22

19 0 0
                                    

"Hyung. May klase pa ako, wala akong alam dyan!"

Sinasabi ko na nga ba at modus nanaman ito ni Ravn hyung. Dapat hindi ako naniwala sa sinabi nyang 'emergency' na iyon e.

"Maupo ka ryan at wag kang malikot. Pag nagasgasan ang kotse ko sa kakapalag mo, ihuhulog talaga kita."

Ako ang makakagasgas? E sya nga itong barumbado mag-sara ng pinto. Ang hambog talaga.

"..."

"Bumaba ka sa Hanyang ha." -Sabi nya nang maupo sa driver's.

Hanyang University?

"Mag-aano naman ako dun, hyung? Tsaka teka---ang galing mo mag-utos ah."

"Isasakay mo ako na daig ko pa ang kinidnap, tapos uutusan mo kong bumaba? At sa Hanyang pa? E hindi naman ako nag-aaral don---"

"Yeo Hwanwoong, Yeo Hwanwoong, Yeo Hwanwoong."

"Ang dami mo na kaagad sinabi. Ang sabi ko lang, bumaba ka doon. Ganun kasimple."

Teka nga muna.

Parang alam ko na kung bakit.

Gago talaga ang siraulong to. Idadamay pa ako.

"..."

"Bumaba ka roon at sunduin mo si Chijoo."

Sabi ko na nga ba. Minsan rin talaga nilalamon ng torpe ang kayabangan nito ni Ravn hyung. Pang-ilang pakisuyo na ba nya sa akin ito para sa syota nyang yon?

Noong una ay pinagpuyat ako sa kagagawa ng design para sa birthday banner ng babaeng iyon. Pangalawa'y linisin ang unit nya dahil pinalayas raw ang babaeng iyon sa inuupahan at sa kanya magpapalipas ng gabi. Pangatlo ay noon lamang isang linggo na ginawa nya pang hulmahan at basehan itong paa ko para sa bibilin nyang running shoes ng bwisit na Chijoo na iyon.

Nakisuyo na nga lang sya, sinabi nya pang bansot ako dahil pang-babae raw ang height ko.

"Bakit ako ang bababa, hyung? E syota mo yon."

"Ayoko. Hindi ako bababa." -Dagdag ko at kaagad ipinagkrus ang aking mga braso bilang pagpipinal.

Tiningnan nya naman ako ng mataman sa itaas na salamin. Saka nag-bawi at ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Talaga? Hindi ka bababa?" -Pangbubuyo nya.

Mukhang alam ko na ang sasabihin nya. Iyon naman talaga ang pang-blackmail nya kapag nagsisimula na ang pag-tanggi ko sa kanya.

"Hyung. Sabihin mo na sa kanila kung gusto mo. Para wala na akong problemahin pa."

Matipid na tawa ang narinig ko sa kanya.

"At sa palagay mo naman talaga...ipapahamak kita?" -Sya at nagtamang muli ang paningin namin sa salamin.

Kung hindi nya gustong ipahamak ako, bakit nya ako tinatakot kapag hindi ko sya sinusunod?

Hindi nya sasabihing bakla ako?

Kahit hindi  naman sya ang unang taong nakakaalam non, dahil alam ni Henna at sa palagay ko ay alam rin ni Keonhee pero hindi namin napag-uusapan.

Ang iniingatan ko ay makarating sa mga magulang ko. Dahil hindi nila ikatutuwa na ganito ako lalo na at solong anak na lalake.

Isa pa sa kinaiinit ng ulo ko sa girlfriend nyang iyon ay dahil sya ang may kagagawan kung bakit ginaganito ako ngayon nitong si Ravn hyung.

Tenant kasi ang babaeng iyon sa tenement ng boyfriend ko noon. At sigurado akong sya ang nagsabi kay Ravn ng pakikipaghalikan ko rito. Dahil sya lamang naman ang nakakita sa amin ni Wooshin sa likod ng hagdan.

Kaya mula noon ay hindi na talaga ako komportable sa syota ni Ravn hyung kahit na ilang beses na rin namin itong nakakasa-kasama.

"Dyan ka lang. Hintayin mo ako." -Si hyung bago nya isara ang pinto ng sasakyan nang makababa rito.

E san pa nga ba ako pupunta? Dito lang talaga ako dahil ayokong makita ako ng kunsino kunsaan sa ganitong school hours. Kung bakit ba sinama pa nya ako rito e may klase pa ako!

Nakita ko syang mayabang na lumakad paalis, pero hindi pa sya nakakalapit sa gate ay nakita na nya ang babaeng hinahanap.

Hindi ako bumaba ng kotse nya kaya't hindi ko alam ang pag-uusapan nila. At ayaw ko rin namang umosyoso. Pakialam ko ba don?

Maganda si Chijoo. Maganda pati katawan kahit na hindi sya katangkaran. Hindi sya gaanong maputi. At may tuwid na tuwid na buhok na palaging nasa gitna ang hawi. Matapang ang mga mata kaya't nagmumukha syang suplada.

Sabagay, kung simpleng babae lamang ito ay hindi pag-aaksayahan ng pera ni hyung, hindi gagastusan at hindi susuporthan sa mamahaling unibersidad.

Isang malaking tanga rin talaga si Ravn hyung.

Kahit na hindi ko sila naririnig ay nakikita ko naman ng malinaw ang ginagawa nila mula sa hindi kalayuan.

At mukhang...hindi maganda ang nangyayari.

Ilang minutong nakayuko lamang si hyung at walang kibo. Nang mag-bow ang babae sa harapan nya ay waring napasabunot pa si hyung sa kanyang buhok.

Saka lumakad na si Chijoo palayo sa kanya. Habang si Ravn hyung nama'y naiwan parin sa kinalalagyan nya.

Ano bang nangyayari sa mga yon?

Aishht. Idinadamay nya talaga ako sa problema nya.

Mabilis kong isinara ang pinto ng kotse nang makalabas ako rito. Lumakad palapit sa lalakeng naiwan paring mag-isa sa kinatatayuan nito.

"Hyung. Anong nangyari?"

"..."

"Tara na. Bakit bumaba ka pa?"

Parang tsaka lamang sya bumalik sa sarili nang marinig ako sa kanyang likuran. Lumapit sa akin at hinigit ako hawak sa aking kwelyo.

"Ang tagal-tagal mo kasi, akala ko mag-hihintay ka pa ng ayuda dyan e." -Ako habang hila-hila nya palapit at pabalik sa sasakyan.

"Bilisan mo ihatid mo ako ulit sa Dongguk, abot pa ako sa kasunod na subject, hyung."

"Anong Dongguk? Sumama ka sakin. Mag-iinom tayo."

"Inom?! Hyung maaga pa! Walang bukas na pub, gago ka ba?!"

"..."

Nilingon nya muna ako bago pindutin ang carlock.

"Sa pub lamang ba pwedeng mag-inom? Wag kang bano, Yeo Hwanwoong."

Hanggang sa makasakay at magsimula syang magmaneho ay wala syang imik. Ang isang kamao ay nakatikom at sa hinuha ko ay galit sya ngayon at hindi ko alam kung saan at bakit.

"Anong tinitingin-tingin mo?" -Si Ravn hyung at kaagad ko namang inalis ang mga tingin kong nanunuri sa kanya.

"..."

Itinuon nya ang isang braso sa katabing pinto ng kotse at sinapo ang ulo habang nagmamaneho. Makailang beses ko rin syang narinig na magbuntong-hininga.

Para syang tanga.

"It's the end of the world."

"..."

"Nakipag-hiwalay na sya sakin."

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now