16

14 1 0
                                    

"O bakit ngayon lang kayo?"

Tanong ko sa mga lalakeng dumating na isa-isang naupo. Hindi nila ako sinagot at nakikuha sa serving ng fries na inilabas ko.

"Wala ka yatang trabaho ngayon , Kanghyun?" -Si Seoho na kanina pa narito kasabay ni Leedo, ang tinanong nya nama'y nag-strum lamang sa gitarang hawak.

"Nung niyaya ko yan na pumunta rito, sumama kaagad. Dati rati sasabihin nyan kulang pa ang pang-tuition nya kaya't ayaw palaging sumama." -Harin.

"Yung si Cya naman ang wala ngayon. Mga kabute ba kayo?" -Ravn.

"..."

"Hoy Ravn, hindi mo inayos ang garahe ng kotse mo.  At kayo, hindi ko kayo pinatawag para makiinom dyan sa mga propesyunal na iyan." -Biro ko sa aking mga ka-banda.

Nag-receive na ako't lahat ng mga ipinadeliver na supplies ni papa pero kadarating lamang ng mga siraulong ito.

"Si Seoho at Leedo lamang ang tinutukoy kong professional. Hindi kasali ang mga drag-racer doon." -Agad namang napatingin sa akin si Ravn.

"Yonghoon, kung hindi profession ang pangangarera, edi hindi rin propesyon iyang pagbabanda nyo." -Hindi talaga sya magpapatalo sa asaran.

Sumimsim sya sa hawak na doubles at saka demepende sa kinauupuang side chair.

"Tingnan mo, kung hindi pa malalamang tutugtog kayo ay hindi dadayuhin itong bar ng daddy mo." -Si Ravn at hindi parin nawawala ang kahambugan sa mukha nya.

Hindi ko na kailangang lingunin pa ang bilang ng costumers ngayong gabi. Sa totoo lamang ay tama sya, sa hanay ng mga bar dito sa Jung district, ito na yatang sa amin ang nangungulelat sa benta. Kung hindi pa nga kami madalas tumugtog dito ay hindi pa talaga bebenta ang bar na ito.

Walang-wala dyan sa katapat na college bar rin. Yung Jaws Pub na halos gabi gabi ay toxic sa dami ng pumupunta. Hindi ko alam kung sa bartending sila magaling o kung ano mang mayroon ang lugar na iyon.

"Sya nga pala, boys..." -Putol ko at kaagad nakuha ang atensyon ni Kanghyun at Harin.

"..."

"...Nag-sign up na ako para sa Lantern Festival."

"Lantern Festival? Sa November pa iyon ah." -Tumango lamang ako kay Seoho.

"May TF ba ang local band?" -Seoho.

"Wala. Pero publicity, diba. Tsaka naka-live broadcast iyon sa local channel kaya artista na ang Regulus band." -Paliwanag ko.

"..."

"Iistorbohin mo nanaman ng rehearsals ang mga klase namin, ha hyung?"

Ito talagang si Kanghyun---lugain. Kung minsa'y hyung ang tawag nya sa akin, kung minsan nama'y Yonghoon lamang. Mahal nya ang banda pero hindi sya nawawalan ng palusot kapag para sa part time job nya.

"Ano pa bang ire-rehearse nyo e halos maya't maya na kayong tumugtog dito, di pa kayo nasanay?" -Ravn.

"Syempre mas maraming manunuod sa festival." -Ako.

"..."

"Bukod pala sa presensya ni Kanghyun ay himala rin ang presensya nitong si Gunhak." -Nabaling ang atensyon naming lahat nang banggitin ni Seoho ang pangalan ni Leedo.

Bukod sa madalang syang makisama sa amin ay hindi rin sya inaabot ng ganitong oras sa inuman. Alas nuwebe na ng gabi at kadalasa'y nauuna syang umuwi bago ang lahat.

Pero ngayon ay heto sya, malayo ang iniisip at parang tangang palagok-lagok sa hawak ring doubles.

"Kausapin nyo yan baka humiwalay na ang kaluluwa nyan sa sobrang lutang." -Isa isa kong inilagay sa ash tray ang mga upos ng sigarilyo ni Ravn at Harin mula sa ibabaw ng mesa.

"Kim Gunhak. Kailan ka pa dyan?" -Mula sa kinauupuan ay lumipat si Seoho sa tabi ng kaibigan para lamang akbayan ito at asarin.

Kanina pa narito si Leedo at sadyang tahimik ito palagi noon pa man, pero iba ang katahimikan nya ngayon.

"May problema yata ang kaibigan kong pamilyado ah. Ano ba yon?"

"Kilabutan ka nga Seoho." -Leedo.

"Hoy members, mamaya na kayo tumagay pag tapos ng gig natin." -Ako at inabot pabalik ang acoustic na gitara kay Kanghyun.

"Hyung, tingnan mo yon oh."

Si Kanghyun iyon at inginuso sa akin ang grupo ng kabataan malapit sa VIP section. At nang mag-adjust ang mata ko sa liwanag ng magulong ilaw ay tsaka ko naaninag kung sino ang isa sa mga iyon.

"Sandali lang ha, mag-assemble na kayo riyan at may sasaglitin lamang ako." -Patalikod na ako nang tapikin sa balikat si Harin bilang paalam.

Ilang hakbang na lumakad palapit sa mga taong pupuntahan ko at bago makalapit sa kanila ay luminaw na kaagad sa aking pandinig ang kanilang usapan.

Ang mga gagong to ah, dito pa talaga sa sarili naming bar napiling manarantado. At sa kapatid ko pa talaga.

"Sige na, Saga. Iniimbita ka lang nung kaibigan ko sa table namin."

"Hina ko naman pala sayo. Para naman tayong hindi magkakilala nyan e."

"Bakit ba ang kulit mo? Anong pakialam ko kung birthday nyang kaibigan mo? Gusto mo bang ipagsindi ko pa sya ng kandila?"

Yan, Saga. Ganyan nga. Dyan mo gamitin ang kamalditahan mo.

"E bastos naman pala kausap to e."

"Gusto yata ng bastusan nyan, tol e."

"Anong bastos? Ikaw ang bastos. Nakita kita uminom ka sa pitsel kanina e may baso naman. Wala kang manners."

Pffft---pati ba naman iyon ay napapansin ng kapatid ko?

"Shin, pano ba to? Tinanggihan ka nanaman ng chick."

Nilingon ko ang lalakeng nakaupo sa VIP na sa palagay ko ay syang ring leader ng mga hambog na ito. Marahan syang tumayo ng nakapamulsa at nilapitan ang aking kapatid. Si Saga nama'y magka-krus lamang ang mga kamay at nangunguna nanaman ang nguso sa pagsimangot.

"..."

Aba teka. Hindi na sana ako kikibo, maliban nang haplusin ng lalakeng iyon ang pisngi ng kapatid ko at ang buhok nitong pang-unicorn. Nauubos ang laman ng card ko sa kapapabili ni Saga sa mga hair-dye na iyon, hahaplos-haplusin lang ng kunsino?! Teka nga muna---Ibang usapan na ito---

"Hyung. Ako na. Kilala ko ang mga yan." -Naramdaman ko ang pagpigil ng isang lalake sa aking braso.

Si Xion iyon.

Ano nanaman kayang agenda nya rito. Sa tuwi-tuwina na lamang na tutugtog ang kakambal nya kasama namin ay lagi rin syang naka-vip pass. Nalulugi tuloy lalo ang bar na ito sa dami kong kaibigang puro pa-libre.

"Wala ka bang tiwala sa mukhang ito, hyung? Sige na bumalik ka na don sa banda mo."

"..."

"Bat ba ganyan ka tumingin, hyung? Lumayas ka na rito. Hindi ko pagagasgasan yang kapatid mo."

Kunsabagay, matagal ng kaibigan ni Saga ang kambal na iyon. Diaper buddies, sabi nga ng mga mama namin. Kahit na mas malapit si Saga namin kay Dongmyeong, maaasahan rin naman itong si Xion maski pilyo kung minsan.

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now