Lady of the Blue Moon Lake

By msrenasong

136K 4.1K 498

Sagittarius Heartfelt, typical na tipo ng estudyante. Mabait, Masayahin, may pagka mainitin ang ulo, likas na... More

Lady of the Blue Moon Lake
Chapter 1. The Lady
Chapter 2: Hallucinations
Chapter 3: Unknown Visitor
Chapter 4: Lilian
Chapter 5: How do I call this day?
Chapter 6: Just a Simple Day
Chapter 7: Glimpse of What's Within
Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness
Chapter 9: Bleak
Chapter 10: Unexpexted visitor
Chapter 11: A Warm Greetings
Chapter 12: Comfortable
Chapter 13: Home
Chapter 14: His Decision
Chapter 15: Last Normal(?) Day
LOTBML Facts
Chapter 16: Timothy von Flavel
Chapter 17: Sad Flower
Chapter 18: Red moon. Little Miss Lilian
Special Chapter: LOTBML and Elements Crossover
Special Chapter: Crossover Part II
Chapter 19: The Vows, New Water Meister
Chapter 20: Lilian's First Day of School
Chapter 21: Lilian the Popular
Chapter 22: Memory from the Heart
Chapter 23: Someone from the Past
Chapter 24: Remembering Someone
Chapter 25: Sagi's Weird Feelings
Chapter 26: Sagi's First Fight
Chapter 27: Lover
Chapter 28: Getting Close
Chapter 29: Cashmere
Chapter 30: Fallen Angel
Chapter 31: The Awakening of the Fire
Chapter 32: Being a Meister
Chapter 33: Incantations
Chapter 34: Angelica, The Guardian Spirit
Chapter 35: Water and Earth
Chapter 36: Fight to Pursue
A Valentine Special
Chapter 37: Fight to Pursue (Part 2)
Chapter 38: Explaining things
Chapter 40: Start of being a chosen
Chapter 41: The Suffering of the Meister
Chapter 42: Vacation in Sequoia
Chapter 43: Vacation in Sequoia II
Chapter 44: Fire's Compromise and Water's Catastrophe
Chapter 45: Back to School
Chapter 46: Enemies
Chapter 47: Who's the Enemy?
Chapter 48: Suspicions
Chapter 49: Truth Revealed
Chapter 50: Silhouette of a God
Chapter 51: Silhoutte of a God 2
Chapter 52: Pain
Chapter 53: Distance
Chapter 54: New Water Goddess
Chapter 56: Loyalty
CHAPTER 57: Giulia's Side
Chapter 58: GIULIA'S GRIEF
Chapter 59: Catleya
Chapter 60: Full Moon
LOTBML 2ND ARC
2nd Arc: Chapter 2

Chapter 39: The Wind Element's Meister

1.2K 46 4
By msrenasong

Isang linggo ang nakalipas mula ng magtagpo ang landas ng Wind meister na si Cashmere at ng Wind goddess na si Camellia ay walang alinlangang tinaggap ni Cashmere ang pagiging isang meister ngunit hindi muna binigay ni Camellia ang kapangyarihan sa kanya dahil binigyan niya muna ng kaunting paghahanda ang katawan at isip ni Cashmere upang maging handa ito sa pagbabagong mararanasan niya sa oras na mapasakanya ang kapanyarihan. Isang linggo din ang itinagal ng pagsasakondisyon ni Cashmere bago ibinigay ni Camellia ang wind element sa kanya (tulad po ng nakasaad sa chapter 37 ay sabay sila ni Bleak na nakipagkasundo sa kanilang mga dyosa) Pagkatapos noon ay sumabak kaagad siya sa training at dahil sa ginawa niyang paghahanda ay naging madali para sa kanya ang kontrolin ang kanyang kapangyarihan.

_____________

 

Isang napakagandang umaga ngayon sa bayan ng Arabale. Maliwanag ang sikat ng haring araw at kitang-kita ang kagandahan ng asul na kalangitan na napapalamutian ng mga ulap na marahang gumagalaw sa ihip ng hangin.

(Rena’s note: habang tinatype ko ito ang nasabi ko sa sarili ko…”Ano na naman ba itong mga pinagsasabi ko XD”)

 

 

Makikitang naglalakad ngayon sa kalsada ang binatang si Cashmere. Habang naglalakad ay binabasa niya ang biniling libro para sa pagluluto at paggawa ng iba’t-ibang mga desserts. Sa kaliwang kamay naman ay tangan niya ang isang plastic bag ng mga pinamiling ingredients para sa gagawin niya ngayong meryenda para sa kanyang dyosa na si Camellia.

“Hmmm…” *tango* *tango*“Madali lang palang gumawa ng choco fudge. Ito na lang siguro, mukhang magugustuhan naman ito ni Camellia.” Nakangiting wika ni Cashmere sa kanyang sarili. Kahit saang anggulo tignan ay napaka-aliwalas talaga ng itsura at aura ng meister na ito.

Muling nagbasa si Cashmere ng iba pang mga maari niyang ipag-bake kay Camellia nang maalala niya ang usapan nila nito kanina bago siya umalis ng bahay.

[Flashback]

“Anong gusto mong ipag-bake ko para sayo ngayong araw, Camellia?” tanong ni Cashmere kay Camellia nan aka-upo sa sala at nanunuod sa telebisyon habang siya naman ay tinatapos ang kaunting gawaing naiwan sa kusina.

“Ahmm… ano nga ba?” wika ni Camellia atsaka lumingon kay Cashmere na tila nag-iisip. Nakakunot pa bahagya ang kanyang noo at nakalagay ang kanyang hintuturo sa kanyang baba. Natawa naman si Cashmere sa cute na itsura ng kanayang dyosa. “Kahit ano na lang Kuya Miro. Basta naman gawa mo ay kakainin ko eh.” Nakangiting tugon ni Camellia at itinuloy na ang panunuod sa telebisyon. Sa kabila ng tila malalim na pag-iisip ay nauwi lang sa ganito ang sagot niya.

[End of flashback]

“Tama ito na lang hehe total sabi naman niya kahit ano basta ako ang gumawa eh.”

Samantala, sa isang puno malapit lamang sa kanyang nilalakaran ay may isang nilalang ang kanina pang tahimik na nagmamatyag sa kanyang kilos. “Ang panibagong wind meister.” mahinang wika ng nilalang atsaka ito tumayo sa sanga ng puno at inilabas ang kanyang sandata -isang malaking pana na gawa sa crystal.

Patuloy na naglakad si Cashmere at hindi nabubura sa kanyang mukha ang pagiging maaliwalas nito sa kabila ng panganib na kanyang haharapin. Inihanda na ng nilalang ang kanyang sandata, naglagay na siya ng isang palaso na sa dulo ng tulis nito ay may tumulo pang likido, mukhang may lason ang palasong kanyang gagamitin. Maingat niyang itinapat ang direksyon ng palaso kay Cashmere at ng masiguradong nasa tama ang kanyang pag-asinta ay kaagad niyang pinakawalan ang palaso.

Mabilis na isinara ni Cashmere ang librong kanyang binabasa nang maramdaman ang isang palaso na papalapit sa kanya. Kanina pa niya nararamdaman ang kilos ng kalaban mula sa vibration at mga sound waves sa hangin.

“*WIND CAGE!*” mahinang pag-enchant ni Cashmere atnabalot siya ng hangin na siyang humarang sa palaso na paparating sa kanya. Sa pagtama ng palaso sa harang niyang hangin ay nag-iba ang direksyon na pinatutunguhan nito at ngayon ay mabilis nang palapit sa kung saan ito nagmula.

Nanlaki naman ang mata ng nilalang na iyon ng makita ang palaso niyang papalapit sa kanya. Kaagad siyang tumalon upang iwasan ang palaso, dahilan upang maipakita niya ang kanyang sarili kay Cashmere.

“Hehe sa wakas ay nagpakita ka rin. Kanina pa kita nararamdaman at sa totoo lang ay medyo naiilang ako sa pagsunod at pagmamatyag mo sa akin.” Napapakamot sa pisnging wika ni Cashmere.

“Magaling na pala siya sa pagkontrol ng kanyang elemento at nagawa niyang pabalikin sa akin ang aking palaso. Parehong pagdepensa at pag-atake ang kanyang ginawa.” Isip-isip ng nilalang na iyon at tumayo ng maayos saka niya hinubad ang suot niyang coat kaya nakita na ni Cashmere ang mukha ng kanyang kalaban.

“I-Isang babae?” takang wika ni Cashmere.

“Oo, isa nga akong babae. Bakit? Sasabihin mo bang hindi ka pumapatol sa mga babae? Puwes kung ganun pasensya na pero kahit babae ako ay ako ang tatapos sayo.” Naka-ismid na wika ng babae at mahigpit na hinawakan ang kanyang sandata.

“Huh? Ahahaha.” napakunot noo naman ang babae sa pagtawang iyon ni Cashmere. “Hindi ko naman sasabihin ang bagay na iyon eh. Nagulat lang ako na babae ka, hindi ko kasi naramdaman sa hangin ang iyong kasarian. Siguro dapat ko pang pagbutihin ang pagbabasa ng mga sound waves hehehe. At tungkol sa kasarian mo…wala naman sa akin kung babae ka. Lalaban ako sa kahit na sinong magtatangka sa buhay ko mapababae man o lalaki.”

 

 

Lalo namang napakunot noo ang babae ng makitang nakangiti pa rin si Cashmere kahit na may bahagyang diin sa mga huling salitang sinabi nito.

 

Inilagay ni Cashmere sa dala niyang plastic bag ang librong binabasa niya at maingat na inilapag sa gilid ng kalsada. Pagkatapos noon ay marahan siyang naglakad palapit sa kanyang kalaban na bahagyang napaatras ng maramdaman ang pagbabago ng aura ni Cashmere. Maging ang mga ngiti sa labi nito ay napalitan ng kakaibang kahulugan.

Samantala sa bahay nila Cashmere..

 

“Ayyyy~ mukhang matatagalan pang makauwi si Kuya Miro ah.” nakapahalumbabang wika ni Camellia habang nakadungaw sa bintana. “Nee~ Sandali lang naman siguro siya hehe. Paniguradong mabilis niyang matatalo ang kalaban niya.” Agad namang napalitan ng sigla ang mukha ni Camellia  “Uhm! Tama! Habang naghihintay siguro ay ihahanda ko ang ibang mga materyales na gagamitin niya.”

 

 

 

Mabalik tayo kina Cashmere at sa babae…

 

Napalitan ng seryosong mukha ang babae at inangat ang kanyang pana at muling inasinta si Cashmere ngunit bago pa man makalapit kay Cashmere ang pana ay nakati na ito sa gitna, mula sa tulis hanggang sa pinakadulo nito na ikinagulat ng babae. Maayos at malinis ang pagkakahati ng kanyang palaso at hindi man lang kumikilos si Cashmere sa kanyang kinatatayuan.

“Mukhang walang magagawa ang aking palaso sa isang ito ah. Heh! Kung ganoon ay lalaban ko na siya sa aking elemento.” *REMORPH!: LANCE!* napalitan ang pana niya ng isang matulis na sandata.

“Water element pala ang hawak mo. Hehe pati iyon ay hindi ko din nalaman. Marami pa talaga akong dapat matutunan sa aking kapangyarihan.”

“Tumahimik ka! Alam mo ba na kanina pa ako naiinis diyan sa mukha mo! Sisiguraduhin kong buburahin ko ang ngiti diyan!” galit na wika ng babae at mabilis na tumakbo palapit kay Cashmere.

“Pero alam mo rin bang maraming nagsasabi na maganda daw ang mga ngiti ko.” Wika ni Cashmere na nilakipan niya ng matamis na ngiti na lalong ikinainis ng babae kaya mas binilisan nito ang pagtakbo na sinamahan pa niya ang pag-enchant.

Inihanda na rin ni Cashmere ang kanyang sarili at nagsimula na rin mag-enchant. Kapansin pansin din ang kakaibang talim sa kanyang mga mata *DEPOSITON!: RAPIER!* lumikha siya ng maliit na bolang hangin sa kanyang palad na mabilis na umiikot hanggang sa mabuo ito sa isang mahabang espada na may manipis at mahabang talim.

*FROST EDGE!* pag-enchant ng babae kung saan sa oras na tumama ang kanyang sandata sa katawan ng kalaban ay kaagad mababalot ng yelo ang katawan nito. Subalit walang silbi ang kanyang ginawa dahil isang ilusyon ng hangin ang tinamaan niya at hindi si Cashmere. “Huh? Ilusyon? Paanong…”

“Nandito ako miss.” Mahinang wika ni Cashmere malapit sa tenga ng babae na nagpatindig sa mga balahibo nito dahil hindi niya inasahan na isa lamang palang ilusyon ang inatake niya kanina. Sa kabila ng pagkagulat ng babae ay nagawa niyang makaiwas sa pag-atake ni Cashmere mula sa kanyang likuran at muling nag-enchant upang makabawi ng atake.

“Pati pala ilusyon ay nakakagawa ka. Ngayong alam ko na iyon ay hindi mo na ako muli pang malilinlang nun! *AQUA BLAST!*” sa sobrang lapit ni Cashmere ay hindi niya nagawang iwasan ang atake ng babae kaya tumalsik sya palayo ngunit agad niyang kinontrol ang hangin sa paligid kung kaya hindi siya humampas sa gilid ng kalsada.

“Naku naman~ basa na ang damit ko.” Bahagyang nakasimangot na wika ni Cashmere. Hindi naman sinayang ng babae ang pagkakataon upang muling maka-atake.

*REMORPH!:CRYSTAL BOW!* muling bumalik sa pagiging pana ang sandata ng babae at itinutok sa itaas na direksyon ang palaso. *RAIN OF CRSYTAL DAGGERS!* sa pagbitaw ng babae sa palaso ay nagliwanag ito sa itaas at mula rito ay umulan ng maraming palaso na nababalot ng matatalim at matutulis na crystal.

*TORNADO!* at nabalot si Cashmere ng malaking ipo-ipo kung kaya hindi sya tinamaan at nilamon lang ng hangin ang mga matatalim na crystal.

*AQUA BLADES!* sunod-sunod na pag-atake ng babae habang mabilis na tumatakbo palapit kay Cashmere. Nagagawa naman ni Cashmere na sanggain ng kanyang rapier ang pag-atake ng babae.

*BOREAS’ CURSE!* ganting enchant ni Cashmere at pinatamaan niya ng ipo-ipong may halong mga kidlat ang babae ngunit walang hirap lamang itong iniwasa ng babae at muli siyang inatake.

Maka-ilang beses din silang nagpalitan ng mga direktang atake sa isa’t-isa at ilang mga incantation hanggang sa pareho na silang nagkaroon ng mga sugat sa katawan at bahagya na rin silang nakakaramdam ng panghihina at pagod lalo na si Cashmere.

*SIREN’S SYMPHONY!* inalis ng babae ang kanyang sandata na ipinagtaka naman ni Cashmere subalit nabigla sya ng nabalot sya ng isang malaking bilog na tubig at napuluputan din sya ng mga galamay na gawa sa tubig. Hindi na niya nagawa pang makapiglas ng marinig niya ang pag-awit na babae. Tila ba ay hinihipnotismo sya ng ganda ng tinig nito.

