06

19 2 0
                                    

"S-sige...Ako na lamang ang sasalo ng lahat ng tagay ni Leedo, tutal parating na rin naman iyon e."

Alas sais pasado ng gabi ang pinakamatagal nyang uwi. Kapag natatagalan sa opisina, aabutin lang ng alas syete.

Pero alas otso pasado na ngayon.

Walang reply.

Walang tawag.

Nakapatay ang telepono.

"Walang sisihan pag lumungayngay ka na lang jan sa sahig, ha? Walang sumbungan sa asawa." -Pinuno ni Keonhee ng Soju ang shot glass.

"Wag mong punuin, baka masuka yan, gago ka." -Nakapatong pa ang mga paa ni Ravn sa mesa habang sinasaway ang kaibigan.

"Hayaan mo sya, sya daw ang sasalo diba, ganyan naman tumagay si Leedo hyung, diba?" -Keonhee

"..."

"Hoy mga batang to kung uminom, hoy ikaw Keonhee nagpaalam ka ba sa nanay mo? At ikaw, Xion, bakit hindi mo isimasama ang kambal mo?"

"Si Tito talaga, ako ang narito, iba ang hinahanap. Tsk. Bat ganyan ho kayo?" -Hawak-hawak ni Xion ang fried chicken sa isang kamay, ang isa nama'y ipinangduro kay papa. Kung minsan talaga ay walang galang ang lokong to.

"Tito, college na kami, pwede nang hindi magpaalam.".-Katwiran ni Woong kay papa palibhasa ay malapit rin sya dito noon pa man.

Kaibigan ko na si Keonhee at Woong noong nag-aaral pa ako ng high school dahil sa isang club. Pareho silang sa Jongno district umuuwi at kapit bahay ko noong taga-roon pa ako sa mga magulang ko.

"Hoy Henna, wag mong inumin yan, siraulo ka, binibiro ka lang e." -Si Woong nang tanggapin ko kay Seoho ang maliit na baso. Alam nyang hindi ako umiinom.

"Hayaan mo sya matanda na yan." -Palibhasa ay palagi nya akong hinahainan ng mga alcoholic na inumin ay ganito kalakas mangantyaw itong si Yonghoon.

Nakakain na kami ng hapunan. Nabawasan na'ng lahat ang handa para sa kanya. Pero ang cake, hindi ko pinasindihan dahil kahit abutin sya ng madaling araw, gusto kong sya ang umihip sa kandila noon.

Hindi pa sumasayad sa dila ko ay gusto ko nang isuka ang alak nang maamoy ko ito. Iisang beses pa lamang akong nakatikim ng alak sa buong buhay ko noong alukin ako ni papa, at nang hindi ko magustuhan ay hinding-hindi na ako umulit pa.

Ako ang nag-imbita sa mga taong malalapit sa asawa ko, kaya't ako ngayon ang napapagod sa pag-aasikaso sa kanila. Mga kaibigan nya, ang kapatid nya at si papa.

Pero ang dapat nandito at nagdidiwang kasama namin, wala parin hanggang ngayon.

"Anak, baka kung napaano na yang asawa mo, alam mo namang kung hindi sya makakauwi ng maaga ay nagsasabi ang batang iyon, pero wala ni message." -Bulong sa akin ni papa nang piliin kong iligpit ang mga pinagkainan sa kusina para hindi na ako patagayin pa nila Ravn.

"Gusto mo bang puntahan ko na sa opisina, Noona? Para hindi ka na mag-alala." -Inilapag ni Gunhee ang salansan ng plato sa lababo.

"Wag na, pauwi na rin iyon. Baka may tinapos lang. Sige na bumalik ka na roon at proxy-han mo muna ang kuya mo."

Katulad ng kuya nya ay mabait rin talaga si Gunhee, ang kaibahan ay mas madaldal sya kumpara sa kapatid nyang madalas ay matipid ang salita. Iisang taon ang tanda ko sa kanya pero iginagalang nya ako bilang ate.

"Lee Seoho, sa edad mong yan, 2020 na, ikaw na lang ang kilala kong nakikinig ng FM radio!"

"Hinaan mo nga yan, o kaya i-off mo na kaya. Pati ba naman kami ay idadamay mo sa pagiging old-fashion mo?" -Ginatungan pa ni Ravn ang pang-aasar ni Yonghoon kay Seoho.

"Mag-aalas nuwebe na kasi, malapit na yung programang inaabangan ko lagi e." -Ikinabit ni Seoho ang earphones dahil sa pagrereklamo ng mga kaibigan nya noong mag-loudspeaker sya ng FM radio.

"Nag-iinuman tayo dito tapos makikinig kang bigla ng radyo?" -Harin.

"Naku , Seoho hyung, galit ata si Harin oh. Wag mo raw syang talikuran." -Sabay agaw ni Keonhee sa hawak na tsitsirya ni Woong.

"Oo nga Seoho hyung, nangapal na ang kilay sa galit oh." -Pati naman si Xion ay nakiagaw sa kinakain ni Keonhee.

Kung narito ang kakambal nya ay baka bullyhin pa nila si Harin, palibahasa'y hindi sila pinapatulan sa mga kalokohan.

Naririnig at nakikita ko sila mula dito sa kusina. Ang papa ay lumabas kanina at alam kong hinihintay rin nya ang asawa ko. Si Gunhee naman ay komportable sa mga kaibigan ng kuya nya kahit ang iba ay medyo malayo ang edad sa kanya.

Sila kasi nina Woong, Keonhee, Harin at Xion ang halos magkaka-batch sa mga ito. Pero hindi katulad nila ay galing sya sa ibang unibersidad. Itong apat ay pare-parehong taga-Dongguk at si Gunhee nama'y sa Anyang. Pero itong sina Harin, Woong at Keonhee ay sophomore na, si Gunhee at Xion na lamang ang first year.

Itong si Ravn ay hindi ko alam kung paano nabubuhay. Kahit natapos nya na ang degree ay wala syang pinagkaabalahan kundi mangarera. Kulang na lamang ay pagkamalan ko syang carnapper dahil madalas syang magpalit ng kotse.

Si Seoho naman ay intern college professor ngayon sa Gangnam. Ang alam ko'y anim na buwan pa syang acting professor habang hinihintay ang lisensya nya sa pagtuturo. Pagkagraduate nya noon ay kumuha pa sya ng masteral at mukhang nasiyahan naman sya sa career nyang iyon.

Sina Seoho, Ravn at Leedo ay pare-parehong nagtapos ng engineering sa special majoring courses sa University of Seoul sa loob ng dalawang taon lamang, pare-pareho silang matatalino. Nga lang, si Ravn ay sadyang wala sa loob ang pinag-aralan.

Malas pa nga ako dahil kahit hindi sila kumpleto ngayon, puro madadaldal naman ang narito. Wala si Myeong at yung mga tahimik na si Kanghyun, si Cya at ang asawa ko.

Nasaan na ba ang lalakeng iyon? Hindi ko na alam kung mag-aalala ba ako o maiinis sa kanya. Hindi nya manlang nakita ang mga niluto ko. Kung pwede lang na hindi ko ipakain iyon sa mga kaibigan nya para makita nya ang plating.

"Huwag ka ng bumyahe, Gunhee. Dito ka na matulog at agahan mo ang gising para hindi ka mahuli sa eskwela."

Isang oras lamang kung ba-byahe sya pabalik ng Gyeonggi at alam kong responsableng bata naman si Gunhee. Pero kung narito ang kuya nya ay hindi rin sya nito hahayaang bumyahe lalo na at nakainom ito.

"Sige, sabi mo e, tutal sabog ako ngayon gawa nung mga kaibigan ni Hyung, ibang klase pala yung mga yun mag-inom." -Wala pa akong ibang sinasabi ay humilata na sya sa sofa.

"Gisingin mo nalang ako pag umuwi na si Hyung ha, Noona."

Alas dyes pasado na.

Ang papa ay pilit na umuwi sa Jongno-gu at isinabay ni Yonghoon sa motor. Ang mga magkakaibigan naman ay sabay-sabay ring nagsi-alisan. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanila kung bakit hindi pa umuuwi ang asawa ko ng ganitong oras. Mabuti na lamang at alam nilang wala rin akong ideya kaya hindi na sila masyadong nagtanong.

Pakiramdam ko'y makakatulog na ako sa pagkaka-ub ob sa mesa. Pati ang mata ko'y naduduling sa pulang polka dots na kahon ng cake sa harap ko. Kahit sinukuan ko na ang katatawag sa lalakeng iyon, iintayin ko syang umuwi kahit na anong oras pa nya gusto.

Dahil ako ang asawa nya, at kahit na anong mangyari...

...Sa akin parin sya uuwi.

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now