29

12 0 2
                                    

"Napipilitan ka lang yata e. Nakokonsensya ka ba, ha?"

Binibiro ko lamang sya pero lalong tumulis ang nguso nya sa pagsimangot. Mula kahapon ng gabi na maospital ako, nagising rin naman ako kaagad nang mag-madaling araw.

Ilang oras lamang akong nakatulog at dito na nagising.

Pero itong Saga na ito, hindi ko alam kung frustrated syang hindi ako na-comatose, o nakokonsensya sya sa sinapit ko. Wala kasi syang imik na kabaliktaran ng nakasanayan ko.

"..."

"Halika dito." -Ako.

Para syang tanga at halos magsalpukan ang kilay nang lingunin ako. Kagigising ko lang ulit at kadarating lamang din nya. Alam kong wala rin syang tulog dahil ang sabi sa akin ng kakambal ko, mula nang malaman ni Saga na narito ako, daig pa nito ang sinilihan sa puwet para puntahan ako.

At trenta minutos matapos ang gig kung saan sya nag-substitue kay Myeong, dumating raw kaagad si Saga at Yonghoon hyung. Gusto pa nga raw ng babaeng ito na magpaiwan dito at samahan ako pero pinauwi sya nina mama at papa para magpahinga.

Kung minsan talaga ay hadlang ang magulang.

Pero ayos lang naman dahil kasama ko ulit sya ngayon. Wala akong pakialam kahit na puyat sya, iisipin ko nalang na bayad nya ito dahil sa nangyari sa akin.

"Hoy."

"..."

"..."

"Ya! Son Dongju!"

Mukhang magsisimula na sya sa armalite nyang bunganga. Nalintikan na. Bakit ko ba kasi sya kinausap?!

"Ano nanaman ba?"

"At wag mo akong hino-hoy, mas matanda ako sayo ng sampung buwan."

"Lagyan mo naman ng lambing ang pakikipag-usap sak---Aray-aray ha!!!"

"..."

"Tumahimik ka kung ayaw mong ibalot ko yang buong ulo mo sa benda! Napaka-pabida mo rin talaga, no?!"

Aray---may sugat yon e! Wala talagang kontrol ang pasmaso nyang kamay sa pamamalo ng tao. Ano bang sinasabi ng baliw na to? Ang haba-haba ng nguso---naku, pag ako nainis...hahalikan ko to.

"Aling ulo ba?"

"O-o-o...biro lang---wag dyan, namamaga pa yan!"

Pigil ko sa palad nya nang akmang hampasin nanaman ako sa aking dibdib. Paano ba natatagalan ng kakambal ko makasama ang babaeng to?

Dapat sya ang kinalaban ni Wooshin at hindi ako.

"..."

"Sabi ko, halika. Lumapit ka sakin."

Alam ko naman kung anong ipinuputok ng butsi nya. Ang sabi ko kasi kay Myeong ay huwag ng sabihin sa babaeng ito, pero likas na madaldal ang kambal kong iyon.

Alam nya namang palaging pasugod ang siraulong ito at ayaw na naagrabyado. Kababaeng tao pero mahilig sa gulo.

Sino bang makakalimot na noong pre-school kami ay itinapon nya sa fountain ang rubber shoes nung kaklase nyang transferee na nambully sa kanya.

Na noong elementary ay sinadya nyang tapunan ng orange juice ang naipasang project ng pabibo naming kaklase sa mismong table ng teacher. Hindi lang yon, dahil alam kong sya rin ang sumabotahe sa tinanim na halaman ng batang yon para sa Home Economics namin.

Noong junior high naman, pinakain nya ng papel ang babaeng kaklase nya nang mahuli nya itong magkalat habang naka-assign syang maglinis na mag-isa. Well, hindi ko naman sya masisisi, first time raw nyang magkaregla non sabi ni Tita.

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon