Hello, Beginning • Oneus fanf...

By clover_ann

1.3K 56 20

Hindi ito ang gusto kong mangyari. Lalung-lalo na... hindi ito ang gusto nya. Sa akin sya ikinasal. Alam ko k... More

[ i ]
[ ii ]
[ iii ]
[ trailer ]
[ author's ]
01
02
03
04
05
[ soundtrack I ]
06
07
08
09
10
[ soundtrack II ]
11
12
13
14
15
[ soundtrack III ]
16
17
18
19
20
[ soundtrack IV ]
21
22
23
24
25
[ soundtrack V ]
26
27
28
29
30
[ soundtrack VI ]
31
32
33
34
35
[ soundtrack VII ]
[ author's ]
36
37
38
39
40
[ soundtrack VIII ]
41
42
43
44
45
[ soundtrack IX ]
46
47
48
49
50
[ soundtrack X ]
[ author's ]
51
53
54
55
[ soundtrack XI ]
56
57
58
59
60
[ official soundtrack ]
[ author's ]
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
[ plug 📢 ]
Epilogue
End
[ author's ]

52

7 0 0
By clover_ann

"Psst. Hoy."

Mukha nya nanaman ang bumungad nang maramdaman ko ang yabag sa bubong palapit sa akin. Mabigat na nga ako para dito ay umakyat pa sya at sumunod. Sabagay, bubong naman nila ito at kapag gumuho ay kasalanan nya rin.

"Ano nanamang ginagawa mo rito?"

Palagi nalang iyan ang itinatanong nya kapag pinupuntahan nya ako dito. E samantalang sya itong sunod ng sunod sa akin.

"Hindi ka ba pumasok?" -Tanong nya ulit.

"Nagpapahinga pa ang mga estudyanteng galing sa university meet kaya makikisali na rin ako sa pahinga."

Natawa sya sa palusot ko kahit iyon naman talaga ang totoo.

"Bakit, di ka naman kasali dun, ah?" -Sya.

"Alam ko. Pero pagod rin ako. Tsaka teka nga..."

"...Bat ikaw lang nakikita ko, bat hindi ko nakikita si Myeong?"

Dalawang araw ko na ring hindi nakakausap si Dongmyeong. Nakikita ko syang naglalabas-masok sa bahay nila pero hindi ko sya nakakausap. Kapag naman niyayaya ko syang mag-arcade ay sinasabi nyang may ginagawa pa sila ng mama nya.

"Bakit ba? May ginagawa ang kambal ko."

"Katulong ni mama, nagliligpit ng kung anu-ano."

"Nanaman? E bat hindi ka tumulong? Napaka-batugan mo talaga."

"Kayang-kaya na nila iyon, tsaka tumulong naman ako sa pagliligpit sa bahay ng papa ni Henna ah. Kapagod rin yun, no."

Nagpaliwanag pa talaga sya. Palibhasa ay paborito sya ng mama nya kaya't okay lang na takas-takasan nya ito. Habang si Myeong naman ay papa's boy.

"Tingnan mo."

"Saan nanaman kaya sya galing?"

Magkasunod na sabi ni Dongju sa akin. Tinanaw ko naman ang inginuso nyang babae sa di kalayuan. Si Ate Henna iyon. Kilala sya kahit malayo dahil sya lang naman ang babaeng ganito sa lugar namin. Isa pa ay sya lang naman ang babaeng naparoroon sa bahay at bakuran ng papa nya nitong mga nakaraan.

Mula nang mailibing si Ninong, dito sa lumang bahay nila sya tumutuloy.

"Saan pa, edi sa bahay nila ni kuya Leedo."

"Noong isang araw pa iyan pabalik-balik roon e." -Hinuha ko.

Kung pwede nga lang raw batukan ng Kuya ko itong si Ate Henna ay nabatukan na nya sa tigas ng ulo. Umaasa kasi syang baka kapag umuwi sya sa bahay nila ng asawa nya ay madatnan nya iyon doon.

Pero wala naman ni anino ni Kuya Leedo.

Bakit ba kasi hindi nalang sya kay Kuya nang may mapala naman sya sa buhay nya? Kahit naman ganoon ang kuya ko e wala naman yung sabit.

"Kawawa naman si Noona."

"Dati..."

"...Napakamasayahin nyan."

"Walang araw na nakakasalubong natin yan na hindi nakangiti at nang-iimbita sa kanila."

"Ngayon, ni hindi yata sya nasisinagan ng araw."

Nagsi-sentimyento yata ang isang to. Paano naman masisinagan ng araw si Ate Henna e halos hindi nga ito sumikat ngayong simula na ang winter? Pero mas okay na ring ganito itong si Dongju, at may silbi ang usapan namin.

"Tinutulungan naman natin sya. Choice nya na iyan kung hanggang kailan sya ganyan." -Ako.

Kung bakit kasi kung gaano ka-bait itong si Ate Henna ay ganoon rin sya ka-tanga? Sigurado naman kaming lahat na buhay pa at hindi nawawala si Kuya Leedo. Alam nya rin sa sarili nya na sadyang ito mismo ang lumalayo sa kanya. Minsan sa sobrang bait nya ay gusto ko na syang sabunutan nang makalog naman ang utak nya. At gumising.

"Kung bakit kasi di nalang sya kay Kuya, diba?"

"Gwapo na, matangkad pa...maganda pa boses." -At minsan rin ay nandidiri ako sa lumalabas sa bibig ko.

Ano ba itong sinasabi kong gwapo ang kuya ko? Maayos lang ang itsura. Malinis, pulido at presentable, ganon. Hindi gwapo. Pfft.

"Ano namang mapapala ni Noona sa kuya mo, aber?"

"Tamad mag-aral, ayaw mag-trabaho at puro mikropono ang hinihimas."

Aba, loko ang Dongju na to ah.

"Aba't---nilalait mo ba ang kuya ko?"

"Lait ba yon? Di naman. Tsaka ok lang yun. Close na close naman kami nun ni bayaw e---A-Aray---aray---aray! Ano ba?!"

Para piningot lang sa tenga, kung maka-aray naman sya akala mo'y crinemate ng buhay. Kapag narinig sya ng kuya kong iyon, baka di lang yan abutin nya.

"Kahit naman ganoon yon si Kuya...hindi nun tinalikuran si Ate Henna. Kahit inis na inis na sya sa katangahan ng babaeng yan, no."

"O tingnan mo. Ayun nanaman si Kuya at Papa. Siguradong kung anong pangungumbinsi nanaman ang sasabihin nyan kay Ate."

Si Dongju naman ay sinipat rin sa ibaba ng bakuran nila Ninong ang itinuro ko.  Araw-araw na lamang, hindi pumapalya yan si Kuya at Papa na kausap-usapin si Ate Henna. Hindi ko alam kung para saan, ayaw ko namang tanungin dahil wala naman ako masyado naiintindihan.

"Hoy. Saga."

"O?"

Mabilis kong tanong at inilagay sa kamay nya ang kahon ng ininumang juice. Galing nanaman sa kanya iyon at kaparehong flavor ng katatapos lang din nyang inumin. Tutal lahat na lamang ng ininuman ko ay ibinubulsa nya, kesyo magagalit raw ang inang kalikasan pag makalat. Kung di ko pa naman alam, kukuha sya ng DNA sa laway ko at ipagagayuma ako.

"Sama ka sa bahay, may ipapakita ako sayo sa kwarto."

Ayan na. Loko-loko yata talaga ang gagong to ah? Manyakis ba to? Walang pakundangan, walang paligoy-ligoy? Ayain ba naman ako sa kanila?! Kwarto pa mismo ha?!

Ano akala nito sakin? Easy to get?!

"Ikaw---!"

"---Talaga---Hoy, Son Dongju!"

Kung hindi ako sanay na lumakad-lakad sa bubungan na ito, baka na-out of balance na ako at sa baba pinulot. Lalo na at kailangan kong bumwelo sa mga sinasabi ng lokong to.

"Hindi ko na nagugustuhan yang pakikitungo mo sakin, ha?"

"Hindi porket magkaibigan tayo---makukuha mo ako ng mabilisan---"

"---No. No. No. Nagkakamali ka."

"Hindi pa ako pumasok sa kung kaninong kwarto ng may kwarto. Maliban sa kuya ko."

"Bastos na ito---"

"---A-Alam ko ang ipapakita mo."

"Ayoko nyan, ha---Ayaw ko ng mga ganyan-ganyan!"

"Wag mo akong ine-estima, kahit sinukuan ko na si Cya, hindi kita papatulan."

"Hmp. Gagong to."

Tatawa-tawa pa sya sa isang tabi at kulang na lamang ay malunok nya ang kanina pa nginangatngat na straw ng inumin. Nakakainis ang tunog ng tawa nya!

"Ano namang tinatawa-tawa mo dyan?" -Inis na tanong ko sa kanya. Inayos pa nya ang pagkaka-lilis ng suot na pullover longsleeve bago ako sagutin.

"Hay naku, Jin Saga."

"Manang-mana ka talaga sa kuya mong walaaaaang preno ang bibig."

"Ang sabi ko lang, may ipapakita ako sa kwarto."

"Di mo muna ako tinanong kung restroom, kung living room, dining room, play room, function room, bago ka nang-armalite dyan."

"Napaka-assuming mo talaga. Tsk tsk tsk." -Sya.

Nabubuwisit na ako sa lalakeng ito. Kung bakit ba kasi kakambal sya ni Dongmyeong?! Hindi naman sya dating ganito na malakas mambuwisit. Nagsimula lang ito nung nagka-idea syang may gusto ako kay Giwook.

Kung hindi ko pa naman alam, nagpapapansin lang ang siraulong ito sakin. Imbis magpa-cute sya sa akin ay nambubuwisit sya.

"Hoy. Jin Saga."

Ayan. Binanggit nya nanaman ang pangalan ko.

"Ano nanaman?"

At heto sya at tinitingnan ako na akala mo naman talaga ay seryosong tao sya. Pasalamat sya at pinanganak syang maganda ang mga mata. Hindi nga lang kasing ganda ng mata ni Hwanwoong, pero itong mga matang ito ni Dongju ang chick magnet sa pagkatao nya. Sige, at yung buhok nya rin at pormang parehong pang-ulzzang.

"Ayaw mo ba talagang makita?"

"Bahala ka. Baka..."

"..."

"...Baka pagsisihan mo yan."

🍀

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...