Walang ibang ginawa si Cashmere sa loob ng water sphere kundi ang tumitig sa babae habang ito’y kumakanta. Mukhang wala na siya sa kanyang sarili dahil hindi man lang sya nagpupumiglas kahit na unti-unting napupuno ng tubig ang loob ng water sphere na kinapapalooban niya. Napangiti naman ng husto ang babae nang makita ang reaksyon ni Cashmere.

“Fufufu~ sige lang at mahumaling ka lang ng husto sa aking tinig~” wika ng babae at muling umawit ngunit sa pagkakataong ito ay mas maganda at talaga namang nakakahumaling ang kanyang pag-awit.

Sa pagkakarinig ng awit na iyon ay nakaramdam si Cashmere ng paninikip sa kanyang dibdib at kahit na maganda ang tinig ng babae ay tila ba binabasag nito ang kanyang pandinig. “Aaaaaaahhhh!” daing ni Cashmere na bahagyang nagising sa kanyang pagkakahumaling sa tinig ng babae. Hindi niya magawang takpan ang kanyang tenga dahil napupuluputan siya ng mga galamay at sa ngayon ay hanggang dibdib na niya ang taas ng tubig.

“Aaaaahhhh! Tumigil ka! Tama na!” sigaw na daing ni Cashmere at kita sa kanyang mukha ang paghihirap sa loob ng water sphere. Sinubukan ni Cashmere na kontrolin ang hangin mula sa labas ng sphere upang atakihin ang babae ngunit sinasangga lamang nito at patuloy pa rin sa pag-awit. Lalo ding bumlis ang pag-angat ng tubig sa loob ng sphere at humigpit ang pagkakapulupot sa kanyang kamay ng mga galamay.

“Hi-hidi…hindi ako…argh! Papatalo…so- song…” pilit na sinusubukan ni Cashmere na labanan ang sakit at pinapakalma ang sarili upang makapag-enchant.

 

 

“Huwag ka ng lumaban pa dahil lalo lamang kitang pahihirapan bago tuluyang tapusin.”

“Ka-kaya ko…makakaalis ako rito…*SONG OF THE WIND AND SKY!*” nagawa pa ni Cashmere na maisigaw ang kanyang incantation bago mapuno ng tubig ang sphere. Dahil naman sa incantation na iyon ay nawalan ng epekto ang pagkanta ng babae dahil kinokontrol ng incantation na iyon ang vibration at sound waves.

“Huh?! Hindi! Walang makakatalo sa awit ko!” muling kumanta ang babae ngunit patuloy pa rin si Cashmere s pagkontrol sa sound waves sa tulong ng incantation at nagawa niyang sirain ang sphere dahil sa humina ito ng mawalan ng epekto ang pag-awit ng babae.

“haaah..haahh..” habol naman ni Cashmere ang kanyang hininga ng makawala sa loob ng water sphere at ng makabawi ay dahan-dahan siyang tumayo.

“Heh! Sinuwerte ka lang kaya ka nakawala! Sisguraduhin kong mawawala yang swwerte mo at mamamatay ka! *POSEIDON'S FURY!*”  galit na galit na wika ng babae at mula sa lupa at paligid ay nagkaroon ng malaking pwersa ng tubig na rumaragasa paitaas at mabigat na bumagsak paibaba ngunit nagawa naman kaagad ni Cashmere na lumutang ng bahagya sa ere. *FROST FIELD!* At  sa pagbagsak ng tubig, ang mga alon na nilikha ng pwersa ay naging matatalim na yelo at nagawa nitong abutan si Cashmere at halos ikulong sya ng mga matutulis na yelo na nagsama-sama upang lumikha ng kulungan.

Hindi pa doon natapos ang pag-atake ng babae dahil mula sa mga yelo na kulungan ni Cashmere ay lumabas ang matatalim pang mga yelo at wala syang kawala sa oras na lumaki pa ang mga ito at tiyak ang kanyang kamatayan. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam na si Cashmere ng pangamba para sa kanyang buhay.

“Fufufu~ katulad ng sinabi ko sayo ay aalisin ko ang ngiti sa iyong mukha.” Wika ng babae na sinamahan niya ng nakakakilabot na ngiti

Sa hindi malamang dahilan ay sandaling naging blangko ang mukha ni Cashmere.

*SWIRLING WIND BLAST!* nagulat naman ang babae ng magawa pang makapag-enchant ni Cashmere. Nabalot ang paligid ni Cashmere ng malakas na pwersa ng hangin sa loob ng kulungang yelo at dahil sa lakas nito ay nagawa niyang sirain ng walang hirap ang kulungan. Maging ang mga yelo sa buong paligid nila ay nasira din ng malakas na pwersa ng hangin.

“NAPAKALAKAS NA PWERSA NG HANGIN!” hindi makapaniwalang bulalas ng babae habang pinagmamasdan kung paano sirain ng hangin ang kanyang mga yelo. Pagkatapos mawala ng malakas na hangin ay nakita ng babae si Cashmere sa gitna ng kalsada na hawak muli ang kanyang sandata-ang rapier.

“PHANTOM SLASH OF ZEPHYR!” iwinasiwas ni Cashmere ang kanyang rapier ng ilang beses at mula sa bawat pagwasiwas niya ay lumabas ang malalaki at mas malalakas na wind blades na sunod-sunod na tumama sa katawan ng kanyang kalaban. Hindi sya tumigil sa kanyang pag-atake hanggang sa tuluyang bumagsak ang kanyang kalaban na halos wala ng buhay.

“I-isa kang…malupit na wind meister…hindi katangagap-tanggap ang kamatayan ko dahil sa baguhang katulad mo…” naghihingalong wika ng babae.

“Pasensya na kung naging marahas man ako ngunit pinrotektahan ko lamang ang aking sarili.” Wika ni Cashmere habang pinagmamasdan ang pagliwanag ng katawan ng kanyang kalaban hanggang sa unti-unti itong naglaho sa anyo ng malilit na liwanag na tinangay na ng ihip ng  hangin.

“Naku! Baka naiinip na si Camellia sa kakahintay sa akin!” bulalas ni Cashmere at kaagad niyang kinuha ang mga mga pinamili niyang tinangay ng hangin at isinilid sa plastic bag saka nagmadaling umuwi.

------------

“Nandito na ako! Pasensya na kung katagalan ako.” Hinihingal pang wika ni Cashmere ng makauwi ng bahay at naabutan niyang naghihintay sa kusina si Camellia at nakalatag na sa mesa ang mga gagamitin niya sa pagbi-bake.

“Sakto lang ang pagdating mo kuya Miro. Naihanda ko na ang mga gagamitin mo.”

 

“Hehehe. Salamat, Camellia.” Nakangiting tugon ni Cashmere at inilabas na ang mga pinamili niya sa dala niyang plastic bag.

“Mahusay pala ang ginawa mong pakikipaglaban kanina. Sinasabi ko na nga ba na magagawa mong talunin ang kalaban mo kahit na wala ang tulong ko.” Nakangiting wika ni Camellia habang nakatingin ng maigi kay Cashmere.

“Hehe in-apply ko lang yung mga tinuro mo sa akin at nakakatuwa na nagawa ko ang lahat ng iyon ng maayos. Marami pa din akong dapat matutunan kaya pagbubutihan ko pa ang pag-eensayo.” Determinadong wika ni Cashmere nangitian din ang kanyang dyosa.

“Tama iyan, dapat na mag-ensayo pa tayong mabuti upang lumakas ka pa at humusay. Maaring kaunting panahon na lang ay magsasama-sama na kayong apat na mga meister.”

 

 

“Hindi na ako makapaghintay na makilala sila.”

------

Maraming salamat sa pagsubaybay mga meisters!

sa suporta ninyo na ramdam ko sa bawat votes ninyo sa mga chapters at pag-add sa reading lists hehe...Thank you!

lovelots! ^^,

Continue Reading

You'll Also Like

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...