Special Chapter 3

7 0 0
                                    

From A Sketcher's View.
(a teaser)

Year 2043

"How's it?"

He pecked a small kiss on my cheek and came back to finish his coffee. We've been married for almost a decade. At may isang magandang supling na pitong taong gulang na rin. At kahit kuwarenta na kami mahigit, even within this marriage, hindi nawala ang friendship namin. Dahil ganoon kami nag-simula bago nag-tapos sa pagiging mag-asawa.

"May klase ka ba ngayon? May mga PMs ang mga estudyante mo." -He asked.

"Hindi na muna siguro. Lumulutang pa ang isip ko sa nangyari sa korte kanina, e." -I responded at nakisimsim sa iniinom na kape ng aking asawa.

Isa akong sketch artist. Mahigit isang dekada na rin nang buksan ko ang maliit na art school sa kabilang kalye lamang rin. Nagsimula ako sa pa-lima-limang estudyante, hanggang ngayon na mayroon na akong trenta sa bawat semestre.

Kanina lamang, kinuha akong gumuhit para sa isang kaso. Mga taong hindi ko pa nakikita at ibinase lamang sa kuwento ng isang batang saksi. Hindi ko alam pero may kung anong tumulak sa aking tanggapin ko ang alok na iyon sa korte.

Ang mahalaga, ano man ang gawin ko, suportado ako ng aking asawa na nasa filmography naman ang field.

"Bakit ba tinanggap mo ang trabahong yon? Mamaya ay mapahamak ka pa dahil dyan." -Sya.

"Kung nakita mo ang mga batang nasangkot, hindi mo sasabihin iyan."

"Naalala ko tuloy. Parang kayo ng mga barkada mo noong kabataan nyo."

Napapangiti ako sa pagkukwento sa kanya. Sa tuwing nagkakasama kami, ito ang paborito naming pag-usapan. Ang mga nakaraan. Kung paano nangyari ang lahat.

"..."

"Ang isa nga sa kanila...kamukha ng ex-boyfriend ko."

Hinayaan ko ang tono ng aking pananalita para makuha ang atensyon nya. Pero hindi na katulad ng dati, wala syang mararamdamang inis mula roon. Kinalas nya mula sa pagkaka-dekwatro ang mga binti at binigyan ako ng nanunuyang tingin. Narinig nya kasi mula sa aking pangalang iyon.

Ang lalakeng iyon...

...Na walang kapalit sa puso ko kailanman.

Mahigit dalawang dekada na rin ang nakalilipas, nang kinuha sya sa akin. Ang akala nami'y aksidente ang ikinamatay nya. Pero nito lamang namin nalaman ang totoo.

Nang bumisita kami sa kuya nya kamakailan lang, ikinuwento nito ang lahat sa amin kahit hirap na itong magsalita.

His brother said, long time ago... the man was diagnosed with concussion after a traumatic head injury. Sinabi sa kanyang maari nyang ikamatay iyon kung hindi sya mag-iingat. Though he knew for certain na ilang taon lamang ay pwede itong lumala sa panahon, hindi nya ikinabahala iyon.

Sinabi rin ng kuya nya na kaya hindi ito nakarating ng maaga ng araw na iyon sa airport para sa akin ay dahil nasa check up ito.

He didn't let  us know his condition. He didn't let me know. Pinaniwala nya akong malusog sya matapos ang insidenteng iyon. Until two years after his injury...he reached his limit while in a car drive.

He lost control of his wheels dahil mas nauna syang mawalan ng malay bago ang aksidente.

Namatay sya.

We lost him at a very young age.

Nito lang ring kamakailan... namatay sa sakit ang kuya nya matapos itong sumapit ng ika-animnapu'ng kaarawan.

"Sya nga pala..."

"...May balita na ba sa pamangkin mo?"

Tanong nya tsaka tumayo na bitbit ang walang lamang tasa papunta sa kusina.

"Wala."

"Ilang taon na tayong naghahanap. Wala na yata akong makikita pa."

Mula nang mabalitaan ko ang pagkamatay ng nakababata kong kapatid, sinimulan kong ipagtanong at ipahanap ang nag-iisang anak nito.

Pero kahit na nalaman ko ang pangalan ng bata...hindi ako nagkaroon ni kaunting kaalaman kung nasaan na ito.

"Pasasaan ba at makikita mo rin ang batang iyon."

"Alam mo namang sya nalang ang nabubuhay na kadugo nyo ng iyong ina."

Inilapag nya ang hawak na lente para linisan ang hawak na kamera. Madalas nyang itanong ang tungkol rito. Lahat ng para sa akin ay pinagtutuunan nya ng pansin gaano man kaliit. Dahil kagaya ng ipinangako nya nang ikasal kami...hindi nya ako pababayaan.

Mamahalin kahit na mula noon hanggang ngayon at hanggang sa katapusan... pangalawa lamang sya sa puso ko.

"Makakasama ka ba sa isang araw? Iniimbita tayo ng mga kaibigan natin." -Sya.

"Kayo talaga, ang tatanda nyo na ay mahilig parin kayo sa kasiyahan."

"Sumama ka na, iwan na lamang natin ang bata sa mga pinsan nya, siguradong matutuwa iyon."

Ilang dekada na rin ang lumipas at dumaan sa aming magkakaibigan... walang nag-bago. Lumayo man ang iba, hindi sila nawalan ng pagkakataong magsama-sama kapag naiisipan nilang mag-saya.

I looked at him with talking gazes dahil gusto kong bago ako pumayag ay bigyan muna nya ako ng pabor. Reason after realizing, napa-buntong na lamang sya.

Ilang taon na ring ganito ang setup namin. Kapag may kasiyahan, hindi namin pwedeng kalimutan ang mga walang kakayahang makarating sa tagpuan. Kaya't kami ang pupunta kung nasaan sya.

Ikinangiti ko naman ang ipinakita nyang paraan ng pagsang-ayon sa akin.

"Haist. What?"

"Oo na, oo na."

"..."

"Dadalaw muna tayo sa sementeryo bago pumunta sa mga kaibigan natin."

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon