10

20 2 0
                                    

"Second sem na pala diba, enrolled na ba kayo? Inuuna nyo nanamang diligin ang mga atay nyo."

Kumalog pa ang mga yelo sa loob ng bucket nang ilapag iyon ni Ravn sa mesa. Ako nama'y kauupo lamang ulit para tingnan si Henna sa kwarto. Alas nuwebe na ng gabi at kani-kanina ay nagpaalam syang mauuna nang matulog.

"Oo. Si Kanghyun na lamang ang hindi enrolled. Kaya ayon, kayod kalabaw sya ngayon." -Si Woong ang sumagot kasabay ang pagkuha sa slice ng lime.

"E itong kambal na to?" -Ravn.

"Enrolled na ko, hyung. Itong si Dongmyeong ang hindi pa." -Xion.

"Panong di ka mag-eenroll kaagad, ha? Kung nasaan si Saga...nandon ka rin. E kaya lang naman ako natagalan mag-enroll dahil itong Cya na to, nagpapa-intay pa." -Si Myeong na ang alam ko ay mas matalino kumpara sa kakambal na mas masipag namang mag-aral. Hahaha.

"Habol ka ng habol kay Saga, e si Cya naman pala ang gusto nun, Xion e." -Lalo pang ginatungan ni Seoho ang pang-aasar sa nakababatang kambal.

"E ito namang Cya, kaya natagalan mag-enroll dahil hinihintay rin yung nililigawan nya. Ewan ko ba, gulong-gulo na ako." -Woong.

"Ako ang gulong-gulo, kapatid ko yang pinag-uusapan nyo mga gago kayo ah." -Ibinaba pa ni Yonghoon ang hawak na baso para iduro ang magkakaibigang nag-uusap.

"Pasensya ka na, hyung." -Mabilis namang inalis ni Yonghoon ang pagkaka-akbay sa kanya ni Xion.

"Wag mo kong ma-hyung-hyung, Son Dongju ha..."

"...Hoy ikaw, Cya. Kung gusto mo yung kapatid ko, ayusin mo ang panliligaw don, sa bahay mo ligawan hindi sa school. Gago ka ah. Hindi kaladkarin ang Saga naming yon."

"Hyung, hindi mo ba narinig itong si Dongmyeong? May nililigawan akong iba." -Prangka at walang prenong sabi ni Cya.

"Yang katabi mo ang may gusto sa kapatid mo, hindi ako." -Sabay nguso ni Cya kay Xion na sya namang nilingon ni Yonghoon.

"Ako hindi lang sa bahay manliligaw hyung, pati sa kwarto at banyo kung gusto mo." -Xion.

"Ikaw? Manliligaw kay Saga? E manyakis ka e." -Natatawang sabi ni Yonghoon bago ilapit sa bibig ang bote ng alak.

Ang alam ko ay halos lumaki ng sabay ang dalawang kambal na ito at si Saga. Ito namang si Cya ay nakilala lamang nila dahil sa pagbabanda kasama ni Yonghoon. Kung tino ang titingnan, sa palagay ko ay lamang si Dongmyeong, pero itong dalawa ni Xion at Cya, hindi ako sigurado.

Sabagay, hindi rin naman ako sigurado kay Saga. Sa pagkakakilala ko sa batang iyon, napakamaldita nya kung minsan pero mas madalas syang walang tigil sa kasasalita. Imposible talagang magustuhan sya ng isang tahimik na Cya.

"Shhht. Tahimik naman oh, may pakikinggan lang ako." -Iniisa-isa nanaman ni Seoho ang pagsusuot ng kanyang earphones sa gitna ng inuman.

"Naku. Eto nanaman sya." -Puna ni Keonhee nang mapansin ang ginagawa ni Seoho.

Alas nuwebe nanaman kasi at simula na naman ng inaabangan nitong programa sa fm radio. Ang alam ko ay tungkol iyon sa pagbabasa ng messages galing sa kung sinu-sinong mysterious senders. Pero hindi iyon ang inaabangan ni Seoho kundi ang mismong DJ host para sa programang iyon.

Wala pa kasing nakakakita sa DJ na iyon maski sino. Hindi rin nagbibigay ng clue ang channel lalo na at mas sumikat ang programa dahil sa misteryosang DJ na may napaka-lamig na boses. Ang sabi ng ibang kapwa nya DJ na spoiler sa totoong personality nya, maganda raw ito at napakamasayahing tao.

