15

17 1 0
                                    

"Anong ibig mong sabihin?"

Ibinalot ko sa kumot ang natutulog na bata. Inayos ang kanyang suwero at hinintay ang sasabihin ni Solar.

"She doesnt response to conventional treatments anymore... Even granulocytes transfusions that she'd been receiving since her first seven months, hindi na rin sya kinakaya..."

"...And that is the only cure her doctors contemplated."

"...."

"She needs more than your help, Leedo..."

"..."

"She can't wait for a right donor for forever."

"..."

"..."

"...Nagmamakaawa ako sayo."

"Kapag hindi pa natin tinanggap ang option na ito... Baka mahuli na ang lahat."

Hindi ko alam kung makailang kagat sa sariling labi ang nagawa ko. Kahit na malinaw ang pagkakapaliwanag nya ay halos walang pumasok sa utak ko. Gayun rin ang mga papel na ipinakita nya sa akin.

Alam kong iyon ang gusto nyang sabihin.

Pero iyon na lamang ba ang paraan?

"Paano kung hindi ako...pumayag?" -Matapang na tanong ko. Na sana ay magkaroon sya ng hinuha na hindi ako pumapayag sa kung ano mang ibig sabihin ng mga ipinaliwanag nya.

"Then she'll...she'll...die sooner on her life." -Halata ang panginginig ng boses nya at anumang oras ay luluha rin.

"..."

"We'll lose our child."

Pang ilang balik na ba ng bata ito sa ospital? Bakit ngayon nya lamang sinabi sa akin? Bukod sa sinabi nyang impeksyon bakit hindi nya sinabing ganito ka-seryoso ang lagay ng anak namin? Anong gusto nyang gawin ko? Anong gusto nyang maramdaman ng asawa ko?

"Alam kong... hindi kita inobliga noon."

"..."

"Dahil kaya kong mag-isa kahit na wala ka, Leedo..."

"At hindi ko na dapat pa ito sasabihin sa iyo..."

"..."

"...Pero ang bata. Katawan na mismo nya ang nangangailangan ng tulong mo, Leedo."

"Anak mo ang batang ito. Parang awa mo na, nakikiusap ako sayo huwag mo syang hayaang mawala sa akin."

"Nakikiusap ako sayo, magpaka-ama ka para sa kanya."

Putangina.

Bakit ganito ang nangyayari?

"..."

"T-tumigil ka na..."

Ang mga hikbi nya. Punong puno iyon ng sakit. Nararamdaman ko iyon sa higpit ng yakap nya sa akin at mga hampas sa aking dibdib kanina.

Ang anak namin ni Solar... nasa peligro ang buhay nya.

"Natatakot ako, Leedo. Ayokong mawala sya sa akin..."

Hindi sya lalapit sa akin kung hindi kailangan. At ngayon nga na napakalaking bagay ng hinihingi nya... Paano ako magpapaka-ama kung alam kong masasaktan ko si Henna?

Alam kong ito ang pinakang tama kong gawin para sa buhay ng anak ko. Pero paano si Henna? Anong mararamdaman nya? Anong mangyayari sa aming dalawa.

"Tahan na..." -Ako.

"..."

"..."

"Wag kang matakot..."

"...Maililigtas natin ang bata."

Leukocyte Adhesion Deficiency?

Pitong buwan pa lamang raw ang bata ay nadiagnosed na ang sakit na ito sa kanya. Dalawang taon pa lamang sya ngayon at nasa peligro na ang kanyang buhay. Ni hindi pa nya nalalaman kung gaano kaganda at kalupit ang mundo.

Ipagkakait ko ba sa kanya iyon? Ako ang ama nya kaya hindi ba't kailangang gawin ko ang lahat para sa kanya?

"We can't wait and sit longer, Leedo. I told you..."

"... Kapatid ang kailangan nya."

"...Iyon na lamang ang aasahan natin." -Sya.

Hindi maaaring iasa sa one-in-a-million donor ang buhay ng anak namin. Isa pa, kung magkaroon man ng matched donor sa loob ng tatlong taon ay 35% lamang ang tsansang mabuhay ang bata. Ang pinakamadaling opsyon ay ang bone marrow na magmumula sa sarili nyang kapatid. Siguradong iyon...makapagbibigay ng 90% na pag-asang mabuhay sya.

"...Pero paano kung mabigyan natin sya ng kapatid at hindi parin mag-match iyon?" -Ako.

"..."

Dahil hindi imposibleng hindi rin mag-match kahit na sarili pa nyang kapatid. Anong mangyayari kung gayun nga ang kalabasan?

"No matter what. We still have to try...para sa kanya." -Makailang pikit sya upang pilit pigilin ang luha.

"Hindi ba't ganoon dapat ang magulang?" -Sya.

Hindi ba't noong itago nya sa akin ang kanyang pagbubuntis ay hindi sya nagpaka-magulang at sarili lamang ang inisip? Gusto kong sabihin sa kanya iyon pero ayoko ng dagdagan ang pagiging miserable nya.

Kung tinanggap lamang nya ako noon pa bilang ama ng bata, hindi ganito kahirap para sa akin ang lahat---na buhay ng anak ko at relasyon namin ng asawa ko ang nagpapapili sa akin.

Si Henna, ayokong saktan sya.

Noon pa man, isa syang babasaging anghel na walang ginawa kundi mahalin ako at magpakabuti sa akin. Pero ang batang ito... responsibilidad ko rin sya.

"Kailan mo gustong gawin natin iyon?" -Pikit mata ang tanong kong iyon sa kanya.

Ang tanungin kung kailan sya handang makipagtalik sa akin. Ang paraan ng sakripisyo para mabuhay ang anak namin, hindi ba dapat ay bukal sa loob ko? Bakit ganito kasakit? Bakit ganito kapait?

"Salamat, Leedo..."

"...Maraming salamat."

Kailangan ko syang yakaping pabalik. Para hindi sya makaramdam ng guilt. Para hindi nya maramdamang ganito kahirap para sa akin ito.

"..."

"Huwag ka ng mag-alala, magiging maayos rin ang lahat."

Humigpit ang yakap nya sa akin kasabay ang pagpapakalma ko sa kanya.

Humigpit rin ang pakiramdam ng aking dibdib... dahil nasasaktan ako. Kung hindi ko minahal ng ganito ang asawa ko, siguro ni kaunting gulo ng isip ay hindi ako magkakaroon.

Pero nang banggitin pa lamang ni Solar ang tungkol sa nag-iisang paraan para iligtas ang anak namin... mali mang sabihin pero hindi ang kaligtasan ng bata ang una kong inalala...kundi ang mararamdaman ni Henna.

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon