44

9 1 0
                                    

"Wala pa rin bang balita kay Hyung?"

Ibinaba ko ang dalang bag sa sahig bago sumalampak rin doon. May pasok ako ngayon. Pero hindi rin naman ako makakapag-concentrate kahit na umupo ako sa klase at hintaying lumipas ang oras. Hindi ako ganoon ka insensitibo sa mga nangyayari.

May problema ang pamilya namin at kailangan ako ni Noona. Kahit papaano, gusto kong maramdaman nyang marami syang kasama.

"Pinuntahan ko sya sa opisina, ang sabi ng katrabaho nya ay lumabas daw. Hinintay ko syang makabalik, hanggang dalawang oras na ako roon ay wala parin sya."

Ni hindi ko nakitang nagkaroon ng problema ang mag-asawang iyon kahit na ni minsan. Kaya't pati utak ko ngayon ay halos dumugo sa kaiisip kung nasaan ang kapatid ko. Hindi pa sya umuuwi. Kahit noong operahan si Noona, hindi sya nagpakita.

Ngayon sya higit na kailangan ni Noona. Kailangang-kailangan sya ng asawa nya.

"Pinuntahan mo ba sa tinutuluyan ni Solar?"

Mabilis akong napalingon kay Yonghoon hyung nang banggitin nya ang pangalan na iyon.

Si Ate Solar? Anong kinalaman nya?

"Anong ibig mong sabihin, hyung?"

Patuloy si Yonghoon hyung sa pagtatali ng sintas ng kanyang leather shoes. Nang mahina nyang ibato sa akin ang isa pang armband.

"Siguradong nagkikita sila."

"..."

"..."

"Ang mabuti pa, alamin mo kung nasaan tumutuloy si Solar. Alam kong alam nya kung nasaan si Leedo."

Ang babaeng iyon.

Sa mga sinasabi ni Yonghoon hyung ngayon, sigurado sya sa mga hinuha nya. Pero bakit magkaganoon?

Kailan pa bumalik si Ate Solar?

Hindi ba't kusa nyang inilayo ang sarili nya at ang anak nya kay Hyung? Bakit pa sya bumalik, anong kailangan nya sa kuya ko?

Malaki na ang ipinagbago ni Hyung...

...iyon ay dahil si Noona ang asawa nya.

Maging ako, kung masasaktan man ni hyung si Noona, hindi ko sya magagawang kampihan. Ngayon ngang hindi ko makita ni anino nya ay halos magputok na ang butsi ko. Alam ng lahat kung gaano kabuti si ate Henna sa kanya. Ang mag-ama na iyon na parehong sadyang mga anghel sa amin ni hyung. Kaya kahit na utang ko sa kapatid ko ang lahat at kung panganay man sya sa akin... hindi ko mapapalampas ang mga maling desisyon nya.

Kung buhay ang mga magulang namin...

...ano kaya ang gagawin nila sa ganitong pagkakataon?

Hyung nasaan ka na ba?

"Kapag hindi pa lumitaw ang kapatid mo hanggang bukas sa libing ng papa ni Henna..."

"..."

"..."

"...Huwag na huwag syang magpapakita sa akin."

"Ako mismo ang babasag ng mukha nya."

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Yonghoon hyung. Sa aming lahat, sya ang pinakamatagal na nakasama ng mag-ama. Hindi lang magkapitbahay ang mga pamilya nila, kundi higit pa sa kaibigan. Ang pamilya rin nila ngayon ang nag-aasikaso sa funeral ni Tito.

Alam kong sobra na rin ang bigat na dinadala nya. Nilang magkakaibigan, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Noona ang nangyari.

Ni walang gustong magsabi sa kanya.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon