39

15 0 0
                                    

"Woong. Kapag hindi na ako nagising, sabihin mo kay Gunhak na mahal na mahal ko sya, ha? At...si Gunhee kamo ang una nyang intindihin bago ang ibang tao, ha? At si papa---"

"E kung tuktukan kaya kita riyan?"

Bakit ba iyon ang sinabi ko? Wala naman akong ibang tinutukoy sa ibang tao kundi si Ate Solar. At sino bang may sabing hindi na ako magigising? Anaesthesia lamang kaya't makakatulog ako, hindi ba? Pagkatapos, mawawala na ang talab nito at mararamdaman ko na ang kirot ng sugat sanhi ng operasyon.

Natatakot ako.

Kahit nandito si Hwanwoong at ang papa, natatakot parin ako.

"Pinapabayaan ka na nga ng asawa mo, iniisip mo parin hanggang dito?"

"Ooperahan ka, Kim Henna."

"Pero wala si Leedo hyung, at kaibigan lang ang kasama mo?"

"Mabuti kung para sa akin yang operasyon na yan, diba? E sya tong gusto magkaanak, tapos wala sya ngayon dito?"

"Hay Kim Henna. Wag mo pagsabayin ang pagiging martyr at pagiging tanga."

Wala nga sya.

Hindi kami nagkausap mula kagabi nang umuwi syang dala ang mga resulta ng check-ups ko. Hindi rin nya alam na ngayon ang operasyon ko. Hindi ko manlang masabi sa kanya.

Binigyan ko sya ng sakit sa ulo at nahihiya ako sa kanya.

"Woong. Wag ka nang madaldal. Ang mabuti pa, lumabas ka na roon at samahan mo si papa sa recovery room, mas kinakabahan pa sa akin iyon."

Sinabi ko kay papa kung bakit wala ngayon sa tabi ko ang aking asawa. Sinabi nyang pareho kaming mali at ayaw raw nyang makialam sa amin. Gusto nya raw na si Leedo mismo ang makaintinding kusa ng lahat.

Ang mahalaga raw ay masamahan nya ako ngayon dito.

Isinara na ng nurse ang pinto ng operating room matapos makapasok si Dra. Ahn at isa pang nurse.

Hinawi nya na rin ang kurtinang tatabon sa hinihigaan kong kama at inayos ang suot na face mask. Nagsimula namang lumabo ang paningin ko.

Ilang saglit lang ay mabilis ring nasiguro ni Dra. Ahn na tumalab na ang anaesthesia.

"I will make atleast one or two incisions para sa insertion ng scope. But then kailangan munang ifill ng carbon dioxide si tummy para hindi madamay ang organs."

"Of course you knew I will need a lesion para sa biopsy, sinabi ko na iyon sayo dati,  you don't need to understand, gusto ko lamang na alam mo."

"This will be fast, Mrs. Kim. Kung inaantok ka, pwede kang matulog. But I suggest you to sleep dahil nakakapagod ang healing process."

Nakita ko pa ang pag-lapat ng asul na tela sa aking tiyan pero hindi ko na iyon naramdaman pa. Kasunod ay ang sunod sunod na pag-ilaw ng mga bumbilya sa mismong itaas ng kinahihigaan ko.

Iyon na ang huli kong nakita.

Hinila na ng antok ang mabigat kong mata.

Antok na antok... na talaga... ako.

"Bakit si Rumi lamang ang narito?"

Maingat na hawak ng aking asawa ang sanggol habang hawak rin ng maliliit nitong kamay ang kanyang daliri.

"Nasaan si Yuma?"

"Alam ba ni Henna'ng narito ka, Gunhak?"

"Sinabi ko sa kanya kanina na nakapanganak ka na. Pero hindi ko sinabing noon pang isang araw, hindi ko rin sinabing...kambal ang bata."

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon