09

16 2 0
                                    

"Ang ganda talaga lagi ng timing nyo."

Inilipat ni Seoho ang dumbell sa kabilang palad. Si Ravn nama'y parang art critic na minasdan isa-isa ang mga pinta ni Henna na nakasandal sa dingding malapit sa sala.

"Asan ang timing don, Kim Gunhak? Pakiramdam ko nga tinataguan mo kami, napakahirap mong hagilapin. Pa-hard to get ka masyado." -Nakahalumbaba pa si Ravn habang palakad lakad na parang siraulo.

Nasa iisang district lamang kami pero nahihirapan pa silang hagilapin ako? Maliban kay Seoho na lingguhan kung umuwi dahil sa Gangnam sya naka-base. Pero itong si Ravn na palaboy ng Jung-district, malapit lamang dito ang tinutuluyan.

"Malay ba naming nandito ka at naka-leave ka pala? Dadalhan lang dapat namin iyang asawa mo ng prutas." -Sa wakas ay inilapag na ni Seoho ang dumbell, ang akala ko'y dumayo lamang sya dito ng gym.

"Prutas, walang sakit si Henna, mga gago ba kayo?"

Kaya pala nagulat ako nang i-abot ni Ravn sa asawa ko noong dumating sila ang isang basket na hindi ko alam ang laman. Ang akala ko ay naligaw sila at inakalang simbahan itong bahay namin at balak mag-alay.

"Hahaha, bakit bawal ba kumain ng prutas pag walang sakit?" -Ravn.

"Wag kang mag-alala, hindi lang kami ang makikita mo ngayon, Kim Gunhak. Dadating rin sina Yonghoon and friends." -Seoho.

"Ano---Sino nag-sabing pwede kayong pumunta dito ng wala akong kaalam-alam?!"

"Mahal..." -Bitbit ni Henna ang tray ng tatlong baso ng orange juice mula sa kusina at inilapag iyon sa harap ng dalwang bagong dating na mga siraulo.

Kadarating lang rin namin mula Daecheon at halos alas tres ng hapon na kami nakabalik. Ilang minuto lamang ay nandito na rin ang dalawang ito.

"...Ako ang nagpapunta sa dalawang yan." -Malawak ang ngiti ni Henna ng isa-isa nyang maingat na buhatin ang mga painted canvas mula sa kinalalagyan nito.

"...Sa akin, nakabawi ka na. Sa kanila, hindi pa. Kasama sila sa mga hindi mo sinipot kagabi." -Idiniretso nya ang mga piyesa sa aming kwatro para doon pansamantalang ilagay.

Kaya pala minamadali nya akong magmaneho pauwi ay dahil parating rin ang mga ito sa bahay.

Inilipat ko naman ang aking paningin sa dalawang lalake sa sofa, at katulad ng dati, si Seoho ay mukha paring sintu-sinto kung ngitian ako, at si Ravn naman ay natural na sa itsura ang yabang---kahit hindi naman talaga sya mayabang.

"O, kita mo na? Kaya bumili ka na don ng lalaklakin. Dahil nauuhaw na kami." -Ravn.

"Napakasama mong kaibigan para mang-hikayat ng inuman, Kim Youngjo..." -Si Seoho na akala mo naman talaga ay mabuting tao at hindi umiinom.

"...Hintayin naman natin yung iba. Hindi porket mga estudyante pa ang mga iyon ay kakalimutan nyo na." -Patuloy ni Seoho.

Halos iisa ang mga kaibigan namin ng aking asawa. Para kaming nasa iisangmundo na puro mga may sira ang utak ng mga tao. Maingay na ang dalawang ito, lalo na kapag dumating pa ang mga kaibigan ni Henna.

"Ako na ang bibili. Baka, nasa kanila na si Woong, magpapasama na lamang ako." -Si Henna.

Iilang piraso kung mag-imbak ng beer ang aking asawa sa refrigerator. Dahil para lang sa akin iyon at hindi sa mga kaibigang manginginom. Kaya kung may mga ganitong pangyayari na nandito ang mga gagong ito, sa pinakamalapit na convenient store ang takbuhan.

"O. Pass daw si Kanghyun sabi ni Yonghoon." -Binasa ni Ravn ang message mula sa phone.

"Ang lapit-lapit di pa pumunta? E bakit si Harin makakarating. E magkaklase yung dalawang iyon, diba?" -Seoho.

"Baka overtime nanaman ang gagong yon. Daig pa ang pamilyadong tao kung kumayod sa pag-papart time nya." -Ravn.

"Kung makapagsalita ka. E diba halos pamilyadong tao ka rin dahil sa pagpapa-aral mo dyan sa kolehiyala mong syota."

"---Aba, himala hindi mo pala sya kasama ngayon ah." -Seoho.

"Kung makapagsalita ka rin parang di ka patay na patay dyan sa DJ na yan sa fm radio. Magkakagusto ka na lamang, dun pa sa babaeng ni wala kang ideya kung anong itsura..."

"At isa pa... Second year na si Chijoo. Pag katapos mag-aral non, aasawahin ko na yon para may mapala ako, no." -Si Ravn kay Seoho.

"Ibang klase ka, ginawa mo pang investment yung tao ah." -Ako habang palapit sa pinto at pagbuksan ang kumatok dito.

"Nagturuan pa kayo, e pareho naman kayong may sira sa ulo pagdating sa babae. Isang hambog, at isang torpe." -Biro ko sa dalawa.

"..."

"..."

"Hi. Leedo, my friend."

Ihampas ko kaya dito kay Keonhee yung gitara ng lalake sa likuran nya. Hindi pa sya nakakahakbang papasok ng bahay ay natutulig na ako sa kanya.

"Anong friend. Nasaan si Henna, akala ko dinaanan ka, Woong?"

"Yung kambal ang sumama, may susunduin pa yata." -Diretsong pumasok yung dalawa kasama si Harin at naiwan si Yonghoon habang hinuhubad pa ang sapatos nito.

"..."

"Bakit yung kambal pa ang isinama nya?! Siguradong yung kapatid ko ang susunduin nung mga gagong yun! Putcha nasalisihan ako nung dalawang yun ah!" -Protesta ni Yonghoon.

"Napaka-OA mo namang kuya. Ano namang gagawin nung kambal kay Saga, aber? Ni hindi nga marunong bumili ng condom yung dalawang yon sa convenient store e. Kung kinder joy pa, posible." -Keonhee.

"Silid kaya kita sa kinder joy, daldal mo e, no?" -Harin.

"E kung ikaw kaya ang isilid ko. Baka pagkamalan ka pang sisiw sa balut. Balbon kasi yang kilay mo e." -Keonhee.

"Tangina tong dalawa na to. Nagsabay pang pumunta dito." -Yonghoon.

"Kung pupunta lang si Kanghyun, di talaga ako sasabay dito kay Keonhee e." -Sabay naman ang akbay ni Keonhee sa pang-aasar ni Harin sa kanya.

Saglit pa ay lumitaw na sa pinto ang aking asawa. Sa likuran nya ay ang kambal, at hindi ang kapatid ni Yonghoon kundi ang ka-banda nitong si Cya.

Kinuha ko mula kay Henna ang iba pa nyang dala at dumiretso naman sa kusina ang tatlong lalakeng kasama nya para ilagay doon ang mga bitbit nilang bote.

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now