31

11 0 3
                                    

"Seven thousand, five hundred eleven won po'ng lahat."

Pack ng Yejimin sanitary pads.
Kaha ng sigarilyo.
Spearmint candy.
Isang egg-sandwich.
Isang energy drink.
Isang ramyeon.
Pitong libong won mahigit na kaagad?! Noong nakaraan lang nagkasya pa ang ang limang libo ko sa toiletries at meryenda. Pamahal ng pamahal ang bilihin sa convenient store na ito at palaki naman ng palaki ang gastusin ko.

Mag-isa lang ako pero kulang parin ang allowance para sa renta, personal hygiene, mga requirements sa college, pagkain...at ngayon, pati tuition ko, ako na rin ang magbabayad.

Saan ko naman kukunin ang pambayad, aber?

"..."

"Miss, magbabayad ka po ba? Marami na pong nakapila."

Nilingon ko muna ang linya ng magpapa-counter sa likuran ko, may apat na tao at sa uniporme ay puro sila estudyante ng Hanyang na kagaya ko. Ang isa nama'y hindi estudyante pero kilala ko sya dahil---

"---Miss?"

Mabilis kong ibinalik ang tingin sa kahera at kasunod ay sa hawak na wallet.

"H-ha?"

"Ah...eh..."

"..."

"..."

"A-alisin mo na lamang yung... tinapay."

Inalis ng babaeng kahera ang sandwich sa aking babayaran. At nang lingunin ko ang monitor...kulang parin ang pambayad ko para sa sumatotal.

Ano ba namang klaseng buhay to?

"Ah..."

"..."

"..."

"...Alisin mo na rin yung Bacchus."

Alisin mo na rin yang energy drink dahil kahit nauuhaw ay malakas pa naman ako. Abot pa kahit hindi kumain mamayang hapunan. Dahil bukas pa ang sweldo kaya bawal pa ring magreklamo ng gutom. May tubig naman sa building, doon na lamang ako iinom.

"..."

"May aalisin pa po ba kayo?" -Yung kahera matapos iharap na muli sa akin ang monitor. Kulang parin ng 500 won ang pera ko.

Pero kailangan ko nang lahat yan e. Yosi pampalipas ng gutom habang nasa trabaho. Spearmint para hindi ako mag-amoy yosi. At ramyeon pag hindi na kaya ng yosi ang sikmura ko. At yung napkin, i-eexplain ko pa ba kung bakit kailangan ko yun?

"Ah..."

"..."

"..."

"...Huwag mo na ring isama yung...noodles."

Mahigpit ang hawak ko sa piraso ng mga huling papel mula sa pitaka. Pagka-abot sa babae ay mabilis ko ring kinuha ang supot na pinaglagyan nya ng binili ko.

Gayunrin ang ilang pirasong baryang isinukli nya sa akin. Pera parin ito at tutunog pag hinulog ko sa alkansya.

Hindi ko na nilingon ang mga nakapila at wala akong pakialam kung natagalan sila sa likuran ko. Mas matagal parin ang kinabukasan para sa payday. Sa ngayon, kailangan ko munang mag-puyat sa trabaho bago kumain ng masarap bukas.

Mabuti na lamang at may laman pa ang tour card ko't hindi ko problema ang bus papasok sa part-time. Pero problema ko ang gastric juices ng tyan kong nambubulabog ngayon.

Nagugutom talaga ako.

"..."

"Chijoo."

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu