang talaga kami.”


"Si Lian nga pala! magsisimula na pero wala pa rin siya. Nasaan na kaya yun?" nasabi ni Sagi at lumingon sa paligid dahil baka pabalik na si Lilian. Nang hindi pa makita ni Sagi si Lilian ay nagpaalam na siya sa mga kasama na hahanapin niya ito sandali.

Kinakabahan man ay lumapit si Marianne sa grupo ng mga lalaki at nang magsindi ang mga ito ng kanilang mga lantern ay sinunod niya ang sinabi ni Jasmine. Nilaksan niya ang pagkakasabi na wala siyang dalang pansindi para marinig sya ng mga ito at katulad ng sa kwento ni Jasmine ay nagboluntaryo ang mga lalaki na sila ang magsisindi nito para sa kanya. Kinuha ng isang lalaki ang lantern niya at sisindihan na sana ito pero kinuha naman ito ng isa pang lalaki kaya nagulat siya. Nainis naman ang lalaki sa ginawa ng kaibigan niya at nagkainitan ang dalawa hanggang sa ang isa pang lalaki na kasama nila ang kumuha ng Lantern ni Marianne at sisindihan na niya ito pero dahil sa kakulitan nga dalawang naunang lalaki ay nagkamali ng sindi ang lalaki at nasunog ang lantern ni Marianne. Nagulat naman ang mga babae sa kinahinatnan ng plano nila. Nauwi sa disaster ang plano nila sanang romantiko na pagtatapat ng pag-ibig. Halos maiyak naman si Marianne sa nangyari at natatakot sya dahil halos mag-away ang tatlong lalaki dahil sa pag-aagawan sa pagsindi ng lantern niya.

"Naku lagot!" bulalas ni Nicka dahil sa pagpalpak ng plano nila.

"Bakit naman nagkaganito? Si Marianne tawagin na natin palayo sa mga lalaki baka mapaano pa siya doon." nag-aalalang wika ni Ansha

"Anong nangyayari doon?" napansin naman ni Andree na tila may kaunting gulo na nangyayari malapit sa kanila.

"SiMs. President?! Anong ginagawa niya doon? Huwag mong sabihing aawatin niya yung mga lalaki?"  gulat na wika ni Bonn pagkakita kay Marianne na nakatayo sa tapat ng mga lalaki na nagkakagulo.

"Teka paano napunta si Ms. President doon?" takang tanong ni Leo. Sakto namang pagdating ng mga naka-stand by na police sa paligid at dinakip ang mga kalalakihan na nagdulot ng kaunting gulo sa selebrasyon.

"A-ano kasi..." hindi naman malaman ni Ansha kung ano ang isasagot kay Jin.

"May bibilihin lang sana sya sandali pero pinagkaguluhan siya ng mga lalaki ng sisindihan na sana niya ang lantern niya at dahil doon ay nasira tuloy iyong lantern niya." si Jasmine na ang sumagot sa tanong ni Jin. Nakikita niyang may pag-asa pa na matuloy ang plano nila.

"Tsk!" agad na nilapitan ni Jin si Marianne para ilayo ito sa mga lalaki. "Ms. President." tawag ni Jin kay Marianne at nakita niya ang naiiyak na nitong mukha ng lingunin sya nito.

"J-Jin...y-yung lantern ko..." naiiyak na wika ni Marianne at pinakita kay Jin ang sunog niyang lantern.

"Hehe ayos lang iyan. Huwag kang umiyak. ito hindi ko pa nasisindihan ang akin. Kung ayos lang sayo ay share na lang tayo dito."

"Talaga?" nagliwanag naman ang mukha ni Marianne sa sinabi ni Jin. Maging sina Jasmine ay natuwa sa daloy ng mga pangyayari.

"Uhm. hawakan mo at ako ang magsisindi baka kasi mapaso ka eh." hinawakn ni Marianne ang lantern at si Jin naman ang nagsindi nito. Hindi naman maiwasan ni Marianne na tumitig kay Jin ngunit halos mamula naman sya ng nilingon sya nito at nginitian.

"Paangatin na natin." inalalayan ng kamay ni Jin ang kamay ni Marianne at sabay nilang pinaangat ang lantern at dahan-dahan itong umangat papunta sa langit. Hindi naman maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Marianne dahil nagkaproblema man sa plano nila kanina ay may mas maganda naman na nagyari. Napatingin naman si Marianne sa mga kaibigan at nakita niyang sumenyas ang mga ito sa kanya na pagkakataon na niya para magtapat.

"Ah...Ah ano..J-Jin..hehe.." nauutal na simula ni Marianne at nilingon naman siya ni Jin ng nakangiti.

 "Gusto kita!/ JINNNNN!" sabay na pagkakasabi nila Marianne at Bonn. Napapikit at napayuko si Marianne ng sabihin niya iyon dahil natatakot sya sa magiging reaction ni Jin.

"Oh bakit?!" ganting sigaw ni Jin kay Bonn dahil sa lakas ng pagtawa nito sa kanya. Napa-angat naman ng kanyang ulo si Marianne dahil hindi ata narinig ni Jin ang sinabi niya dahil sa pagsigaw ni Bonn. napatingin naman ang mga babae kay Bonn ng nanlilisik ang mga mata dahil sa pagsigaw nito ay hindi narinig ni Jin ang pagtatapat ni Marianne. Napalunok naman si Bonn sa takot nang makita ang pagkakatingin sa kanya ng mga babae.

"A-anong problema?" tanong niya na walang kaide-ideya sa nagawa niya.

"Teka Ms. President ano nga ulit yung sinabi mo? pasensya na medyo mahina kasi ang pagkakasabi mo ito namang si Bonn ay tinawag ako eh."

"EEHH?! ahmm ano...w-wala naman. Ang sabi ko salamat. S-Salamat sa pag-share mo sakin ng lantern mo." nahihiyang tugon ni Marianne.

"Haha walang anuman iyon."

Samantala, sa dami ng tao ay nahirapan si Lilian na marating kaagad ang rest room. Nang marating naman niya ito ay madami din ang gumagamit kung kaya ay natagalan din siya. Pagkalabas niya sa rest room ay natanaw na niya ang ilang mga lantern na lumulutang na sa kalangitan

“Hala! Nagsimula na. Ano na kayang nangyari kina Marianne? Sana naman maging maayos ang kalabasan.” Bulong ni Lilian sa sarili habang nakatingin sa mga lantern na nasa kalangitan. “Oo nga pala, sisindihan ko na din ang akin.”

“Hehe kung ayos lang sayo ay ako na magsisindi ng lantern mo.” Napalingon naman siya sa lalaking nagsalita sa kanyang likuran.

“Stewardson?!”

“Hi! hehe”

“Nandito ka rin pala? Kamusta ka na.” tuwang-tuwang binati ni Lilian si Stewardson.

“Maayos naman ako. Well, nandito ako dahil may environmental activity kasi kaming sinalihan dito ng mga kasama ko sa club at dahil tapos na iyon ay naisipan namin na dumaan dito para makisali sa Lantern Street Party.”

“Nakakatuwa naman. Kahit pala bakasyon ay tuloy pa rin kayo ng mga kasama mo sa pangangalaga ng kalikasan.”

“Syempre naman”

Nang mga sandaling iyon ay nakita na ni Sagi si Lilian. Dahil sa dami ng tao ay di niya napansin kaagad na kausap pala nito si Stewardson. Lalapit na sana sya pero nagulat sya ng may lalaki na nagsindi ng dala ni Lilian na lantern.

“Mabuti na lang pala at dala ko pa itong lighter na gimamit naming kanina”

“Si Wards? Bakit sya nandito? At si Lian…” Hindi niya inaasahan na nandito rin pala si Stewardson sa Lantern Street Party dito sa Sequoia. Napatingin naman siya ng maigi sa mukha ni Lilian. Kita niya rito ang kakaibang saya sa mukha nito habang kausap ang lalaki. Iba rin ang paraan ng pagtingin niya rito. Batid niya na iyon ay dahil sa si Stewardson ay kaapu-apuhan ng dati nitong meister na si Ruwen.

“Maraming salamat. Teka nasaan pala ang mga kasama mo?” nakangiting tanong ni Lilian kay Stewardson pagkatapos nitong sindihan ang kaniyang lantern.

“Nandoon lang sila iniwan ko sandali dahil may bibilihin kasi ako.”

“Ganun ba? Pasensya na abala pa kita.”

“Hindi naman, ayos lang. Halika doon tayo para mapalipad na rin iyang lantern mo.” aya ni Stewardson kay Lilian sa may mataas na lugar kung saan may ilang nagpapalipad ng mga lantern.

“Sige.” At sumama na si Lilian kay Stewardson.

“Pssh. Hindi man lang ba niya naramdaman ang presensya ko rito?” inis na bulong ni Sagi saka siya naglakad pabalik sa kanilang mga kasama.

“Oh Sagi? Nakita mo ba si Lilian?” tanong ni Leo pagkakita niya sa pinsan.

“Ah hindi eh. Wala pa ba sya dito? Masyado kasing maraming tao at akala ko nagkasalisihan na kami kaya bumalik na ako.” mula sa pagkakasimangot at pinalitan ni Sagi ng nakangiting ekspresyon ang kanyang mukha bago lingunin ang pinsan at sagutin ang tanong nito.

“Siguro pabalik na rin sya. Hehe magiging ayos lang naman sya.”

“Syempre naman kaya niyang protektahan sarili niya.” nakangiting tugon ni Sagi kay Leo at naglakad na sya papunta sa kanilang mga kasama. Napansin din niya ang kakaibang ngiti at tawanan ng mga kasama nilang babae habang nakatingin kina Marianne at Jin.

“Sinungaling.” Isip-isip ni Bleak dahil nararamdaman niya na nagsisinungaling si Sagi at pansin niya sa mukha nito na may bumabagabag rito.

-------------

Haaay nakapag-UD din.

Sorry po kung halos 2 weeks na walang UD ah. Akala ko kapag bakasyon makakapagUD na ako ng maayos pero nalimutan ko na kapag bakasyon ay may mga kaagaw na sa computer. Ayun hindi tuloy makapatype ng maayos. Sorry po talaga, Pakiunawa na lamang po at maraming salamat sa pagsubaybay hehe ^^,

Continue Reading

You'll Also Like

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...