Ang alam ko, ang mismong DJ na iyon ang pinadadalhan nitong si Seoho ng kung anu-anong mensahe ng panliligaw. Kung bakit nagtyatyaga sya sa ganoong klase ng ka-cornyhan, hindi ko rin talaga alam ang dahilan.

"I-speaker on mo nga yan, Seoho hyung, para mapakinggan rin namin." -Myeong.

"May napapala ka ba sa ginagawa mong iyan, Seoho hyung?" -Si Xion na alam kong sisimulan nanaman ang pang-iinis sa nakatatanda. Pero si Seoho kasi ang taong kahit suntukin mo, ngingitian ka muna at hihintaying magpaliwanag bago ka nya gantihan.

"Meron." -Seoho.

"..."

"Kahapon lang..."

"...Dumaan ako sa station nila sa Dongdaemun district at nag-iwan ng regalo para sa kanya."

"..."

"O ano naman, hyung? Binigyan ka rin ba ng kapalit?" -Xion.

"Tumahimik ka nga muna, patapusin mo muna si hyung." -Saway ni Dongmyeong sa kambal nya.

"..."

"Ano bang laman nung regalo, hyung?" -Mukhang pati si Cya ay intresado rin sa lovelife nitong si Seoho.

"Ah yon? Bracelet yon." -Malawak ang ngiti ni Seoho at nakikita kong gustong-gusto nyang pag-usapan ang tungkol doon.

"Pero pinalitan ko yung pendant nun ng personalized kaya sya lang ang mayroon non."

"Tapos nag-iwan ako ng sulat sa loob nung kahon..."

"...Sabi ko sa kanya, mag-play sya ng isang kanta ni Bruno Mars sa buong program nya kapag natanggap nya na ang regalo."

"At tatlong kanta naman ni Bruno Mars kapag gusto nyang hanapin ko sya gamit ang pagkakakilanlan ng bracelet na iyon..."

"..."

"..."

"...At sa buong program, tumugtog ang It will rain, Versace on the floor at Talking to the moon nang magkakasunod."

Mga naka-tanga kaming lahat sa pagkukwento nya. Pati ako. Dahil matagal na rin akong nagtataka kung bakit sya nagkagusto sa babaeng hindi pa nya nakikita. Walang nakakakilala. At wala pang nakakakita maliban sa mga kapwa nga DJ na itinatago rin sya ng maigi sa publiko.

"Wow hyung. Sa lawak ng South Korea, san mo hahanapin yan? Kahit na sa main station mo ipinadala yung regalo, sa dami ng radio stations--- Wag mong sabihing babasehan mo lang yung pendant na iyon at yung boses nya?!" -Woong.

"Oo nga hyung. Para kang naghanap ng dayami sa tumpok ng karayom nyan---Ouch! Masakit gago ka talaga!" -Daig pa ni Myeong ang babae nang pingutin nito ang tenga ni Xion dahil sa walang kwentang sinabi.

Ininom muna ni Seoho ang lamang alak ng hawak na baso bago sagutin ang tanong ng nakababatang kaibigan. Tiningnan ito ng may mas malawak na ngiti at halos mawala ang mga mata dahil doon.

"Ano ba kayo? Napakadali lang nyan. Wala ba kayong tiwala sa Seoho hyung nyo?" -Seoho.

"..."

"Nasa Seoul ang main station nung radio channel, hindi ba?" -Tumango naman kaagad si Woong sa kanya bilang pag sang-ayon.

"..."

"...At noong iwan ko iyong bracelet sa station ay alas otso na ng gabi. Nagsimula ang programa nya ng alas nuwebe at natanggap nya na ito kaagad sa loob ng isang oras."

"..."

"..."

"Ibig sabihin... Nung dalhin mo yung regalo... Maaaring naroon mismo sya sa loob ng station at hindi kunsaang bahagi ng bansa, ganun ba hyung?" -Myeong.

"Talino mo rin e, no? Daig mo pa ang tanim-bala sa ginawa mong yan ah." -Yonghoon.

"..."

"Hindi naman. Ginamit ko lang yung bracelet para malaman kung gusto ba nyang makilala ko sya. At isa pa, nasa Seoul lang din talaga ang gamit nyang area code noon pa man."

"..."

"Kaya..."

"..."

"..."

"..."

"...Malapit ko nang makita si DJ Kao."

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Место, где живут истории. Откройте их для себя