02

37 4 0
                                    

"Ano bang sinasabi mo?"

Naramdaman kong idinantay nya sa akin ang kanyang hita para akapin ako. Ito ang madalas naming pagtalunan. No, hindi nya pinapatulan ang pag iisip bata ko, pero lalo kong nararamdaman ang frustrations bilang asawa nya kapag hindi sya nagagalit sa akin.

"Naka-ilang try na kasi tayo, Mahal..."

"...Pangalwang taon na natin ito e."

Sinusubukan kong hindi magtunog dismayado sa sarili ko sa tuwing kausap sya. Twenty years old lamang ako, kasal at may mabuting asawa, pero bakit ito ang pinoproblema namin?

"E ano? Hindi ako mapapagod kahit gabi-gabi tayong mag-talik. Alam kong maibibigay mo sa akin yon balang araw."

Nagsisinungaling sya. Kaya pala sa tuwing makakakita sya ng mga bata ay yuyuko pa sya para kausapin ang mga ito. Babaguhin ang malagong nyang boses para hindi sila matakot sa kanya.

"Hindi kita pinepressure, Henna. Bata pa tayo, maraming taon pa tayong pwedeng mag-hintay."

"...Magpahinga ka na."

Mainit ang kanyang hininga sa aking batok nang lalong yumakap sa akin. Ang asawa ko na yata ang pinakang kalmadong lalake na nakilala ko. Sya rin ang uri ng asawang papangarapin ng kahit sinong babae.

Hindi kami mayaman, pero wala na akong hihilingin pa kundi sya sa habang-buhay. Ang maliit nyang labi... Ang ngiti ng mga mata nya... Ang katawan nyang hindi ako magsasawang tingnan at maramdaman sa tuwing yayakapin nya ako.

Si Leedo.

Mahal na mahal ko sya.

Sa araw-araw na gigising ako ay parating bago sa pakiramdam dahil palagi akong naaatat sa kung anong mangyayari sa buong maghapon namin. Kahit papasok lamang sya sa opisina at hihintayin ko syang makauwi. Ang mga simpleng bagay na ginagawa ng mag-asawa, nagiging espesyal lahat iyon dahil sya ang asawa ko.

"...Tulog ka na ba?" -Nilingon ko sya ng bahagya, at nang pisilin nya ang palad ko at isiksik ang sarili sa akin, alam kong hindi pa sya tulog.

"..."

"Magpapa-schedule ako bukas kay Doktora." -Ako at pilit nyang ginising ang sariling diwa.

Ito ang paborito kong boses nya, kapag inaantok at sa tuwing bagong gising. Lalo na kapag mula sa likod ko sya nagsasalita.

"O bakit? Papunta akong Gangnam bukas...hindi kita masasamahan."

"Ano ka ba, ayos lang. Kaya ko na yon."

"Sasabihan ko si papa na huwag na munang umuwi para masamahan ka."

"Gunhak, hindi na ako teenager. Ilang beses na akong natingnan ni Doktora. At isa pa, alam mo namang walang bantay sa talyer kapag linggo, kaya hayaan mo na syang umuwi."

Hindi na sya nakipag-diskusyon pa.

Nakikita ko ang sinseridad sa lahat ng sinasabi at ginagawa nya para sa akin. Hindi parin talaga sya nagbabago. Sya parin ang lalakeng kumuha sa atensyon ko noon at pinangarap kong mapasaakin.

Kung alagaan nya ako, parang isang babasaging pigurin na ingat na ingat sya. Hindi ko sya masisisi. Bago kami ikasal, nanggaling sya sa isang pangyayaring nagbago sa buhay nya.

Pero masaya akong ako ang kasama nya para mabuo ulit sya.

Mahal ako ng asawa ko.

Minahal nya na ako.

Ilang minuto pa ang inabot ng pagmumuni-muni ko. Lumuwag na rin ang yakap ni Leedo sa akin dahil tuluyan na syang nakatulog. Kinuha ko ang handphone na hawak nya sa kabilang kamay.

Pati sarili kong mukha sa wallpaper nya, nagpapakilig sa akin. Lalo na at sya mismo ang kumuha nito noong nakaraang lumabas kami. Ini-type ko ang kanyang 4-digit pin para tingnan ang iba pang mga larawan doon. 0109. At pati ang code noon na wedding anniversary namin... nakakakilig.

2 unread messages.

Hyung, bayaran ng tuition ko next week ha. Tsaka dagdagan mo na rin allowance ko, hehe. Medyo nagkayayaan ang tropa e. Naubusan ako. Salamat. Bait mo talaga.

Si Gunhee iyon. Ang kapatid nyang bunso na sinusuportahan nya sa kolehiyo. Ang batang iyon talaga, ang kuya nya nga ay napaka-dalang mag goodtime noong nag-aaral pa. Saan kaya nagmana ang batang to?

Isinara ko na ang message nya at ang kuya nya na ang bahala sa kanya. Ang isa nama'y hindi naka-save na number, pero binuksan ko parin iyon.

Sana makarating ka. Importante ito sa atin.

Si Seoho ang tatagpuin nya bukas sa Gangnam, kaibigan nya iyon noon pang college na madalas parin naman nyang makasama. Kilala ko ang mga kaibigan ng asawa ko, kaya't wala akong dapat ipag-alala. Dahil lahat sila ay magagandang impluwensya sa kanya.

Hindi ko pa man naililigpit ang phone nya ay nag-vibrate itong muli. Iyon parin ang number na hindi naka-save.

Please.

Ano kayang problema ng lalakeng iyon at pinipilit ang asawa ko sa ganitong dis-oras ng gabi?

Tulog na si Leedo, sinabi nya sa aking pupunta sya bukas kaya matulog ka na. Haha.

Hindi na sya sumagot pa kaya't inilagay ko na ang phone sa katabing nightstand. Kinuha ang malayang kamay ng aking asawa at iniyakap ito sa akin. Tsaka humalik sa kanyang labi habang mahimbing ang tulog nya.

🍀

[a/n : Magkaiba po si Gunhee at Keonhee. Bakit kasi magkapangalan si Lee Keonhee at kapatid ni Leedo? Hahaha. ]

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon