03

29 2 0
                                    

"I am giving you choices, Mrs. Kim..."

Ume-echo sa utak ko ang malumanay na boses ng Gynecologist kanina. Malumanay iyon dahil gusto nyang hindi ako makaramdam ng hopelessness sa mga sinabi nya.

Masyado ata akong naapektuhan kaya't ni hindi ko magawang umuwi dahil baka maabutan ko ang aking asawa sa bahay. Tatanungin nya ako kung anong nangyari sa check-up at hindi pa ako handang sabihin sa kanya. Kaya't daig ko pa ang pulubing pakalat-kalat ngayon sa Jung-district.

"...kahit na sumubok tayo ng IVF-ET, napaka-liit parin ng posibilidad na magbuntis ka hangga't may endometrial tissues..."

"...delikado iyon para sa iyo."

Matagal na nyang ini-suggest sa akin ang in-vitro fertilization. At hindi ko iyon ikinonsider ni minsan dahil babae ako kaya't gusto kong magbuntis sa natural na paraan, napakabata ko pa, at umaasa akong makakaya pa ng gonadotropins ang kondisyon ko.

Pero ngayon... sinabi nyang pati in-vitro ay hindi na rin magiging successful.

"...You will need a surgery, Mrs. Kim."

"...By that, malalaman kung anong maitutulong ko sa condition mo. A biopsy or tissue removal."

"...We'll see if IVF will be possible after that."

"..."

"..."

"But though we can perform the operation..."

"...babalik parin ang tissues kaya't..."

"..."

"...still, only 30% parin ang chance ng fertility."

Mag-iisang taon kaming kasal noon ng asawa ko nang magduda kami sa hindi ko pagbubuntis. Ang mga sintomas na hindi ko pinansin maski noong dalaga pa ako, maski ang unang miscarriage ko sa panganay sana namin ni Leedo, hindi ko naisip na maaaring ganito ang kalabasan. Sinong mag-iisip na sa bilyong mga babae,  ako pa ang nagkaganito?

Ang endometriosis na ito.

Mahigit isang taon nang magsimula akong magpagamot at maghintay na magdalang tao...

...walang nabuo.

Paano kung pagkatapos ng operasyon, ay wala parin? Anong gagawin namin ni Leedo? Tatanda ng kami lamang dalawa? Hindi pwede...gusto ko syang bigyan ng anak. Gusto nya ng sarili nyang anak.

Pakiramdam ko, para akong umattend sa party pero bawal akong sumayaw at bawal uminom ng wine. Parang bumagsak sa paboritong-paborito kong subject.

Gusto kong lamunin nalang ako ng lupang nilalakaran ko. Gusto kong wag nang umuwi. Dahil ikinahihiya ko ang sarili ko. Napaka-inutil kong babae. Ito na nga lang ang gagawin ko bilang asawa, pumalya pa ako.

Sa dami ng babae, bakit ako pa ang hindi magkaanak-anak?

Napaka-importante sa akin ng marriage na ito, kaya napakahirap i-claim ng fulfillment kung wala pa yung award na iyon sa amin ng asawa ko.

At kasalanan ko ito.

Pinilit kong walang pumatak na luha nang pindutin ko ang pangalan ni Leedo sa aking contacts. Ilang rings at hinintay kong sagutin nya ang aking tawag.

At katulad ng paraan kung paano nya ako kausapin palagi, kalmado kahit na malagong ang boses nya. Nagmula lamang ako sa check up pero parang ang tagal ko syang hindi nakita, at pati sa boses nya ay nasasabik ako.

"Henna? Napatawag ka, may problema ba?"

"..."

"M-mahal..." -Ako

"Tapos na ba ang meeting mo kay doktora? Gusto mo bang sunduin na kita---"

"Hindi-hindi, mahal! Matatagalan pa ako e, may emergency pa kasi si doktora." -Pagsisinungaling ko.

"Ahm...K-kasama mo pa ba si Seoho?"

"Oo, nasa Gangnam parin kami. Pero tawagan mo ako bago matapos ang check up para masundo kita, ha."

"S-sige na, kaya ko naman to e. Si Seoho na muna ang intindihin mo. Malaki yata ang problema nyan e, hehe."

Napakaplastic ng tawa kong iyon, ang totoo'y gusto ko pa syang tumagal kasama si Seoho para maensayo ko pa kung paano sasabihin sa kanya ang mga sinabi ng doktor ko. At kung sasabihin ko ba talaga sa kanya iyon.

Kusang huminto ang mga paa ko sa paghakbang nang mahagip ng aking mata ang isang pamilyar na lalake sa di kalayuan. Pumasok ito sa isang establisyemento.

Hindi ako pwedeng magkamali, sya iyon at pumasok sya sa Bingbing.

Pero anong ginagawa nya dito't sino ang mga kasama nya?

At bakit sya papasok sa tindahan ng laruan?

Pinag-buksan nya ng pinto ang babae at ang batang kasama nito. At nang rumehistro at makita ko kung sino ang kasama nyang pumasok sa loob, nagdesisyon akong pumasok rin at hindi magpakita sa kanila.

Sila pala.

Sya na ba ang batang iyon? Kung gayon ay siguradong dalawang taon na sya ngayon. At ang babaeng kasama nya...  hinding hindi ko makakalimutan ang perpekto at anghel na mukhang iyon.

"Baka ma-spoil ang bata sayo at masanay sa mga laruan..."

"..."

"Ayos lang yan, para sa kanya naman iyan e... Ang cute cute nga oh, tingnan mo."

"Tsaka premyo nya yan kasi hindi sya umiyak nung tinurukan sya kanina." -Dagdag ng lalake at inilagay ang napiling laruan sa cart na tulak nila.

"..."

"..."

"Bakit hindi nalang kaya itong headband na ito ang bilin natin, para pareho kayo?" -Pang-aasar ng babae sa kausap nang makita nya ang isang cat-ear na headband, pero kaagad sya nitong tinanggihan.

Hindi.

Bakit ganito?

Bakit rinig na rinig ko ang usapang iyon?

"Ayoko nyan. O tingnan mo, ang bilis nya na maglakad o, parang kabisado nya yung buong shop." -Ibinalik ng lalake ang headband sa lagayan nito at pinagmasdan ang batang maliit habang paunti-unti ang hakbang sa paglalakad.

Ako nama'y ibinalik ang aking sarili sa kung nasaan ako. Kinuha ang phone at nagtype ng message para sa aking asawa. Mahal, ingat ka riyan, ha. Naramdaman ko lang na gusto kong sabihin iyon sa kanya ngayon.

Teka, anong nangyayari?

Bakit basa ang mga mata ko?

Umiiyak ba ako...

...Habang nanunuod sa isang masayang pamilya?

Pagkatapos ng patagong pagmamasid at huling mahinang salitang narinig ko mula sa babae, pinili kong tumalikod na lang palayo

"Sabihin mo kung paano ako makakabawi sa ginawa mo para sa anak natin, Leedo."

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon