07

17 2 0
                                    

"...Salamat at kasama ka namin ngayon."

Pinili kong i-off nang tuluyan ang aking phone. Halos alas otso na at inaasahan akong makasama ni Henna ngayon. Mula pa kanina ay makailang beses syang nag-iwan ng message sa akin. Minsan lamang syang magluto kaya't alam kong excited syang ipatikim sa akin ang mga iyon, lalo na at hinanda nyang lahat dahil sa akin. At wala rin akong ibang gusto kundi makauwi para sa kanya.

"Happy birthday..."

"...Pasensya ka na kung dito ka nag-celebrate sa ospital kasama ang anak natin."

Nawala na ang matinding pag-aalala sa mukha nya mula nang datnan ko kanina sa emergency. Kahit na magulo ang pagkakapusod ng kanyang mahabang buhok at bakas sa mata ang pag-iyak kanina...hindi maitatago noon ang ganda ni Solar.

"Wag ka ng mag-alala... Maayos na sya ngayon."

Kahit na pilit ay ngumiti parin sya sa akin at muling pinagmasdan ang natutulog na bata. Alas syete kanina bago ko i-start ang kotse pauwi, natanggap ko ang tawag nya.

Umiiyak.

Kinailangan na daw i-confine ang bata dahil sa taas ng lagnat at pangongombulsyon nito. Hindi nila alam kung saan nagmula ang impeksyon nito sa dugo, pero mabuti parin daw at naagapan ito.

Malusog at masiyahin ang bata. Na kahit dalawang taon pa lamang sya ay nakikita ko kung paano sya inaalagaan at pinalaki ni Solar. Sa matinding emosyon at tarantang nakita ko sa kanya kanina, alam kong mahal nya ang anak namin at hindi ito nagkulang sa atensyon nya.

Ibang-iba sa Solar na nakilala ko dalwang taon mula noon.

"...Sige na, Leedo, kaya ko na siguro itong mag-isa."

"Siguradong nag-aalala at hinihintay ka na ni Henna, kaya umuwi ka na. May oras ka pa para mag-celebrate."

Kung sinabi nya ay uuwi talaga ako. Pero hindi lang naman ito tungkol sa kanya, dahil narito ako para sa bata. Anak ko ito at kahati nya ako sa responsibilidad.

"Hindi..."

"..."

"...Sasamahan na muna kita dito."

Nagliwanag ang kanyang mukha dahil doon. Mabuting tao si Solar at may konsiderasyon. Kahit na alam kong gusto nya pa akong makasama lalo na sa mga oras na ito, hindi nya nakakalimutan na kasal na ako sa ibang babae.

Kahit na sya dapat iyon.

Sya dapat ang naglakad papunta sa altar dalawang taon na ang nakakalipas. Noong estudyante pa ako at kailangang itaguyod ang pag-aaral namin ni Gunhee, si Solar ang naging kasama ko sa lahat.

"H-Hinde, wag na..."

"...Bukas ay sasabihan na lamang kita sa kalagayan nya." -Magkasunod nyang sabi.

Wala akong ibang pinangarap kundi pakasalan sya at bumuo ng pamilya kasama nya. Kaya't nang may mangyari sa amin, mas lalo akong naging masipag para makaipon at pakasalan sya. Hindi lamang dahil nirerespeto ko ang pagkababae nya at nirerespeto ko ang buong pamilya nya. Kundi dahil gusto kong magsimula ng buhay kasama sya.

Pero tinanggihan nya ako.

Mabilis na pagtanggi at hindi manlang sya nag-isip.

At sinabi sa aking sasama sya sa kanyang ama sa ibang bansa para magpatuloy pa ng ilang taon sa abugasya. Hindi ko sya masisisi at ayokong maging hadlang sa mga pangarap nya. Kung hindi man ako kasali roon, ayokong malaman nyang nasasaktan ako sa desisyon nya.

Napaka-gago ko dahil pati si Henna na napakainosente noong mga panahong iyon ay nadamay sa pagiging miserable ko sa amin ni Solar. Kahit na alam kong gusto nya ako ay hindi ko dapat hinayaang may mangyari sa amin.

Si Solar lamang ang gusto ko.

Si Solar lang ang pangarap ko.

"..."

"...Umuwi ka na."

"...Huwag mong paghintayin ang asawa mo."

Ilang linggo pagkatapos may mangyari sa amin ni Henna, kinausap ako ng kanyang ama at sinabing buntis ang kanyang anak.

Katulad ng respeto sa isang tatay, ganoon kalaki ang respeto ko sa kanyang ama. Hindi dahil pinasusweldo nya ako kundi dahil mabuting tao sya sa akin at itinuring nya akong anak.

Pinakiusapan nya akong panagutan si Henna. Dahil nasa high school pa lamang ito at ayaw nyang maging sumpungan ng kahihiyan ang pagiging mapusok nito.

Hindi si Henna ang gusto kong panagutan kundi ang babaeng mahal na mahal ko mula pa noon. Pero sa pangalawang pagkakataon na tanungin ko sya ng para sa relasyon namin, sya na mismo ang nakipag-hiwalay sa akin at sinabing huwag kong sirain ang buhay ni Henna.

Sinabi nyang pakasalan ko ito at panagutan ang pagbubuntis nito.

Kahit na ilang beses kong pag-isipan ang tungkol roon...

Kahit na hindi ko sya responsibilidad.

Kahit na ayokong matali sa desisyong pagsisisihan ko habangbuhay.

Pero dahil lalake ako at iyon ang pinakang-tama kong gawin, niligawan ko si Henna sa unang buwan ng kanyang pagbubuntis at sinabing pakakasalan ko sya.

"Hindi. Maiintindihan nya ako..."

"...Sasabihin ko sa kanyang lahat."

Nang buwan ring iyon, nawala ang bata sa sinapupunan ni Henna ilang linggo pagka-graduate ko ng college at bago kami ikasal.

"A-ah... Leedo wag..."

"...Pwede bang wag mong sabihin kay Henna ang tungkol sa pagkikita natin?"

Huli na nang malaman kong buntis pala si Solar sa batang ako rin ang ama.

Huli na... dahil ikinasal na ako sa ibang babae.

Hindi nya sinabi sa aking sabay silang nagbubuntis ni Henna dahil gusto nyang ipagpapatuloy ang kanyang pangarap ng walang ibang humahadlang. Oo, inamin nyang sinubukan nyang patayin ang bata sa kanyang sinapupunan.

"..."

"Bakit?" -Ako

Pero hindi nangyari ang gusto nya at nagpatuloy ang kanyang maayos na pagbubuntis. Hindi kami nawalan ng komunikasyon. Maliban nang matapos ang panganganak nya at hindi na kami magkita pa pagkatapos noon.

Hindi na ako nakipagkita pa kahit kapalit noon ay pagtalikod ko sa responsibilidad ng pagiging ama sa anak namin.

"..."

"Ayoko lang sanang...maging dahilan ng pagtatalo nyong mag-asawa."

Hindi ko naisip noon na ako man o ang anak namin... Kung pwede lamang ay wala syang pipiliin kundi ang sarili nyang kinabukasan.

Magkaibang-magkaiba sila ni Henna.

"..."

"Hindi mangyayari iyan..." -Ako.

Dahil matapos mawala ang ipinagbubuntis ni Henna, halos isumpa nya ang mundo. Hindi pa man nabubuo ang korte ng bata sa sinapupunan nya, mahal na mahal nya na ito. Na pati ang pag-aaral nya ay nagawa nyang isuko para sa amin ng ipinagbubuntis nya.

Pero hindi ipinagkaloob ang sanggol sa kanya.

At hanggang ngayon ay hindi iyon ibinibigay sa amin.

"...Mag-asawa kami at palagi naming iintindihan ang lahat ng bagay."

Gusto kong sabihin sa babaeng kaharap ko na ang anak nalang namin ang tanging bagay na maglalagay ng koneksyon sa aming dalawa. Dahil pagkalipas ng dalawang taong wala sya...

Si Henna ang naging buhay ko.

Si Henna na ang lahat sa akin.

Ang asawa ko lang.

"...Pero paano kung hindi nya maintindihan ang tungkol sa anak natin, Leedo?"

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now